EPISODE NINE
"Enigma"Sa pagpapatuloy...Sa Isang madilim na bahagi ng gusali kung saan nagtatago ang mga nilalang ng dilim na pinamumunuan ng isang nilalang na tinatawag nilang enigma."Kamusta ang misyon mo?" Tanong ng Isang babae na naka belong itim."Matagumpay kung nakuha ang mga kelangan mo." Sagot ng Isang babae sabay abot sa babaeng naka belong itim ng dalawang garapong maliit."Kaninong mga regalo ito?" Tanong ni enigma."Ang hydrokenisis at Cyrokenisis Mahal na Reyna." Ngiting sabi ng babaeng nag abot sakanya."Magaling, Hindi kaba nila pinag hihinalaan?" Tanong nya sa kanyang alagad."Hindi naman po, Kay bilis lang nilang mapaniwala. Ngunit may Malaki tayong problema tungkol sa apat na asungot!" Wika ng babae. Hinawakan ni Enigma ang babae at iniharap sa salamin na tanging liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing tanglaw nila upang Makita ang kanilang mga itsura."Bakit Julianne, Anong tungkol sakanila?" Tanong ni enigma."Mag iingat Tayo, lalong-lalo na kina Leah at Dave. Nadidiskubre na nila ang kanilang mga gift. Alam na nila kung Anong gagawin at para saan. Mukhang mahihiraman Tayo!" Wika ni Julianne."Kung ganun, maraming salamat. Hanggat maari, harangan mo ang mga visions na nakikita ng clairvoyant. Iba ang ipakita mo sakanya. Ako naman ang bahala sa lahat." Wika ni Enigma. At agad niyang hinubad ang kanyang suot na belo. At dito mas nakita pa ng salamin ang kanyang Mukha."Hindi ba sila nag tataka kapag pinapalitan mo si Miss Gemma?" Tanong ni Julianne."Hindi naman, magaling ako sa ganyan. Kilalang kilala ko si Gemma." Wika ni Enigma."Oo sinabi mo nang Kakambal mo sya." Sambit ni Julianne sabay taas ng kilay."Oo, si Gemma at si Bonch." Wika ni Enigma at muling inaalala nya ang mga panahong mga bata pa sila. At tanging si Gemma lang ang nakakatanggap ng papuri dahil sa kabaitan nito. Hindi katulad ni Bonch, sang-ayon sya sa mga adhikain ng kanyang mga kauri ang sakupin ang buong Novaria. Kaya napilitang umalis si Gemma sa kanilang lugar at namuhay sa Novaria."Kahit kelan pa bida, mapa Novaria man o dito sa Mundo ng mga tao. Pero okay lang sisirain ko sya sa harap ng kanyang mga minamahal na Ahente." Ngiting Sabi ni Bonch o enigma.Samantala sa Novaria..Nasa matinding pagsasanay si Madisson kasama si Marilyn."Tandaan mo Madisson, Ikaw at si Marilyn ay iisa. Kung anong sugat Meron ka, nagkakaroon si Marilyn. Kaya kelangan mong maging malakas. Lalo na sa pisikal mo." Wika ni Gemma."Miss Gemma napapagod na kami ni Marilyn." Wika ni Madisson habang katabi nya si Marilyn."Sandali wag ka namang sobrang higpit sakanya Gemma." Wika ni Rose kasama ang kanyang alagang pusa na si Cotton. Na sobrang puti ng balahibo."Rose Ikaw pala, kamusta ang pagmamatyag mo sa earth?" Tanong ni Gemma."Ganun pa din, konting pagsasanay nalang malapit na nilang ma diskubre ang kanilang tunay na gift." Sagot ni Rose."Kung ganun, maari mo ba akong palitan sandali. Babalik muna ako ng palasyo upang may Isang guni Kay Queen Victoria." Wika ni Gemma. At tumango lang si Rose bilang pag sang-ayon. Mabilis namang umalis si Gemma sa Lugar at naiwan nalang ang dalawa."Miss Rose. Pwde bang pa turo naman nung ginawa nyong malaking pusa si Cotton." Sabi ni Madisson."Madali lang.." ngiting Sabi ni Rose.Balik sa earth kung saan nagsasanay silang apat kasama si Randy."Ang tamang paghawak ng espada dapat ilagay mo ang pwersa sa hawakan ng espada." Sabi ni Randy ay punta sa likod ni Beam sabay yakap at bulong."Katulad ng paghawak mo sa toot ko dati." Pilyong wika ng lalaki. At namula ang Mukha ni Beam dahil sa winika ng dating kasintahan.Habang Sina Angel, Leah at Dave naman ay kinikilig sakanilang dalawa. Nang biglang tumunog ang cellphone ni angel na agad namang nyang sinagot."Yes po ako nga po." Sagot nya. Ilang sandali pa ay nagmamadaling umalis si angel. "Saan ka pupunta sis?" Tanong ni Dave."Gising na si Sam. Pupuntahan ko sya." Sambit ng babae."Aba sasama kami." Wika ni Leah."Tayo na." Usal ni Angel at nagmamadali silang mag tungo sa Ospital."Kelangan ba talagang mag miniskirt kapag pupunta ng ospital? Hindi naman Ganito ang outfitan mo ate nung binisita natin si Madisson." Tuksong wika ni Beam."Kelangan kung maging maganda ano kaba. Pasyente itong pupuntahan natin. Kasi Sabi ng doktor dapat puro magaganda lang ang makikita ng may sakit. Yun lang Mali natin Kasi di Tayo nag paganda kaya di gumaling agad si Madisson." Sagot ni Angel."Nandito na Tayo Tama na yan." Wika ni Leah at mabilis na pinihit ang pintuan.Dito nakita nilang gising na si Sam. Mabilis na lumapit si Angel."Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Angel."Ayus na maraming salamat sainyo." Sagot ng lalaki at kinuha nya ang kamay ni Angel at Sabay halik dito."Bakit puro love life, kanina si beam ngayon si sis angel nanaman. Ayuko na!" Pagpapatawa ni Dave."Hayaan mo sa next episode sex life mo nanaman." Tukso ni Beam sakanya."Anong nangyari Sam?" Tanong ni Leah."Hindi ko alam, Basta may nakausap akong Isang babae at siya ang nag Sabi saakin tungkol sa kabet ng asawa ko. Pero, matagal na kaming hiwalay ni Evelyn, mag tatlong taon na. Hindi ko alam bakit ko na gawa yun." Naiiyak na Sabi ni Sam."Wag Kang mag alala, na revive ko ang asawa at yung bagong kinakasama nya. Wala din syang maalala tungkol sa nangyari bago mo sila ginawang yelo. Pero namumukhaan mo ba ang babaeng kinausap ka?" Tanong ni Leah."Hindi ako sure, pero kapag nakita ko sya makikilala ko sya. At nasa office lang naman kami nag usap nun." Sagot ni Sam."Kapag nakita mo ba ang babaeng yun, makikilala mo ba sya?" Tanong ni Beam."Oo. " Sagot ni Sam.Ilang sandali pa ay dumating na si Julianne at humahangos ito."Ate natanggap ko ang text mo, nagising na si Kuya Sam?" Ngiting Sabi ni Julianne."Text? Anong text?" Pagtatakang sabi ni Beam."Oo, tingnan mo." Sambit ng babae at agad niyang ipinakita ang text message na galing Kay beam."Oo nga, wait I'll check. Hindi ko Kasi maalala na nag text ako Sayo na papuntahin ka dito." Wika ni Beam. Habang hinahalungkat ni Beam ang kanyang bag. Mabilis naman ang mga kamay ni Julianne upang ikumpas ito. At nakita nga sa create message ni beam na nag text sya Kay Julianne."Baka nakalimutan ko." Sabi ni Beam."Makakalimutin kana ate beam, Teka Kuya Sam kamusta kana?" Ngiting Sabi ni Julianne. "Ayus lang naman." Sagot ni Sam, ngunit Hindi nya alam na nakita pala sya ni Angel at Leah sa kanyang ginawang pag kumpas kanina. Nagkatinginan Sina Angel at Leah pagkatapos Nila itong Makita."Sino ka ba talaga Julianne?" Sabi ni Leah sa kanyang isipan.Pagkatapos ng mahabang Araw, habang pauwi si Dave galing sa grocery store. Aksidente nyang nabangga ang Isang lalaki at tinulungan Naman syang mag pulot ng mga nahulog."Pasensya na di Kasi Kita nakita." Wika ni Dave."Ayus lang, ako din Naman ng mamadali ako. Tulungan na Kita." Sabi ng lalaki."Nako ayus lang, kaya ko. Na pasensya na ulit." Sambit ni Dave nang sabay nilang pulutin ang Isang mansanas nagkalapat ang kanilang mga kamay. Sabay silang nagkatinginan at nagulat si Dave ng makilala nya ang Mukha ng lalaking nakabangga nya. At ganun din ang reaction ng lalaki sakanya ng makilala sya nito."Kamusta kana?" Ngiting Sabi ng lalaki..Itutuloy...