webnovel

Chapter 1

So this is what college life looks like. Naglalakad ako sa hallway ng University patungo sa Civil Engineering Department. I never been encounter a real life of a college student. Home-school ako dahil sa trabaho ko.

"Hi, miss." inismiran ko ang lalaking tumawag sakin. Napasipol naman ito sa ginawa ko at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nakasuot ako ng fitted jeans at button up white shirt na hapit sa katawan ko. Tiningnan ko ulit ang schedule ng klase na dala ko at yun din ang schedule ng lalaki.

9am pa naman ang klase at 8:30 pa kaya minabuti ko munang lumiko at pumunta sa banyo.

Pumasok ako sa loob ng cubicle at umihi.

"Ahh. Yes baby.. oh fuck!hmm harder pleasee." a girl moans, my eyes widen when I hear groans and moans. Nasa kabilang cubicle lang sila.

Mabilis akong lumabas ng matapos ako at naghugas ng kamay. Natahimik naman ang nasa kabilang cubicle at nagulat ako ng biglang lumabas ang babae mula dito.

"Ohh." kunyaring gulat pa ng babae ng makita ako pero umalis rin naman.

Lalabas na sana ako pero  napatingin ulit ako sa cubicle na nilabasan ng babae dahil may lumabas na namang lalaki mula dito.

"Webster Dect.." the words mumble from my mouth before I could stop them.

Napangisi naman ang lalaki at mataman akong tiningnan. "You know me?" he asked.

"n-no..no." nauutal kong sagot, ghad!this is so not me!

"I heard you call me by my name. I think I just met my die-hard fan." kaswal na sabi nito at naglakad palabas. Naiwan naman akong hambog na napanganga at napameywang. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya!

I'm not your fan! Idiot!

Inayos ko muna ang sarili ko at naglakad ulit. Sumakay ako sa elavator at naglakad na naman. Nasa 4th floor ng CEdept ang kinuhang specialization course or field ko na Structural Engineering (STE) at nakatingin na ko ngayon sa room ko kuno.

Laki ng sinakripisyo ko sayong lalaki ka! Psh.

Iwinaksi ko ang nasa isipan, bumuntong hininga at pumasok sa loob. Tiningnan naman ako ng mga studyante pero hindi ko nalang pinansin. Luminga ako sa kaliwa at nakita ko si Webster Dect na nakaupo at nakayuko sa arm chair sa may bandang likuran. I should seat next to him at yun ang ginawa ko. Nilingon naman niya ako pero di ko siya pinansin.

"Are you following me?" tanong ni Web sakin kaya't binalingan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Do I look like one?" nginisihan ko ang lalaki. I know he's a playboy but I shouldn't be intimidated with him.

"Psh. Stop flirting with me, you're not attractive at all." pasiring niyang sabi sakin.

"And so are you." walang gana kong sagot habang nakatuon ang atensiyon sa harapan ng mga studyante na palihim na nakamasid samin.

"I'm attractive and I'm confident in that." he said with more confidence.

"No. You're not confident, you're arrogant. And that's not attractive." I smile at him and he's about to exclaim when the professor came.

"Okay! Since this is your last year in college, let me ask you some questions to test your skills. " agarang sabi ni Prof ng makarating sa lamesa niya.

"What does the Structural Engineers do?" tanong ni Prof sa lahat pero walang sumagot, dinig ko namang bumungisngis si Web sa tabi ko.

Malakas na inilapag ni Prof ang dalang mga libro na nagpagulat sa lahat pero di man lang ako natinag, at ramdam kung ganon din si Web.

"Myghad! Fourth year college na kayo pero nasaan ang mga utak ninyo? You're taking up the field of Civil Engineering which is Structural Engineering for pete's sake! Tapos di niyo alam kung ano ang ginagawa ng STE?!" mahabang litanya ni Prof.

"Nixon! Themara Nixon?" tawag ni Prof sakin kaya tumayo ako.

"What does the Structural Engineers do?" tanong ni Prof sakin.

"Structural Engineers ensures that buildings and bridges are belt to be strong enough and stable enough  to resist all appropriate structural loads." sagot ko at umupo ulit.

"Very good! kayo, kayo mismo ang tinutukoy diyan kaya hindi ko alam kung bakit hindi niyo masagot! Simple question everyoneee!" inis na sigaw ni Prof. Napalingon naman si Prof sa gawi ko pagkatapos ay napatingin siya kay Web.

"I'm Professor Brandon Amantillo. I'm teaching you about Conceptual structural design so be ready to listen carefully." saad ng ginong at tiningnan ulit si Web. Bagaman ay alam kong gusto lang makinig ng prof ang binata pero bakit parang binabantayan niya talaga? Nagiging judgmental nako. Psh.

Nang matapos na ang klase ay agad naman akong tumayo at lumabas. Papasara na sana ang elevator ng biglang harangan ito ni Web gamit ang kamay niya at pumasok sa loob, umusog naman ako kahit labag sa kalooban kung kami lang dalawa. Mahabang katahimikan ang namagitan samin.

He clear his throat. "So how did you know my name?" he ask while looking at me. His voice is intimidating as f*ck but I choose to focus my attentions in the front, not minding his glares.

"Is that really matter, mister?" I asked. Iniwas naman niya ang tingin sakin. He breathe in a harsh way.

*Ting*

Agad akong lumabas at naglakad.

I can't handle that guy's attitude!

"So you want the both of us to be in bed? Fine! Your place or mine?" napahinto ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang lumingon kay Web nang sumigaw ito. Nagkumpulan naman yung mga babaeng studyante at inis akong tiningnan.

"Oh my god! No way!

"Web is mineee!"

"Ano ba yan! Kakainis!"

"Ang landi tss."

Marami pa akong bulungang naririnig at parang nagpantig ang mga tenga ko.

"Fuck yourself moron!" sigaw ko at dali-daling naglakad. Wala  ba talagang alam yung lalaking yun kundi ang makipag s*x? O umuuso lang din? Psh.

Agad akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse. Hindi na ko papasok sa tatlong subjects, at hindi naman talaga dapat ako nag aaral ng ganon.

Habang nagmamaneho ay hindi mawala sakin ang sinabi ni Web.

"So you want the both of us to be in bed? Fine! Your place or mine?"

"So you want the both of us to be in bed? Fine! Your place or mine?"

"So you want the both of us to be in bed? Fine! Your place or mine?"

"So you want the both of us to be in bed? Fine! Your place or mine?"

Mariin kong tinapakan ang brake at inis na inis na pinikit ang mata. I need to call Kyry..

Bumuntong hininga ako at pinaandar ulit ang kotse.

"Hello?" sagot ni Kyry sa kabilang linya.

"Let's meet." utos ko rito.

"Bad mood eh?" natatawang tanong niya.

"Spring's Cafe." sabi ko at pinatay ang tawag.

"WHATTTT?! " walang pakealam si Kyry nang ubod ng lakas siyang tumawa kahit maraming tao pagkatapos kung i- kwento sa kanya ang lahat.

"Oh shut up."  I rolled my eyes.

"Seriously? pfftt. Alam kung playboy yang alaga mo pero pfft HAHAHAHA inaya kang mag s*x ng ganon kadali ay mali! Ikaw pala ang nag aya HAHAHAHA." sinamaan ko ng tingin si Kyry dahil sa sinabi niya.

"Buti nalang at di mo pinatulan HAHAHAHA" aniya kayat pinanliitan ko siya ng mata. "I mean, sinuntok mo or what. Ang halay ng utak mo." saway niya sakin.

Nag ring naman ang cellphone ko. Nagtatanong naman ang mata ni Kyry ng mapatingin ako sakanya. I mouthed "Dad. "

"Dad." tipid kong bungad dito.

"How's your day?" tanong niya sa kabilang linya.

"Hire another person for this job." diretso kong sabi kay dad at nilingon si Kyry, sinita niya ako gamit ang mata.

"I want you to handle that guy, Themara."

"I can't."

"Why?" tanong ni Dad. Hindi ko naman pwedeng sabihin yung kanina tss.

"He's a playboy."

"I know."

"Alam mo naman pala, kaya hindi ako pwede." pagmamaktol ko.

"Nasimulan mo na, tapusin mo." anito, napabuntong hininga nalang ako. Hindi na talaga magbabago ang desisyon niya.

"Fine." hindi ko maitago ang inis sa boses ko.

"Themara.."

"What?" tanong ko.

"Protect him at all cost." utos nito at pinatay ang tawag.

"Bakit ba kailangan pang protektahan ang playboy na yun? Eh lalaki naman yun." bungad ni Kyry sakin ng mailagay ko ang cellphone sa mesa.

"Attorney ang ama niya, at balitang maraming kaaway." sagot ko at ininom ang inorder kong kape.

"They can hire a private bodyguard." sabi pa ni Kyry kaya napaisip naman ako.

"Yeah. Pero alam naman nating may nalalaman ang ama ko, na hindi niya sinasabi.. kung ano ang inutos niya, yun ang susundin natin." sabi ko. Oo pareho kami ng trabaho ni Kyry. A secret Agent.

"Kamusta kayo ng pinsan ko?" tanong ko kay Kyry ng bigla siyang matahimik.

"Hindi nga ako pinapansin non, nabuburyo daw siya sa boses ko." pagmamaktol ni Kyry kaya napatawa ako.

"Masungit yun, sobra. Mag ingat ka."

"Tss. Mahal ako non eh."

"Wag kang assumera." Napasimangot naman si Kyry sa sinabi ko kaya mas natawa ako.

Gabi na nang matapos kami ni Kyry. Kumain nalang kami sa isang restaurant dahil alam naman naming walang magluluto samin. Papauwi nako sa bahay at ramdam ko na ang antok ko habang nagda drive.

I put my thumb at the fingerprint scanner, binuksan ko na ang pintuan at umakyat sa taas ng bahay ko. Yes, I had my own house and cars. Pagbukas ko sa kwarto ay pumunta agad ako sa kama at humiga.

Tiningnan ko ang cellphone ko at tiningnan ang GPS. Nilagyan ko ng GPS tracker ang sasakyan ni Web para alam ko kung saan ang mga lakad niya.

Nightclub

Shet! Wala bang balak ang lalaking to na pagpahingahin ako? Agad akong tumayo at nag bihis. Sinuot ko ang gray fitted jeans ko at fitted sleeveless top, nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng light make up.

Sumakay nako sa motor ko at pinaharurot ito patungo sa nightclub.

BUMUNGAD sakin ang mausok na lugar at mga nagsasayawang tao sa dance floor, Pumunta naman ako sa counter at umupo sa upuan doon.

"One fruit cocktail." utos ko sa bartender. Medyo natawa pa ito sa sinabi ko. What? Did he expect me to drink hard alcohol? Nilinga ko naman ang mata ko sa kung saan at nakita ko na sa wakas ang hinahanap ko. Nakaupo si Web sa isang mahabang sofa na may mga lalaki at babae na nag iinuman, may babae pang nakaupo sa kandungan nito. Tanaw na tanaw ko sila dahil hindi naman sila malayo mula sa counter.

Napatingin ako sa bartender nang ilapag niya ang inorder ko.

"Hey miss." bigla namang may lumapit sakin na lalaki.

"No" agarang pag tanggi ko.

"What? No kiss just fuck?" nginisihan ako ng lalaki.

"You're not my type."

Akmang hahawakan ako ng lalaki sa beywang pero agad kong dinampot ang kamay niya at hinigpitan ito ng hawak.

"Ayaw ko sa mga lalaking hinahawakan ako." may diin kong sabi at mas diniinan pa ang paghawak ko sa kamay ng lalaki, pansin ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya.

"Okay. Okay!" pagsuko ng lalaki kaya binitawan ko ang kamay niya  agad namang umalis ang lalaki habang hawak ang kamay.

Tiningnan ko ulit si Web sa inupuan niya kanina at wala na siya don. Ininom ko muna ang inorder ko at tumayo. Naglakad ako papunta sa taas gamit ang hagdan. May mga kwarto doon kaya posibleng nandon si Web.

Nakita ko naman si Web at yung babae kanina na kakapasok lang sa isang kwarto kaya mabilis akong naglakad papunta sa kanila. Nasa harap na ko ng kwarto pero imbes na pumasok, sumandal nalang ako sa pintuan. Ayaw kong makakita ng kababuyan tss.

Ipinikit ko ang mata ko dahil sa pagod. Walanghiyang lalaki to, dinamay pa ko sa mga kalokohan niya.

"Miss, nandiyan ba si Webster Dect Howard?" tanong ng lalaki sakin kaya dinilat ko ang mukha ko. Tatlo sila at pawang may suot na itim na coat.

"Baket?" tanong ko.

"Tinatanong kita.." may pagbabanta sa boses ng lalaki. Tiningnan ko naman ang kamay ng lalaking nasa likod lang ng coat.

"Baket nga?"

"Hindi mo gugustuhing madamay dito kaya tumabi ka" pagbabanta ulit ng lalaki. Nginisihan ko lang siya at sinipa sa tiyan kaya napaatras ito, sumugod naman ang isa sakin at akmang sasaksakin ako ng hawakan ko ang doorknob pabukas kaya napasubsob ang lalaki sa sahig na nasa loob.

Sumugod ulit ang isa at akmang sasaksakin ako ng hawakan ko ang kamay nito at dahan dahang pinihit pababa kaya napasigaw ito sa sakit at nabitawan ang kutsilyo, sumugod naman ang isa kaya sinipa ko din ito at kinuha ang kutsilyo sa sahig atsaka sinaksak ang lalaking papalapit sakin.

"What the fuck?!" dinig kong sigaw ni Web dahil sa ginawa ko. Sumigaw naman ang kasama nitong babae.

"Magbihis ka na!" Walang lingon-lingon kung utos kay Web at yumuko ng ambaan sana ako ng saksak ng lalaki, sumugod naman ang isa pa kaya sinaksak ko ito sa sikmura bago lumingon sa niyukuan ko at sinaksak mula sa likod. Sabay na natumba ang dalawang lalaking duguan kasama ang una kong sinaksak kanina.

Napalingon ako kay Web na nanlalaki ang mga matang napatingin siya sakin at sa tatlong lalaki na sinaksak ko. Sumisigaw at umiiyak parin ang babae na kasama niya.

"Umalis na tayo dito." sabi ko kay Web. Kinuha naman niya ang puting tshirt niya at sinuot pagkatapos ay sumunod sakin nang lumabas ako, kailangan na naming lumabas dito dahil paniguradong may susunod pa.

"Ano bang nangyayari, babae? Ano yung kanina?!" pinaulanan ako ng tanong ni Web ng naglakad kami pababa sa hagdanan. Nangingibabaw parin ang lakas ng tugtog kaya imbes na pansinin si Web ay nagpatuloy akong maglakad. Mabuti naman at nakasunod lang siya habang pinapaulanan parin ako ng mga tanong.

Nakarating kami sa parking area at sumakay sa motor ko.

"Its yours?" hindi makapaniwalang tanong ni Web pero makikita ang pagkamangha sa mga mata niya ng sumakay ako sa motor ko. Binigyan ko siya ng helmet.

"Suotin mo." utos ko sa kanya. Sinunod naman niya ang utos ko. "Sakay." dagdag ko pero kinunutan niya ko ng nuo.

"Hoy babae, pumasok ka sa kwarto ko ng walang permiso pagkatapos may nakalaban ka at pinatay, tapos ngayon gusto mo kong su-----

"Sakay."

"May kotse ako."

"Sakay." pag uulit ko kaya wala siyang nagawa kundi sumakay sa motor ko.

"Can you explai-----

Mabilis kong pinaharurot ang motor ko kaya naputol ni Web ang sasabihin.

"Magdahan dahan ka naman babae, wala pa akong balak mamatay." pag rereklamo niya.

"Shut up"

"Pagbabayaran mo tong ginawa mo, babae." pagbabanta ni Web sakin kaya napangisi lang ako at mas binilisan pa ang pagmamaneho.

to be continued...

次の章へ