webnovel

Chapter One Hundred Eighty-Three

Miracle Samantha Perez

"Nagustuhan mo ba ang concert Sam?" tanong sa akin ni Red habang nasa sasakyan kami.

Nag-aalala ako sa Crazy Trios pati na rin kay Audrey pero sabi ni Red, mas maganda kung hihiwalay kami. Para na rin siguro makapag-usap kaming dalawa. Ito na ang pagkakataon namin.

"Oo naman! Ang sarap pakinggan ng mga boses nila habang kumakanta. At ang gwapo ni Xian Lim kanina!"

"Sus! Kung gwapo 'yon, ano pa kaya ako?" pagmamayabang niya.

"Hangin! Ang lakas ng aircon ng sasakyan mo," tumatawang sabi ko.

"Ikaw lang naman eh," bulong niya. "Nandito naman ang gwapo sa tabi mo, kung saan-saan ka pa tumitingin."

Kaagad na pumula ang mukha ko. "Jared, sobra na yan ha!" Di ko napigilan na hampasin siya sa braso.

"Aray!" sigaw nya.

Nagulat ako dahil mukhang nasaktan nga siya. Mahina lang naman ang hampas ko sa kanya ah. Akala ko nagbibiro lang siya pero nakita ko na nakakagat siya sa labi niya habang diretso ang tingin sa harap ng sasakyan na minamaneho.

"Sorry Jared! Sorry. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.

Ngumiti sya na tumingin sakin. "Joke! Hahaha!" Tinawanan niya ako bigla.

"Adik!"

"Kayong dalawa ng kapatid ko, sinasabihan ninyo ako niyan. Mukha ba akong adik?" tanong niya.

"Oo, mukha kang adik. Ang adik mo."

"Siguro nga adik ako," nakangiti nyang amin. "Adik sa'yo."

"Wah! Ang cheesy mo Jared Dela Cruz!" sigaw ko sabay iwas ng tingin.

Tinawanan niya lang ulit ako. Adik talaga. Pero masaya ako dahil normal lang ang usapan namin. Kung anu-ano pa ang pinag-usapan namin ni Red bago kami makarating sa hotel nila. Ang Green Leaf Hotel and Restaurant ang isa sa mga ipinagmamalaking hotel sa Pilipinas.

Sinalubong kami ng isang valet at kinuha ang susi ng sasakyan mula kay Red. Nilibot ko ang tingin ko sa mataas na building ng hotel. Ilang daang talampakan ang taas ng crystal chandelier sa lobby. Nababalutan ng gold ang buong paligid. Kumikislap sa ganda ang buong lobby. Lobby palang ito, paano na kaya ang pinakamahal na room nila?

Dinala ako ni Red sa top floor. May malaking bulwagan doon na pinuno ng iba't-ibang uri ng bulaklak. Sa gitna naman ay may table for two. May nakatayong waiter doon na nakauniporme. Napalingon ako kay Red. Pinagkaabalahan nya talaga ang gabing ito?

"Let's go." Hinawakan ako ni Red sa likod ko at iginiya papunta sa mesa.

Hindi ako makapag-salita. Ito ang unang beses na makikipag-date ako ngayong araw ng mga puso. Kung si Timothy kaya ang date ko, saan niya ako dadalhin? Maiisip din kaya niya ito? Hindi naman kasi siya ganoon ka-romantic. Baka nga hindi nag-eexist sa vocabulary nya ang Valentines Day eh.

"Ginawa mo talaga ang lahat ng 'to?" tanong ko habang tinitignan ang nagmistulang garden na bulwagan.

"Ako ang pumili ng mga bulaklak at ako rin ang nagpa-ayos pero hindi ako ang gumawa lahat. May mga binayaran akong tao para tulungan ako. Nagustuhan mo?"

"Oo naman. Para tayong nasa greenhouse. Kulang nalang ay araw at mga butterflies," natatawang sabi ko.

"I'm glad." Inabot niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Gusto ko na maging memorable ang gabing ito para sa ating dalawa."

Hindi ako nakasagot. Tinitigan ko lang siya. Parang may iba pa siyang balak gawin bukod dito.

***

"Red saan ka nga pala napunta? Bigla ka kasing nawawala eh. Hindi ka rin nakakapasok sa mga classes mo. May problema ba?" tanong ko habang kumakain kami.

"Wala. May inaasikaso lang. Heto tikman mo 'to." May nakatusok na karne sa kanyang tinidor na ipinapakain sa akin. Pinagbigyan ko nalang siya at kinain ang karne. "Masarap ba?" ngiting-ngiti na tanong niya.

Tumango ako habang ngumunguya. Ang lapad ng ngiti niya. Natatakot ako na baka mapunit ang labi niya sa sobrang lapad non. Nang matapos kaming kumain, bigla siyang tumayo at naglahad ng isang kamay sa akin.

"May I have this dance?"

Napakurap nalang ako sa gulat. Wala naman kasing musika. Biglang may tumugtog ng violin na ikinagulat ko. Nakita kong nakatayo ang lalaking violinist di kalayuan sa amin ni Jared.

"Sure," sagot ko sa kanya.

Ipinatong ko ang kamay ko sa naghihintay niyang palad. Tumayo ako at pumunta kami sa bandang gitna ng bulwagan. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ipinatong iyon sa kanyang matipunong balikat. Nakahawak naman sa waist ko ang dalawa niyang kamay.

Siya ang nanguna sa pagsasayaw. Isa lang naman iyong simpleng waltz. Na-recognize ko ang tugtog bilang moon river. Hindi ako mapakali sa titig niya sakin. Iniyakap na niya ang braso niya sa akin na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Sobrang lapit na namin sa isa't-isa.

"Samantha..." bulong nya.

"Bakit?"

Tinitigan niya ako nang matagal sa mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong palapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako ng mariin.

"Mahal kita, Samantha."

Binuksan ko ang mga mata ko. Idinikit lang niya ang noo niya sa noo ko.

"Red."

"Alam ko." Nabakas ko ang lungkot sa boses niya. "Hindi na pwede."

"Jared."

Naramdaman ko ang sakit na ibinibigay ko sa kanya. Siguro doble ang sakit na 'to sa kanya. Hindi na kami pwedeng dalawa.

"Masaya lang ako dahil hindi ka ipinagdamot ng kaibigan ko sa'kin. Kahit papaano binigyan niya ako ng oras para makasama ka."

"A-alam ni Timothy noon pa?"

"Oo. Ayaw niya siguro na pagsisihan ko ang hindi ko pag-amin ng nararamdaman ko. Hindi niya gusto na maranasan ko ang naranasan niya. Ang paulit-ulit na itanong sa sarili na 'paano kaya?'. Gago rin 'yon eh, kung ako sa kanya, hinding hindi ko pasisingitin ang kahit na sino sa puso mo," nakangiting sabi nya.

"Red. I'm so sorry," naiiyak na hingi ko ng tawad. "Hindi kita dapat na pinaasa nang ganito. Kasalanan ko ang lahat. I'm so sorry. Ang sama-sama ko. Patawarin mo ako Jared."

"Sshh." Pinunasan nya ang luha ko.

Niyakap ko siya nang mahigpit at umiyak sa dibdib niya. Niyakap lang din niya ako. Tahimik lang siya habang hinahaplos ang buhok ko. Nag-mahal ako ng dalawa, mag-kaibigan pa. Pero sa bandang huli may pagkakaiba parin ang uri ng pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanila. Si Timothy parin. Si Timothy lang.

"Alam mo ba ang sinasabi nila na 'kung magmamahal ka ng dalawa, piliin mo ang pangalawa dahil hindi ka magmamahal ulit kung sapat ang pagmamahal mo sa una?" tanong ni Red. Tumango ako. "Ang laki ng inasa ko sa kalokohan na 'yan eh. Ang laki kasing paasa."

May naramdaman akong tumulo sa balikat ko. Umiiyak din siya. Humigpit ang yakap niya sa akin. Para narin siguro hindi ko makita ang mukha niya.

"Tanga lang. Hindi kasi nila inisip na maaring nagmahal lang ang taong 'yon ng pangalawang beses dahil nangulila siya doon sa una. Na pwedeng magmahal ulit pero hindi kasing tindi sa nauna. Bakit ba sila nagpapakalat ng mga ganong sabi-sabi? Paasa sila."

"Jared…" Gusto ko siyang tignan sa mga mata pero masyadong mahigpit ang yakap niya sakin. Ayaw niyang makita ko siyang umiiyak.

"Mahal kita Samantha. Tandaan mo 'yan."

"Alam ko Jared. Alam ko."

"Ang hirap tanggapin. Narinig mo na rin ba yung." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "If you love someone set them free?"

"Oo."

"Pucha. Tinamaan ako eh. Haha! Ang laking sampal sa'kin lalo na ang kasunod non."

"Red." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.

Hindi ko alam kung makakasakit o makakabuti ang sasabihin ko kaya naman pinigilan ko nalang ang sarili ko na mag-salita. Hindi ko gusto na makadagdag sa sakit na nararamdaman niya. Hinayaan ko nalang siya na ilabas ang mga nararamdaman niya.

"Sino kaya ang mga nag-imbento non? Na-apply na rin kaya nila 'yon sa sarili nila? Kung makapagsalita kasi sila parang alam na nila ang lahat eh. Alam ba nila kung gano kasakit ang pakawalan ang taong gustong gusto ko na makasama habangbuhay? If you love someone set them free? Hah! Tangnang shit! Kung wala lang si TOP, hinding hindi kita hahayaan na mapunta sa iba eh. Kaso pakshit, kaibigan ko 'yon. Kilala ko kung paano magmahal 'yon. Alam ko kung gaano ka niya kamahal. Kung gaano niya— kung gaano niya iningatan ang mga alaala mo. Sa tagal ng pagmamahal niya sa'yo, talong-talo ako eh."

次の章へ