webnovel

La Hija

Juliet just wanted to forget her mother's death so she quickly liked her father's new tenant named Amelia Mendido. And Amelia is also looking for child care. Until Amelia's love for her as a child deepened. Soon, the woman was acting like a mad mother—A mother who is capable of doing horrible and selfish things just to carry out evil intentions that will put them all in a tormented situation.

CRA_G0531 · 都市
レビュー数が足りません
8 Chs

CHAPTER TWO

CHAPTER TWO:

[Gate squeaking..]

Humugot siya ng malalim na paghinga bago lumakad papasok sa bakuran nila.

[Two people talking.]

[Joni's laughing..]

Parang may kausap ang kaniyang ama. Mas binilisan niya pa ang kaniyang paglakad hanggang sa marating na nya ang kanilang sala kung saan naabutan nya si Joni na may kausap na isang babae. Agad naman napansin ng dalawa ang kaniyang pagdating.

"Oh. Anak." Bati ni Joni. Tumingin si Juliet sa bisita. Babae na nasa 40's or something ang edad. Nakapusod ang mahabang buhok na tinusukan lang ng chopstick.Nakaupo ito na para bang hindi makabasag pinggan ang tindigan. At hindi makakailang maganda. Kaya naman iba agad ang pumasok sa isipan ni Juliet.q

"Amelia, ito si Juliet. Anak ko." Ani Joni.

Amelia's gaze on her was so tender. Kahit na gusto nya itong sungitan hindi nya magawa. Nakakagaan sa pakiramdam ang mga ganung titig ng bisita. Pero hindi nya agad ipinahalata na positive vibes ang first impression nya sa babae.

"Kamusta ka, Juliet? Kanina ka pa ikinukwento sa akin ng papa mo." Nakangiting sabi nito sa kaniya. Tumingin si Juliet sa kanyang ama. At agad naman na-gets ng lalaki kung ano ang tumatakbo sa isip ni Juliet.

"Si—Miss Amelia Mendido. Nakita nya daw yung post mo sa fb. Interesado sya sa bakanteng unit natin." Agad naman ipinaliwanag ni Joni sa anak. Doon ay gumuhit na ang ngiti sa labi ni Juliet.

"Hello po." Bati nya. Amelia returned a sweeter smile.

[Door creaks..]

"Pasok ka." Sabi ni Joni kay Amelia. Matapos makausap si Amelia'y dinala nila ito sa naturang bakanteng unit.

" Meron na din itong sariling metro." Hinayaan ng mag-ama na libutin ni Amelia ang bawat sulok ng kwarto. Hinihimas ni Amelia ang dingding at tumingin sa kabuuhan nito.

"Kahoy lang iyan. Kinapos kasi ako sa budget pero siniguro ko naman na safe 'yan. Lalo na kung ikaw ang kukuha." Sabi ni Joni. Tila nabigla pa si Amelia sa sinabi ng lalaki.

"Ahh—eh ang ibig kong sabihin ay nasa kabila lang kasi niyan ang kwarto ni Juliet. Kaya kung ikaw ang kukuha mas mapapanatag ako dahil pareho kayong babae." Paliwanag ni Joni. Ngumiti si Amelia sa mag-amang Fuentes.

"Kukunin ko ito..." Masaya namang nagtinginan si Juliet at Joni. Sa parehong araw din na yon ay nagbigay si Amelia ng pang deposit at nagpaalam na mamayang gabi ay uumpisahan na niyang magpahakot ng kaniyang mga gamit.

"Topi."

"Topi!!!"

"Pa napansin mo ba si Topi?" Tanong ni Juliet sa ama na abala sa pagluluto.

"Kinulong ko muna."

"Ha? Bakit po?"

"Eh kasi muntikan na niyang sakmalin yung bagong tenant natin kanina."

"H—hindi naman po ganun si Topi ah."

"Alam ko. Nagulat din ako. Wag mo na lang papalipasan ng gutom para hindi nagiging agresibo sa ibang tao. —halika na. Tulungan mo ko maghain, kakain na tayo."

"Opo."

^journal:

There is nothing exciting to have happened to my whole day.  Wala kong mai-share. Nyt.

[ 1:12 AM]—[clock tickling..]

[Something rustle..]

Juliet has chosen to close her eyes even though she has a hearing crackle within her bedroom.

[5:18AM]

Muli syang nagising dahil sa pagtahol ni Topi. Pero nanatili syang nakahiga at nakikiramdam. Maya-maya'y humina ang pagkahol ni Topi. Nakaramdam sya ng kapanatagan. Ngunit muli nyang narinig ang kakaibang kaluskos. Kaya naman mabilis syang bumangon at nagbukas ng ilaw. She tried to find where the crust was coming from but at the same time it was also  suddenly stop. Kung kaya naman muli syang bumalik sa pag-higa upang matulog.

"Juliet. Bangon na."

"Aalis ako. Mag-asikaso ka na."

"Saan po kayo pupunta?" Antok na tanong nya sa ama.

"Sa bayan. Aasikasuhin ko lang yung ID ko para sa trabaho."

"Okay po."

"Si Topi, wag mo kalimutan pakainin ah."

"Pahingi po ako ng pambili ng sketch pad."

"May allowance ka na di ba?"

"Papa naman. Sakto lang yon para sa dalawang linggo." Pangangatwiran ni Juliet.

"Doon mo nalang ibawas. Papalitan ko mamaya." Napapakamot na nahiga ulit si Juliet.

"Alis na ko." Paalam ng lalaki.

"Ingat po."

[Something is crackling again..]

Bumalikwas si Julie mula sa pagkakahiga. Now  she is sure  where that crust comes. She walk to the part of her room where her study table is placed.

Kumunot-noo sya nang makita ang isang napakaliit na butas. Hindi naman sya nagaalala dahil si Amelia lang naman ang nasa kabilang kwarto. Marahil namali lamang ito ng pagkakapako ng kung ano sa kabila.  Babalik na sana sya sa kama nang marinig nya  si Amelia sa kabilang kwarto.

[Amelia's crying..]

Hindi nya ugali ang makiusyoso lalo na sa personal matter ng kanilang mga tenant. Kaya ipinasya nyang wag nang pansinin.

"Ang sabi mo susunod ka sa akin?!" Pero dahil nga kahoy lang ang pagitan nila'y naririnig nya ang paghaguhol ni Amelia. Napakamot syang tumayo para  sumilip sa butas na nakita nya.

"Anghel, kaya ako kumuha ng tirahan dito dahil sabi mo sakin, susunod ka." Nakita nya na may kausap ito sa cellphone. 

"Ugh. Ano bang ginagawa ko?" Naturan nya sa sarili. Binalewala na nya ang pag-iyak ni Amelia.

"Mas mahal mo ang papa mo kaysa sa akin 

[sobbing..]

"Gusto lang kitang makasama, anak…" at some point, Juliet felt sorry for Amelia. While she's looking for a mother's care, there are people like Amelia begging for a child's love and care.

"Magpapakamatay ako!" Doon na na-alarma si Juliet. Napatakbo tuloy sya palabas ng kwarto. Mabilis nyang tinungo ang kwarto ni Amelia. Hingal na hingal syang huminto sa tapat ng pinto nito. Kumuha muna sya ng malalim na paghinga saka sya kumatok. Walang tumugon mula sa loob kaya inulit nya ang pagkatok.

"Aling Amelia?"

[Juliet's knocking again..]

"Aling Amelia?" Ilang sandali pa'y nagbukas ang ale ng pinto.

"H..hi" tumingin si Amelia sa dalaga na para bang nagtatanong.

"S..sorry po. Okay lang po ba kayo?" Nagpunas si Amelia ng luha.

"Oo. Pasensya na ha. Naistorbo ba kita?"

"Uh—hindi po ano kase... sorry po.. hindi ko po intensyon makinig. Pero wag mo po sana sasaktan ang sarili mo." Sabi nya. Yumuko si Amelia na para bang naiiyak muli.

"Kung wala pong time ang anak ninyo, madami po kayong pwedeng mapaglibangan. Mababait po yung mga tenant namin I'm sure makakasundo nyo po sila." Sabi nya sa ginang.

"Salamat anak."

"Okay ka na po ba?" Maya-maya'y nakangiting tumango si Amelia.

"Ayan. Smile lang po."

"Napaka-sweet mo naman." Medyo nahiya si Juliet.

"Nag-luto ako ng marami.... akala ko kasi pupunta ang anak ko. Pwede mo ba akong sabayan?—nakakalungkot kumain na walang kasabay." Mas nakaramdam sya ng hiya na tangghihan ang ale.

"S—sige po. Hindi pa nga po ako naga-almusal." Pinapasok sya ni Amelia.