webnovel

Chapter Eighty-Eight

Miracle Samantha Perez

"Ano na kaya ang nangyayari kina Michie?" tanong ko sa sarili ko.

Kanina pa kasi sila hindi nabalik ni Kuya Lee. Nakain naman sa labas sina China at Maggie. Maghahanap daw sila ng gwapo sa labas pampatanggal ng stress.

Iniwan ko muna si Red at Angelo sa loob ng silid ko. Sabi ko pupuntahan ko na muna si Michie baka sakaling tapos na sila mag-usap ni kuya. Habang naglalakad ako nakasalubong ko si kuya Mark na may kasamang iba pang lalaking nurse. Siguro pupunta sila sa canteen para mag-lunch?

"Hi kuya," bati ko.

"Yung crush mo 'dre" siko sa kanya nung isang nurse.

Eh? Ano daw?

"Ikaw pala," nakangiting lumapit sa'kin si kuya Mark.

"Yieeeeeeee~!" hiyaw nung mga kasama nya.

"Mga 'to, una na kayo don," sabi ni kuya Mark sa mga kasama nya.

Umalis na yung mga kasama nyang nurse nang nagtatawanan.

"Bakit ka naglalakad dito dapat nagpapahinga ka sa kwarto mo. Nasakit pa ba ang ulo mo?"

"Hindi naman masyado, okay lang. Binigyan ako ng gamot kanina ni Doc."

"Pero hindi ka parin dapat nalabas ng kwarto mo," inakbayan nya ako.

Yung akbay na inaalalayan.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo baka mamaya hindi ka pa gumaling agad," sabi ni kuya Mark.

"Okay lang naman ako kuya eh," sabi ko.

Gusto kong puntahan si Michie eh. Ano na kaya ang nangyayari dun?

"Nasan ba yung boyfriend mo?"

"Boyfriend? Pano mo nalaman na may boyfriend ako?"

"Ahh. Sabi na eh, kaya pala ang sama ng tingin sakin kanina nung lalaki. Boyfriend mo nga sya."

"Huh? Kanina?" Nandito ba si Timothy?!

"Yung sumundo sa'yo kanina?"

"Ahh. Hindi ko boyfriend—"

"Excuse me! Makikiraan! EXCUSE!" may dumaan sa pagitan namin ni kuya Mark.

Natanggal tuloy yung pagkakaakbay nya sakin. Muntik pa akong matumba mabuti napahawak ako sa stand ng dextrose ko. Buti nalang.

Sino ba naman kasing nilalang yung bastos na dumaan bigla sa pagitan namin? Ang lawak ng daan ah! Sa gitna pa namin dumaan?!

Pagtingin ko sa papalayong nilalang...

"Hoy Jared!" tawag ko.

Huminto sya sa paglalakad at lumingon sa akin. Nagulat sya at lumapit samin.

"Yow! Samantha ikaw pala yan hahaha!" tawa nya.

Baliw oh. Hindi ba nya napansin na ako 'to?

"At ikaw na naman pala..." nakangiti si Red at nakasara ang ngipin nya habang sinasabi ito kay kuya Mark.

Ano na naman ba ang kailangan nito? Sabi ko bantayan nya si Angelo eh!

"Jared bakit ka ba nandito? Diba sabi ko sayo maiwan ka sa kwarto at walang kasama si Angelo?" tanong ko.

"Hindi naman kasi kailangan ni Angelo ang pagbabantay ko. Nanunuod lang sya ng tv don," sagot nya sa'kin na ganon parin, nakangiti at nagsasalita through gritted teeth. "Samantalang ikaw naman Samantha, ikaw ang mas nangangailangan ng bantay ko."

"Ano ba ang sinasabi mo?!"

Para kasing may gusto syang iparating na hindi ko maintindihan. Para bang pinapalabas nya na may ginagawa akong masama? Eeeeeessshh! Naiinis ako kapag ganito sya!

"Ikaw naman..." bumaling si Red kay kuya Mark.

"Hinahatid ko lang sya pabalik sa kwarto nya," nakangiting sabi ni kuya Mark.

"Uhuh. Nakita ko nga pala yung mga ibang student nurse na nag-bbreak na, sumunod ka na kaya?" taboy sa kanya ni Red.

"Haha! S-Sige ikaw na ang bahala kay Samantha."

"Oo talagang ako na ang bahala sa FIANCEE ko."

"F-Fiancee?" nagulat si kuya Mark.

"JARED!" Nakakahiya!

"Oo FIANCEE" ipinagdiinan nya yung salitang fiancee.

Napahawak nalang ako sa ulo ko. Haaaayyyy. Nang matapos ang usapan nila, umalis na rin si kuya Mark.

"Stupid virgin..." ang unang lumabas sa bibig nya.

"A-Ano?!"

"Gaano ka ba ka-dense Samantha? Alam ko na virgin ka at inosente sa ilang bagay pero SOBRA ka nang DENSE!" nagulat ako sa sinabi nya.

"A-Ano?! Hoy Jared Dela Cruz! Hindi ako dense! Mas lalong hindi stupid! Valedicorian ako ha, kala mo ha!!"

Nag-face palm sya na parang ang bigat ng problema nya. Tumingin sya sa akin nang matiim. Bigla nyang tinulak tulak ang noo ko gamit at hintuturo nya.

"Ano ba ang laman ng utak mo? Puro math formulas? History ng Pilipinas? Chemical symbols? Ang STUPID mo talaga!"

"Aray ko masakit na yan ah!!" tinabig ko yung kamay nya.

"Okay lang na maging dense ka, pero may LIMITASYON din naman yon! Stupid! Stupid virgin!" tinulak tulak nya ulit yung noo ko gamit ang daliri nya.

"Ano'ng kinalaman ng pagiging virgin ko sa pagiging dense?!! Tigilan mo nga yan!! Masakit yan ah!!" tinakpan ko ang noo ko.

"Mas sumasakit ang ulo ko sa'yo," napahawak sya sa noo nya at minasahe yun.

"Ikaw pa ang nagrereklamo eh ako nga itong may noo na inabuso mo!!" Kapal nito kahit kailan.

"Ay ewan! Pano ka ba natatagalan ni TOP?!" bulong niya.

"Hindi kita maintindihan! Ewan ko rin sa'yo! Bwiset!" Umalis na ako.

"Hoy Samantha!" tawag nya.

Hindi ko sya pinansin. Nakakainis yun ah!

Nung makarating ako sa kwarto ko umupo agad ako sa kama ko. Nandoon si Angelo sa sofa at nanonood parin sa TV. Buti pa sya, walang problema. Kaka-stress si Red. Ano ba yung sinasabi nya? Dense daw ako? Tapos stupid daw ako? Tapos pano daw ako natagalan ni TOP? Meanie! Ano ang gusto nyang palabasin dun?

Na-miss ko tuloy si Timothy. Hubby koooo~ Kailan tayo magkikita ulit?

Bumukas yung pinto. Pumasok si Jared. Hmp! Inirapan ko sya. Hindi ko sya papansinin. Nakakainis sya!

"Samantha, hoy," tawag nya.

Nasa gilid sya ng kama ko. Nakatalikod ako sa kanya habang nakaupo.

"Sorry na bati na tayo," sabi nya na parang nagpapaawa effect.

Che! Nung nasa France kami, ganyan din sya. Nakaka-miss din pala yung mga ganitong feeling. Kakaiba kasi sya mag-sorry eh. Nagpapacute sya. Mukha syang pusa.

"Uy." Kinulbit nya ako.

"Don't talk to me."

"Ay? Sorry na nga eh, binabawi ko na yung mga sinabi ko"

Sinilip ko yung mukha nya. Naka-pout sya. Kamukha nya si Puss!

"Kamukha mo talaga si Puss in Boots!" natatawa kong sabi sa kanya.

Pabagsak na umupo si Red sa kama ko, akala ko masisira ang kama ko eh.

"Pinaglalaruan mo lang ako eh tsk!"

"Hindi ha!" Pinunasan ko yung luha ko, naiyak na pala ako sa kakatawa. "Ang cute lang kasi talaga ng mata mo kapag nagpapaawa. Mukha kang pusa na humihingi ng ulam sa akin. Kawawa ka naman."

"Ah ganon? So naga-gwapuhan ka na sa'kin?" nilapit nya yung mukha nya sa'kin.

"Oo," sagot ko.

"A-Ano?" gulat nyang tanong sa akin. Namimilog ang mata nya.

"Oo! Sobra as in!" Kinurot ko yung dalawa nyang pisngi.

Namumula na sya.

"Uy namumulaaaa ooooyyyy~" Ang cute nya mag-blush.

"Natural namumula yan kasi kinukurot mo ako!!"

"Ay?" Binitawan ko na ang pisngi nya.

Oo nga namumula nga sa kurot ko.

"Masakit?" tanong ko.

"Ano sa tingin mo Samantha?" Himas himas nya yung magkabilang pisngi nya

"Hehe! Sorry na, bibigyan nalang kita ng gamot."

"Hwag na." Sumimangot sya sa akin.

"Sus! Halika nga," hinila ko yung kwelyo nya.

Bibigyan ko nalang sya ng kisspirin, sa pisngi lang naman eh. Gusto ko rin malaman kung mamumula na ba sya kapag ginawa ko yun.

"Hoy ano ba a—"

Napakurap kurap ako ng mata. AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!! Nahalikan ko sya sa labi nya!!!!!!!! ANO ANG GINAWA KO?! Nagkatitigan nalang kami. Namimilog ang mata namin habang magkadampi parin ang mga labi namin. At parehas kaming hindi makagalaw mula sa mga posisyon namin. Para kaming naestatwang dalawa. NOOOOO!!!!!

次の章へ