673 Bahay na Bato (1)

翻訳者: LiberReverieGroup 編集者: LiberReverieGroup

Isinakay ng black beast si Jun Wu Xie at Lord Meh Meh sa kaniyang likod habang na kasunod kay Drunk Lotus. Sila ay papunta sa bahay na batong nadiskubre nito kanina.

Kung titignan sa labas, ang bahay na bato ay hindi ganon kalaki. Simple lang ang istruktura ng bahay. Gawa lang iyon sa pinagpatong-patong na mga bato.

Sa loob ay walang mesa o upuan. Ngunit ang isiping mayroong bahay na bato sa baba ng Heaven's End Cliff ay kakaiba.

Maliit lang iyon, pero makakatulong na rin na maibsan kahit papaano ang ginaw.

Inunat ni Drunk Lotus ang kaniyang kamay, may hawak itong ilang malalapad na dahon ng lotus. Sinipsip na niya ang mga tubig doon, dahilan para manuyo ang mga ito. Isinalansan niya ang mga ito at inilagay sa isang tabi hanggang sa dumami ng dumami.

Kahit na hindi malambot ang mga dahong iyon. Makakatulong iyon para hindi nila gaanong maramdaman ang lamig ng sahig.

Nag-abot ng ilang damit si Jun Wu Xie kay Drunk Lotus at ipinatong niya iyon sa tuktok ng mga dahon. Umupo si Jun Wu Xie doon habang karga pa rin si Lord Meh Meh sa kaniyang mga bisig.

Inalagay ni Jun Wu Xie ang Spirit Fire Globe sa isang tabi. Manipis ang hamog sa loob ng bahay na bato, mayroon ding pintong gawa sa bato at agad naman iyong naisara ni Drunk Lotus.

Hindi na pumasok ang malamig na hangin sa loob. Unti-unting nawawala ang hamog at nagiging mas komportable na ang kaniyang pakiramdam.

"Lalabas muna ako para tingnan-tingnan ang paligid. Kung may kailangan ka, utusan mong umalulong ang black beast." Saad ni Drunk Lotus na seryosong nakatingin sa kaniya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Naiisip niyang pag magtagal pa siya sa loob ng bahay na batong iyon at mapanood niya ang kalagayan ni Jun Wu Xie, baka hindi niya mapigilan ang sariling sugurin ang halimaw na may gawa non dito.

Tumango si Jun Wu Xie.

Nang makalabas si Drunk Lotus, muli niyang isinara ang pintuang bato at nag-iwan ng maliit na siwang para makapasok pa rin ang kaunting hangin sa loob.

Kumikirot pa rin ang mga sugat ni Jun Wu Xie. Sunod-sunod na siyang uminom ng elixir na kaniyang dala at ang kaniyang katawan ay nagsisimula nang uminit. Hindi siya uminom ng kahit anong painkillers dahil baka hindi niya masundan ang tunay na kondisyon ng kaniyang katawan.

Para ibaling ang sakit na kaniyang nararamdaman, inilibot ni Jun Wu Xie ang kaniyang tingin sa paligid.

At nasurpresa siya sa kaniyang nakita.

Napansin niyang mayroong mga marka sa bato. Pinunasan niya iyon at nakita niya ang isang batong malinis na pinutol sa hugis na parihaba. Para iyong sinadyang putulin sa ganoong hugis at pinagpatong-patong.

Pumulot ng maliit na bato si at sinubukang durugin iyon. Ngunit kahit na ginamit niya na ang buong lakas niya, hindi man lang niya nagasgasan ang batong iyon kahit kaunti!

Hindi ordinaryong bato ang mga batong ito!

Kahit na siya ay may iniinda sa kaniyang katawan, magagamit niya pa rin ang kaniyang spirit power. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin nadudurog ang bato.

Sa baba ng Heaven's End Cliff, ang mga batong napagpatong patong ay napakatitigas...

Sinong may gawa nito?

Napasimangot si Jun Wu Xie at muling inangat ang kamay para muling tignan ang mga bato. Sa isang partikular na piraso ng batong iyon, naramdaman niya ang mga bitak doon!

Sa piraso ng batong iyon, mayroong gumamit ng isang bagay para markahan ang bato at pinagbuklod-buklod iyon sa lima.

avataravatar
次の章へ