webnovel

Her familiar scent

Sa lahat ng taong nakita at nadapuan ng mga mata nya-- bakit sa babaeng 10 years nya ng hindi nakita ang may kaperahas nitong amoy? Her smiles, Laugh, Chuckles and everthing that she does, all of them are familiar to him.. Noong una inaakala nya lang may namimiss sya, pero nung tumagal ay naisip nyang 'paano kapag sya iyon? paano kapag bumalik na nga ang babaeng pinagtaniman ko ng galit two hundred years ago?' munit masyado yatang naaliw sakaniya ang tadhana at pinaglaruan sya-- and all he can do is stopping his self not to make a mess but to fall inlove with the same girl that he wants to erase from the world

moonlatelea · ファンタジー
レビュー数が足りません
28 Chs

Capitulo labing siyam

Chapter 19: kaibigan

"WELCOME BACK, shakira. Buti naman naisipan mo pang bumalik?" sarkastikong ani ng manager niyang si rotiro.

Napangiti siya at tumakbo na parang bata upang yumakap sa manager niya.

"Namiss kita manager rotiro." Inemphasize nya pa ang pangalan nitong rotiro.

"At namiss ko rin ang pang aasar mo sa'kin tungkol sa pangalan ko." natawa nalang siya at humiwalay na sa yakap.

"Kamusta dito?" tanong niya.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya dahil pakiramdam niya'y bumalik siya sa dating siya. 'Yong shakira na walang inatupag kung hindi ang bar at ang anak niya.

"Aba'y eto buti nga't walang pinagbago一 marami pa rin ang dumadayo kahit pa nawala ang alas ng bar na 'to." biro nito.

Natawa naman siya. "Sorry talaga manager rotiro ha? Hindi ko kasi makwekwento sa'yo e." nahihiyang aniya.

"Ano kaba? Sabing ayos lang. Ang mahalaga naman ay nakabalik kayo ng ligtas at buhay dito." sinserong anito.

Napasulyap siya kay julia na kasalukuyang nakahiga sa mahabang sofa dito sa opisina.

Hindi niya maiwasang mapangiti nung marinig ang mumunting hilik nito.

"Sobrang proud ko sa'yo, alam mo ba yon?" muli niyang ibinalik ang tingin sa manager. "Nakukuha mo pa ring ngumiti kahit sobrang hirap na ng pinagdaraanan mo.." napayuko siya, unti unting nagsitakas ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

Sobrang bigat ng dibdib niya一 hindi niya na alam ang gagawin.

Nanatili lang siyang nakayuko, at nanatili naman si manager rotiro sa pananahimik.

Hindi niya alam kung anong meron sa words na sinabi ni manager, siguro dala ng pagod ay kaya siya ganito.

"P-Pasensya na talaga.." aniya nung mahimasmasan siya. "Pagod lang ako manager." napapalunok niya pang ani.

"Alam ko." tipid itong ngumiti sakaniya atsaka tinapik ang balikat niya. "Magpahinga muna kayo pansamantala dito." tumango tango nalang siya at sinundan ng tingin ang papalabas nang manager.

Nung masarado na ang pinto ay agad niyang itinakip ang nanginginig niyang kamay sa bibig upang hindi makagawa ng ingay nung magsimula na namang bumuhos ang luha sa mga mata niya.

Napatingin siya sa anak niyang mahimbing ang tulog一 hindi niya na namalayang nakalapit na siya rito at hinahaplos ang maamo nitong mukha.

'Pagod na ko Julia..' aniya sa isip habang nakatingin sa anak. 'Pagod na pagod na ako sa mundong ito.. Hindi ko na kaya pa'

Napatalikod siya at napasandal na lamang sa sofa一 tahimik siyang umiiyak habang patuloy lamang sa pagsasabi ng salitang 'pagod na siyang nararamdaman niya.

Totoo nga ang sinabi nila na dapat iiyak mo lang ang lahat nang tahimik dahil magiging okay ka sa ganong paraan sapagkat maya maya lamang ay tuluyan na siyang nahimasmasan at puros bigat sa dibdib nalang ang nararamdaman niya.

Wala na yata siyang maiyak dahil tumigil ang mga mata niyang namamaga dahil sa pagluha一 gusto niya mang umiyak pa ay parang napagod na ang mga luha sakaniya.

Napatitig nalang siya sa pader ng opisina ni manager rotiro.

AFTER ONE WEEK.

Napangiti si shakira habang nakatingin sa mga audience niya sa bar.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng kagalakan dahil sa wakas pagkatapos ng isang kahabag-habag na pangyayari ay narito uli siya upang tumugtog..

Masayang masaya siya. Pakiramdam niya ang nakauwi na siya sa tahanan nila一 tahanan kung nasaan ang ina, ama, ate, kuya o ang tinatawag nilang pamilya.

"Sige na please huwag nang mainis, bumalik kana sa'kin 🎶🎵" nakangiti niyang kanta habang nakatingin sa mga audience na sumasabay sa pag-awit niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang narito na naman siya sa harap ng mga taong humahanga sa boses niya.

Akala niya kasi ay hindi na uli siya makakabalik sa dati niyang ginagawa.

Mabilis niyang pinilig ang ulo upang mawala sa isip ang taong laging umuukupa sa isip niya.

'kailangan kong tupadin ang pangako ko.' madiin niyang pagpapaalala sa sarili niya.

Pagkatapos niyang kumanta ay nagpalakpakan ang mga tao, ang iba ay naghiyawan pa. May sumigaw pa ngang namiss nila ang pagkanta niya kaya napangiti siya dahil doon.

Maski siya ay namiss ang ganitong buhay.

Hindi man madali, atleast masaya at simple. Hindi ba?

Nga pala, hindi na sila nakatira sa dating bahay nila. Pinatuloy sila ni Manager rotiro sa condominium nito.

Tatangi pa sana sila dahil nakakahiya pero agad nitong sabi na mag-isa lang ito doon at minsa'y wala pa dahil sa dami ng inaasikaso.

Wala rin naman silang mahanap na tutuluyan kaya pansamantala munang makikituloy sila roon.

"Oh lucas? 'No yan ha?" biro ko sakaniya nung may makita itong may hawak hawak na bouquet.

"Pa welcome back sa'yo." ayun na naman ang maganda at pantay pantay nitong ngipin na nakangiti sakaniya. "Don't worry, wala 'yang meaning." agad nitong sabi at tumingin pa kay manager rotiro dahil tiyak na mag-iissue na naman 'to.

"Sus, ang bouquet ng isa diyan halos araw-araw tapos sasabihing pa welcome back kuno? Susmaryosep ang galaw, pangsinauna." biro ni manager rotiro na halatang si lucas ang pinriringgan.

Napailing nalang ako 'tsaka itinabi ang bouquet na binigay ni lucas.

Tama ang sinabi ng manager, halos araw araw ay narito si Lucas upang magbigay ng bouquet na kung ano anong klaseng bulaklak ang nakalagay.

"Thank you ha?" aniko nung makaupo.

"Walang anuman."

simula nung bumalik siya dito ay hindi niya nasasabi ang anumang nangyari sakaniya nitong nagdaang mga araw一 nanatili itong tila isang madilim na sikreto sa buhay niya.

"Kumusta ang buhay? Balita ko mas lalong naging popular ang produkto mo ha?"

Nitong mga araw ay sinabi ni Lucas ang bagong branch na pinublish nito. Ayaw raw kasi nitosa business ng mga magulang nito dahil malaki na raw ito para gumawa ng pangalang sure na sure siyang ipagmamalaki niya sa future.

Kaya heto nga't natutuwa siyang makita na successful ang business na bagong tayo palang ni Lucas.

"Mas lalong nagiging patok nitong mga nagdaang araw." maririnig mo ang yabang sa boses nito kung kaya't pabiro siyang hinampas ni shakira.

"Ganyan ba talaga kapag business man na?" birong tanong ni shakira.

Natawa ng mahina si Lucas at napatango.

"Successful nga ang business ko, pero yung lovelife ko ganun pa rin." nakabusangot nitong sabi.

"Pano ba naman kasi parang lahat ng babae ay hindi mo tipo. Kung hindi nga lang kita kilala ay iisipin kong kalahi ka ni Manager Rotiro e." biro niyang sabi na ikinatawa naman ni Lucas.

"Hala anetch itey at narinig ko ang maganda kong pangalan?" biglang singit ni manager rotiro na kakadaan lang.

"Wag kana." biro niyang ani na kinabusangot nito. "Joke lang." bawi niya.

"Wala, Pinag-uusapan lang namin yung business na tinayo ko." sagot naman ni Lucas.

"Ay, oo nga. Sumikat ang branch ng bakla! Galing! Congrats nga pala.." pumalakpak pa ito. "Huwag mo'kong kakalimutan ha? Naku, magtatampo talaga ako!" biro nito kay Lucas.

"Oo naman, hindi ko naman kayo kakalimutan incase. Lalo na si shakira." nabigla siya nung tumingin sakanya si Lucas.

"Uyyy" asar ng Manager sakaniya.

Napaiwas siya ng tingin at mahina na namang nahampas si Lucas sa braso.

"Huwag ka ngang ganyan, kaya tayo napagkakamalan e.." natatawa niyang ani.

"Aba'y bakit kasi hindi nalang totohanin 'diba?" singit na naman ng Manager. "Single siya at Single ka rin. Bakit hindi nalang kayong dalawa?" yan na naman ang pang-aasar nito sakanila.

"Oo nga, bakit ba hindi nalang tayo?" paggantong ni Lucas.

Napailing siya at napabusangot. "Huwag niyo nga 'kong asaring dalawa at baka maipokpok ko sainyo 'tong upuan ko." biro niya.

"Oo na hindi na po." natatawang ani ng Manager na halata namang hindi pa rin sila titigilan.

Kung kaya't bago pa man iyon mangyari ay agad niya na itong pinaalis.

"Chupi ka muna Manager. Busy ka 'diba? Don kana." nakangiti niyang pagpapaalis.

"Ay oo nga pala. Hays, haggardous na ang bakla! Jusko!" anito bago tumayo at umalis.

Napailing nalang si shakira nung bigla niyang mapansin ang katahimikan ng katabi niya. At nung mapalingon siya roon ay nagulat siya nung makitang titig na titig sakaniya si Lucas!

"Baka matunaw na 'ko niyan ha?" biro niya para mawala ang awkwardness sa pagitan nila.

Mabilis namang umiwas ng tingin si Lucas munit halata ang pamumula ng tenga nito.

"Bakit nga ba kasi hindi nalang tayo?" talagang hindi siya tinatantanan ni Lucas sa tanong na yan.

Napabuntong hininga siya at tinitigan si Lucas sa dalawang mata.

Kitang kita niya ang kislap ng mga mata nito na tila ba may sinasabi.

Hindi naman siya tanga para hindi maramdaman ang pagpaparamdam ni Lucas e. 'Yon nga lang, hindi niya alam kung handa na ba siyang magmahal uli pagkatapos ng nangyari sa kagubatang iyon.

"Dahil kaibigan kita." seryoso niyang ani. "Kaya bawal tayong dalawa kasi kaibigan kita at hindi ko kakayanin kapag nawala ang kaisa-isang kaibigan na gaya mo."

Unti unting nawala ang kislap ng mga mata nito, Maski ang maloko nitong mga ngiti ay naglaho.

"Hahaha." sinubukan nitong tumawa munit halatang pilit lamang iyon. "Bakit ba napakaseryoso mo? Joke lang naman yun e." bawi nito tsaka umiwas ng tingin.

Nanatiling tahimik ang pagitan ng dalawa.

Sobrang importante sakaniya si Lucas. Sobrang importante na tipong lahat ng binibigay nitong signal ay binabalewala niya.

She really can lose everything but not her daughter, and not her friend一 Lucas.

Nawala lang ang awkwardness nilang dalawa nung ibahin na ni Lucas ang topic.

Iyon din ang dahilan kung bakit mahalaga sakaniya si Lucas一 anuman kasi ang mangyari awkwardness, hindi pagkakasundo o kahit ano mang naranasan na nilang dalawa sa relasyong meron sila ay lagi ito ang unang nagcocontact para lang hindi mawala ang connection nilang dalawa.

Parang gagawin nito ang lahat para hindi nito mawala ang friendship na meron sila.

"Let's go?" napakurap siya at napabalik sa reyalidad nung ilahad ni Lucas ang kamay sa harapan niya.

Naokupado pala ng iisipin ang utak niya kaya hindi niya na napansin ang mga sinasabi ni Lucas.

Upang hindi mahalata na naging lutang siya ay ngumiti siya at tinanggap ang kamay ni Lucas.

"Tara, san tayo?" inosente niyang tanong, narinig niya ang pagtawa nito kung kaya't napakunot ang noo niya.

"Halatang hindi ka nakikinig 'no?" at iyon na nga, akala niya ay hindi siya nahalata. "Dito lang tayo. Pero gusto ko sa counter para uminom." kumindat pa ito bago siya hilain palabas.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nasa counter na sila kung saan nagpapakitang gilas ang bartener nila sa mga taong nanonood.

May tumutugtog na banda ngayon sa stage kung kaya't free rin ang time niya.

Umupo na silang dalawa.

"Yung hard drink nga." nagulat siya nung marinig ang order ni Lucas.

Nagtatanong ang mga matang nakatingin siya kay Lucas. Parang nahalata naman nito ang tingin niya kung kaya't tumawa na naman ito bago sumagot.

"Minsan lang 'to." hindi niya na napigilan ito nung inisang lagok lang nito ang shot na kakabigay lang ng bartener.

Napailing siya.

Halatang gusto nitong maglasing at nakakapagtaka iyon. Wala naman kasing problema sa kumpanya nito, sa totoo lang ay masaya pa ito habang nag-uusap sila kanina tapos biglang tila naging miserable ang buhay nito in One click lang.

"Tama na yan." pigil niya nung makatatlong lagok na ito.

Umiling siya. "Don't worry, kaya ko pa 'to." anito. "Selebrasyon para sa tagumpay." dagdag pa nito na itinaas pa ang pang-apat na shot glass nito sa ere.

Napailing nalang si shakira at umiwas ng tingin.

Tutal ay balak naman nitong magpakalasing ay mas mabuti kung nariyan lang siya sa tabi nito一 alam niya kasi kung gaano kabaliw ang lalaki tuwing nalalasing.

At ilang beses niya palang nakikita iyon munit hinihiling niyang sana huwag nang maulit pa.

"Isa pa!" maya maya ay halata na ang pagkalasing nito.

Namumula na kasi ang mukha nito't halata rin ang kalasingan sa boses maski ang mga nagnining nitong mga mata na tila ba inaantok na.

"Enough lucas. I can't take you home." inis niya nang sabi munit tulad kanina ay hindi na naman ito nagpapigil.

"Don't worry, I can.. I can go home myself." mayabang nitong sabi.

Napabuntong hininga nalang siya at napayuko, palihim na napailing dahil nagsisimula nang maging makulit si Lucas.

"Huwag mo na siyang bigyan." pakiusap niya sa bartener na natigilan sa pagbibigay ng isa pang shot kay Lucas.

Pero dahil makulit ang lasing na si Lucas ay ito na mismo ang kumuha ng shot glass at inisang lagok lang.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Ang sabi mo selebrasyon pero mukha kang miserable diyan e!" hindi niya na maiwasang magreklamo.

Napailing naman si Lucas nang may mapaglarong ngiti pa rin sa mga labi.

"I'm celebrating.." may kadugtong iyon munit hindi niya na narinig pa dahil sa hina.

Kinuha niya nalang ang mga shot glass nito at itinabi sa malayo kung saan hindi nito makukuha dahil sa kalasingan.

"Uwi kana. Tatawagin ko si tita一"

"No, Don't call her." lasing nitong sabi. "I'll go home.."

natahimik siya at tumango bago binitawan ang cellphone.

Munit dahil sa kakulitan ni Lucas ay wala syang nagawa nung magpumilit itong kumanta sa stage kahit pa gumegewang gewang na sa paglalakad dahil sa kalasingan.

hindi na siya nakatanggi pa dahil ipinangako nitong after nitong kumanta ay kusa nang uuwi sa bahay nila.

"Ano bang nangyayari kay Lucas?" bulong na tanong ni Manager rotiro na nag-aalala ring nakatingin kay Lucas na kinakausap ang bandang tutugtog.

"Ewan ko nga rin. Hindi ko siya nagets dahil masaya pa naman kami kanina tapos.." hindi niya na natapos ang sasabihin dahil natuon na ang atensyon niya sa stage kung saan nagsalita na si Lucas.

"Hello everyone." halata ang pagkalasing sa boses nito. "I'm Lucas, and I'm.. single." biglang naghiyawan ang mga tao dahil sa sinabi nito, idagdag mo pa ang nakakamatay nitong ngiti. "But I'm not ready to mingle because my heart already have a person that he love for years.." naghiyawan na naman ang manonood.

Yung iba kinikilig at yung iba naman ay nalungkot dahil sa huli nitong sinabi.

Habang sila naman ng manager ay napailing nalang at napatampal sa noo.

"She.. She owns my heart for years without knowing it.." unti unting nagseryoso ang boses nito. "And I'm here to let her know.. My feelings for her." and then after that ay nagsimula nang tumugtog ang instrumento.

Nakita niya kung paano ito tumingin sa paligid na tila ba may hinahanap hanggang sa tumigil ang tingin nito sakaniya..

At sa sandaling iyon ay hindi niya na maintindihan ang nararamdaman lalo pa nung magsimula na itong kumanta..

"May sasabihin ako sa 'yo

Pero nahihiya akong malaman mo laman ng puso ko

Na-na-na-na-na-na

Gulong-gulo ang isip ko

Ako ngayo'y litong-lito

Kung pa'no ko sasabihin ito sa iyo-oh~" kumunot ang noo niya nung marinig ang seryoso munit maloko nitong boses.

"Hala uy, what 's the meaning of that?" hindi niya pinansin ang pang-aasar ni Manager dahil hindi niya na naalis ang tingin kay Lucas na ganon din sakaniya.

"Gusto kita, alam mo ba?

Gusto kita, okay lang ba?

Ngunit sabi ay bawal pa, kaya friends lang muna

Gusto kita, alam mo ba?

Gusto kita, okay lang ba'ng maging girlfriend ka?

'Pag pwede na.." mas kumunot ang noo niya nung marinig ang pagpapalit nito ng lyrics.

"Di ko naman sinasadya,

Gawa ito ng tadhana

Nabihag mo ako sa 'yong ganda

Naghihintay ako sa 'yo

Pangakong 'di magbabago

Dahil ikaw lamang ang gusto ko~" natigilan siya nung marealize ang pinapahiwatig nito.

Ngayon ay nalinawan na talaga siya na hindi lang basta 'crush' ang nararamdaman ni Lucas para sakaniya..

Kahit pa tila mayabang pakinggan..

Alam niyang 'love' na ito, mahal na siya ni Lucas一ang itinuturin niyang matalik na kaibigan.

"Gusto kita, manhid kaba?

Gusto kita, pansinin mo na ?

Ngunit tayo ay bawal na, kaya friends lang muna.

Gusto kita, alam mo ba?

Gusto kita, okay lang ba'ng hihintayin ka?

Ke't bawal na~~." Bigla itong mapait na ngumiti at sa wakas ay umiwas na ng tingin.

Pagkatapos ng kanta nito ay nagpalakpakan lahat. 'Yong iba ay may kasama pang cheer up kay Lucas dahil ramdam daw nila ang nararamdaman nito lalo pa sa huli nitong liriko dahil damamg dama talaga nito ang pagkanta.

"May isa pa 'kong kanta para sa babaeng 'yon.." napayuko upang iwasan ang tingin nitong napunta na naman sakaniya.

"WOOHH!! GO LANG KUYA!"

"KUYA ANG GWAPO MOO!!"

"KUYA AKIN KA NALANG!!"

"KUYA KUNG AKO YAN 'DI KITA GAGANYANIN!!"

"KUYA, NAME NG GIRL REVEAL!!"

puro babae ang naghiyawan, napailing nalang siya at para maka-exit sa mga matang iyon ay aalis na sana siya nung bigla na naman itong nagsalita.

"Shakira." gulat siyang napalingon na naman sa stage, at napansin niya ang mga taong nakatingin sakaniya't may kinikilig,naiinggit na ngiti! "Huwag kang aalis." seryoso nitong ani bago muling tumugtog ang instrumento.

"Kailan pa ba

Tayo ay nagkakilala

Di na sana ako lunapit sa iyo

Paano ba

Kita malilimutan

Ngayon ang puso koy umibig na sayo~~" kung kanina'y loko-loko ang boses nito ay ngayon seryosong seryoso na.

Bilang isang singer alam na alam ko ang mga emosyong naririnig ko ngayon sa boses niya..

Nagpapahiwatig, Nasasaktan, Umaasa at nagmamahal..

"Bakit pa ba

Ikaw ay nakilala

Di na sana nasaktan ang puso ko oh

Di mo lang alam

Na akoy tapat sayo

Mayron pa bang magagawa

May nagmamahal na sa iyo~" nakatitig lang siya kay Lucas na ngayon ay sobrang lungkot ng itsura.

Nasasaktan din siya sa totoo lang一 nasasaktan siyang hindi niya nagawang pagtuunan ng pansin ang nararamdaman nito nung unang mapansin niya ang pagpaparamdam nito.

"Hihintayin parin kita

Asahan mo sana

Hihintayin parin kita

Di ako iibig sa iba

Kung sakaling

Iwanan ka't

Umibig sya sa iba~~" napatungo siya.

Hindi niya mapigilang makonsensya.

Iniisip niya kasing mas makakabuti para sakanilang dalawa kung mananatili sila bilang magkaibigan lang. Pero hindi niya naisip na masasaktan ito sa pagpaparamdam.

"Nandito lang ako

Naghihintay sayo~~" napapikit siya ng mariin at naikuyom ang kamao.

Nakipagtitigan siya sa mga mata ni Lucas na tila nabuhayan.

'Hindi mo kinakailangang maghintay, Lucas.' gusto niyang sabihin iyon munit hindi masalita ng kaniyang bibig kung kaya't sinasabi niya ang mga ito gamit ang mga mata na sana'y naiintindihan nito.

Isang butil ng luha ang tumulo sa isa niyang mata. 'Ang kaibigan, ay dapat manatiling kaibigan lang.'

"I'm sorry, hindi handa ang puso kong tanggapin ang nararamdaman mo." hindi niya alam kung nabasa ba nito ang sinabi ng labi niya, munit hindi niya na hinintay pang malaman iyon bagkos ay tumalikod siya bago pa man matapos ang kanta.

Hindi niya kaya pa.

Hindi niya kaya pang manatili roon at panooring nasasaktan ang isa sa pinaka-importante niyang kaibigan.

____

Music: Gusto kita by Bailey May  & Hihintayin by Von Arroyo.