webnovel

Rise to Fame!

編集者: LiberReverieGroup

Nagkagulo ang lahat ng tao sa labas ng training field.

Saglit na natigilan ang lahat. Sino ang mangangahas na manakit sa loob ng Magore Academy!?

Isa ito sa mga ipinagbabawal sa loob ng academy. Bukod sa magic training field at tournament are, hindi maaaring makipag-away ang mga estudyante.

Ang mga apprentices ay dahan-dahan tumayo, galit na tinitingnan ang may nanipa.

Tumayo lang ito. "Walang karapatan ang mga basurang katulad niyo na pagdudahan kung kapani-paniwala man o hindi ang pagkapanalo ko."

Hinawakan niya ang kanyang mga dagger at bahagyang ngumiti habang sinasabi ito. "Kung nagdududa kayo sa lakas ko, tatanggapin ko ang kahit anong hamong niyo."

"Gusto niyo bang subukan?"

Simple lang ang ngiti ni Marvin, pero sa mga mata ng mga apprentice, tila ngiti ito ng isang demonyo.

"Pucha! Siya yung Marvin! Di na ko magtataka kung bakit malakas ang loob niyang manggulo…"

"Saan ba siya napunta, para bigla na lang siyang nawala tapos bigla na naman siyang bumalik ngayon."

"Kahit na mapangahas siya, ito pa rin ang Magore Acadaemy!"

"Talagang hinahamon niya ang mga wizard, kailangan siyang parusahan nang matindi!"

Nagsimulang mag-usap ang mga ito ngunit pabulong lang. Walang naglakas-loob na harapin siya.

At sa halip, nag-atrasan ang lahat nang malamang si Marvin ang may gawa ng paninipa.

Walang nangahas na humamon kay Marvin. At simple lang ang dahilan, nagawa ng lalaking ito na pumatay mismo sa harap ng Magore Acacdemy nang hindi man lang napaparusahan.

Biglang naduwag ang mga apprentice nang malaman na si Marvin ang sumipa sa kanila.

Hamunin si Marvin? Walang duda na ang taong 'to mismo ang pumatay kay White sa isang labang dalawa laban sa isa!

Mga apprentice wizard lang sila, karamihan sa mga ito'y mga level 3 o 4 pa lang na walang mga instant spell. Paano nila haharapin ang isang napakalakas na tao gay ani Marvin?

Malalakas man ang mga wizard, ngunit hindi ito sa lahat ng pagkakataon. Ang isang wizard na may karanasan na sa labanan ay kayang durugin ang isang class holder na mayroong kaparehong level.

Ngunit, kahit na ito ang Magore Academy, marami pa rin rito ang mahihina. Ang ninuno ng mga ito'y mga maliliit na noble at sila'y nagmumula sa buong ka-timugan. Pumunta lang sila rito para makakuha ng diploma bago bumalik at manahin ang ari-arian ng kanilang pamilya. Kung tutuusin, bago ang kaguluhang hatid ng Great Calamity, mapayapa ang buong katimugan ng Feinan dahil sa South Wizard Alliance.

Walang kahit anong krisis ang naganap.

Sa katunayan, kung expert silang lahat, hindi sila mag-aaksaya ng laway na pag-tsismisan si Wayne habang nagsasanay ito. Mahalaga sa karamihan ng mga wizard ang kanilang mga oras. Wala silang oras na pag-usapan o pagdiskitahan ang sino man. Nais lang sumipsip ng mga ito sa Unicorn Clan.

Kaya naman, hindi na nag-atubili si Marvin na turuan sila ng leksyon!

Ang mga apprentice naman, kahit na galit na galit sila, nagkatinginan lang ang mga ito ngunit walang sino man sa kanila ang nagsalita.

Ito ang nagagawa ng takot!

Sa gaspang ng ugali na ipinakita ni Marvin, walang ni isa ang nagsalita!

Pero kahit papaano, may kinalaman rin ito kay Hathaway. Dahil tumestigo si Hathaway para ka Marvin at iniba pa ang pinagdausan ng kompetisyon, may kumalat na tsismis tungkol sa dalawang ito sa buong Three Ring Towers.

Pero kahit na hindi maganda ang nasabi ng mga tao patungkol sa kanya, hindi naman siya magalaw ng mga tao dahil sa bali-balitang kumalat. Iilan lang ang may kayang sumalungat sa Master ng Ashes Tower sa buong Three Ring Towers.

"Alis."

Walang emosyong tiningnan ni Marvin ang mga apprentice na iniinda ang sakit ng mga pwet nila habang naglalakad palayo.

Mga duwag naman ang mga apprentice na iyon. Hindi man lang sila sumubok na lumaban matapos silang ipahiya ng ganoon.

Sa sobrang tagal na namumuhay ng payapa ng mga ito, limot na nila kung gaano kalupit ang tunay na mundo. Masyado silang nagpakasasa sa kadakilaan at katanyagan ng kanilang mga ninuno at nagpakakampante sa kapangyarihan ng mga wizard. At dahil dito, noong nawasak ang Universe Magic Pool, hindi handa at walang nagawa ang mga taong tulad nila.

Nangyari lang sa loob ng isang gabi ang pagtatapos ng isang era. Walang nakaka-alam kung gaano na pala ito katagal pinaghahandaan.

Sa bagsik ng pagtitig ni Marvin, nagtakbuhan ang lahat.

"Kuya!" Natutuwang sigaw ni Wayne na naglalakad papalapit mula sa magic training field.

Ngumiti si Marvin.

Nag-apir ang magkapatid.

Ito ang ginagawa nila, mula pagkabata, para palakasin ang loob ng isa't isa.

"Magaling na ako!"

"Nakakuha ako ng kapangyarihan sa Magic Pool, nakakagamit na ko ng isa hanggang dalawang spell kada araw."

"Malapit na siguro akong maka-advance!"

Tuwang-tuwa si Wayne.

Nakangiti pa rin si Marvin, pero sa loob-loob niya'y hindi niya mapigilang sumimangot.

Higit pa sa inaakala ni Marvin ang bilis ng pag-eensayo ni Wayne. Walang problema ito dati pero iba na ang sitwasyon ngayon.

Malapit nang mawasak ang Universe Magic Pool, at hindi naka-iwas sa epekto nito ang lahat ng Legend Wizard at iba pa. Para naman sa Legend rank, mas mataas ang level, mas malakas ang naging epekto.

May alam siyang paraan para matulungan si Wayne na malampasan ng maayos ang gabi ng pagkawasak ng Universe Magic Pool. Pero 'yon ay kung hindi mahina ang koneksyon ni Wayne sa Universe Magic Pool.

Dahil hindi niya alam kung gagana ito kung malakas ang koneksyon ni Wayne dito!

Sakit sa ulo…

"Kuya? Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Wayne.

Umiling si Marvin. "Wala, may iniisip lang ako."

"Kelan magsisimula ang kompetisyon?"

"Tatlong araw mula ngayon. Sa Snow Mountain. Sa pagkakataong 'to, ipapakita ko na sayo ang kaya ko kuya!" Sagot ni Wayne.

"Lagi mo kong inaalagaan, kaya ngayon, ipapakita ko sayo kung gaano ako kalakas!" Nagmamalaking sabi ni Wayne.

Ngumiti si Marvin.

Gustong-gustong manalo ng kanyang 9 na taong gulang na kapatid. Marahil ang rason kung bakit siya nag-aaral ng magic nang mabuti ay para maprotektahan ang mga taong mahal niya.

Parehong-pareho ang magkapatid na ito sa ganitong aspeto.

"Sige, aasahan ko yan ah." Tinapik ni Marvin ang balikat ni Wayne saka ito bumulong, "Mamayang gabi na natin pag-usapan uli 'to. Kailangan kong malaman kung ano ang mga spell na mayroon ka."

"Sige!" Tumango si Wayne.

Nang biglang, nagdalawang-isip ito at may ibinulong, "Kuya, may… may gusto sana akong pagusapan."

"Anong 'yon?" Hindi napansin ni Marvin ang pag-aatubili ni Wayne dahil biglang may wizard na nakasuot ng kulay ubeng kasuotan ang lumitaw sa tabi ni Marvvin.

"Baron Marvin, maging maingat ka sa mga sinasabi at ginagawa mo."

"Hindi dahil mabait sayo si Dame Hathaway, pwede mon ang gawin ang ano mang gusto mo dito sa Magore Academy!"

Galit nitong tinitingnan si Marvin.

Tumaas ang kilay ni Marvin, "Ito ba ang gusto mo? O ang gusto ni Hathaway?"

"May pinagkaiba pa ba 'yon?" Seryosong tanong ng lalaki.

"Oo," sagot ni Marvin. "Pero mas interesado ako sa magiging reaksyon ni Hathaway kapag nalaman niyang matapos ka niyang utusan, nagsayang ka ng oras na gumawa ng ibang bagay, tulad na lang pagiging inggitero. Ano kaya sa tingin mo?"

Biglang natahimik ang wizard,

'Kulang talaga sa karanasan ang karamihan ng mga wizard… Ilang salita lang ay sapat na para mapatahimik mo sila.' Sabi ni Marvin sa kanyang sarili. 'Matagal na raw na gusto ng wizard na 'to si Hathaway at kailan lang naging isang 3rd rank Great Wizard siya. Tsk! … Walang pag-asa 'to. Mukhang magiging Great Wizard na lang siya habang-buhay.'

Kung si Ivan kaya ang nasa posisyon ng wizard na 'yon… lalaban kaya ito pagkatapos niya itong insultuhin?

Biglang nanghinayang si Marvin habang iniisp ito. Hanggang ngayon ay gusto pa rin niyang malaman ang kinalabasan ng dwelo ng mag-ama.

"Pinapapunta ka ni Dame Hathaway na pumunta sa Ashes Tower, 'yon ang utos niya."

Tinitigan lang ng wizard na nakakulay ubeng damit si Marvin. Saka tumalikod si Marvin at naglakad palayo.

"Mukhang kailangan ko nang mauna." Pagkikibit balikat na sabi ni Marvin.

Tumango si Wayne. Hindi niya alam kung bakit pero makikita sa mata nito ang kapanatagan.

Bumalik na lang siya sa kanyang dorm.

Sa pinakamataas na palapag ng Ashes Tower, sa kaparehong sahig na kahoy.

Mukha nang isang 16 anyos na babae si Hathaway sa pagkakataong ito. Nakasuot siya ng rosas na damit, at ang kanyang kulay dilaw na buhok ay nahahati sa dalawa at nakatirintas. Napaka-inosente at napakaganda niya.

"Maganda ang ani sa Thousand Leaves Forest sa pagkakataong 'to…"

"Karapat-dapat lang sa isang seer na gaya ko, napakalaking potensyal."

Ilang ulit na tiningnan ni Hathaway si Marvin, makikita ang gulat sa kanyang mukha. "Nakaharap mo si Nicholas?"

Tumango si Marvin.

"Mukhang maswerte ka talaga, hinayaan ka talaga ng matandang 'yon na makalabas ng buhay. Mukhang maganda ang relasyon ng advance class mo sa mga elf."

Tiningnan pang mabuti ni Hathaway si Marvin pero hindi niya makita ang advancement path ni Marvin.

Normal lang ito dahil malihim at bibihirang makitang class ang mga Night Walker.

"Ito na ang Book of Nalu na pinapahanap mo."

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Marvin.

Ginamitan ng Inspect ni Hathaway ang pahinang inabot sa kanya ni Marvin at nakumpirmang tunay ito. "Mabuti naman. Magmula noong nagkasundo tayo, nasa ilalim ng pangangalaga ng Ashes Tower ang White River Valley," masayang sabi nito.

"Nakapagpalabas na ako ng balita tungkol sa alyansa natin. Sikat ka na ngayon sa katimugan!"

Nagtatakang tiningnan ni Marvin si Hathawat, saka nito tiningnan ang kanyang mga log.

Kung hindi pa pinaalala ni Hathaway, hindi niya maaalalang tinginnan ang estado ng Myths na nalimutan niyang tingnan! Nagulat siya nang makita niya ito.

Dahil may reputasyon na siya sa buong katimugan!

Sa myth rating log, mayroong na ngayong tatlong [Rise to Fame]!

'Teka! Bakit ganito ito kalala?'

Inisa-isa ni Marvin ang mga log.

[Your deeds have been widely discussed. Region Myth +1]

[Region Myth (Masked Twin Blades) (River Shore City)]: Kilala na ang reputasyon ng Mask Twin Blades sa buong River Shore City. Maraming bounty hunter na ang naghahasa ng kanilang mga espada. Lalo pang ikinakalat ng mga merchant na naglalakbay patungo sa Jewel Bay mula sa River Shore City, ang balita. Masama na ang reputasyon mo sa East Coast. 

[Your Fame started improving. Region Myth +2]

[Region Myth (Masked Twin Blades) (River Shore City)]:Dahil sa pagtulong mo sa Paladin na si Gordian na mapatay ang Plague Envoy, na kinumpirma niya mismo, medyo gumanda ang reputasyon mo ng kaunti. Nagsisimula nang isipin ng mga tao na ikaw ay kakampi ng kabutihan.

[Your deeds have been widely discussed. Region Myth +1]

[Region Myth (Baron Marvin) (Three Ring Towers)]: Matapos mong pumatay sa Magore Academy, ginamit mo ang Ninth Month Medal sa harap ng mga wizard na tagapagpatupad ng batas at matagumpay na nalampasan ang arbitration at trial. Hindi nagtagal, sa qualifying round ng Battle of the Holy Grail, naging matagumpay ka sa labang dalawa laban sa isa. Napansin ng iba pang mga noble sa katimugan si Baron Marvin na mula sa White River Valley dahil sa husay nito sa paggamit ng dagger.

[Your name has been widely discussed, Region Myth +2]

[Region Myth (Baron Marvin) (Three Ring Towers, River Shore City, Jewel Bay, White River Valley)]: Nagdeklara ang Master ng Ashes Tower ng alyansa sa pagitan ng Ashes Tower at White River Valley. Dahil dito nagdulot ito ng usap-usapan sa mga southrer power. Napansin na ng mga ito ang White River Valley, at ikaw bilang Overlord at nakilala na rin.