webnovel

Episode 7

Elena POV

Elena POV

Kung minamalas ka nga naman, kung nasaan ako nandito din ang bwisit na lalaki na ito

Ang malas ko naman , simula ng bata hanggang nagyon ba naman , hindi tumitigil ang kamalasan ko

Kailang ba matatapos ang kamalasan meron ako

Nandya ba itong lalaki na ito

Alam ba nito na dito ako nag-aaral kaya, lumipat ito dito

Sinasadya ba nito ang paglipat?

Sabagay kahit sadyahin nito, wala din itong mapapala sa akin na bato na yata ang puso

Sabi nga ng iba , Bato daw kasi wla akong pakiramdam kasi walang mababakas sa akin mukha

At wala ka maaninag na ano mang emosyon

Sabi ng iba magaling akong magtago ng aking nararamdaman

Magaling ba talaga ako?

O nadala lang ako at kalaunan , dumating sa punto na wala na ako maramdaman pa na ano man emosyon

Sa dami ng napagdaanan ko , sino ba ang ndi magiging bato ang puso

Yun ang mga pangyayaring gusto ko na limutin at ayaw ko na balikan

Kung darating ulit ang pagkakataon na makikita ko silang muli , ayaw ko na silang makatagpo

Ang nasa isip ko ngayon ang makapgtapos ng aking pag-aaral at makapagtrabaho ako

Pero kaninu ba ako bumabangon , para kanino ba ang pagsusumikap ko?

May pinaglalaanan ba ako?

Meron ba akong pinag-aalayan?

Meron nga ba ? tanong ko sa akin sarili

Ang sagot , wala - walang wala

Nabubuhay lang ako dahil kailangan , kung ako lang ang masusunod , matagal na akong nagpakamatay

Dahil walang patutunguhan ang aking buhay , walang rason kung bakit ako nabubuhay

Kung ako lang talaga ang mausunod , matagal ko na kinitil ang aking buhay at matagal ko winakasan ang aking paghihirap, Dahil hindi ko na kaya

Pero bakit ko ba dito ninais mag-aral sa exclusibong paaralan na ito

Dahil ito ang tumatanggap ng scholar , ang kailangan ko lang naman e maintain ang aking mga marka para manatili dito