webnovel

Secret Revealed

Aliyah's Point of View

LOVE can change anyone and make them better. Just like Onemig, he came into my life and turned my normal world into the sweetest world.

Sa nakalipas na mga araw, pinatunayan nya sa akin kung gaano nya ako kamahal. Walang araw na dumaan na hindi naging kulay pag-ibig ang paligid ko. He is such a sweet and caring person. He spends so much on making me feel so loved even by the simplest things. Lagi syang nakaalalay sa akin sa lahat ng pangangailangan ko.

Hindi ko na nga siguro kailangang balikan pa yung mga masasakit na nangyari sa amin ni Onemig noon. Nagkasakitan kami. Nagkaroon ng ibang karelasyon. May mga flaws kami, may mga differences at hindi kami perpekto. And indeed, we were two imperfect couple binded by our perfect and awesome God.

No more bad memories from the past. Binura na ni Onemig lahat iyon at pinalitan ng mas magagandang alaala. Mas lalo ko syang na-appreciate ngayon and I came to realized how blessed I am right now dahil binigay siya ni God sa akin.

" Nandito na tayo." parang walang buhay na sambit ni Onemig. Hindi ko na rin namalayan na nandito na nga kami dahil sa dami ng mga iniisip ko habang bumibyahe kami. Katulad nya medyo nakaramdam din ako ng kaunting lungkot. Nandito na nga kami. Isang katotohanan na kahit sabik kaming makita ang mga kapamilya namin ay may isang bagay na nagpapabigat din pareho sa kalooban namin.

Si Monique at ang lola nya.

Ang mga obligasyon at pangako nya sa kanila.

Bumaba na kami sa taxi na syang sinakyan namin mula sa airport. Dito kami sa bahay namin sa Sto. Cristo bumaba.

Matapos bayaran ang driver sa napag-kasunduan nilang halaga, bitbit ang mga bagahe na bumaba na kami ng taxi at pumasok na sa aming bakuran.

Tulog na ang lahat dahil ala una na ng madaling araw. Pagod na rin kami pareho kaya hindi na namin nakuhang manggising pa ng mga tao dito sa bahay. Ginamit ko na lamang ang sarili kong susi para makapasok sa loob.

Ayaw umuwi ni Onemig sa kanila. Gusto nya na dito na lang sa amin matulog at bukas ng umaga naman kami pupunta sa kanila. Lihim akong natatawa sa kanya. Simula ng ikasal kami sa France at may mangyari sa amin four days ago, lalo syang naging clingy. And take note, hindi sya pumapayag na walang mangyayari sa amin everyday kaya naman lagi na lang masakit ang katawan ko paggising. Yung two days honeymoon nga namin dun sa hotel sa Paris, talagang sinulit nya. Inubos talaga nya yung ilang taong panggigigil nya raw sa akin. At hindi daw sya kailanman magsasawa. Tulad kanina bago kami ihatid ni kuya Mark sa airport ay nagharutan muna kami habang naliligo. Grabe lang talaga si Onemig, ang tibay. Pero ayos lang naman, part talaga yon ng pagiging mag-asawa namin. And I like the pleasurable feeling he's giving me.

Kinabukasan, ginulat namin ang mga kapamilya ko habang nagbe-breakfast sila.Tuwang-tuwa sila ng makita kami at kinumusta ang nakaraan naming bakasyon. Masaya naming pinagsaluhan ang almusal nga lang nung matapos kaming kumain ay hindi kami makalipat ni Onemig dun sa kanila dahil nag-aalala naman sya na baka makita siya ni Gilbert at ng ilang mga kabit-bahay. Sinabi kasi ni tito Migs sa opisina na nasa Dubai si Onemig para sa bagong project. Of course si tito Frank lang naman ang nakakaalam ng totoong dahilan kaya inayunan na rin nya yung sinabing dahilan ni tito Migs. Kaya ngayon hindi malaman ni Onemig kung paano itatago ang sarili kay Gilbert.

Si mommy na ang gumawa ng paraan. Tinawagan nya si tita Blessie at sinabing dumating na kami. Doon muna sila mag-stay sa amin hanggang sa lumuwas kami ni Onemig kinagabihan pauwi ng Tagaytay.

Napag-usapan na rin ng buong pamilya ang obligasyon ni Onemig kay Monique at sa lola nito. Since alam naman ng mag-lola na nasa Dubai si Onemig, si tito Migs na muna ang bahala pansamantala sa financial support at titingin sa kalagayan nung mag lola. Laking pasasalamat ni Onemig sa ama dahil maibibigay na daw nya sa akin ng buo yung oras nya na walang inaalalang ibang tao. Sobra kasi syang nag-aalala sa kalusugan ni lola Marta, kaya ngayong nangako ang ama na ito na muna ang bahala, medyo nakahinga na rin sya ng maluwag.

Isang buwan ang matuling lumipas. Unti-unti na rin kaming nakakapag-adjust ni Onemig sa buhay na kaming dalawa lang. Magka-hiwalay na kami sa trabaho dahil yung project nila sa amin na showroom ay natapos na kaya inilipat na sya ni tito Frank dun sa project sa British client nila sa Cavite na inumpisahan na bago pa kami umuwi galing ng France. Kasama na ulit nya sina Gilbert, Jake at Caloy na last month pa naroon.

Habang tumatagal ay mas nakikilala ko pa siya ng lubusan. Sabi kasi ni mommy mas makikilala mo daw ang isang tao kapag magkasama na kayo sa iisang bubong. So far wala naman akong nakikitang pangit sa ugali nya. Hindi dahil sa super in love ako sa kanya kaya wala akong makitang negatibo kundi talaga lang mabait si Onemig, thoughtful, sweet at caring din. Yung pagiging clingy nya at territorial ay hindi naman issue sa akin, in fact it is so nakakakilig. And medyo may pagka-wild din sya sa mga love makings namin pero ayos lang din naman lalo kasi.... haay ano ba, ayoko ng idetalye basta kahit nakakapagod sya worth it naman.. hehe.. ang halay.

Nung sumunod na araw ay medyo inaasikaso na namin yung tungkol sa church wedding namin. Yung naging wedding coordinator ni Sav at Harry ang kinuha din namin dahil naging maganda at maayos ang kinalabasan nung wedding nila nung bago matapos ang taon. Bridesmaids kami nila Gen at Tin nun at si Derrick, Yuan at Prince ay kasama din sa entourage.

Kaya naman nang sabihin ko kay Harry at Sav na magpapakasal na kami ni Onemig ay nawindang sila ng husto. Dahil lihim nga ang relasyon namin sa kanila,  nagtampo pa si Harry dahil nga naman best friend ko sya ay hindi ko man lang sinabi sa kanya. Pero napayapa ko naman agad sya ng ikuwento ko ang dahilan, kaya naman nangako rin sila na isi-sealed din nila ang mga labi nila.

Speaking of best friends, hanggang ngayon ay hindi pa rin makakuha ng tiyempo si Onemig para sabihin kina Gilbert ang totoo sa aming dalawa. Nagtataka na nga raw sila dahil hindi na madalas sumasama si Onemig sa kanila. Hindi na kasi sila tumutuloy doon sa condo ni kuya Mark dahil malayo ang Cavite sa Ortigas. May apartment na kinuha ang company para sa kanila na malapit dun sa site. At yun din ang ipinagtataka nila, hindi rin sumama si Onemig na tumira dun sa apartment kasama nila.

Gayong hindi rin naman ito umuuwi sa condo.

" Beb sabihin mo na sa kanila ang totoo. I'm sure maiintindihan nila tayo."

" Okay . Magse-set ako ng dinner tomorrow, isasama ko sila dito sa bahay. Mas madali kung dito ako mag-eexplain." oo nga mas madali kasi magtataka sila kung kanino ito bahay, kaya sila na ang kusang magtatanong. Mahirap lang kasi yung kung paano mo uumpisahan ang sasabihin mo.

" Kailangan mo ba ang tulong ko sa kusina? ako na lang ang magluluto. "

" No need Mrs. Arceo. Mas kailangan ka ni tito Frank bukas dun sa bagong open na branch. Kaya ko na. Kahit ano naman pwede kong ihain sa mga mokong na yun. Mas maganda nga yung wala ka pa pag dumating sila. Magugulat na lang sila. " tumango na lang ako sa plano nya tutal maganda naman yung gusto nyang mangyari kaya wala na akong dapat pang ipag-alala.

The next day, naging abala nga ako dun sa bagong branch namin kasama si tito Frank at Tin. Halos hindi ko na nga natawagan si Onemig para kumustahin man lang sya sa maghapong trabaho nya. Pero tumawag naman sya sa akin after ng office hours at sinabing nasa bahay na namin sina Jake, Gilbert at Caloy.

Pauwi na rin naman ako kaya lang medyo na traffic ako sa may coastal road dahil may nasiraan na truck na humambalang sa daan. Natagalan ng konti bago nila ito na-tow.

Kaya past seven na nung papasok pa lang ako sa may village namin.

Pagpasok ko ng bahay ay awtomatikong napatingin sina Gilbert sa akin. May pagtataka sa mukha nila ng makita ako.

" Wow! nandito ka rin pala Liyah. In-invite ka rin pala nitong si Onemig.Bakit hindi mo sinama si Tin?" si Gilbert na halos namamangha at hindi makapaniwala. Nagkatinginan kami ni Onemig. Mukhang humihingi ng saklolo yung tingin nya. Naiintindihan ko na agad na hindi pa nya sinasabi sa tatlo ang totoo. Pasimple syang sumenyas na ako na lang ang magsabi.

Tsk. talaga naman. Mahirap makahanap ng salita kung paano uumpisahan ang paglalahad, ngayon sa akin pa naatang ang responsibilidad. Bahala na nga.

" Ahm, mga dude kasi ano eh, ah..ano... hindi ako pinapunta ni Onemig dito para makikain ng dinner. Nandito ako kasi dito ako— n-nakatira.." nagkanda-utal utal pa ako sa pagsasabi. Nang tingnan ko yung tatlo, mga nakatulala sa akin. Gulat na gulat.

" What? "

" What do you mean? "

" Kailan pa? "

Hayan sabay-sabay pa silang nagtanong talaga at halos sabay din nabaling ang tingin kay Onemig na napapakamot na sa sariling ulo.

" Ah eh, n-nagkabalikan kami nung pagkagaling nya sa Italy." tugon nya sa tatlo.

" Paano si Jam at si Monique? " tanong ni Gilbert.

" Nung umalis si Jam break na sila ni Liyah nun." sagot ni Onemig.

" Eh si Monique?" si Jake naman.

" Mga dude alam nyo naman yung sa amin ni Monique. Siya lang yung nag-assumed na merong kami. Kaya lang naman inaayunan ko siya, dahil lang kay lola Marta, ang alam nya kami nung apo nya at ayaw ko naman syang bigyan ng sama ng loob dahil sa sakit nya. Itong sa amin ni Liyah, sikreto to, pamilya lang namin ang nakakaalam. Pero dahil kaibigan namin kayo, heto pinapaalam na namin sa inyo. Engaged na kami and in two months time, we're having our church wedding at kasama kayo sa entourage. Pero mga dude, wag muna sanang makarating to kila Monique, baka makasama sa kondisyon ni lola Marta. "

Natahimik yung tatlo na tila pinoproseso pa ang lahat ng narinig nila. Kalaunan, halos sabay-sabay ding napabuntung hininga.

" Dude nakakagulat kayo ah pero masaya ako dahil nagkabalikan kayo. Alam nyo namang solid ako sa inyong dalawa. " si Caloy na may malapad na ngiti sa labi.

" Congrats mga dude. Don't worry hindi ako mag-iingay basta promise nyo na magiging ninong ako sa unang anak nyo. " si Jake naman.

" Ako rin masaya ako dahil finally natupad din yung pangarap mo Onemig na kayo rin sa huli. Nakita ko kung gaano ka halos nasira nung maghiwalay kayo. Kahit may Greta at Monique na na-involved, hindi ko nakita yung saya sa mata mo katulad ngayon. Talagang si Liyah na, mula simula pa. Ang bangis mo Liyah. " turan ni Gilbert. Nagtawanan naman kami sa huling sinabi nya.

Masaya naming pinagsaluhan ang hapunang hinanda ni Onemig. Kahit puro prito at inihaw ang niluto nya, ayos na rin atleast kahit paano nakahinga na kami ng maluwag dahil wala na kaming itinatago sa mga kaibigan at kababata namin.

NAGING mas abala pa kami nung mga sumunod na araw. Hindi na halos kami mag-pangita ni Onemig dahil may mga out of town trip sya. Marami kasing naging client ang home builders dahil sa sipag ni daddy at ni tito Migs. Kaya bilang head engineer, si Onemig ang madalas humarap sa mga client na nasa ibat-ibang sulok ng bansa. Kapag wala siya, doon ako sa amin sa Quezon ave. umuuwi. Ayaw kasi nya na nag-iisa ako sa bahay namin. Usually naman hanggang two days lang sya nawawala, nga lang pag natatapos yung isang client, sa iba naman sya.

Medyo nasasanay na rin ako sa ganoong sitwasyon namin. Para sa akin, hindi naman yon issue dahil trabaho naman. Ganoon din naman si daddy noon dahil engineer din sya, may pagkakataon talaga na out of town sya palagi dahil sa mga projects nila. Kung nagawa ni mommy na magtiis noon, magagawa ko rin yon ngayon. Bumabawi naman si Onemig sa akin kapag wala syang trabaho sa labas. He is an engineer by day and my husband at night.

But marriage is not always a bed of roses. There are some instances that you need to endure. Sometimes you'll experience sleeping on the bed of nails.