webnovel

PANSAMANTALANG PAG IBIG

作者: Daoist099586
都市
連載中 · 6.1K ビュー
  • 1 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Chapter 1pag ibig

#PANSAMANTALANG_PAG_IBIG

(Ito ang katotohanan)

" Ang pag-ibig, hindi parang cellphone . . . *insert musical note*"

Napagpasiyahan kong ihinto muna ang tugtog.

Ang pag-ibig nga nama'y hindi isang bagay na madaling palitan kagaya ng sabi sa kantang ginawa ni Yeng Constantino. Ito ay isang pinakamakapangyarihan at pinakasagradong salitang nauso sa mundo. Isang damdamin na maaaring baguhin ang buhay ng sinuman magpakailanman. Ito ay dinala sa atin sa pamamagitan ng pagkakataon pero kapag pinili ng langit na pagbigyan, swerte!

"Hoy! Lucas, dude", pukaw ng aking asungot na matalik na kaibigan.

"W-what?!!", galit kong sagot. Sino ba naman ang hindi magagalit? E, halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat! Nandito ako ngayon sa aking renovated na bagong bahay.

Iginala ko ang mga mata sa labas. Nakalatag ang berdeng bermuda sa buong bakuran. Sa bawat dulo ay may mga makukulay na bulaklak at mga puno.

"Parang bakla si Lucas, tol! Gwapo nga't matangkad pero puro love songs ang pinapatugtog", sabi pa ng isa kong kaibigan. Binalewala ko na lamang iyon wala namang katuturan.

Ibinaling ko na lamang ang atensiyon ko sa pagmamasid sa perpektong gawa nang mga desinyo sa aking ipinasadyang malaking pintuan at ipinasada ang tingin sa buong looban ng silid. Nakakuha ng atensiyon ko ang malawak na kisame, muli ako'y napangiti, dahan-dahan at masyado akong namangha sa mga gawang kuwadro ng mga anghel, kay gandang pagmasdan ng mga anghel na siyang nakamasid sa buong silid. May malaking chandelier na mayroong nagkikintabang diyamante sa gitna ng buong sala at sa iba pang parte ng aking mansiyon at mga magaganda't matitibay na kagamitang abo at puti ang kombinasyon na ako talaga ang namili .

"Inspired lang 'yan, 'diba Lucas?", nakangiting tanong ng aking matalik na kaibigan.

Ang elegante at engrandeng mansyon ko ay nasa tabi ng isang kahanga-hangang mahabang kahabaan ng baybayin. Puti ang kulay ng buhangin, ibang-iba sa kinalakihanko. Ngumiti ako nang makita ko itong lumiwanag mula sa sinag ng araw at ibinaling muli ang atensiyon sa aking mga kaibigan.

"Ewan ko sa inyo!", pabirong baling ko sa kanila, kahit na napapangiti na ako sa isiping iyon.

Unang araw ng pasukan ngayon, isang magara at makintab na malaking pintuan ng escuelahan ang bumungad sa akin at nalula sa sobrang taas nito,'ang tayog', naisip ko. Napatingala ako sa itaas, saka binasa kung anong nandoon.

"Solvere Vict School", mahina kong sambit, 'maganda ang pangalan ng school, pangalan pa lang pang-mayaman talaga', bulong ng isip ko.

Nakita kong nagkukumpulan ang mga estudyante kung saan saan. Hindi ko maipirmi ang aking mga mata sa lahat ng nakakapanibagong kapaligiran. Pansin kong asul at puti ang kombinasyon ng kabuuan. Naglalakihan rin ang mga matatayog na gusaling hindi ko mabilang, para akong batang nawala sa simpleng mundo at napunta sa mundo ng mga higante.

'Iba na talaga kapag nasa kolehiyo', bulong ko sa sarili.

Hindi nakatakas sa kanya ang tinging ipinupukol sa kanya ng iilan.

"A new comer, eh?", dinig kong puna ng isang matangkad na babaeng hindi maiguhit ang mukha at maarteng bumaling sa kasama.

"17-18 years old, maybe… hmmm, gwapo, matipuno at mukhang mabait, hindi halatang junior", ani naman ng kasama nitong mukhang mabait.

"That's not it, he smells poor!", dagdag pa noong naunang babae at tinakpan pa ang ilong na parang diring-diri sa akin, napatungo na lamang ako at mariing ipinikit ang mga mata.

Minsan naiisip ko kung kakulangan ba ang pagiging mahirap sa larangan ng edukasyon, kahit na ba'y maging masinop at determinado ay wala paring binatbat?

'Buti na lamang at nakapasa ako sa exam, kung hindi talagang 'tambay' ang kababagsakan ko kagaya nang aking nakakatandang kapatid', sambit ko sa sarili.

Napailing na lamang ako sa isiping 'yon.

"Ouch! Ba't ka ba humaharang sa daanan ?!!", narinig kong sambit nang mukhang mataray na babae.

Tinignan ko ang babae malapit lang sa may gilid ko, mukhang nabangga ito ng isang lalaking may malaking pangangatawan.

"Ang taray mo miss! 'Yan ang type ko, palaban!", narinig kong sabi 'nung lalaki.

Naisip kong pumasok na lamang sa loob ng escuelahan at baka madamay pa ako sa gulong posibleng mangyari. Bago pa lamang siya sa paaralan, at magkakaroon kaagad ako ng "bad record" ?!

Luminga-linga agad ako para mahanap ang aking pangalan sa mga papel na nakapaskil sa bawat dingding ng mga nakahilirang malalaking silid. Napadaan ako sa kanilang kantina, 'canteen ba talaga 'to?', hindi na ako tumuloy dahil masyadong nakakahiya, wala pa naman akong kakilala sa loob at mukhang ang mamahal pa ng mga tinda, 'nakakatakot', sa isip-isip niya.

Makalipas ang ilang oras niyang paghahanap sa kanyang napakagandang pangalan at silid-aralan, sa wakas nahanap niya rin.

"Lucas Rico, SV264", mahina niyang sambit.

May kinapa siya sa bulsa ng kanyang abuhing lumang pantalon habang naglalakad papasok ng kanyang klasrum, ngunit hindi niya makuha ng maigi, ang kipot kasi ng bulsang pinaglagyan niya ng kendi, 'buti na lamang at bumili ako ng 'snowbear' kanina'.

"Aray!", "Ahw", sabay nilang sambit, at dahil sa pagkabigla napulot niya 'yung mga gamit nang babae, saka nag'sorry'. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ng maigi ang mukha ng babaeng may mahaba at malakayumagging buhok dahil sa pagmamadali.

As usual, bumati sila sa kanilang bagong guro at nakipag-kuwentuhan 'din.

Oras na nang kanilang simple at maikling pagpapakilala, ito ang pinakahihintay niya kasi makikilala na rin niya ang kanyang bagong mga kaklase kahit sa pangalan lang.

Ako ang unang nagpresentang magpakilala, tumayo ako at tipid na ngumiti.

"Ako po pala si Lucas Rico…", makalipas ang ilang segundo natapos narin siya at bumalik sa kanyang pagkakaupo, at kinuha ang kanyang bolpen na bagong bili na may takip pang kulay pula sa dulo at manipis na kwadernong may larawan ni Coco Martin na bida sa teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano", na hindi mamatay-matay sa palabas na siyang kinabibiliban niya sa karakter nito.

Nabigla siya sa hiyawan ng kanyang mga kaklase na matamang pinapatahimik ng kanilang guro. Tumingin siya sa gitna kung saan nanggagaling ang pinagkakaguluhan ng lahat.

"Mr. Rico!", tawag sa kanya ng kanyang iginagalang na guro. Hindi naman niya napansin iyon, nagtawanan naman ang kanyang mga kaklase.

"Stop, daydreaming Mr. Rico!", galit na sabi ng kanilang guro, nagbalik siya sa reyalidad at napalingon sa kaniyang mga nagtatawanang mga kaklase.

'Nakakahiya' sa isip-isip niya. Naaalala parin niya kasi 'yung araw na 'yon, ang araw na nagpabago sa takbo ng buhay niya. Nagpabago nga ba ?

Nandito siya ngayon sa bahay nang kanyang matalik na kaibigan. Ang bilis nang panahon, hindi niya namalayang nasa sekondarya na siya sa kolehiyo.

"Rico, okay ka lang ba?", sambit ni Bella sa kanya. Nagpapasama kasi ito sa mall i-te-treat na naman siya. Lagi naman e, kaya hindi na siya nag-abala. 'Aba! Mahirap na! Baka magbago pa ang isip nito' sa isip-isip niya.

"H-ha? Wala 'to", nauutal niyang sagot. Kapag si Bella ang kausap niya, nauutal talaga siya. Bakit kaya?

"Sakay na!", tawag nito sa kanya. Mayaman si Bella, kaya ito may kotse, lagi siya nitong nililibre kahit na naiilang siya, kasi dapat 'yung babae ang dapat nililibre hindi ang lalaki. 'Bumaliktad ata ang mundo' sa isip-isip niya.

Tahimik lang sila sa biyahe, pero 'yung kabog ng dibdib ni Lucas sobrang bilis na parang ito nalang ang naging tugtog nila. Kakaiba ito para sa kanya, pero naramdaman niya rin ito 'nung unang pasok niya sa high school 'nung makita niya si Bella.

Mestiza si Bella, nagmana sa ina nitong may lahing amerikana at sa pagkakakilala niya dito sobra siyang humanga dahil maganda rin pala ang kalooban nito.

"Gusto mong makinig ng music", sabi sa kanya ni Bella, habang nagmamaneho.

"H-ha?", sagot niya, natawa naman si Bella sa inasta niya. May pinindot lang ito, tapos narinig na ni Lucas ang musika.

"Ang pag-ibig, hindi parang cellphone…", sinasabayan pa nga ito ni Bella, alam ni Lucas na magaling kumanta si Bella sa tagal ba naman nilang magkakilala.

Marami naring naging nobyo si Bella, pero kung tatanongin niyo si Lucas? Huwag niyo nang asahang sasagot iyan. No Girlfriend Since Birth kasi siya. Maniwala man kayo o hindi. Masyadong pihikan siya sa pagbigay ng kanyang pagsinta. Kung bakit? Malalaman niyo rin.

"Huhuhu! Wala siyang kwenta!", daing ni Bella.

Nasa tambayan niya sila. Malawak at napakatahimik ng lugar, nasa tabi ito ng ilog Risus at kitang-kita dito ang panggabing mga makukulay na ilaw galing sa malayong siyudad. Ang kalangitan ay magandang pagmasdan lalo na kapag gabi, mga bitui'y parang laging may okasyon sa dami nang nagkikislapan.

Alam na ni Lucas, kung anong problema nito 'pag ganito ang inasta nito. Gamay na niya ang dalaga, aakalaing ito talaga ang forte niya, dito talaga siya mas magaling, sa pagiging mabuti at tapat na kaibigan.

"'Wag ka nang umiyak, lolosyang ka niyan…sige ka", pang-aalo niya kay Bella.

Nakita ni Bella na may ibang nobya ang nobyo nito. Matagal nang alam ni Lucas 'yon, pero hindi niya gustong masaktan ang kaibigan kaya hinayaan nalang niyang matuklasan mismo ni Bella ang kagaguhan nang nobyo nito.

Sanay narin naman si Lucas, na maging takbuhan nang kaibigan nito sa ganitong sitwasyon, pero ang nakasama lang, lagi niyang nadadatnan ang kaibigan sa bar naglalasing, ilang botelya rin ang binibilang niya sa paghihintay, at pagpipigil kay Bella, at dahil mabuti syang kaibigan pinapauwi niya ito sa bahay nito, buong-buo at walang galos.

Ikatlong taon na ni Lucas, pati narin si Bella sa kolehiyo. Ang bilis talaga nang panahon, lalo na ngayong napagtanto na ni Lucas na sinisinta niya pala si Bella. Kaya pala. Kaya pala ganun nalang kabilis ang pintig ng puso niya sa tuwing nandiyan si Bella, nang minsa'y nawala sa paningin niya ang dalaga nabalot ng kaba ang dibdib niya, kapag may napapalapit dito ay sumisikip ang puso niya sa selos na nararamdaman, pero minabuti niyang itago nalang muna ito dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila, dahil mahalaga para sa kanya ang matagal na pinagsamahan nila ni Bella at ayaw niyang biglain ang dalaga, nararapat lamang na bigyan ito ng oras upang maging handa sa kanyang pagtatapat at nang mapatunayan niya rin ang kanyang pagsinta.

May party sa bahay nila Bella, maraming bisita, mga sosyal na mayayaman at mga bigateng tao sa industriya.

May bago na naman ulit na nobyo si Bella, dahilan para masugatan ang pusong umiibig ni Lucas. Okay! Over acting na siya kung O.A, wala siyang paki. May pakialam lang siya kay Bella, na ngayo'y inaakbayan ng nobyo nito. Nakatingin siya sa may madilim na parte ng pagdiriwang habang nakikinig sa malakas na pagtawa ni Bella. 'Masaya na ako kapag nakikita kitang masaya'

"Ahm, Bella, uwi na'ko tinatawag na ako ni mama", paalam niya kay Bella.

"Ah, sige ingat!", masayang sambit nito. Gusto lang ni Lucas na mapag-isa, hindi naman talaga siya uuwi, gusto lang niyang makahinga sa sakit na nararamdaman na naman nang kanyang pusong sawi.

Malapit nang matapos ang first sem, bakasyon na naman nila Lucas at Bella, pero sa ngayon busy pa sila sa paghahanda sa nalalapit nilang pagsusulit.

Hindi pa naman pumapalya ang grado ni Lucas. Ewan niya lang kay Bella. Oo! Bitter na siya ngayon, hindi niya kasi alam kung bakit hindi siya kilala ni Bella. Bakit kaya?

Dumating na ang araw na pinaka'hate' ni Lucas.

Ang 'BAKASYON', kung bakit 'hate' niya ang bakasyon? Ewan ko sa kanya, siya nalang tanongin niyo! Jowk! Haha, hindi, ito talaga ang dahilan, ito kasi ang pinakauna kong bakasyon na 'di kasama si Bella at sana hindi na ito maulit pa.

Masakit kasi sa part niyang binabalewala lang siya ni Bella.

Nakikita niya naman itong masaya kaso sa ibang tao nga lang.

Gusto niyang magtanong kung bakit ganun nalang ang pakikitungo nito sa kanya, pero naisip naman niyang bakit naman hindi? Baka, pagod nang manlibre ang bestfriend-slash-love of his life. Korni? Wala siyang paki.

Buwan ng wika, maraming paligsahan ang nakatala sa Bulletin Board. Si Lucas?

Nandun sa gilid nakatulala na parang nagmumuni-muni. Namatayan ata? o baka heartbroken lang.

Oa na siya masyado. Gusto na nga daw niyang pumunta sa mental, nababaliw na daw siya . . . kay Bella.

Siraulo lang? Siguro.

"Hoy! Lucas!", sigaw nang asungot niyang bestfriend. Bagong bestfriend na lalaki pala. Hindi ibig sabihin na pinalitan na niya si Bella, kasi hindi 'yun mangyayari.

"ANO BA?!! Papatayin mo ko?!!", pasigaw kong sabi, jusko ! parang aatakihin siya sa puso, e !

"Ba't ka nakatulala lang jan?", sabi nito ta's umupo sa tabi niya.

"Wala 'to", sabi naman nito. Iniisip niya parin ang kanyang bestfriend-slash-love of his life.

"Anong wala? E, nakatulala ka jan, oh! Si Bella na naman?", tanong nito.

"Oo, ahy! hindi, oo, ahy ! Ano ba?! Hindi nuh! Nalilito lang ako sa pipiliin ko sa Buwan ng Wika", 'palusot pa Lucas'. Umiiling-iling nalang ang katabi nito. 'Malaki na talaga ang sira nito' sa isip-isip 'nung katabi niya.

Malapit ng magpasko, so ibig sabihin malapit nang mag-christmas party, pero hindi parin natatanggal ang sakit sa puso ni Lucas.

Buuuurrrp ..Ops! Mukhang hindi sakit sa puso, parang sakit sa tiyan ang nararamdaman niya ngayon, may binyagan kasing naganap kanina, ta's kumain din siya kanina.

Lumabas siya para magpahangin. At, ayun! parang napasukan ng hangin ang tiyan niya.

"Hu!hu!hu! Wala siyang kwenta", narinig niya sa may halamanan, lalapit na sana siya kaso tinawag siya nang mama niya, kaya hindi nalang niya inusisa.

Pero, pamilyar talaga 'yun sa kanya hindi lang niya matandaan. May amnesia na ata siya? Maybe.

Umuwi na sila sa kanila, tapos nag-aral ulit siya, malapit narin kasi ang pagsusulit nila, before christmas party kasi.

Ayaw naman niyang bumagsak, kahit hindi siya pinapansin ng kanyang inspirasyon.

Pangako niya kasi sa sarili na magiging masagana rin ang buhay niya, nila nang pamilya niya at para narin kay Bella, para wala namang masabing masama 'yung pamilya nito, ' pag naturukan na siya nang lakas ng loob para magtapat dito.

Bagong taon na, pero hindi parin siya pinapansin ni Bella.

"Hayz!", sambit niya. Naglalakad-lakad lang si Lucas sa corridor. Parang wala sa utak na patungo sa kanyang klasrom.

Nasa second floor kasi yung susunod na subject niya. Nahagip niya ng tingin si Bella. Alam niyang si Bella 'yon.

"Bella", tawag niya dito. Lumingon naman ito sa kanya, saka ngumiti dahilan para magloko ang pintig ng puso niya. 'Pero parang may iba kay Bella' sa isip-isip niya.

"Do I know you?", pagtatanong nito sa kanya. Inglisera pala 'to, parang magdudugo talaga ang ilong ni Lucas.

Natamimi naman siya at napako sa kinatatayuan niya.

"Kung wala kang magawa sa buhay mo, 'wag ako ang pagtripan mo", sabi nito sabay alis.

Pinagmasdan lang niya si Bella na papalayo na sa kanya. Nalito naman siya, bakit 'di siya kilala ni Bella?

Bakante ang klase ngayon ni Lucas, mag gagabi na nga rin, e.

Napagpasiyahan niyang pumunta sa tambayan nila "dati" ni Bella. Lumanghap siya ng hangin at nagbaba ng hininga, tiningnan ang kagandahan ng ilog Risus pababa sa iba't ibang kulay ng ilaw na nanggagaling sa malayong siyudad, napahinto naman siya ng may nakaupong babae 'dun sa inuupuan dati ni Bella.

"Sino ka?", wala sa sariling tanong niya dito.

Hindi naman siya napansin nang babae, nakatalikod kasi ito sa kanya, kaya hindi siya kita nito.

Lumapit naman siya dito, saka tinabihan sa pag-upo.

'Dun lang niya napansin na naka'ear phone' pala siya, 'kaya pala' sa isip-isip niya. Hindi naman kasi kita dahil nakalugay ang mataas na buhok nito, may naisip tuloy siya bigla.Ganito din kasi si Bella, laging nakalugay ang mala-kayumangi nitong buhok.

Matagal-tagal din siya sa ganoong ayos. Walang nag-iimikan, hindi nga niya kita ang mukha 'nung babaeng katabi niya, e. Kitang-kita niya ang buwan na parang nagnining-ning sa kanyang mga mata. Lumingon-lingon din siya sa kanyang katabi. 'Hindi ba siya nahihirapan sa ayos niya?' sa isip-isip niya, hindi naman kasi gumagalaw ang babae, nakatingala lang ito sa buwan.

Natakot naman siya, baka kasi multo ito o engkanto, Oo! Siya na ang lalaking takot sa multo.

Mga ilang oras na rin ang nakalipas, napagpasiyahan na niyang tumayo, lumalalim narin kasi ang gabi. Nasa akto na siyang usual ng pamamaalam sa katabi . . .

"11:11 !!", napadako ang tingin niya sa babaeng katabi, pero pamilyar ang boses nito, 'parang…parang…si Bella' sa isip-isip niya.

Nabigla naman siya nang lumingon sa kanya ang babae, ibinaling nalang niya sa buwan ang tingin. 'Si Bella nga' sa isip-isip niya pero hindi niya nalang isinatinig iyon.

"Uy! 'Kaw pala Mr. Trip ko lang", napalingon naman siya kay Bella . Mr. Trip lang? Ano? Bago ata 'yon sa pandinig niya.

"H-hi", nauutal niyang bati dito. Ngumiti lang ito sa kanya.

Balik na naman sila, tumahimik na naman ang paligid, nabibingi na siya sa katahimikan. May naisip siyang itanong.

"Uy! Shooting star,oh", "Bakit 'di-?", sabay nilang sambit. Nagkatinginan sila tapos nagkatawanan.

Tanga na nga siguro sila.

"Mag-wish ka na dali", sabi sa kanya ni Bella, tinignan lang niya ito. Nakapikit lang ito sa kanya na may ngiti sa labi, sumunod na lang siya.

'Mag-wish daw, e' sa isip-isip niya.

"Ano nga 'yung tanong mo kanina?", napamulat siya nang mata at inisip ang itatanong niya.

"Ahm, ang tanong ko?", balik niyang tanong dito. Ngumiti lang ito, saka tumango bilang sagot.

"Ahm, ah! naalala ko na, anong type mo sa lalaki?", tanong niya dito.

"Ahm, gusto ko ng mabait, sweet, gentleman, 'yun bang makakasama ko palagi-", sagot nito, napangiti nalang siya, 'nasa sa'kin lahat nang 'yon' sa isip-isip niya.

"-at syempre mayaman", pagpapatuloy ni Bella. 'Yun eh! Wala siya 'nun. Napasimangot nalang siya. Pero nagtaka siya kung bakit ngayon lang ulit sila nagpapansinan ni Bella. Ang kakaiba pa, e hindi siya kilala nito.

Pebrero na, nararamdaman na nang lahat ang pagmamahal.

Malapit narin kasi ang araw ng mga puso.

May mga booth naring ginagawa sina Lucas, paghahanda para sa Campus Day nila.

Buong araw silang nag-de-dekorasyon sa booth na nakatalaga sa kanila.

"Hu!hu!hu! Wala silang kwenta!", nagpalinga-linga naman si Lucas kung saan nanggaling ang iyak. Hanggang sa napadako ang tingin niya malapit sa may Science Lab. Sa likod niyon, nakita niya ang isang pamilyar na pigura.

"Bella?", tanong niya dito. Tumakbo naman ito sa kanya, sabay yakap ng mahigpit.

"Anong nangyari?", tanong niya ulit dito. Nag-aalala siya para sa kaibigan magang-maga na ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. Isa lang ang naisip niya 'Siguro, niloko ka na naman nang nobyo mo nuh? Bakit kasi hindi na lang ako? Bakit..' sa isip-isip niya pero hindi niya iyon isinatinig, mas kailangan siya ngayon nang kaibigan niya.

Napapansin ni Lucas na napapadalas maglagi ni Bella sa clinic, lagi itong matamlay, nangangayayat na nga rin,e. Pero 'pag tinatanong naman niya kung anong nangyari hindi naman sumasagot, kaya hindi narin siya nag-usisa nirerespeto niya ang kaibigan, kung ayaw nitong ipaalam sa kanya, okay lang.

Mahalaga sa kanyang bumalik na ulit ang kanyang kaibigan, pero parang lalong lumalala ang nararamdaman niya dito.

Hindi niya kayang, hindi ulit sila magpansinang dalawa.

Lalo na ngayong, parang gusto na niyang ipagtapat ang damdamin niya para kay Bella.

Prom night na nila sa susunod na araw, kung itatanong niyo kung sino ang date ni Lucas? Alam niyo na kung sino, si Bella!

"Hoy! Halika na, akong bahala sayo", sabi nito sa kanya. Mag-mo-malling kasi sila ngayon, bibili sila ni Bella nang mag kakailanganin para sa Prom night, as usual, libre parin ni Bella ang mga gastusin. Nahihiya na nga siya, e.

Sa biyahe, may naisip na itanong si Lucas, para basagin ang katahimikang namamagitan sa kanila.

"Bella, panu kung may magtapat sayo? Na mahal na mahal ka?", tanong niya dito. Hindi naman umimik si Bella, nakikinig lang ito sa kanya habang busy sa pagmamaneho.

"A-ah, halimbawa…ako, magtatapat sayo? Ha-halimbawa l-lang ha?", pagpapatuloy ni Lucas. Inihinto naman ni Bella ang kotse sa may gilid ng kalsada, saka tumingin sa kanya.

"Ano-", hindi na naituloy ni Bella ang sasabihin kasi…

"Hoy, Lucas! Sa'n punta niyo? Sama ako!", may umepal.

'Naman oh! Wrong timing ka talaga Marco!' mahinang sambit ni Lucas. 'Yun na 'yun eh! malapit na sana' sa isip-isip niya.

"May sinasabi ka?", hindi niya namalayang nakasakay na pala sa kotse ang kanyang bestfriend!

"A-ah, wala!", sarkastiko niyang sagot, nakita niya namang nagtaas-baba ang kilay nito.

Napabuntong-hininga na lamang siya.

Tapos na ang prom night, March na!

As usual magkasama parin sina Lucas at Bella. Laging palpak ang timing nang pagtatapat ni Lucas, mga torpe nga naman.

"Ah, Bella…", pagbasag nang katahimikan ni Lucas. Napalingon naman sa kanya ang dalaga.

"Ano yu-", hindi na natapos ni Bella ang sasabihin, dahil…

"Hoy! Lucas, praktis natin sa gym! Tinatawag ka ni Ms. Pres.", napalingon naman sila sa nagsalita, si Marco pala!

'Kahit kelan wrong timing talaga ang lalaking 'to' sa isip-isip ni Lucas pero hindi niya nalang 'yun isinatinig.

Nagpaalam naman sila kay Bella at pumunta na sa gym.

"Hala! Patay ka! Kay Ms. Pres.", sabi ni Marco. 'Aba't nanakot pa ang mokong! Piktusan ko 'to e!' sa isip-isip ni Lucas.

Masama ang araw ni Lucas, hindi kasi niya kasama si Bella, busy daw kasi.

Wala sa sariling naglalakad si Lucas sa labas ng mall. Ang naiisip niya lang ay puro Bella! Bella! Bella!. Baliw na nga siguro siya.

"O-ouch!", "Ahw!", sabay nilang sambit. Nabangga kasi siya. Napalingon naman siya sa babae.

"Bella", "Mr. Trip ko lang?", sabay na naman nilang sabi.

Naguguluhan naman siya. Akala niya'y busy si Bella, nag-mo-malling lang pala! 'Di pa siya sinama'.

"Alam mo kung sino ako?", pagtatanong nung babae. 'Malamang bestfriend kaya kita!' sa isip-isip ni Lucas.

"Oo, kaibigan kaya kita. Nagpapatawa ka naman e!", natatawang sabi ni Lucas.

"What? We're friends?", pagtatanong muli ni Bella, kitang-kita niya ang pagkamangha ng dalaga sa narinig.

Pareho silang naguguluhan.

"Wait, upo muna tayo. Hu! Ang sakit ng paa ko!", tapos umupo na sila, 'dun sa malapit sa kanila na upuan.

"Me, too!", pagsang-ayon ni Bella.

'Ang inglisera naman nito! Hindi naman madalas mag-english si Bella, ah..' mahina niyang sambit.

"May sinasabi ka?", slang na sabi nito.

"Ah…e…w-wala", palusot niya.

"Bakit mo nga ako kilala-", hindi na natapos ni Bella ang sasabihin dahil…

"ALEX!!! Let's go!", napalingon silang dalawa sa tumawag kay Bella.

Napalaki mata niya, ngumiti naman si Bella at nanlaki rin ang mata 'nung tumawag kay Bella.

"B-Bella…", sambit nalang ni Lucas.

Nagpalinga-linga siya sa dalawa.

"Oh! God, totoo ba 'tong nakikita ko?", mahina niyang sambit.

"Ahm..Mr. Trip ko lang, she is my…",

"Stop Alex… he knows me already", sabat 'nung babae. Napatingin naman 'yung Alex sa babae, mapagtanong na tingin.

"What?", natatarantang tanong ni Alex, ang seryoso naman kasi nang tingin nung babae sa kanya.

"Scary!", sambit ni Alex.

Bakasyon na!

Ang bilis ng panahon.

Maraming nagbago.

Marami ring nalaman si Lucas tungkol kay Bella, graveh! Sa tagal ba naman nilang magkakilala, marami pa pala siyang hindi alam tungkol sa kaibigan niya. May good news at may bad news.

"Okay ka lang?", tanong ni Bella este Alex, ahy! Pareho lang pala. Pagtatanong nito kay Lucas.

"H-ha? Okay lang ako… magiging okay rin ako", sagot naman ni Lucas. Hindi maikakaila dito na depressed talaga ito.

"Don't cry!! Bakit 'di mo nalang sabihin?", sabi nito.

Napatingin naman si Lucas kay Alex.

"Wala akong lakas ng loob…", sagot ni Lucas, na parang mamamatayan na siya, graveh! Oa! Drama!

"I'll go with you!", pamimilit ni Alex kay Lucas.

Pupunta kasi sila ngayon kay Bella, no! Allen, ahy! Parehas lang pala 'yun.

Kanina pa kasi namimilit si Alex na gusto daw niya kasing makita si Allen at Lucas na magkausap.

E? Si Lucas naman gusto ng pribadong lugar.

"'Wag na! Huwag matigas ang ulo, okay?!", pagtitimping sabi ni Lucas kay Alex. Sa wakas, mukhang napagod narin ang kambal ni Bella sa pangungulit.

"Okay, bye! Punta lang ako 'dun", sabi ni Alex, sabay alis na.

Huminga naman si Lucas ng malalim.

"You'll say it now or never…", sabi niya pa sa sarili.

Sabay bukas ng pinto. Nalanghap niya kaagad ang kakaibang amoy na lumukob sa kabuuan niya sa nakalipas na buwan.

Naawa naman siya sa nakita at walang sabing tumulo ang likidong galing sa mga mata.

Bigla namang pumasok si Alex, kagaya niya umiiyak rin ito.

"Bella…", napalingon naman ang dalaga sa kanya.

"A-a-al-le-lex…", mahinang sambit nito.

Alam ni Lucas na mahirap ang pinagdadaanan nito. Kitang-kita naman, e. Maraming nakakabit dito, makina para matulungang mabuhay ito.

Dapat sana'y galit sa kaibigan, dahil sa paglilihim sa karamdaman nito'y hindi niya magawa.

Mahal niya ang kaibigan, tsaka mabibilang nalang ang nalalabing mga araw nito.

"A....le…x, D-don't c-c-ry", pinahid naman ni Lucas ang luha sa gilid ng kanyang mga mata, saka pilit na ngumiti sa babaeng pinakamamahal.

Ngumiti sa kanya ng matamis si Bella Allen.

Ilang taon narin ang lumipas 'nung nangyari iyon.

Napangiti naman siya ng mapait.

"Hoy! Nagmumuni ka jan!", napamulat naman siya, kahit kelan walang timing 'tong bestfriend niya, pero nasanay narin naman siya.

"Wala lang, may naisip lang ako…", sabi niya. Tsaka inakbayan ang kaibigan.

"Ano? Wanna new life?!!", tanong 'nung isa pa niyang kaibigan.

Napangiti naman siya.

"Yeah…" sagot niya.

"Ee, pano 'yung bagong inspiration mo?", pagtatanong ni Marco.

"Ewan, siguro pagbalik ko nalang nang Pilipinas…", nagtawanan naman silang lahat.

"Swerte ka, may kakambal siya", napahinto naman siya. 'Oo nga 'nuh? Panu kaya 'pag wala?' sa isip-isip niya.

"So, kailan ang flight?", tanong 'nung bagong dating.

Napaayos naman siya sa sarili.

Errmmn… Look who's here'

"Uyy! Kinilig ang bro natin…", pang-aasar nang kaibigan niya sa kanya.

Napangiti naman siya, feeling niya sasabog siya…

"N-next m-month", sagot niya sa tanong nito. Nakita niyang napahinto ito.

"Hmmm, malapit na pala…", nakangiting sabi nito sa screen. Nag-s-skype kasi sila ngayon at siya?

Nasa ibang bansa…

Matagal na siyang naka-move-on.

At ngayon?

Mukhang magmamahal na ulit siya.

…W A K A S…

あなたも好きかも

レビュー結果

  • 総合レビュー
  • テキストの品質
  • リリース頻度安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界観設定
レビュー
ワウ!今レビューすると、最初のレビュアーになれる!

応援