webnovel

Saglit na Pagsasama (1)

編集者: LiberReverieGroup

Sa oras na matapos na ang kompetisyon, desisyon ng mga nanalo kung saang palasyo o pwersa sila makikibilang.

"Matapos umalis ni Jun Wu Xie sa kompetisyon, nagpadala ang bawat isa sa Twelve Palaces ay nagpadala ng tao na susunod kay Jun Wu Xoe at lahat ng iyon ay pinaalis ni Su Jing Yan." Pagbabalita ni Ye Sha.

"Sabi ni Su Jing Yan hindi siya taga-Twelve Palaces. Kung gayon siya ba ay taga-Nine Palaces?" Tanong ni Jun Wu Xie, nag-angat siya ng tingin kay Ye Sha.

Tumango si Ye Sha. "Ang emblem sa dibdib ni Su Jing Yan ay ang simbolo ng Nine Temples' Heavenly Wolf Temple."

"Heavenly Wolf Temple." Mahinang usal ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga mata ay nagsalubong.

"Ang Battle of Deities Grand Meet ay pakana ng Twelve Palaces at ang Nine Temples ang spectator. Mayroon silang responsibilidad sa kompetisyon pero hindi sila kukuha ng mga disipulo sa huli. Nagsagawa na ako ng imbestigasyon at nadiskubreng ang Nine Temples ay hindi na kumukuha ng mga kandidato sa mga nakaraang Battle of Deities Grand Meet. Mukhang ipinagpaubaya na nila iyon sa Twelve Palaces." Paglalahad ni Ye Sha ng impormasyong kaniyang nakalap.

Nagaaway-away ang Twelve Palaces para magkaroon ng awtoridad. Imposibleng hindi iyon alam ng Nine Temples.

Ngunit iba ang kaniyang nararamdaman dahil sa sinabing iyon ni Ye Sha.

Imposibleng hindi alam ng Nine Temples ang gustong mangyari ng Twelve Palaces at wala silang ginagawa tungkol doon. Sa halip, parang pinapakita pa ng Nine Temples na hinahayaan lang nila ang Twelve Palaces na lumaks.

Bakit nila ginagawa iyon?

Parang may mali.

Sinong tao ang hahayaan lang na maagawan siya ng posisyon?

"Ayon saking nakalap, isang representative lang ang pinadala ng bawat templo ng Nine Temples na magtungo sa Battle of Deities Grand Meet sa Innate Gift Competition. Kaya sa Heavenly Wolf Temple, iisa lang talaga ang pinadala." Dagdag pa ni Ye Sha.

"Anong tumatakbo sa isip ng Nine Temples?" Hindi mahulaan ni Jun Wu Xie kung ano ang gustong mangyari ng Nine Temples.

"Gusto niyo po bang mag-imbestiga pa ako tungkol doon?" Tanong ni Ye Sha.

Umiling naman si Jun Wu Xie.

Ang kaniyang layunin sa pagpunta dito ay ang kalabanin ang Twelve Palaces at hanapin ang kaluluwa ng kaniyang ama sa Spirit World. At dahil nananahimik naman ang Nine Temples, ayaw na ni Jun Wu Xie na dagdagan pa ang kaniyang kaaway.

Pero kahit na hinahayaan lang ng Nine Temples na mas lumakas pa ang pwersa ng Twelve Palaces, ang katotohanang hinarangan ni Su Jing Yan ang mga taga-Twelve Palaces sa pagsunod sa kaniya ay tila nangangahulugan lang na hindi kumpletong hinahayaan ng Nine Palaces ang Twelve Palaces na gawin na lang ang kanilang nais. Sa halip ay nagtalaga sila ng mga rules na dapat sundin ng lahat.

At ang bagay na iyon ay sapat na kay Jun Wu Xie.

"Huwag muna sa ngayon. Kung wala kang gagawin, tulungan mo nalang akong mahanap makausap sina Qiao Chu." Saad ni Jun Wu Xie habang hinihimas ang kaniyang baba. Ang Battle of Deities Grand Meet ay simula pa lang pagkatapos nito, magpapatuloy pa rin ang palabas.

Ngunit ang pinapakita ng Nine Temples ay naging isang palaisipan kay Jun Wu Xie.

"Sabihan mong mag-ingat sila na mapansin at magpunta sila dito sakin mamayang gabi. Mayroon akong kailangang sabihin." Dagdag pa ni Jun Wu Xie.

"Opo!" Mabilis na sagot ni Ye Sha at Ye Gu.

Agad na lumabas ang dalawa sa silid ni Jun Wu Xie at agad na nagtungo sa Mount Fu Yao upang ipaabot ang mensahe ni Jun Wu Xie.

Nang sumapit ang gabi, nanahimik ang Mount Fu Yao matapos ng isang maingay at abalang araw. Ang mga kabataang kasali sa kompetisyon ay hinila na lang ang kanilang katawan sa kama upang makapagpahinga.

Ilang tao ang patago-tago sa dilim, sila ay papunta sa iisang lugar.

Nakaupo lang si Jun Wu Xie sa kaniyang silid nang makarinig siya ng mahihinang yabag sa labas ng kaniyang pinto. Lumapit siya doon upang pagbuksan ang nasa kabilang bahagi ng pinto. Doon ay bumungad si Hua Yao na nakatayo at naghihintay ng kaniyang pagbukas.