webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 16: Cookies of Gratitude from Kenny

Mga hapon na ng makauwi sa bahay nila itong si Barbie at pag bukas nya ng pinto si Kenny agad ang bumulaga sa kaniya.

"Ay palaka! Ano ba?! Bakit naman nandiyan ka?!"

"Buti naman at marunong ka pang umuwi."

"Tsss… problema mo? Umalis ka nga diyan."

Pero hindi sya pinalulusot ni Kenny.

"Ano ba?! Umalis ka nga diyan!"

"Huh! Nasaan si Thew? Hinatid ka ba?"

"Ano bang paki mo? Kita mo ngang kasama nya ko kanina di ba? Sa tingin mo ba hindi nya ko ihahatid?"

"Aba't!"

Binuhat nya ng sa pilitan si Barbie "hoy! Ibaba mo ko!"

"Tahimik!!!"

"KENNY!!!"

"Hindi mo na ko ginalang sumama ka pa talaga sa Thew na yon?!"

"Ibaba mo ko baliw ka!!!"

Hindi sya pinansin ni Kenny at dinala sya nito sa kwarto at ibinaba lang sa kama ng basta lang.

"Simula sa araw na ito hindi ka na lalabas ng kwarto hangga't hindi ko sinasabi!"

"Ano?! Baliw ka? Sige hindi ako lalabas pero isusumbong kita kay tito Bruce kung bakit hindi ako nakakapasok sa school!"

"Huh! Bakit sa tingin mo ba di ko na isip yon?"

"Ano bang problema mo?! Una, hindi kita tatay para pag bawalan akong lumabas at pangalawa, bakit ka ba nag kakaganyan? Panghuli, tumugil ka sa inaasal mo dahil hindi bagay sayo ang maging maalalahanin. Dahil simula pa lang alam ko namang hindi mo na ko o kami ng nanay ko na nandito sa bahay na ito."

"Oo ayoko sa inyong mag ina! Bakit? Dahil simula nung dumating kayo dito nag iba na ang pakikitungo sakin ni Daddy parati ka nalang nyang bukang bibig bakit yaya mo ba ko na dapat kang alagaan oras-oras? Ako pa dapat ang laging mag papasensya sayo? Kayo ang nakisiksik dito bakit ako pa ang kailangang mag adjust?"

"Fine! Hayaan mo sasabihin ko kay mommy na umalis na kami sa bahay nyo dahil hindi naman kami welcome dito!"

"Huh! Tapos ano? Ako ang magiging masama? Yan ka eh dyan ka naman magaling ang maging palaging nakakaawa!"

"Ohhh…tapos ka na? Kaya ba kapag na sa school tayo gusto mong lagi akong nagiging kaawa awa? Okay, sige mag hire ka pa ng mam bubully sakin o kung gusto mo mag hire ka pa ng hit man para mamatay na ko tapos mawawala na ko sa landas mo."

Hindi naman naka imik si Kenny at nakatitigan lang sila ni Barbie ng masama at hindi na nga nya na tiis nag walked out na sya.

"Huh! Hit man? Ano namang tingin nya sakin? Mamatay tao? Kainis! Ni hindi nya man lang ako hinayaang mag paliwanag." Ang pabulong bulong na sambit ni Kenny pag labas ng pintuan ng kwarto ni Barbie.

***

Maagang na gising si Thew at pumunta sya sa bahay nila Kenny para sunduin si Barbie.

"Oh? Ikaw pala, ang aga mo naman." Ang bungad ni Barbie na nag susuklay ng kaniyang buhok.

"Ah… susunduin kasi kita para isabay sa pag pasok. Bakit pala ikaw ang nag bukas ng gate? Ayos na ba ang ankle mo?"

"Ah…oo okay-okay naman na ko pero medyo masakit parin pero keri naman."

"Ohhh… I see…ahm… nasan si Kenny?"

"Umalis na sya."

"Eh?"

"Oo hindi ko na sya nakita nung na gising ako."

"Ohhh… ano ready ka na?"

"Oo saglit lang kukunin ko lang ang bag ko."

"Hmm?"

"Oo wait ka lang dyan ha?"

"O---Oo…"

Pag talikod ni Barbie pa bulong-bulong naman si Thew "nag suklay lang sya tapos ready na? kakaiba talaga sya sa ibang babae."

Samantala sa bahay nila Uno…

"Bro, ano bang trip mo na naman bakit kailangan ang aga nating pumasok antok na antok pa ko."Ang sambit naman ni Uno na pasakay na sa kaniyang motor.

"Wag ka ng maraming pang tanong hindi ako pumasok kahapon di ba kaya kailangan pa kopyahin mo ko ng notes mo."

"Notes? Eh halos wala namang ginawa kahapon tsaka grabe namang aga mong mambulabog dine samin. Excited ka pumasok?"

"Heh! Bilisan mo na!"

"Oo na!"

"."

Nang makarating sila Kenny at Uno sa school sinalubong naman sila ng mga estudyanteng nag aalok ng kanilang cookies.

"Sige na mga kuya bili na po kayo para sa T.L.E subject lang po." Sabi nung babaeng estudyanteng mukhang grade 7.

"Bakit kailangan nyong mag lako ng cookies?" Ang tanong naman ni Uno.

"Ahh… para po sa grade wala po ba kayong ganire nung nag grade 7 kayo?" Ang sabi naman nung lalaking kaklase nung babae.

"Wala, nag tanim lang kami at hindi ko matandaan na nag bake kami ng cookies di ba Bro?"

"Um."

"Ganun nga po may ibang kaklase po kami na nag tatanim kami naman po nag bake para sa classroom naman po namin ang kikitain ng pag bebentahan namin yung iba class fund po namin para sa darating na Christmas party po."sagot naman nung lalaking estudyante.

"Ohhh… kaya pala pero pare parehas naman ang Christmas party natin dito sa AGA ah."

"Opo pero gusto po kasi ng section namin na may extra kaming food and gifts sa isa't isa kaya yung maiipon po namin nakalaan na para sa Christmas party."

"O—Okay…"

"So, ilan po ang bibilin nyo?"

"Ilan nalang ba yan?"

Binilang nung babae at lalaking estudyante yung dala nilang cookies at nung na bilang nila "20pcs po na cookies nalang malalaki po kasi at tig iisa ang laman ng isang plastic."

"Sige bigyan nyo kong dalawa."

"Po?" Ang pa dismaya na sambit nung dalawa at binatukan naman ni Kenny si Uno.

"Pinag bilang mo yung mag bata tapos dalawa lang pala ang bibilhin mo? Buang ka talaga!"

"Eh bro, curios lang naman kasi ako tapos 25 pesos ang isa? Mamumulubi naman ata ako kung bibilhin ko ang 20pcs na yon."

Kenny sighed "sige ako ng bibili ng lahat ng yan pero… gusto kong ibigay nyo ang mga yan sa babaeng yon."

Napatingin naman yung dalawang estudyante at si Uno sa bandang left side nila kung saan makikita na kabababa lang ni Barbie ng kotse ni Thew.

"Eh? Bakit kasama ni Thew si Barbs?" Ang pa tanong ni Uno.

Binigay naman na ni Kenny yung bayad nya para doon sa cookies "sige na wag nyo ng suklian tago nyo nalang para sa class fund nyo."

"Maraming salamat po."

At umalis na nga yung dalawang estudyante at nag tungo kila Barbie at Thew "Bro, bakit mo ginawa yon?"

"Ang alin?"

"Edi yung mga cookies ang dami nun bakit hindi mo man lang ako binigyan wagas ka."

"Heh! Bilisan mo na nga dyan pumasok na tayo."

"Pero bakit nga Bro? At bakit kasabay ni Thew si Barbie? Sila na ba?"

"Hindi no!"

"Oh, chill maka hindi ka naman wagas."

"Heh!"at iniwan na nga nya si Uno at hinabol naman sya nito at naibigay naman na nung dalawang estudyante yung cookies na tinda nila kay Barbie.

"Sakin? Itong cookies?" Ang nag tatakang sambit ni Barbie.

"Opo sa inyo na po yan." Ang sambit naman nung lalaking estudyante.

"Pero wala naman akong hilig sa cookies tsaka kanino galing?"

Sabay lumingon yung dalawang bata para sabihin na si Kenny yung bumili ng cookies para kay Barbie "eh? nasan na sya?" Anila.

"Sinong sya?" Ang sabi naman ni Thew.

"Yung lalaki po na naka motor." Ang sabi nung estudyanteng babae.

Napa isip naman si Thew na sa lahat naman ng estudyante sa AGA it's either Uno or si Kenny lang naman ang may motor.

"Hindi nyo kilala yung nag bigay?" Ang pa tanong ni Barbie.

"Hindi po pero mabait po sya pinakyaw nya po ang lahat ng cookies namin tapos sabi ibigay raw po namin sa inyo." Ang sabi naman nung babaeng estudyante.

"Ohh… kaso hindi naman ako mahilig sa cookies kung gusto nyo sa inyo nalang."

"Ah, hindi na po sainyo po talaga yan at meron po kaming ganyan na extra. Sige na po una na kami."Ang sabi naman nung lalaking estudyante at umalis na nga sila ng kaklase nya.

"Eh? Anong gagawin ko sa napaka daming cookies na ito ngayon? Gusto mo Thew?"

"Ah, hindi na di ako mahilig sa ganyna rin eh."

'Ohh… ganun ka rin pala."

Sa isip-isip ni Thew "oo lalo na kung si Kenny ang bumili baka sabihin pa nun na natalo na nya ako dahil sa pagkain ko ng cookies na binili nya."

Nang makarating naman yung dalawa ni Thew at Barbie sa classroom pinaliligiran naman ng mga kababihan si Kenny as always at kasama na nga doon si Ellaine na ang sama ng tingin kay Barbie.

"Bie!!!" Ang salubong na sambit naman ni Gaile at niyakap pa nga nya si Barbie dala ng excitement nya.

"Ga---Gaile…"

"Namiss kita ng sobra kamusta na ang ankle mo?"

"A… Ayos naman na hindi gaya kahapon."

"Oh, paano aalis na muna ko may practice pa kasi ako." Ang sabi naman ni Thew.

"Eh? Hindi ka aattend ng class?"

Thew smiled and pat her "bakit mamimiss mo ko?"

Tinabig naman nya ang kamay ni Thew "Ba—Baliw! Ang akin lang hindi ka rin pumasok kahapon baka lang ka ko mapag iwanan ka rin gaya ko."

"Sus, wag kang mag alala sa mokong na yan mukha lang yang engot pero magaling yan."

"Hoy Gailey! Maka engot ka ah."

"Anong Gailey! Banatan kita gusto mo?"

"Sige na ikaw na munang bahala kay Bie habang wala ako."

"Tsss…lumayas ka na nga kahit di mo kailangang sabihin ako talagang bahala sa kaniya gungong!"

"Sus… sige na bye girls." Then he winked and left.

Habang nag uusap naman sila Barbie at Gaile hindi nila alam na nakatingin sa kanila sila Kenny "mukhang close na close na si Thew kay Barbie." Ang sabi naman ni Ellaine at napatingin sya kay Kenny na para bang naiinis kasi parati nitong pinag tutuunan ng pansin si Barbie na hamak na transfer student lang naman.

"Pero kung tutuusin parehas na athlete sila balita ko isang softball player yang si Barbie sa past school nya." Ang sabi naman ni Gleza isa rin sa mga babaeng may crush kay Kenny.

"Oh? Softball player pala si Bie? Ang cool nya talaga." Ang sabi naman ni Uno.

Ellaine smirked "huh! Ano namang cool sa larong pang boys?"

"Cool kaya yon at ang gusto ni Kenny ay ang mga sporty na babae. Di ba Bro?"

Ang sama naman ng tingin sa kaniya nila Ellaine "oh…oh…oh… kalma lang girls."

"SHUT UP!" Anila.

Hindi naman na kibo si Kenny at patuloy lang na nag babasa ng kaniyang libro pero pa simple syang natingin kay Barbie na nag share ng cookies kay Gaile at sa iba pa nilang mga ka seatmate.

"Parang kilala ko ang cookies na ito san to galing?" Ang tanong ni Gaile kay Barbie.

"Ah…may freshmen students na nag bigay sakin nan pero hindi ko kilala yung nag papabigay."

"Ohhh…kaya pala familiar naka bili na rin kasi ako sa mga yon pero anong sabi mo? May nag papabigay sayo? Sino raw?"

"Hindi ko alam pero isa lang ang sure di nya ko kilala kasi hindi naman ako mahilig sa cookies di kasi ako into sweets."

"Ohhh… ganun pala."

"Yah…mabilis kasi akong ubuhin kapag kumakain ako ng sweets at naiirita ako kapag na ngangati ang lalamunan ko."

"Ahhh… kaya pala puro savory ang gusto mo sa foods."

"Um. Pero may isa akong hindi aayawan ang leche plan."

"Ay, oo naman sino ba namang tatatnggi sa goodness ng leche plan?"

"Hehe… oo kahit buong araw ko nga yung kainin okay lang. Hahaha… sobrang favorite ko kasi yun."

"Hayaan mo bukas mag dadala ako ng custard cake."

"Eh?"

"Oo may leche plan yun sa ibabaw di ba? May bakery kasi kami kaya bukas ipagdadala kita."

"Ahh… nako, wag na. Nakakahiya naman."

"Nu ka ba! Babayaran mo naman."

"Ah… Ha…Ha… Ha… O—Okay…"

"Hahaha… joke lang treat ko na yun sayo bilang okay na yang ankle mo."

"Ehe… salamat."

At narinig naman ni Kenny ang usapang iyon nung dalawa at sa isip-isip nya "hanep itong si Gaile ang tagal ko na syang kakilala simula kinder school pa lang kami ni hindi nya man lang ako ni libre pero si Barbie na ngangay-on pa lang nya nakilala ililibre nya na agad? Dahil gumaling lang yung ankle? Huh! Ibang klase!"

Off topic: Sinong mahilig sa cookies dito? Beke nemen. CHAR! Hahahahaha...XD

-Abangan ang susunod na kabanata daily update po tayo dito ngayon.

Salamat. ٩(˘◡˘)۶

lyniarcreators' thoughts