webnovel

Nanganganinag ang Kamatayan (Pangatlong Bahagi)

編集者: LiberReverieGroup

"Uto-uto." Lumapit si Jun Xian kay Jun Wu Xie, kumikirot ang puso nang makita ang kanyang damit na puro dugo ngunit panatag na siya'y ligtas, habang tinataas ang kanyang kamay at ginugulo ang kanyang buhok ng may pagmamahal.

"Maayos ang lagay ng iyong lolo."

Pinikit ni Jun Wu Xie ang kanyang mga mata, at nang maramdaman ang mga luha na pabagsak na, ay yumuko at pinunasan nag kanyang mga luha.

Tinapik ni Jun Xian ang balikat ni Jun Xie at tumingin sa Emperador na nanginginig parin. "Huwag kayon mag-alala, mahal na hari, wala na ang mga manglilingo, at ligtas na ang Palasyo."

Nagulat si Jun Wu Xie sa paglitaw ni Jun Xia, at nagulat rin ang Emperador na hindi alam ang sasabihin sa kanya.

Buhay pa siya?

"Ah… erm…. Mahal kong alagad, naghirap ka. Tumaas nanaman ang halaga ng Palasyo ng Lin, at hindi ko ito makakalimutan! Mga alagad! Dinggin niyo ang aking utos! Bigyan ninyo ang Palasyo ng Lin ng isang-daang brokeid, sampung-libong tael ng ginto, at ang hukbo ng Rui Lin ay pupurihin sa pagliligtas sa akin." Wala akong pake, buhay pa si Jun Xian!

Muntikan na akong patayin!

Kung hindi dahil kay Jun Xian, wala na ang ulo niya.

Masaya ang Emperador nang malaman na buhay pa si Jun Xian!

Bago magsalita si Jun Xian, kumalma si Jun Wu Xie, at tinaas ang kanyang tingin sa Emperador. "Mahal na Hari, ang mga gantimpala para sa mga nangyari ngayon ay hindi para sa Palasyo ng Lin."

"....." Bumagsak ang puso ng Emperador ng magsalita si Jun Wu Xie, at nanatiling tahimik.

"Ang matagumpay na pagpaslang sa mga salot na opisyal ay narating dahil sa maingat na paghahanda ng Prinsipeng Tagamana. Tinago niya ang kanyang katalinuhan, para makitang wala siyang kaya at nais abutin, upang mahuli silang lahat na walang paghihinala at maipon ang mga ebidensiya ng kanilang mga krimen! Ang paghuli sa mga salot ngayong gabi ay nangyari lamang sa tulong ng kanyang walang-kapantay na karunungan, at sakripisyo ng kanyang imahe at reputasyon, para hindi siya paghinalaan, at para paunlarin at pataasin pa ang Kaharian ng Qi!"

Naayos ni Jun Wu Xie ang imahe ni Mo Quan Yuan sa kanyang sinabi, at hindi lang ang Emperador, pati si Mo Qian Yuan ay nagulat. Parehas silang nakakatayo at nakatitig kay Jun Wu Xie, hindi alam kung ano ang pinaplano nito.

Ang puri at tiwala para sa pagpaslang sa mga salot na opisyal ay nabigay kay Mo Qian Yuan!

"Nagmamakaawa ako sa inyo, mahal na Hari, na gantimpalaan ang Prinsipeng Tagapagmana, dahil hindi marapat ang Palasyo ng Lin." Pinilit ni Kun Wu Xie, hindi pinapansin ang mga gulat na tingin sa paligid niya.

Hindi alam ng Emperador ang gagawin niya, ngunit para makalayo sa nakakatakot na dalagang nasa pintuang-daan, tumango siya, at tumingin kay Mo Qian Yuan.

"Qian Yuan, nahirapan ka sa mga nakaraang mga taon."

Natauhan si Mo Qian Yuan, sinusubukang intindihin ang mga nangyayari, at sumagot: "Tungkulin ko ito bilang Prinsipeng Tagamana, at ginawa ko lang ang dapat."

"Mabuti ang iyong ginawa, at gagantimpalaan ka ng maayos." Sinabi ng Emperador, ng may pilit na ngiti.

Nang makita ang palitan ng Emperador at ni Mo Qian Yuan, nandiri si Mo Xuan Fei sa mga nangyari.

Halatang inaayos ni Jun Wu Xie ang reputasyon ni Mo Qian Yuan sa mga tao. Pag kumalat ang balita ng mga pangyayari sa gabing ito, makakalimutan ang mga nakaraan niyang katangahan at maaalala siya bilang Prinsipeng Tagamana na binigay ang lahat para sa Kaharian! Walang magmamali sa kanya para sa kanyang nakaraang ugali.

Malinis, mapangahas, at planado ang ginawa ni Jun Wu Xie!

Hindi inakala ng lahat ang mga nangyari!

Binaligtad niya ang mababa at maduming reputasyon ni Mo Qian Yuan sa isang iglap!