webnovel

#FL 15

#FL

"We are never ever! Getting back together wee!"

Napadaan ako sa nagsisikantahan na mga estyudante. Nakita ko ang pamilyar na lalakeng kumakanta noon habang gumigitara kasabay ang mga babaeng panay kanta sa tapat nito.

"Camille!"

Natigilan ako nang may kumaway sa akin mula sa loob ng room. Stem's students are singing and I caught their attention! Tumigil ang kantahan nila nang mapansin nila akong nakatayo sa labas.

"Pasok ka!" Someone invited me kahit hindi ko siya kilala. Ngumisi iyong iba habang napatayo at sinalubong ako.

"Oh pano napunta dito ang isang Humss?" Natatawang sabi ng isa.

Oo nga naman. Why the hell I am here? Napatingin ako sa hawak kong folder. Napabuntong hininga ako at pumasok.

"Ano 'yan?" Tanong nila at lumapit sa akin.

Binigyan ko sila ng tig iisang papel.

"Ahm.. survey lang." Sagot ko.

Tumango yung iba at sumagot. Yung iba naman ay tinaasan lang ako ng kilay at humarap nalang sa lalakeng may dalang gitara.

"Nakakatamad yan." Pahayag ng isang babaeng nakasalamin. "Chester try mo nga ang kanta ni Lauv."

Nakatitig lang ako sa ibang estyudanteng sumasagot sa survey questions ko. Hindi ko magawang bigyan ng papel iyong nangangalang Chester dahil sa hawak nitong gitara. Baka tinatamad din sumagot.

"Yung meant it."

"Okay."

Ngumiting binigay sa akin ang papel ng kasama nila pagkatapos nito sumagot at lumapit sa dalawa.

Ilang segundo ay narinig ko ang pagstrum niya ng iilang strings at nagsimula kumanta.

"Small talk, no conversation.."

Naramdaman kong nagsitaasan ang buhok ko sa batok nang marinig ko muli ang napakalamig niyang boses.

"That look makes me impatient.." Hindi ko napigilan ay napatingin sa lalakeng kumakanta. "I can't tell what you're thinking." Nakatitig siya saakin habang kumakanta.

"Please tell me what you're thinkin'.." Umawang ang labi ko nang ngumiti ito sa akin.

"Last night we were more than fine." Pumikit ito habang nakangiti.

"Just tell me if you changed your mind.. If you changed your mind.." Sumabay ang mga kaklase niyang kumanta sakanya.

"Camille." Natigilan ako nang sinindot ako nang kasama nila.

"Tapos na kami." Ngisi nito habang binigay saakin ang iilang papel.

"But if you're looking at me with a..Heart of doubt." Nakagat ko ang labi ko habang pigil ko ang sarili kong humanga sa boses ng lalake.

He's a damn good singer!

"Don't kiss me right now.. Don't tell me that you need me, Don't show up at my house.. All caught up in your feelings" Lumabas ako ngunit ang sarili kong galaw ay hindi napigilan lumingon.

"Don't mess with my head..Don't tell me you're falling." Nakatingin ito saakin habang kumakanta. Ang mga kasama niya ay nakapikit ito at sumasabay sa kanta niya.

Nagulat ako nang kinindatan niya ako!

"With your feet still on the ledge, I'm all out of breath, baby.."

Napatalikod agad ako at umalis sa kwartong iyon. What was that?! Halos takbuhin ko ang second floor kung nasaan ang room ko sa sobrang pagmamadali ko. Malakas ang kabog ng puso ko.

"U-Uy kalma!"

Napakunot noo ako nang makita sila Boshie. Napahawak ako sa puso ko at ginulo ang buhok ko.

"Anyare sayo?" Natatawang tanong ni Dindy saakin.

"Galing ka sa Stem?"

Tumango ako at napaupo. Naiinis sa sarili. Bakit ako tumakbo? Feeling ko nakita nila akong tumakbo! Gosh Camille!

Bakit nga ba niya ako kinindatan? That's normal Camille! Ilang lalake na ang kumindat sayo! Bakit ngayon ka lang nagreak?

"Ayoko na magsurvey!" Agad kong nasabi. Kinabahan ako kanina! Hindi ko alam!

Nakakainis.

"Bakit? Ano ba nangyare sayo sa mga Stem?" Natatawang tanong ni Tina.

"Nagsurvey lang." Sagot ko.

"Weh? Diba andun si Chester hahaha" Tina's said.

Tumaas ang kilay ko.

"So?" Napaiwas ako nang tingin at inayos ang mga survey questions.

"Balita ko may gusto daw 'yun sayo." Tinulak tulak pa niya ako habang nang aasar.

"Hala?! Si Chester may gusto kay Camille?" Usisa agad ni Dindy.

"Oo eh. Kalat sa room nila kahapon." Natatawang sabi ni Tina.

"Wow! Crush ko 'yun!" Sigaw ni Dindy.

Humalakhak lang si Tina.

"Ay wawa. Si Camille ang crush nun."

Nagkunwareng umiyak si Dindy.

"Ibigay mo siya saken Camilleeee!" Yugyog niya saakin. Hindi ko napigilan matawa sa reaksyon ni Dindy.

"Hoy Dindy! Nakakalimutan mo atang may jowa na yan si Camille? Kaya may pag asa ka pa kay Chester!" Ngisi ni Boshie.

Napailing ako. Ewan ko sainyo.

"Pero seryoso Camille? Hindi mo pa alam na may crush yun sayo?" Tanong muli ni Tina. "Kalat kahapon na umamin siya sa mga kaklase niyang ikaw ang gusto niya. Pero hindi mo daw siya pinapansin eh."

Mas lalong umiyak si Dindy habang si Boshie ay inasar nalang ito.

"Hindi. Kailangan ko pa ba malaman?" Sinimangutan niya ako.

"Gaga. Si Chester 'yun! Hindi ka ba nagagwapuhan sakanya?! Mas gwapo pa nga 'yun kay Zev." Napairap siya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung gwapo siya bakit hindi ko pa siya noon napansin?" Natahimik siya sa tanong ko. Napangisi ako at sumandal lang sa upuan.

"P-Pero full package na 'yun Camille! Mayaman, Gwapo, Marespeto! Mabait! Magalang! Magaling kumanta! Basta nasakanya na ang lahat!"

Natawa ako sa mga pinagsasabi ni Tina. Patuloy lang ang asaran nila ni Boshie at Dindy.

"Hindi ko iiwan ang lalakeng mahal ko ngayon dahil lang sa mga katangian niyang 'yan Tina." Ngumiti ako sakanya.

Napabuntong hininga siya at ngumuso.

"Iba ka magmahal Camille." Tumawa siya at napailing "Wala kang makitang iba kundi si Zev lang."

Ngumiti lang ako sakanya.

Bigla pumasok sila Janela at Charity. Malamig ang tingin ni Janela saakin habang papalapit ito saakin.

Ano pa ba ang bago?

"Nasaan na yung ibang survey questions? Nasagutan ba ang lahat?"

Tumango ako at ibinigay sakanya.

"Good. Ikaw pala bahala sa RRL since umalis ka sa pagiging leader. Ikaw na maghanap nun." Aniya at tinalikuran ako.

"Ikaw magpapaprint." Malamig na saad ni Charity bago sumunod kay Janela.

Pagkaalis ng dalawa ay inis na tumayo si Dindy.

"Teka! Bakit ikaw ang magpapaprint Camille?!" Tanong agad niya saakin.

"Hindi kayo ambagan?!" Boshie.

"Okay lang.." Bulong ko.

"Huh? Anong okay lang?! Magastos 'yun Camille!" Dindy.

"Tsaka ikaw lang maghahanap ng RRL? Mahirap 'yun. What about others member?" Tanong ni Tina.

I sigh. Siguro tutulungan naman nila ako. Baka nasaakin lang pinagawa iyon.

"That selfish bitch!" Gigil na saad ni Dindy.

"Baka marinig ka." Sambit agad ni Tina.

"Wala akong pakealam! Magsabunutan kami dito!" Umuusok na sa inis si Dindy.

Nilabas ko ang phone ko nang maramdaman ko ang pagvibrate.

Zev:

Nasa field ako. Come down here. Namiss na agad kita.

Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko.

"Saan ang punta mo?" Tanong nila.

Ngumiti ako sakanila. "Sa boyfriend ko."

Napairap silang lahat. Natawa nalang ako at nagpaalam sakanila.

Agad ko na natanaw si Zev na may kausap na mga barkada niya ata. Tumayo agad ito nang mahagip niya ako at napansing nagpapaalam ito bago lumapit saakin.

"Dismissed niyo na?"

Tumango ako kasabay ang braso niyang yumakap sa bewang ko.

Papalapit na ang intrams kaya maaga na rin nagpapauwi ang mga teacher namin dahil sa ibinigay na task para saamin.

Nabigla ako nang inayos niya ang buhok ko.

"Ba't ang gulo ng buhok mo?"

Naalala ko ang pagpunta ko sa Stem. Hindi ko sinagot ang tanong niya at inayos ang buhok ko.

"Zev.."

Kunot noo siyang nakatingin saakin.

"Oo nga pala. Narinig kong sinasali ka sa miss intrams?" Tanong niya saakin.

"P-Paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko sakanya.

"Obviously Baby, you're a damn popular here. Kanina ko lang nalaman kaya tinatanong kita ngayon."

Napakurap ako. Hindi ko alam paano umabot sakanya ang balitang 'yan. Pinag uusapan palang namin yan ng mga teachers kung sino isasali sa dadating na Miss Intramurals. Nalaman kase namin kahapon kung kaninong team ako.

Hindi nga lang kasama ang college dahil magkaiba ang intrams nila saamin.

"Iyon sana sasabihin ko sayo." Mahinang sambit ko.

Tinitigan niya ako nang matagal bago siya huminga ng malalim.

"Wag ka nang sumali."

Nagkatitigan kaming dalawa. I don't know why I felt such a disappointment in his response. Pero ngumiti ako sakanya at tumango nalang.

"Okay.."

Hinawakan niya ako nang mahigpit sa kamay. Gusto ko sumali. But my boyfriend doesn't want me to. And I understand him.

"Sana maintindihan mo ako Camille.. Dahil marami na akong kaagaw sayo." He dangerously said.