webnovel

Only You Can Cure Me

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

Chapter 98: Ikaw lang ang makakapagpagaling sa'kin

Pagkalipas ng dalawang oras handa na si Lu Jingli na masayang isuko ang sarili niya, pero bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, wala pa rin siyang napipiga mula sa batang si Jiang Muye.

Sa totoo lang, malapit na ring bumigay si Jiang Muye, pero malinaw na may gustong malaman si Lu Jingli mula sa kanya kaya tiniis niya hanggang ngayon.

Ang hirap talagang magkaroon ng chismosong tito…

May kakaiba siyang pakiramdam na may iba pang dahilan kaya determiado si Lu Jingli na malaman ang buong kwento pero siguradong lasing na lasing na rin ito at 'di na makapag-isip nang maayos.

Si Lu Tingxiao na lang ang walang tama sa mesa.

Tinawag ni Lu Tingxiao ang butler niya para sunduin si Lu Jingli. Tumayo siya at nagpunta sa sala.

May malaking "PASS" sa buong game screen. Tulog na tulog na rin sa sofa sina Ning Xi at Little Treasure.

Dahan-dahang lumapit si Lu Tingxiao sa kanila.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ