468 Ang Pagtakbo Para sa Buhay Niya (8)

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

"President Huo… patawad, ang babaeng ito ay sobrang lakad at hindi ko siya kayang pigilan..." paulit-ulit na paghingi ng tawad ng babaeng assistant.

"Ayos lang, makakaalis ka na." Ikinumpas ni Huo Siqian ang kanyang kamay at sinenyasan ito na umalis.

"Huo Siqian..."

"Uy, andito pala ang aking nakakabatang kapatid na si Mian. Ano ang maitutulong ko? Halika, maupo ka."

"Tigilan mo na ang pagsasalita ng mga walang kwenta, ikaw ba ang tao sa likod ng pwersahang demolisyon at paglipat?"

"Little Sis, kalma. Halika, hayaan mo akong sabihin sayo ang lahat pero maupo ka muna, okay?" Si Huo Siqian ay abnormal na mapagpasensya kay Huo Mian.

Tiningnan siya ni Huo Mian ng walang emosyon at labas sa loob na umupo.

"Ano ang gusto mo kape o tsaa?"

"Hindi ako pumunta rito para uminom ng tsaa kasama mo..."

"Hindi lang kung sinu-sino ang nakakapunta rito at nakakinom ng tsaa kasama ko, alam mo ba yun?" Tumawa si Huo Siqian.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

avataravatar
次の章へ