276 Wala sa Mood si Young Master Su (3)

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

Hindi inakala nila Huo Mian at Qin Chu na makikita nila si Jing Zhixin dito…

Kasama ni Jing Zhixin ang kanyang babaeng kaklase na mukhang mahiyain. Nakasuot ito ng salamin at hindi ganun kagandahan.

"Uhm… Zhixin, bakit ka andito?" Tanong ni Huo Mian.

"Nandito ako para maunod ng palabas kasama ang kaklase ko, nakuha namin ito mula sa Groupon."

"Oh..." medyo nailang si Huo Mian.

"Ate, ito ang kaklase ko, si Zheng Yanru," pagpapakilala ni Jing Zhixin.

Pagkatapos, sinabi nito, "Ito ang ate ko, si Huo Mian."

Tumingin naman si Jing Zhixin kay Qin Chu at sinabing, "Ito ang boyfriend ng ate ko."

"Hello, sister at brother-in-law," nahihiyang bati sa kanila ni Zheng Yanru.

Tumango lang si Qin Chu bilang pagsagot…

Nakaramdam si Huo Mian ng hindi pagka-ilang… kung alam lang niya na mahuhuli sila edi sana mas maaga siyang umamin kay Zhixin.

"Oh, hi."

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

avataravatar
次の章へ