webnovel

Fallen for you (Gabriel dela Torre)

Mabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan ang nararanasan ni Ella hanggang sa dumating sa kanya ang isang Gabriel dela Torre. Isang kilalang magaling na doktor si Gabriel dela Torre idagdag pa na kilalang mayaman ang angkan nila. Gwapo, matangkad at maputi si Gabriel kaya naman ay maraming kababaihan ang nagkakagusto dito. Paano kung may darating sayong isang taong katulad ni Gabriel na mamahalin ka ng buong ikaw at ipagtatanggol ka hanggang sa kanyang makakaya. Magagawa mo pa bang magtiwala kung lahat ng taong minahal mo ay nasaktan ka na? *Gabriel and Isabella story* -Dela Torre brothers series 1

Jade_N_5959 · 現実
レビュー数が足りません
20 Chs

Chapter 12

Ella's Pov

Nasa ospital kami ngayon para magpacheck up. Naghintay muna kami ni Gabriel sa kanyang opisina dahil hindi pa dumarating ang doktor na titingin sakin. Nagtext ako kina Alex at Jordan para malaman ko kung nasan sila. Sasamahan ako ni Gabriel na makipagkita sa kanila. Habang nagtetext ako ay nagtatrabaho naman si Gabriel tapos nagring ang telepono niya. Pagkatapos nya makipag usap ay lumapit siya sa akin.

"Tara na sweetie, nandyan na daw si dra. Rosales." pag aaya ni Gabriel.

"Sige." sabi ko.

Lumabas kami ng opisina ni Gabriel at pumunta sa Ob Gyne. Pinapasok naman agad kami.

"Dra. Rosales." bati ni Gabriel.

"Oh good morning Dr. dela Torre. What can i do for you?" tanong nung doktora.

"Oh come on, Stop being formal. Siya nga pala ang fiance ko si Isabella Garcia." pakilala sakin ni Gabriel.

"Hello po." bati ko.

"Omg! Siya na ba yun? Naku ha, baka makalimutan mo pa akong imbitahin sa kasal nyo. Siya nga pala Isabella, ako si Faith Rosales pinsan ni Gabriel. Tinawagan ako ng pinsan ko kahapon. Grabe ang bilis nyong makabuo ha. Nashock kami ng ibalita ni Gabriel ang tungkol sa pagbubuntis mo. Nandun kaya ako ng ibalita ni pinsan kay tita ang magandang balita." sabi ni Faith.

"Naku nakakahiya naman. Huwag na nga palang Isabella ang itawag mo sakin kundi Ella na lang." sabi ko.

"Ay naku Ella, nasasabik na akong maging kapamilya ka. Madadagdagan na ang mga babae sa pamilya. Naku may bago nang aayain si tita para makapagbonding." sabi ni Faith.

"Pwede ba umpisahan mo na ang pagchecheck up kay Ella. Madami ka pang pasyente. Mamaya na ang daldalan." sabi ni Gabriel.

"Kahit kelan ang kj mo. Hindi ko tuloy alam kung paano mo napasagot si Ella. Ay mali ate Ella na pala hahaha." natatawang sabi ni Faith. Napangiti ako sa sinabi ni Faith.

Sinimulan na akong icheck up ni Faith.  May mga test na ginawa din sa akin tapos pinarinig nya din sa amin ang tunog ng tibok ng puso ng baby namin. Napaluha ako sa saya. Hindi ko aakalain na magkakaanak na ako at isa pa hindi ko din inaakala na matatanggap ako ng pamilya ni Gabriel.

"By the way ate Ella, stress ka ba ng mga nakaraang araw? Hindi kasi maganda ang timbang mo at isa pa sabi mo laging nasakit ang ulo mo at nawawalan ka ng ganang kumain minsan." nag aalalang tanong ni Faith.

"Ah... medyo stress nga. Tama parang ganun na nga." nag aalangang sabi ko. Tinignan ko si Gabriel at seryoso lang ito na nakatingin sakin. Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Faith.

"Sige reresetahan na lang kita ng gamot sa sakit ng ulo at vitamins mo. Uminom ka din ng gatas na pangbuntis. Makakabuti ito sa kalusugan mo at siyempre healthy foods. Mag ingat palagi kasi medyo maselan ang pagbubuntis mo. Every month ang check up pero pag may naramdaman kang hindi maganda eh dont hesitate to call me." sabi pa ni Faith.

"Faith okay lang ba ang makipagsex sa buntis? Hindi ba ito makakasama sa baby." tanong ni Gabriel. Nahampas ko siya sa braso kasi nahihiya ako sa tanong nya.

"Well hindi naman masama. Don't worry ate Ella huwag kang mahiya. Mas maganda nga na tinanong ito ni kuya Gab para aware kayo. Basta huwag lang sobra hahaha." paliwanag ni Faith.

"Salamat Faith." sabi ko.

"You're always welcome. Basta ba pagmay free time ako yayayain kita ha. Don't say no kuya Gab." sabi naman nito.

"Oo na. Pero huwag mong papagurin ang sweetie ko. Mauna na kami. Magtrabaho ka na hahaha." biro ni Gabriel kay Faith. Nagtawanan naman kami.

Lumabas kami ni Gabriel at bumalik sa opisina nya. Tinapos nya muna ang mga kailangan sa opisina nya bago ito nagyaya na pumunta na kami sa mga kaibigan ko. Dumiretso kami sa coffeeshop na pinagtatrabahuhan naming magkakaibigan. Pumasok kami ni Gabriel sa loob ng coffeeshop. Naabutan ko na seryosong nag uusap ang magpinsan sa counter at hindi nila kami napansin na pumasok. Lumapit kami ni Gabriel sa counter para umorder.

"Napakaseryoso naman ng pinag uusapan nyo at hindi nyo napansin na pumasok kami. Pwedeng makisali?" bati ko sa kanila.

"Ella!!!!" sigaw ng mga ito tapos nagmamadali ang dalawa na lumapit sakin. Niyakap naman ako ng dalawa.

"Teka huwag nyo ako gitgitin baka maipit ang baby ko." sabi ko. Nanlaki ang mga mata ng dalawa kong kaibigan.

"Buntis ka!" sigaw ng dalawa. Tumango naman ako.

"Syete ka ang bilis mo girl." sabi ni Alex.

"Kamusta ka na sis, pinag alala mo kami." sabi ni Jordan.

"Pwede ba kayong magbreak muna? Gusto ko kasi kayong makausap eh. Namiss ko kayo." sabi ko sa kanila.

"Oo naman kami pa ba? Oh siya maupo na kayo." sabi ni Alex.

"Teka oorder pa ako. Nagugutom na kasi ako eh." sabi ko. Natawa naman ang mag kaibigan ko.

Umorder ako ng isang slice ng black forest cake at isang slice din ng white chocolate cake. Tapos umorder din ako ng kape kaso pinagalitan ako ni Alex dahil masama daw ang kape sa buntis kaya gatas ang binigay nila sakin. Si Gabriel naman ay umorder ng isang Americano. Naupo kami ni Gabriel at hinintay namin na dumating ang dalawa.

"So kelan ka pa nandito sa Manila?" tanong ni Jordan habang isiniserve samin ang mga order namin. Pagkatapos ay naupo ito sa harap namin. Sumunod naman si Alex.

"Kahapon lang. Isinama na ako ni Gabriel at dun na ako nakatira sa kanila." sagot ko.

"May nangyari na naman ano? Tama ba ako?" tanong ni Alex. Tumango naman ako.

"Naku kung hindi lang makapangyarihan ang mga magulang mo at hindi madadamay ang pamolya namin, matagal ko nang nasabunutan ang pamilya mo. Mga walang kaluluwa." galit na sabi ni Jordan.

Kinuwento ko naman sa kanila ang mga nangyari nung nasa Baler pa ako. Pati ang paglapit sakin ni Mark. Hindi na ako nahiya kay Gabriel na marinig ang mga sinasabi ko kasi nakita nya na naman ang nagyari sakin sa pamilya ko.

"Peste talaga ang mga kapatid mong babae. Idagdag pa yang Mark na yan." sabi ni Alex.

"Naku Gabriel huwag na huwag mong papalapitin ang Mark na yun sa kaibigan namin. Gulo lang ang dulot ng lalaking yun. Ayan pumatol patol siya sa ate mo kahit hindi nya pala mahal. Ayan nakarma siya. Hindi na siya makawala sa ate mo. Buti na lang at hindi kayo ang nagkatuluyan." sabi ni Jordan.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Jordan. Namiss ko ang dalawa kong kaibigan. Sila ang hingahan ko ng sama ng loob ko sa pamilya ko. Natutuwa ako at nakilala ko sila at nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad nila.

"So kamusta ang inaanak namin?" tanong ni Jordan.

"Makainaanak ka naman. Hindi pa nga nalabas eh at isa pa sinabihan ka na bang ninang ka?" pangbabara ni Alex kay Jordan.

"Sasakalin ko si Ella paghindi nya tayo ginawang ninang." sabi ni Jordan kay Alex. Napatawa ako sa sinabi ng dalawa.

"Mga baliw talaga kayo. Siyempre gagawin ko kayong ninang noh. Kayo lang naman ang mga kaibigan ko. Kakalimutan ko pa ba kayo." sagot ko sa kanila.

"Yeah at saka imbitado kayo sa kasal namin ni Ella. I'll update you two. Balak ko kasi civil wedding muna bago ang church wedding. Ayoko kasing maistress pa si Ella at isa pa para wala na ding habol ang mga magulang ni Ella pagkasal na kami." nakangiting sabi ni Gabriel.

"Eh di magreresign ka na dito sa coffeeshop. Tama ba ako?" tanong ni Alex.

"Oo tama ka Alex. Kaya din ako pumunta dito para magresign. Medyo maselan ang pagbubuntis ko. Kailangan ko munang alagaan ang sarili ko at ang baby namin." sabi ko.

"Tama yan. Meron ka nang Gabriel kaya hindi mo na kailangang magtrabaho. For sure kaya kang buhayin ni Gabriel." sabi ni Jordan.

"Teka maiba ako, ano yung pinag uusapan nyo bakit kayo seryosong seryoso?" tanong ko. Nagkatinginan naman ang magpinsan.

"May problema ba?" tanong ko ulit.

"Kasi ibebenta na lupang kinatatayuan ng coffeeshop. Maige sana kung ang makakabili ay coffeeshop din gustong inegosyo dito. May pag asa pa kami na hindi mawalan ng trabaho. Kaso kung iba ang gusto ng may ari eh wala kaming magagawa kung hindi ang maghanap na ng trabaho. Hindi pa naman sinasabi ng may ari ng coffeeshop na maghanap na kami ng ibang trabaho pero sinasabi ko na kay Jordan para makapaghanda na siya." paliwanag ni Alex.

"Tama kasi sa ating tatlo ako ang mas nangangailangan ng trabaho. Nag aalala nga ako kasi wala na akong maipapambayad sayo ng renta sa apartment." sabi ni Jordan. Nalungkot naman ako sa sinabi nila.

"Ano ka ba, okay lang yun. Bayaran nyo na lang ang bill ng kuryente at tubig okay na ako dun." sabi ko.

"Eh paano ang mga gastusin mo? Siyempre magkakaanak ka na din kakailanganin mo din ang pera." sabi ni Alex.

"Huwag kayong mag alala. Magiging asawa ko na si Ella. Ang lahat ng meron ako ay kanya na din." sabi ni Gabriel.

"Nakakalungkot naman, ilang taon na tayong nagtatrabaho sa coffeeshop na ito. Kung sapat lang ang ipon ko, bibilhin ko ang coffeeshop na to." malungkot na sabi ko.

"Yeah. Madaming masasayang bagay ang nangyari sa coffeeshop na ito. Pangalawang tahanan na natin to. Isa pa matanda na ang may ari nito kaya malamang bibitawan na talaga nila ito." sabi ni Alex.

"Masaya ka ba Ella sa coffeeshop na to?" tanong ni Gabriel. Tumango ako.

"Alex, pwede bang makahingi ng details ng may ari ng lupa?" tanong ni Gabriel.

"Bakit?" tanong ko kay Gabriel.

"Para bibilhin ko ang lupa at ang coffeeshop na ito." sabi ni Gabriel.

"Talaga?" sabay na sabi nila Alex at Jordan.

"Don't worry, Im not joking. Bibilhin ko talaga ito at ireregalo ko kay Ella. Para naman may pagkaabalahan siya at hindi mainip. Pero ayoko na magpapakastress ka ha sweetie. Ibigay mo ang trabaho kina Alex at Jordan. Tuturuan ko din kayo kung paano magpalakad ng negosyo." sabi ni Gabriel.

Napayakap naman ako kay Gabriel sa sobrang tuwa. Sa totoo lang pangarap ko ang magkaroon ng sariling negosyo. Ngayon matutupad ko na ang pangarap ko tapos matutulungan ko pa ang mga kaibigan ko.

"Oh paano umpisahan nyo nang magplano ng mga babaguhin sa coffeeshop. Unahin nyo na ang pangalan." sabi pa ni Gabriel.

Masaya kaming nagngitian ng mga kaibigan ko. Alam ko na masayang masaya sila. Sa ganitong paraan man lang makabawi ako sa mga kaibigan kong walang sawa na umalalay sa akin. Tumingin ulit ako kay Gabriel at nginitian siya.