416 Taga-labas siya sa totoo lang

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

Matapos makinig sa sinabi ni Xu Yi at ng iba pa, ang lahat ng mga elder mula sa Si Corporation ay naging tahimik.

Gaano ba karami ang minamatahan ang posisyon ng maybahay?

Sa simula pa lang, noong walang babaeng kasama si Si Ye Han, tahimik pamumuhay ng lahat. Sinong mag-aakalang magdadala ng taga-labas si Si Ye Han sa lumang pamamahay nila upang makilala ang old madam ng biglang, nawala ang kapayapaan na meron sila dati.

Dahil sa nabigla sila sa kapangyarihang meron si Si Ye Han, nanahimik ang lahat tungkol dito, ngunit hindi ibig sabihin na wala silang opinyon tungkol dito. Itong sama ng loob na ito ay lalala lamang sa pagtagal ng panahon.

Isa sa mga elder ang nakaupo sa sofa na mayroong lilak na tsaahan sa kanyang kamay ay nagsalita ng mahina, "Ang babaeng yan ay taga-labas, sa totoo lang - hindi na dapat siyang masangkot sa gulo ng mga Si. Ang ginawa ni special assistant Xu ay tama. Walang naging problema; sumasangayon ako sa sinabi niya."

Tumingin ng normal ang elder patungo kay Ye Wan Wan na nakatayo lamang sa isang sulok. "Tutal yan ang sitwasyon, magsisimula nang magusap ng mahahalaga at lihim na usapan, kung kaya pwede mo bang palabasin ang babaeng iyon."

Tmaingat na tinignan ni Ye Wan Wan ang taong nagsalita.

Bawat isa sa mga miyembro ng panloob na departamento nac mga Si ay direktang tagapagmana ng lahi nila. Ang kompetisyon sa pagitan ng mga dibisyon ay napakalakas at nahahati ito sa marami. Ang taong nagsasalita ay malapit ang ugnayan sa mga Qin at isa sa mga importanteng sumusuporta kay Qin Ruo Xi

Sa simula pa lamang, ang babaeng may pinakamataas na potensyal na makasal sa mga Si ay si Qin Ruo Xi. Upang matupad ito ng pamilya Qin, namuhunan ang mga taong ito sa maraming bagay, at maraming ugnayan ang inayos nila para sa mga Si. Ngunit ngayon na taga-labas na ang nakakuha ng posisyon na ito, papaano wala silang gawing aksyon?

Gayunpaman, ang mga taong ito ay marunong magbasa ng body language - ng makita nilang hindi natuwa ang old madam sa kanya, hinablot na nila ang oportunidad na ito upang tanggalin siya sa eksena.

Gamit ang ilang salita, naitangi ang kanyang nararapat na posisyon.

Tulad ng inaasahan, kahit na sumimangot ang old madam, wala siyang sinabi.

Walang anuman - si Ye Wan Wan ay takot at kinakabahan sa mga nakalipas na araw, kung kaya't hindi na siya makapaghintay na makapagpahinga. Sino naman ang may pakialam sa mahahabang usapan ng mga tao dito?

Pero...

Napalingon saglit si Ye Wan Wan kay Xu Yi. Sa nakaraan niyang buhay, ang tunay na traydor ay pinagtakpan ang kanyang sarili ng dumating si Si Ye Han at ang iba, bigla silang kumilos laban kay Xu Yi at inakusahan ito bilang ispiya, at ginawa siyang panakip butas...

Mayroon siyang pakiramdam na kahit nabago ang mga pangyayari kahit nakialam siya, magiimbestiga ng masinsinan ang pamilya Si kung sino ang salarin sa insidenteng ito. Matapos masira ang plano ng salarin, merong mataas na pagkakataon na maghanap sila ng ibang masisisi sa kanilang nagawang krimen.

Kung kaya, ang susunod na mangyayari ay katulad din ng nangyari sa dati niyang buhay...

Ng makita na nakatayo pa din si Ye Wan Wan sa pwesto niya at may walang hiyang itsura, nanlamig ang tingin ng elder. "Paumanhin, Miss, may gusto ka bang sabihin? Kung wala, maari ka ng umalis."

Sa panahong ito, ipinagtangol ni Qin Ruo Xi si Ye Wan Wan, "Tito Feng, si Miss Ye ay ang kasintahan ni Ah-Jiu at siya din ang maybahay niya. Hindi siya isang taga-labas."

Sa panahong iyon na sinabi ni Qin Ruo Xi ito may isang malakas na pangungutya na nangaling sa pintuan, "Tsk, maybahay? Isang kalokohan! Papaano siya naging angkop sa posisyon na iyan?"

Napatingin ang mga elder sa babae, "Qin Yu, bakit ka nandito?"

"Ama, Andito ako upang samahan si lola. Ngayon lang, narinig kong sinabi niyong nasa mapanganib na sitwasyon si 9th brother, at ang walang hiyang babaeng ito ay iniwan lamang siya at ang iba upang tumakbo magisa!" galit na sabi ni Feng Qin Yu.

avataravatar
次の章へ