460 Hindi pa Pinapakita ng Tigre Kung Gaano Siya Kabangis (10)

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

"Tsk tsk… Hindi ba't ikaw ang tatay ni Huo Mian? Bakit hindi mo alam ito?"

"Sa totoo lang, wala akong ideya, Mr. Su. Siguro ay isang pagkakamali ito."

"Pagkakamali? Hindi, ang mga pinagkukunan ko ng balita ay kailanman hindi naging mali. Kung gusto mo, pwede kang pumunta sa Civil Administration Bureau at tingnan mo ito mismo.

"Kailan siya ikinasal? Kanino?" Pakiramdam ni Huo Zhenghai ay sasabog na ang puso niya.

Kailanman hindi nabanggit sa kanya ni Huo Siqian ang tungkol dito. Maliban nalang kung… balita rin ito para kay Huo Siqian?

"Kilala mo rin yung lalaki. Siya yung bagong president ng GK. Sila ay kasal na ng apat na buwan."

Nalungkot si Su Yu dahil naalala na naman niya na ikinasal na si Huo Mian bago pa sila magkita…

Pakiramdam niya ay huli na nung dumating siya…

"Qin Chu? GK?" Mas lalong hindi mapakali si Huo Zhenghai nung sinabi ang balita na ito sa kanya.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

avataravatar
次の章へ