webnovel

Paninirang Puri (5)

編集者: LiberReverieGroup

Sa babala ni Fan Jin, hindi na lumaban ang ibang binata, ngunit pinakita sa kanilang mga ata na hindi pa sila sumusuko.

Sa pangalawang palapag, nakita ni Senyor Ning ang lahat ng nangyari at ang kanyang mga magagandang labi ay kumulot pataas. Nagtaas siya ng kamay at tinuro si Fan Jin na kausap si Jun Xie at sinabing: "Nagkamali si Fan Jin. Mukhang ang batang si Jun Xie ay magaling umarte, na naloko si Fan Jin. Sa tingin ko, kung hindi sinabi ng bata kay Fan Jin na matatanggap siya sa pakultad ng mga Spirit Healer, sa tingin ko'y hindi gaganahan si Fan Jin na turuan siya. Nakapagtataka, na ngayong wala na siyang pag-asa, nabigo siguro siya. Hindi ba, munting Yan?"

Hati ang mukha ni Yin Yan sa isang malawak na masamang ngiti. Natuwa siyang makitang masira ang pag-asa ni Fan Jin.

"Naaalala mo pa ba nung natanggap ka? Tuturuan ka dapat ni Fan Jin ngunit hindi siya sumunod sa pangalawang punong tagapagturo at tinanggihan kang makapasok sa akademya. Naaalala mo pa ba ang kahihiyan ng pagtawa ng lahat sa'yo?" Tinignan ni Senyor Ning si Yin Yan.

Sumagot si Yin Yan ng nanlilit ang mga mata: "Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, na pinahiya ako ni Fan Jin."

Noong taong iyon, natanggap lang si Yin Yan sa Akademyang Zephyr at hindi pa sumasali sa Spirit Battle Tournament si Fan Jin. Wala pa siyang pwesto at napili na magturo sa mga bagong disipulo. Noong mga panahong iyon, binigay si Yin Yan kay Fan Jin. Malakas ang likas na talento ni Yin Yan at nakita siya ng pangalawang punong tagapagturo. Siya mismo ang nagutos kay Fan Jin na bantayan siya ngunit, sino ang makakaalam na agad na tatanggihan ni Fan Jin ang kanyang utos, at biglang aalis ng walang kahit kaunting sulyap kay Yin Yan.

Magmula noon, naging paksa ng mga biro si Yin Yan ng iba pang mga disipulo. Ang pagtanggi ni Fan Jin, ay nagpamukha na mahina siya at kundi dahil kay Senyor Ning, na nagabot ng kanyang kamay para tulungan siya at tinanggap si Yin Yan bilang kanyangbantay, baka umalis na siya sa akademya sa ilalim ng mga pangungutya at mangaabuso ng ibang disipulo.

Hindi nagtagal, sinwerte si Yin Yan at tinanggap sa pakultad ng mga Spirit Healer at iyon ang naglinis ng kanyang pangalan. Ngunit ang pagtanggi sa kanya ni Fan Jin ay nagiwan ng sugat na hindi makakalimutan ni Yin Yan.

"Hindi ba't magandang pagkakataon ito para sa'yo? Hayaan mong tignan ka ni Fan Jin ng maayos ngayon. Kung gaano ka na kagaling matapos ka niyang tanggihan sa harap ng lahat noon. At kung gaano kahina ang Jun Xie na pinili niya kumpara sa'yo." Inuto siya ni senyor Ning ng may mahabaging ngiti.

Napangiti si Yin Yan at tumango: "Matalino ang senyora ko, marami akong natutunan."

Pagkatapos sabihin iyon, bumaba si Yin Yan sa unang palapag.

Sa baba ng bulwagan, nanahimik na ang kaguluhan sa pagdating ni Fan Jin.

"Huwag kayong mag-alala, tatanungin ko si tiyuhing Gu kung ano ba talaga ang nangyayari." Tinignan ni Fan Jin ang malamig na tingin ni Jun Xie at medyo nawalan ng pag-asa. Hindi siya nagduda kay Jun Xie, dahil nakalusot na siya sa kulay kahel na antas ng espiritu sa murang edad, na hindi aasahan ng maraming tao. Bukod pa rito, sa kanyang pagkabata, napakatalino at makabuluhan siyang tao, hindi makakatakas ang mga katangiang ito sa mga mata ni Gu Li Sheng.

At ngayon, sinasabihan siya na pinili ni Gu Li Sheng ang walang hiyang si Li Zi Mu kaysa kay Jun Xie. Hindi niya maintindihan iyon.

Sumagot si Jun Xie: "Hindi na kailangan." 

Nagbuntong hininga si Fan Jin at tinapik si Jun Xie sa kanyang mga balikat. "Kalimutan mo na, wag ka nang kumain dito. May ipapakita ako sa'yong magandang lugar, na nakasisigurado akong mas masarap ang pagkain doon kaysa dito."

Tumango si Jun Wu Xie. Kahit na hindi siya gutom, hindi rin niya nais na tanggihan ang pagmamagandang-loob ni Fan Jin sa kanya.

Marami nang napagdaanan si Jun Wu Xie mula ng kanyang muling pagkabuhay, at nagsisimula palang siyang tumanggap ng kabutihan mula sa ibang tao, at dahan-dahang natututong magbalik.

At bago sila makaalis, may boses na biglang lumitaw mula sa gilid.

"Ang pagbantay sa kanyang nakababatang kapwa disipulo ay maiintindihan, ngunit kung may nagawa itong kamalian at hindi man lang humingi ng tawad, mukhang sobra na iyon."