webnovel

Seed (1)

編集者: LiberReverieGroup

Ang Book of Nalu ang huling alas ng Black Knight.

Masyadong mabilis si Marvin para gamitin ni Sangore ang kanyang espesyal na ability na ibinigay sa kanya ni Saydis.

Walang pakinabang ang offensive skill kung hindi mo rin masundan ang iyon kalaban.

Isa pa, nalaman din ni Sangore mula kay Saydis na si Marvin ay may relasyon sa Hell, kaya maaaring hindi tablan si Marvin ng mga ability na na ito.

Sa puntong ito, wala siyang magagawa kundi gamitin ang alas niyang ito!

Ang Book of Nalu ay isang Artifact at isang nakakatakot na libro ng kasamaan.

Noon pa man ay naging maingat na si Marvin sa Book of Nalu, sinisigurado niyang hindi mapapasok nito ang kanyang kaluluwa.

Dahil sa pagiging maingat ni Marvin, walang pagkakataon ang Book of Nalu na kontrolin ang kanyang isipan, pero kaunti lang rin ang benepisyong nakukuha niya mula rito.

Bukod sa paminsan-minsan na paggamit niya dito para kontrilin ang kaluluwa ng iba, isa lang itong mapanganib na Artifact sa pananaw ni Marvin.

Pero naiiba ito para sa Black Knight.

Naialay na niya ang kanyang kaluluwa kay Saydis, kaya walang problema sa kanya ang labis na paggamit sa Book of Nalu at sa pagdiskubre ng mga kapangyarihan nito.

Masasabi pa nga na ang kapangyarihan ng ikalawang pahina, na Prosperity, ay halos nasa ilalim na ng kanyang kontrol.

"Inuutusan kita!"

Umalingawngaw ang boses ng Black Knight sa buong kwarto.

"Luhod!"

Isang makapangyarihang pwersa ang lumabas mula sa Book of Nalu, at binalot ang buong kwarto sa kulay pula at dilaw na awra.

At ang kaninang kumikisap-kisap lang na imahe ni Marvin, dahil sa kanyang bilis, ay mas naging malinaw na dahil sa pagbagal nito at tila ba sinusunod nito ang utos ng Black Knight!

Para bang mayroong malaking kamay na lumabas mula sa kawalan at iniipit si Marvin.

Tinutulak ng kamay na ito ang kanyang likuran at pinupwersa siyang lumuhod!

Sumimangot siya, dahil alam niyang ang ability ng Book of Nalu ang may kagagawan nito!

Hindi siya maaaring lumuhod, dahil kapag ginawa niya ito, magiging alipin na rin siya gaya ng dalawa sa labas!

Ang napakalakas na willpower ang nagbigay sa kanya ng lakas para labanan ang kapangyarihan ng pahina ng Prosperity.

Pagkatapos nito, naglabas siya ng isang item mula sa bulsa sa kanyang dibdib.

Biglang hindi na maipinta ang mukha ng Black Knight!

Dahil ilang taon na niyang gamit ang Book of Nalu, natural lang na nakilala niya ang item na inilabas ni Marvin!

Kumpara sa naka-rolyong pahina sa kanyang kamay, ang hawak ni Marvin ay bahagyang mas mukhang libro.

Napagtanto niya na nakakuha na si Marvin ng hindi bababa sa dalawang pahina ng Book of Nalu!

"Paanong….Hindi!"

Natigilan si Black Knight. Kahit na alam niyang mayroong hawak na pahina si Marvin ng Book of Nalu, hindi niya naisip na higit pa ito sa isa!

Sa tagal ng panahon, ang layunin ng Black Knight Monastery ay palihim na ipunin ang mga pahina ng Book of Nalu, pero sa kabila ng kanilang pagsisikap, ilang piraso lang ng impormasyon ang kanilang nakuha.

Naniniwala si Sangore na mailap ang mga pahina ng Book of Nalu at karamihan sa mga ito ay hindi pa nahahanap.

Pero sinampal siya ng malupit na katotohanan sa mukha.

Sa harap ng pagtitig ni Marvin, humina ang kapangyarihan mula sa pahina ng Prosperity.

"Gusto mo kong lumuhod?"

"Pasensya na, pero hindi mo ko mapipilit."

Binuksan niya ang Book of Nalu sa kanyang mga kamay, at tahimik na inutusan ito.

'Lamunin!'

"Wuwuwu!"

Isang mahinang pag-atungal ang umalingawngaw sa hangin kasabay ng paglalabas ng mas nakakasilaw na liwanag ng Book of Nalu na hawak ni Marvin.

Ang libro sa kamay ni Marvin ay nagdudulot ng malakas ng pwersang humihigop.

Mahigpit na hinawakan ng Black Knight ang Prosperity pero wala siyang nagawa.

Mas lumakas ang Book of Nalu ni Marvin dahil sa paghigop nito ng Divine Source!

Ang lahat ng pahina ay mayoong kakayahan na lamunin ang isa't isa o magsama-sama.

Sa harap ng walang habas na paghila ng ika-anim na pahina, ang Rebirth, pati na ang ika-labing isang pahina, ang Reincarnation, nakawala na ang Prosperity mula sa kamay ng Black Knight.

Limipad naman ang dilaw na papel papunta sa kamay ni Marvin na parang gamu-gamong papalapit sa apoy. Pagkatapos nito, isang malamlam na liwanag ang lumabas kasabay ng pagsama nito sa dalawa pang pahina ng Book of Nalu!

Isang malakas na kapangyarihan ang namumuo sa mga kamay ni Marvin.

Kasabay nito, isang mapanuksong boses ang narinig ni Marvin sa kanyang tenga.

Pero walang laban ang panunuksong ito sa lakas ng willpower ni Marvin.

Sa lakas ng Book of Nalu, tila walang na sa kalingkingan ang Sodom's Blade.

Sa loob ng ilang segundo, natapos nang magsama-sama ang mga pahina ng Book of Nalu.

Mas kumapal na ito ngayon, at kahit na mayroon lang itong tatlong pahina, mas nagmukha na itong Artifact.

Ginising ni Marvin ang mga runes ng Wisdom Chapter sa kanyang isipan para mapigilan ang hindi mapakaling Book of Nalu at ilagay muna ito sa kanyang storage item sa ngayon.

Kailangan ma-kontrol nang maayos ang kapangyarihan ng Book of Nalu. Kung hindi, kung hindi patuloy na magpapalakas si Marvin, magkakaroon siya ng malaking problema.

Lalo pa at ang Artifact na ito ang dahilan kung bakit pinasabog ng isang God ang sarili nitong God Realm.

Kailan man ay hindi nakampante si Marvin.

"Anong kasunog?" Aroganteng ngumisi si Marvin kasabay ng pagtingin nito sa Black Knight.

Namutla naman ito bago biglang sinugod si Marvin!

Paglipas ng isang minute, maayos na si Marvin at tahimik na siyang naglakad patungo sa pader.

Matapos mawala sa kanya ang Book of Nalu, sadyang hindi na siya kayang tapatan ni Black Knight Sangore.

Para mabilis na matapos ang laban, ginamit ni Marvin ang Ruler's Wrath.

Sa loob ng limitadong espasyong iyon, sadyang hindi na nakaiwas ang Black Knight sa makapangyarihan atake ng isang malakas na Ranger.

Namatay ito nang maraming hinanakit at inapakan ito ni Marvin hanggang sa mamatay ito.

Dahil nasa kamay n ani Saydis ang kaluluwa nito, matapos maduog ang kanyang pisikal na katawan. Mapupunta na ito sa oblivion.

Matikas ang katawan nito, at halos hindi ito tinatablan ng kahit ano.

Pero sa lakas ni Marvin, at sa ilalim ng napakalaking paa nito, direktang nadurog at namatay si Sangore.

Kahit na ganito, nakaramdam pa rin ng sakit si Marvin matapos siyang bumalik sa normal.

Talagang gawa sa bakal ang taong iyon. Kung hindi lang ito nawala sa sarili matapos mawala ang Book of Nalu, at padalos-dalos na inatake si Marvin nang walang dahilan, baka nahirapan pa si Marvin na patayin ito dahil sa panghihina niya matapos gamitin ang Diamond Shape.

Pero ngayong patay na ang Black Knight, at hawak na niya ang Prosperity, kaya alipin na niya ang dalawang nasa labas.

Ang [Prosperity] ay mayroong malakas-lakas na soul-swallowing at control ability. Kumpara sa [Rebirth], mas marami itong kaluluwang kayang kontrolin.

Subalit, maliit na bahagi lang ng kanilang lakas ang magagamit ng mga taong ito, kaya pagdating sa bagay na ito, nakakalamang ang Rebirth sa Prosperity.

Ngayon na nagsama-sama na ang mga pahina, napupunan ng ng mga pahina ang kahinaan ng isa't isa. Kakaiba ang naramdaman ni Marvin dahil apat na tao na ngayon ang nasa ilalim ng kanyang kontrol pero hindi siya nakakaramam ng ano mang hirap o pwersa.

'Kaya pa siguro nito ang dalawa hanggang tatlo.'

Ito ang tantya ni Marvin.

Pero kadalasan, hindi naman naghahanap si Marvin ng mga taong para lamunin ang kanilang kaluluwa at gawin silang mga tauhan.

Habang nakatayo sa tabi ng pader, hindi pa rin napapansin ni Marvin ang mga nagbago sa kanya sa gitna ng laban.

Nakatuon ang atensyon niya sa Sodom's Blades.

Ang mga kamay niya ay nasa hawakan nito.

'Mag-usap tayo ng matino…' Pinadala niya ang mensaheng ito sa Spirit na nasa loob ng mga dagger.

Matagal naman na nanatiling tahimik ito.

Marahil ay nabigla ito sa Spiritual Power ni Marvin. Matapos ang ilang sandali, mabagal itong sumagot. 'Mga sandata ko 'to, walang maaaring gumamit sa mga ito nang walang pahintulot ko.'

'Tunay na kwalipikado ka para magng may-ari ng mga ito, pero kailangan ko ang tulong mo para gawin ang isang bagay.'

'Hanggang sa magawa mo iyon, pansamantala kang susundin ng mga dagger ko pero hindi mo magagamit ang buong lakas nila.'

Bahagyang nagtaka si Marvin. 'Nakikipagnegosasyon ka ba sa akin?'

Sumagot ang boses nang may pait sa kanyang tono, 'Ayoko sana talagang mapunta sa ibang tao ang pinakamamahal kong mga sandata. Kung buhay pa ako, siguradong pinutulan na kita ng mga kamay.'

Nagkibit-balikat naman si Marvin. 'Kaso nga lang, patay ka na. Isang libong taon na ang lumipas. Dapat nga wala nang natira sa bahagi ng kaluluwa mo.'

'Kahit na namatay na ako, kaya ko pa rin isama sa hukay ang Artifact ko.' Panunuya ng Spirit.

'Noon pa man ako na ang master nila.'

Bumuntong hininga si Marvin. 'Hindi na kailangan. Isang pares lang naman 'to ng sandata. Sinira mo ang pinakamaganda kong sandata, kaya sisingilin kita.'

Suminghal ang Spirit, 'Bastos na Human. Alam mo dapat na ang pinakamamahal mong sandata ay hinding-hindi ka pagtataksilan.'

'Hindi mo maaasahan ang ibang mga bagay.'

Ayaw nang makinig ni Marvin sa kwento ng Tyrant at direktang tinanong ito, 'Ano bang kailangan mo?'

"Mayroong akong Seed,' mabilis na paliwanag ng Spirit, 'Kailangan kong dalhin mo ito sa isang babae."

"Napakahalagang bagay nito. Kapag nagawa mo 'to, sayo na ng mga dagger ko, at mawawala na ako nang tuluyan."

Isang imahe ng babae ang lumitaw sa isipan ni Marvin.

"Ha?" Natuliro si Marvin.

'Bakit siya?' Napaisip si Marvin.