webnovel

Chapter One Hundred Forty

Audrey Dela Cruz

"Hinawakan nya. Hinawakan nya," bulong ni Kuya na parang baliw habang naglalakad kami dito sa LaLa Land.

Paulit ulit nyang sinasabi ang 'hinawakan nya' ang alin? Nakakainis ano ba ang ginagawa ko dito kasama sila? Bakit pati ako napasama sa dalawang 'to? Kasalanan 'to ng panget na Romeo na 'yon! Busy daw sya kaya hindi tuloy ang date namin!

"Daddy!! Daddyyyyyy~!!" kulit sa kanya ni Angelo.

"Hinawakan.. Hina...wakan nya! HINAWAKAN NYA!! Ang gagong 'yon wala sa usapan ang paghawak sa parte na yon ah! Potek! Potek! POTEEEEK!" sigaw ni kuya habang ginugulo ang sarili nyang buhok.

Hindi na ako nakatiis at binatukan ko na ang kapatid kong nababaliw.

"Aray ko! Para san 'yon! Takte ang sakit!"

"Binatukan kita malamang naman diba? Masakit talaga 'yon! Unless you're a masochist masasarapan ka talaga. Which is gross eew!"

"Problema mo ba? Tsk!"

"Daddy what is Powtek and Takti?" tanong ng inosenteng si Angelo sa kapatid ko.

Muli ko syang binatukan.

"Aray ko namaaan! Hoy Audrey mas matanda ako sa'yo! Matuto kang gumalang, tsk!"

"Nakita mo na kung ano ang itinuturo mo kay Angelo? Leche ka Kuya kapag ako na naman ang napagalitan ni Mommy humanda ka sakin! Gagastos ka nang matindi!"

"Tsk. Oo na. Chill ka lang kapatid," depensa ni Kuya.

Chill Chill Leche!

Tumingin sa akin ang inosenteng si Angelo. "Ate, what is leyche?"

Nagkatinginan kami ni kuya. "Lagot ka kay Mama," sabi sa'kin ni kuya sabay wagayway sakin ng daliri nya.

"AAAAAHH!! Naiinis ako sa inyong mga lalaki! Grr! Dito lang kayo! Pupunta muna akong washroom! Nakaka-stress kayo!" Nag-martsa na ako paalis.

Bwisit na araw 'to. Yung panget kong boyfriend hindi man lang ako tinatawagan. Baka mamaya nambabae na. Leche mapuputulan ko 'yon! Mapuputulan ko ng buhok. Kakalbuhin ko sya hanggang sa lalo syang pumangit.

Pumasok na ako sa Ladies' Room at agad na pumasok sa isang cubicle don. Nakakainis ang mga lalaki. Ang hirap kausapin. Parang may sariling mundo.

"Kyaaa! Ang cute naman!"

"Bata, hinahanap mo ba ang Mama mo?"

"Ang cute mo, gusto kitang i-uwi!"

May pinagkakaguluhan sila. Ano naman kaya? Lumabas na ako ng cubicle pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin.

"Ateee~!" Masayang kumaway sa'kin si Angelo. "Daddy said he's going to take care of something!"

ANO?!! Matapos nya akong hilahin dito para samahan sya na i-babysit si Angelo iiwan nya kami dito?!

"Aww. Ang cute nya mag-salita," natutuwa na sabi ng isang babae sabay kurot sa pisngi ni Angelo.

Mukhang inosente naman si Angelo habang nakatingin sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Ano ba 'yan? Hinawi ko ang mga babae na nakapalibot kay Angelo. Ang hirap talaga kapag cute na bata ang nakaharap sa'yo. Di ko sila masisisi, mukha kasing anghel si Angelo.

"Ano'ng sabi ni Kuya? Saan daw sya pupunta?"

Nilagay nya ang hintuturo nya sa kanyang baba. "Uhhm. Daddy said he's on a mission."

"Mission?! Ano'ng mission?!"

Nag-pout sya. "Uhhm. Daddy said he's going to chase Tweety bird." Kuminang bigla ang mga mata nya.

"TWEETY BIIRD?! Ang mga dahilan talaga ni kuya maka-alis lang," nanggagalaiti na bulong ko.

"Can we go see Tweety Bird too, Ate? Please? Please?" Ginamit na naman ni Angelo ang natutunan nya kay Samantha. Ang hilig nyang magpa-cute.

Napuno ang buong ladies room ng "Aww."

Kinuha ko na ang mga kamay ni Angelo bago pa sya kunin ng mga babaeng nabighani sa ka-cutean nya. Mababatukan ko talaga ulit ang kapatid kong yon! Iniwan kami!

次の章へ