webnovel

MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE

MARBLE----mukhang bampira na dalaga sa haba ng dalawang pangil na ngipin at ginawang subdivision ng malalaking pimples ang mukha na nang makagraduate ng high school ay napilitang isama ng tyahin sa Manila ngunit iniwan sa Luneta at naging taong grasa subalit nakita ng isang matandang pulubing may alzheirmer's disease pala at napagkamalan siyang ina nito na magulang pala ng isang mayamang anak at lolo ng binatang nagnakaw ng kanyang first kiss na halos pandirihan siya pagkatapos, at ang naging motto sa buhay ay NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE. Subaybayan niyo po ang pakikipagsapalaran ni Marble upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay at mahalin ng lalaking kanyang itinatangi.

Dearly_Beloved_9088 · 都市
レビュー数が足りません
176 Chs

AT THE BAR

4pm sharp, kinuha nga ni Cathy si Kaelo sa kanyang condo. Birthday daw kasi ng bunso nitong kapatid kaya isinama na ang bata sa bahay nito. Excited namang sumama ang huli dahil sanay naman na itong magpunta sa bahay ng dalaga para makipaglaro sa kapatid ni Cathy.

Lampas alas Otso nang gabi nang sunduin siya ni Erland. Nakapolo shirt lang ang binata at pantalong maong. Siya nama'y naka mini skirt lang din, binagayan niya lang ng fitted crop top sa pang itaas, lantad ang kanyang flat na tyan tsaka pares ng itim na boots na tatlong pulgada ang takong pero hindi pointed heels.

Hindi na mapapahiya ang binata sa suot niyang yun.

"Shall we go?" yaya niya nang sandali itong mapatanga pagkakita sa kanya.

"You really are my barbie doll." saad nito saka siya inakbayan palabas ng condo, deretso sa elevator.

"Erland, bakit hindi na lang si Cathy ang isinama mo?" usisa niya sa loob ng elevator.

"Susunduin daw niya ako mamaya pag-uwi." anitong namula bigla ang pisngi.

Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Asus, pakipot ka pa eh. Aminin, anong balak mo mamaya sa kanya?" panunudyo niya rito.

Isang halik lang sa buhok ang isinagot nito sa kanya.

"Honestly, i just can't tell kung sino ang love ko sa inyong dalawa." namumula pa rin ang pisnging sambit nito, eksakto namang bumukas ang elevator, sabay silang lumabas mula ruon.

"I know you, Erland. Mine is only a sisterly love. Di ka na bata, kailangan mo rin ng romance. Hehehe."

She knew it for five long years. Hindi hihigit sa nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. Kaya lang ay takot itong makipagrelasyon kay Cathy dahil madaling magsawa sa lalaki ang huli. Nakailang boyfriend na ba ang dalaga? Pero baliwala lang yun sa binata, nagkukunwaring di ito apektado at ang ipinakikilala sa lahat bilang fiancee ay siya when in fact she is just a barbie doll to him, yung pinag-e-eksperimentuhan sa salon nito, but she's happy with it. Give and take lang sila ng lalaki. Sa totoo lang, mula nang mawala ang taong isa sa pinamahalaga sa kanya, si Erland na ang ipinalit niya ruon.

"Ikaw, bakit di mo sabihin kay Vendrick na mahal mo pa rin siya?" biglang lumabas sa bibig nito.

Muntik na siyang matapilok sa tinuran ng binata. Buti na lang naikapit niya agad ang kamay sa braso nito.

"Bwisit ka! Kung anu-anong sinasabi mo!" biglang umiba ang timpla ng kanyang mukha.

Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito saka siya muling hinalikan sa buhok.

----------@@@@@-------------

D' Cove--isa ito sa pinakakilalang bar sa Makati City, isa rin sa pinaka-unique magtreat ng mga nagpupunta dun dahil bago ka makapasok sa bar na to na nasa fourth floor ng gusali ay kailangan mo munang bumili sa first floor ng ibinibenta nilang bracelet. Pag wala nun, di ka papapasukin.

Isang cute na 925 sterling silver ang pinili ni Erland para sa kanya, saka lang sila umakyat sa third floor upang makapasok na sa bar.

Sumalubong agad sa kanila ang umaalingawngaw na tugtog ng banda sa entablado at ang hiyawan ng mga taong nagsasayawan sa dance floor.

Aaminin niyang ilang beses na siyang dinala ni Erland sa gantong mga lugar pero di pa rin siya masanay-sanay lalo na pag nakikita ang nakakahilong disco light na sumasayaw rin sa saliw ng tugtugin, nakakalula.

Napakapit siya sa braso ng binata habang iginigiya siya nito sa kumakaway nang mga barkada malapit sa may counter ng bar.

Inisa-isa niya ng tingin ang mga kaibigan ng binata. Lahat ng mga ito'y kasama ang mga partner o girlfriend maliban kay Gab na nakangiting sumalubong agad sa kanila.

Pero hindi rito napako ang kanyang tingin kundi sa isang lalaking malamig ang mga titig sa kanya habang ang nobya nito'y nakapulupot sa braso nito at nakahilig ang ulo sa balikat nito.

Naihilig niya tuloy ang ulo kay Erland pagkatapos niyang makipagbeso-beso kay Gab.

Subalit hindi niya inaasahang hahawakan ng lalaki ang kanyang kamay at hahalikan ang likod niyon.

Nagulat ma'y hinayaan niya na lang at dahan-dahan iyong binawi mula sa binata nang di ito mapahiya kay Erland.

"I'm sorry Dude. But your fiancee is really beautiful that i just can't take my eyes off her." baling nito kay Erland pero napako din ang tingin sa kanya.

Umayos siya ng tindig at lalong ipinulupot ang kamay sa kasama.

"Happy birthday Dude." bati ni Erland, tila hindi narinig ang sinabi ng kaibigan saka ito tinapik sa balikat.

"Happy birthday po Sir Gab." bati niya rin pero kinurot sa tagiliran si Erland. Hindi kasi nito sinabing birthday pala ng lalaki.

"C'mon Marble, let's not be formal here." saway nito sa kanya ngunit ang lagkit ng pagkakatitig sa kanyang mga mata na napapasulyap pa sa lantad niyang tyan.

Alanganing ngiti lang ang kanyang isinagot.

"Dude!" tawag ni Livy sa likuran nila.

Napilitang tumabi ni Gab at hinayaan silang makalapit sa mga barkada nito.

Kunting batian, high five dito,high five duon, beso-beso naman sa kanilang mga babae hanggang sa natapos din yun sa wakas at nakaupo din sila sa tabi ni Vendrick na noon ay yun lang ang bakanteng pwesto nang mga sandaling yun.

Sa tabi ni Erland sana siya uupo pero ewan ba kung bakit umusog pa ito sa tabi ni Dave binakantehan ang gawi ni Vendrick. Wala siyang nagawa kundi pandilatan na lang ito ngunit napipilitang tumabi sa kinaiinisang binata na nang mga sandaling iyon ay tila batong nakaupo lang, ni di sumusulyap sa kanya, taliwas sa ginawa nito kaninang palapit pa lang sila, ni halos di kumukurap sa kakatitig sa kanya.

"You are Erland's fiancee, right?" ang lapad ng ngiting tanong ni Chelsea. Nakaupo ito sa tabi ni Vendrick ngunit nakadungaw ang ulo sa kanya.

"Oh, yes. I'm his fiancee." abot-tenga ang ngiti niya.

Wala talagang palantadaan na natatandaan siya nito. Seguro wala sa isip nito na magiging ganto siya kaganda ngayon. Yung dating mukhang pambira noon, mukha nang barbie doll ngayon, isang model ng sikat na beauty salon.

Nakaramdam siya ng pagkaasiwa lalo nang madikit ang kanyang braso sa damit ng binata at maramdaman ang mainit nitong balat dahilan upang mapapitlag siya't umusog nang kunti kay Erland na noo'y ininom agad agad ang red wine na ibinigay ni Dave dito.

Biglang pumailanlang sa buong lugar ang kantang Dumb ni Olivia Addams.

"Love, sayaw tayo." yaya ni Chelsea sa nobyong nakailang simsim na ng wine sa dinampot nitong baso.

"Marble, can i dance with you?" biglang sumulpot si Gab sa kanyang harapan.

Nagulat ma'y nagawa pa rin niyang ngumiti rito.

"Sure!" di na siya nagpaliguy-ligoy pa at pumayag na rin subalit nang tatayo na siya'y biglang may kamay na pumupulot sa kanyang likod para pigilan siya. Kanino pa ba yun maliban kay Vendrick?

Sandali niyang sinulyapan ang binatang sa baso nakatingin pero mahigpit ang kapit sa kanyang likuran.

"You are Marble?!" bulalas ni Chelsea, nakarehistro sa mukha ang pagkagulat.

Isang malapad na ngiti lang ang kanyang isinagot sabay pairap na sumulyap sa binatang patay-malisya lang sa ginagawa sa kanya.

Pagkuwa'y bumaling siya uli kay Gab.

"Ahmm, sensya na muna Sir Gab, naiihi pala ako." sagot niya na lang, palihim na siniko si Vendrick at biglang tumayo.

Binawi nito agad ang braso saka yumukod at nagsalin ng alak sa baso.

"Is she really that Marble?"

Nagmamadali siyang lumayo sa lugar na yun pero narinig pa rin niya ang tanong ni Chelsea kay Vendrick.

Matapos lumiko sa lobby papunta sa kung saan ay sandali siyang huminto at sumandig sa pader.

Woah!

Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Hindi na nga siya sanay sa gantong lugar ay kung bakit andami pang asungot ang andito. Pwede bang umuwi na lang siya?

Isa uling hinga nang malalim.

Nalaman na ni Chelsea na siya nga si Marble. Pero di siya dapat kabahan. Matagal nang nangyari ang kanilang gulo noon. Baliwala na rin marahil yun sa babae ngayon.

Isa uling buntunghininga bago siya nagdecide na bumalik sa pinanggalingan pero sa halip na tumabi na uli kay Vendrick ay duon siya sa Counter tumambay.

"Anything maam?" tanong ng bartender sa kanya.

Umiling siya.

"No thanks." sagot niya.

"Yes! Martini please."

Agad siyang napalingon sa nagsalita.