533 Ang Utang ko Sayo Mula sa Nakaraan Nating Buhay (3)

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

"Wala kayong IDs? Edi hindi kayo pwede manatili rito. Strikto kasi sila sa mga ganitong bagay ngayon." Kaagad kumaway ang owner nung narinig niya ito.

"Dali na boss, pagbigyan mo na kami. Pagod na kasi talaga kami at gusto na namin matulog kahit isang gabi lang."

"Hindi talaga pwede, sobrang strikto nila tungkol dito at ayokong malaman nila ito dahil baka pagmultahin nila ako." Hindi man lang tumingin ang may-ari kay Huo Mian; patuloy lang ang pag ngat-ngat nito sa mga buto ng sunflower habang nanunuod ng TV. Ayaw nitong makipagkompromiso sa kanila.

Hindi umimik si Qin Chu dahil alam niya na kaya ni Huo Mian ang sitwasyon.

Nang biglang, naglabas si Huo Mian ng limang 100 yuan at inilapag ito sa counter.

"Anong ginagawa mo?" Ang tingin at atensyon ng may-ari ay kaagad napunta sa pera.

"Pakiusap ma'am, hayaan mo kaming manatili ngayong gabi. Handa kaming magbayad ng 500 yuan bawat gabi, ayos na ba yun?"

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

avataravatar
次の章へ