785 Madaling alagaan ang batang ito

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

Malalim na ang gabi.

Si Xue Li ay nasa isang video call kasama si Qin Ruo Xi.

"Pa-paumanhin, Direktor Qin, hindi ako nagtagumpay…"

Sa una, iniisip nila na kahit na makuha ni Ye Wan Wan ang karangalan para sa trip ng Myanmar na ito, hindi pa din niya magagawang makatapak sa kumpanya. Alam nila na ang magandang pagpili ni Qin Ruo Xi ay magiging wala at ang mga basurang hilaw na bato na talagang binili ng ibang babae ay naglalaman ng isang top-grade na imperial jade.

Ngayon, ang buong kumpanya ay nagkakagulo tungkol dito. Sinasabi nila na kung si Qin Ruo Xi ang pumunta sa trip o kung binili nila ang magandang pinili ni Qin Ruo Xi, siguradong sila ay mawawalan ng kapalaran.

Kahit na alam ng lahat na ang pagsugal ng bato ay nakadepende sa 70% na swerte, ang babae ay maykakayahang makakuha ng isang hakbang sa kumpanya gamit ang proyekto na ito. Ito ay isang ganap na kapahamakan.

"Bwisit, paanong naging swerte ang babaaeng iyon?" nangalit ang kanyang mga ipin.

Nagdilim ang mukha ni Xue Lin. "Mahaba pa ang oras. Hindi ako makapaniwala na magiging maswerte ko oras oras!"

Ang kalmado at mahinahong si Qin Ruo Xi ay ngayon ay medyo nagagambala.

Nagpalit ang mata ni Yuan Sheng habang siya ay yumuyuko palapit. *cough* Miss Ruo Xi, hindi ko alam kung sasabihin ko ito…"

Qin Ruo Xi: "Magsalita ka."

"Talagang… gaano man kalayo ng 9th master, mas mahusay kapa kaysa sa babeng iyan sa kahit anong aspeto, Miss Ruo Xi; sino siya para nakawin ang pabor ni ng 9th master? magaling lang siya magsumikap para sa pag-ibig at pang-aakit ng tao, diba? Kaya…"

Kinislot ni Qin Ruo Xi ang kanyang labi sa isang nakatakot na ngiti. "Ngayon ibig mong sabihin na gusto mo akong maging katulad sa babaeng 'yan, sipsip sa 9th master at nagsusumikap para sa pag-ibig?"

Mabilis na nagalit si Xue Li. "Kawili-wili! Yuan Sheng! Anong klaseng tao ang tingin mo kay Miss Ruo Xu - isang magulong babae na tatanga-tanga, huh?"

Nataranta si Yuang Sheng at kaagad na nagpaliwanag, "Hhh-hindi! Paa no ko naman siya iisipan ng ganun! Si Miss Rou Xi ang magiging maybahay ng buong bahay - paano siya ikukumpara sa isang magulong babae na mula sa labas? Nag-aalala lang ako na nag babaeng 'yon ay papagitan kay Miss Ruo Xi at 9th master at mawawalan ng pabor-"

Lalong nagalit si Xue Li. "Kahit na paboran pa ang babaeng iyon, isa lang siyang manggagamit na ginagamit ang kanyang itsura para mang-akit ng lalaki!"

"Sige, tama na iyan. Alam ko na ang gagawin." inabala ni Qin Ruo Xi ang dalawa at tumingin kay Xue Li. "Ibigay mo lang ang gusto ni Ah-jiu - kailangan mo pa ba ako para ituro sayo yan, huh?"

Nagliwanag ang mga mata ni Xue Lin at kaagad na sinabi, "kuha kona."

Sumunod na araw, sa may airport:

Kagabi, nawala sa kanyang sarili si Nameless Nie sa takot dahil sa nakakapagtakang video call na iyon mula sa munting demonyo at hindi nakatulog ng buong gabi. Bago pa sila maghiwahiwalay, hinablot niya si Ye Wan Wan at nakiusap para sa tulong.

"Famous Ye, ang buhay ko ay nasa iyong mga kamay. Nangako ka na tutulungan mo ako!"

Hindi napagtanto ni Ye Wan Wan siya ay talagang seryoso.

Gayunpaman, ang husgahan ang kanyang pag-arte, hindi maganda para sa kanyan na tangihan siya. Matapos ang lahat, madami na ang kanyang naitulong sa kanya sa oras na ito.

Ito ay katumbas sa pagpapatahan ng isang bata. Wala lang ito, diba?

Walang magawang sinabi ni Ye Wan Wan, "kailangan ko munang ayusin ito - wala akong alam kung paano mag-alaga ng bata."

Mabilis na sinabi ni Nameless Nie, "Walang problema, walang problema. Ang batang itong ay madaling lagaan."

Deboto: "Kapitan, sa tingin ko hindi mo mapangasiwaan ang iyong sarili sa ganitong paraan - hindi ito kagandahang asal."

Spray of Flowers: *cough* "kahit na sa tingin ko nakikipag usap ka sa g*go."

Dayuhang taga buhat ng mga brick: "Madaling… alagaan? May problema ba sa pag kakaintindi ko ng chinese?"

Taong Yelo: "...?"

avataravatar
次の章へ