512 Ang Freak na may Mataas na IQ (2)

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

"Salamat sa imbitasyon pero hindi naman ako nagmamadaling maglaro. Mauna na kayo." Nakangiti at maayos na tinanggihan ni Huo Mian ang alok ni Wei Liao.

Dahan dahan siyang naglakad sa paligid at nakita niyang maraming tao ang hindi maitago ang excitement at nakaupo na sila para maglaro.

Gusto ni Huo Mian na subukan ang kanyang swerte. Nang may nakita siyang isang lamesa na kulang ng isang player, naupo siya rito.

Isang matandang babae na asa fifties ang nakaupo sa tapat niya. Nakasuot ito ng napakapal na makeup, medyo mataba na nakatali ang buhok at meron itong sigarilyo sa kanyang bibig. Sa itsura niya pa lamang, halata na hindi siya mabait na kalaban.

Sa kaliwa naman niya ay payat na lalaki na may katamtaman na itsura at meron itong salamin na suot, mukhang asa thirties na ito.

Sa kanan naman ay isang matabang kalbong lalaki na asa forties. Meron itong suot na Rolex sa kanyang kamay, nangangamoy ang pagiging mayaman nito.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

avataravatar
次の章へ