webnovel

Makawasak Mundong Konspirasiya

編集者: LiberReverieGroup

Wala siyang sinabing salita kay Sam at sa iba pa tungkol sa konspirasiya.

"Anong konspirasiya?" Si Sam at ang iba pa ay gulat na nakatingin sa kanya. Kahit na nagdududa sila na may malaking pangyayari sa likod nito, halata naman na ang konspirasiyang nasa isip ni Mubai ay iba kaysa sa iniisip nila.

Hindi sila direktang sinagot ni Mubai pero tumingin ito kay Xinghe para magkumpirma, "Tama ba ako?"

Tumango si Xinghe. "Oo, kung hindi ako nagkakamali, may nagpaplano ng malaking konspirasiya."

"Xinghe, ano ang konspirasiyang ito?" Tanong ni Ali.

Tumingin sa kanila si Xinghe at seryosong inanunsiyo, "Mayroong tao na sinusubukang sirain ang Hwa Xia."

"Ano?!" Ang ilan sa kanila ay nanlaki ang mga mata sa pagkagulat. Mayroong nagpaplano na wasakin… ang Hwa Xia. Sa kasalukuyan ay may pinanghahawakang importanteng posisyon sa mundo ang Hwa Xia. Nagawa nitong makita ang mabilis na paglago sa mga nagdaang taon, na nagdulot sa ibang bansa na mainggit at mag-ingat dito, pero hindi nila nais isipin na ang mga taong ito ay magiging matapang at may pagkabaliw para gustuhing wasakin ang Hwa Xia.

Tulad nga ng sinabi ni Mubai, isa itong tunay na konspirasiya. Pero muli, kahit na may Earth-threatening crisis na nangyari, ano pa nga ba ang imposible?

Si Sam at ang iba pa ay hindi inisip na binibiro sila ni Xinghe. Naproseso nila ng mabilis ang katotohanan at naniniwala silang tama nga si Xinghe.

Ang virus ay may kinalaman ng husto kay Shi Jian at sa iba pa. Ang mga ito ay dinakip palayo ng United Nations, pero nangangahulugan nito na ang virus ay may kaugnayan sa United Nations; pinatutunayan nito na ang ilang bansa ay talagang may masamang layunin sa Hwa Xia.

Kung wala ang lunas, ang virus ay magagawang mapatay ang kalahati ng bansa, at kung ang bansa ay sobra ang naging pinsala, kahit na anong bansa ay maaaring magbigay ng nakakamatay na dagok dito. Kaya naman, ang pagbagsak ng Hwa Xia ay hindi naman talagang imposibleng mangyari…

Habang iniisip nila ang tungkol dito, mas lalong nag-alala si Sam at ang iba pa.

"Pero sino ang may gustong kalabanin ang Hwa Xia?" Ang sagot ay agad na naisip niya pagkatapos lumabas ng tanong sa kanyang bibig. "Ito ay ang Country W at Country C, hindi ba?"

Ang galit ng dalawang bansang ito tungo kay Xinghe sa kumperensiya ay masyadong halata.

Tumango si Xinghe. "Siguradong sila, pero maaaring may iba pang bansang kasama dito."

"Nakakakilabot naman. Paano nila ito nagawa pagkatapos lamang makaligtas ng mundo sa isang krisis? Ang sangkatauhan ay dapat na nagtutulungan, hindi naglalaban na tulad nito!" Galit na sambit ni Ali.

"Kailangan nating sabihin sa kanila ang katotohanan," paalala ni Cairn sa lahat.

"Alam na ng mga top officials," sabi ni Xinghe na nagdala ng gaan sa pakiramdam ng lahat. Agad na idinagdag ni Xinghe, "Itago ninyo ang impormasyong ito sa inyong mga sarili, hindi natin maaaring maalerto ang mga kaaway natin."

"Okay, huwag kang mag-alala, itatago namin ito bilang highly confidential," ang lahat sa kanila ay seryosong nangako, at pinagkakatiwalaan naman sila ni Xinghe.

Matapos na bumalik sila sa Hills Residence, ipinagpatuloy ni Mubai ang usapan ng sila lang ni Xinghe. Hindi inaasahan ni Mubai na makikita ni Xinghe ang isang natatagong konspirasiya habang maysakit ito ng ilang araw. Ang Hwa Xia ay nasa bingit ng pagkawasak, at bilang mamamayan ng bansa, pakiramdam ni Mubai ay responsable siya.

Matapos na malaman ang katotohanan, wala as kanila ang mapakali. Dahil kapag bumagsak ang bansa, ang lahat sa kanila ay dadanas ng matinding dagok.

"Ano ang sinabi ng mga top officials?" Madilim na tanong sa kanya ni Mubai.

Mahinahon siyang sinagot ni Xinghe, "Buti na lamang at hindi nila inisip na walang basehan ang mga paalala ko. Hinigpitan nila ang seguridad at ang mga imbestigasyon ay isinasagawa nila sa dilim. N