webnovel

Prologue

AMBER'S POV

Nasa loob ako ng kwarto ko patulog na sana ako nang makatanggap ako ng text galing kay Dianne.

From: Dianne

Message: Girl, let's hangouts! I'm with Lyka today here at Lucas's Club and Bar!

Basa ko sa text niya. Kakauwi ko lang galing sa trabaho ko sa restaurant namin at nakasuot na ako ng pajama dahil ready na kasi talaga ako matulog. Sa akin kasi pinamahala ng parents ko yung Main Branch ng restaurant namin. Ang The Family Restaurant. Lumago ang negosyo namin after ko grumaduate sa College sa course na HRM. Nagkaroon kami ng branches kahit saang lugar.

To: Dianne

Message:Girl, next time na lang. Patulog na ako eh. Pagod na rin ako.

Reply ko sa text niya. Wala pang limang minuto nakatanggap ako ng reply galing sa kanya.

From: Dianne

Message: Come on, Amber! Magkaroon ka naman ng time para sa sarili mo! Huwag puro trabaho lang. Magchill ka naman!

Reply sa akin ni Dianne. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako magreply sa text niya sa akin.

To: Dianne

Message: Ano ba kaseng meron?

Reply ko ulit sa kanya. Agad ko naman nareceived ang reply niya sa akin.

From: Dianne

Message: Wala naman. Gusto ka lang namin maka-hangouts dahil sobrang busy mo dyan sa Restaurant niyo! May ikukwento din kasi ako eh.

Sabi niya sa text. Wala na akong nagawa kundi magpalit ulit ng panglakad. Nagsuot lang ako ng white printed shirt na mickey mouse na nakatuck-in sa suot kong fitted na black pants. Nagsuot din ako ng Black Blazer and white rubber shoes.

Nakatanggap ulit ako ng text mula sa kanya.

From: Dianne

Message: Enzo will pick you up at your house

Basa ko sa text ni Dianne. Tapos na ako mag-ayos nang makarinig ako ng busina ng kotse mula sa labas ng bahay namin. Malamang si Enzo na yun.

Sinabit ko sa balikat ko ang sling bag kong black at dinampot ko yung cellphone ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba patungo sa sala. Naabutan ko pang gising si Alter at may ginagawa sa laptop. Napalingon siya sa akin.

"Oh? Akala ko matutulog kana, ate?" tanong sa kanya ni Alter pagkakita sa kanya.

"Si Dianne kasi hindi ako tinitigilan sa pagtetext pag hindi ako nagpakita sa kanila." sagot ko sa kanya. "Eh, ikaw? Bakit gising ka pa?" balik-tanong ko sa kanya.

"Pinag-aaralan ko yung new menu natin." sagot niya sa akin.

Tinanguan ko lang siya. "Ah. Okay. Sige. Kailangan ko nang umalis. Bye!" paalam ko sa kanya. 

Lumabas na ako sa bahay namin at binuksan yung gate. Nakita kong nakasandal si Enzo sa hood ng Porsche Car niya. Nakasuot siya ng Black V-neck shirt, maong jacket at Balenciaga Shoes.

Umayos siya ng tayo ng makita niya ako lumabas ng gate ng bahay namin. Lumapit ako sa kanya.

"Pinapasundo ka ni Dianne sa akin." nakangiting sabi niya sa akin.

"Napilit ka din ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya. "No. Nagkataon lang na gusto ko uminom ngayon." sagot niya sa akin.

Pinagbuksa niya ako ng pinto sa shut gun seat. Pumasok naman ako doon at naupo. Umikot naman siya papunta sa Driver's seat.

"Matagal ka na daw kasi hindi nagpapakita kanila Dianne at Lyka. Medyo nagtatampo na sayo yung dalawang yun." pagbabalita niya sa akin habang minamaniobra niya yung kotse niya.

Nginitian ko lang siya. "Oo nga eh. Pag dumadalaw sila sa resto, busy naman ako sa kusina para tumulong sa pagluluto." sabi ko naman.

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Eh, ikaw? Kamusta ka naman sa trabaho mo ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Okay naman kahit ang dami kong project na hinahawakan." sagot naman niya.

"Nagkakasama ba kayo sa isang project?" tanong ko ulit sa kanya at nginisian.

Nabalitaan ko kasi na sa iisang kompanya lang sila nagtatrabaho kaya nagbabaka sakali na nagsama na sila sa isang project.

"Oo." walang emosyon na sagot niya sa akin. "Pag nalaman niya na ako yung architect sa project na gagawin niya. Jusko, pre! Panay hiling siya sa Head namin na palitan ako!" halata sa boses niya ang inis pag naaalala niya yun.

"Hayaan mo lang, Enzo. Mahal mo pa rin naman, diba?" pang-aasar ko sa kanya.

"Oo, mahal ko p— hoy! Hindi ah!" pagtanggi niya.

Tinawanan ko siya. "Kunwari ka pa. At saka sigurado na mahal ka pa rin niya kahit hindi maganda ang paghihiwalay niyong dalawa noon." sabi ko sa kanya.

"Ikaw? Namimiss mo na ba siya?" tanong niya sa akin.

Taka akong napatingin sa kanya. "Sino naman namimiss ko?" tanong ko naman sa kanya.

"Si Terrence." sagot niya.

Noong binanggit niya ang pangalan ng lalaking yun, bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan niya sa loob ng limang taon na naghiwalay kami.

Panigurado kasal na siya kay Sabrina, ang babaeng dahilan ng paghihiwalay namin. Ang Childhood Sweetheart niya.

"Nabalitaan ko kay Dianne, nakauwi na raw si Terrence dito galing Germany." pagbabalita niya sa akin.

"Ano naman ngayon?" walang emosyon na sabi ko sa kanya.

Mahina siyang tumawa. "Mukhang may galit ka pa sa kanya ah." sabi niya sa akin at nginisian ako.

Hindi ko siya sinagot. Ayaw ko siyang pag-usapan.

Maya-maya lang, nakarating na rin kami sa Lucas's Club and Bar. Kung nasaan sina Dianne at Lyka. Pumasok na kami sa loob ng bar.

Ang daming taong nagsasayaw sa Dance Floor. Mukhang mga nakainom na. Sinusundan ko lang si Enzo papunta sa VIP couch. Nandoon daw kasi sina Dianne at Lyka.

Nakarating kami sa VIP couch, nandoon nga sina Dianne at Lyka.

"Oh my! Amber! Nandito ka na!" masiglang salubong sa akin ni Dianne at agad akong niyakap ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap sa kanya.

"Grabe ka girl! Ang hirap naman magpa-schedule ng appointment sayo. Sobrang busy mo!" sabi naman ni Lyka at niyakap din niya ako pagkatapos akong yakapin ni Dianne.

"Sorry. Sobrang dami kasing customer kaya kailangan kong tumulong sa kusina." sagot ko at nagsipag-upo na kami sa couch.

May nakaready nang drinks na isang bucket sa table pagkarating namin ni Enzo.

"Umorder na kami ng alak natin habang papunta palang kayo dito sa bar." sabi ni Lyka. Kumuha siya ng isang san mig light at binuksan gamit ng bottle opener. Binigay niya sa akin yun.

Tinanggap ko naman yun. "Thanks." sabi ko kay Lyka.

Kumuha din ng San Mig Light si Dianne at siya na ang nagbukas ng sa kanya. Red horse naman ang kay Enzo.

"Ano ba yung ikukwento mo, Dianne? tanong ko sa kanya. Sabi niya sa text may ikukwento daw siya.

Uminom muna siya sa bote niya bago niya ako tignan. "Nakakabadtrip talaga siya." sabi niya na halata ang inis sa mukha niya at pabagsak niyang nilapag yung boteng hawak niya sa table. 

"Bakit? Ano'ng nangyare?" tanong ko ulit.

"Galing ako sa Germany diba?" sabi niya.

Tumango naman kaming tatlo.

"Pag-uwi ko dito galing ng Germany, ang lintik! Nandoon sa Airport talagang hinintay niya ako makauwi at niyakap pa niya ako!" gigil na sabi niya. "May mga media sa labas ng paliparan at nakuhanan kami sa ganoong eksena! Sa sobrang galit ko ayun! Nasuntok ko siya sa mukha niyang mahal na mahal niya!" pagkukwnento niya na may halong gigil.

Pare-pareho kaming natawang tatlo kay Dianne dahil sa kwento niya.

"Kitang-kita sa National TV yung ginagawa mo kay Kevin Lloyd HAHAHAHAHAHA!" natatawang sabi ni Enzo.

"Hindi lang yun. Kalat na rin yan sa social media. Siguro ang dami mo nang followers sa mga social media mo ngayon." sabi naman ni Lyka.

Inismiran naman siya ni Dianne. "Followers ka dyan. Baka bashers ka'mo." sabay irap na sabi niya.

"Namiss ka lang niya siguro." sabi ko naman sa kanya.

"Naku! Laki ng paghihirap ko sa kanya! Hinihiling ko nga na sana hindi na lang nagtagpo yung landas namin noon." sabi ni Dianne sabay ininom yung bote niya at inubos yun.

"Ha...h! Alam ko naman na simula palang malayo ang estado ng buhay namin ni Kevin kaya ako na mismo nagtapos noon para wala nang gulo." malungkot na sabi ni Dianne.

"Gusto mo ba bumalik si Kevin sa buhay mo?" tanong ni Enzo.

"Jusko! Ayoko na! Ayoko na ulit guluhin niya yung buhay ko! Okay na ako eh. Naayos ko na yung buhay ko. Nabalik ko na yung dating ako. Hindi ko na siya tatanggapin kahit kailan." mahabang sabi niya.

"Tama yan. Pag tinanggap mo pa siya, kakalbuhin kita." sabi sa kanya ni Lyka.

"Ikaw din. Huwag kang magpauto sa ibang lalaki. Utu-uto ka pa naman." ganti ni Dianne kay Lyka.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Yung number one.  Tumayo muna ako at nagpaalam na pupunta ng restroom. Lumabas muna ako sa VIP at nagpunta ng restroom.

After ko magrelease, naghugas na ako ng kamay at lumabas ng restroom. May nabunggo pa akong lalaki pagkalabas ko ng restroom. 

"I'm sorry." sabi ko sa lalaking nakabunggo ko. Nakayuko kasi ako noon.

"It's okay." sabi ng lalaking nakabunggo ko.

Bigla ako nanigas sa kinatatayuan ko na marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Hindi ako pwede magkamali. Nasabi nga sa akin ni Enzo na nakabalik na nga siya dito.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Natamaan ng ilaw galing sa Dance Floor ang mukha niya kaya nakita ang walang reaksyon sa mukha niya.

"Terrence..." sambit ko sa name niya.

"It's been a while, Amber. Long time no see." sabi sa akin ni Terrence.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Umurong ata dila ko. Hindi pa ako handa para harapin siya. Bakit ngayon pa? All of places dito pa sa bar at kasama ko ang mga kaibigan ko.

次の章へ