webnovel

Deserve to be Love (Single Mom Story)

Sa murang edad, maaga nakapag-asawa si Patricia Castillo. Nagkaroon ng dalawang anak. Ang kanyang magandang panaginip ay nauwi sa masalimuot na bangungungot dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Muli kayang titibok ang puso ni Patricia? Kahit pa naging priority na nito ang kanyang mga anak, nanaisin din kaya niyang mapasaya ang kanyang sarili? Tunghayan natin ang isang matatag, independent at mapagmahal na Single Mom na muling matututong buksan ang puso niya sa isang lalaki na hindi niya aakalain na tatanggapin ang kanyang buong pagkatao, si Patrick Sy.

cloudymichiqoh · 都市
レビュー数が足りません
5 Chs

II

PATRICK SY POV

Napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa aking palayaw.

"Pat!" Hiyak ng isang boses babae.

Inikot ko ang aking ulo upang tumingin kung saan banda ko narinig ang aking pangalan. I smiled when I saw two ladies. Kapalayaw ko lang pala ang babaeng iyon.

Naiba ang atensyon ko ng may tumawag sa akin. Inakbayan ako nito at naramdaman ko ang nakakaseduce na haplos nito. Ramdam ko rin ang hininga nito na malapit sa aking tainga.

"Let's go. Hinihintay na tayo ng ibang barkada." Sabi ni Mia.

Mia Sanchez is my childhood friend. Inaanak din ito ni Mommy kaya malapit sa aking pamilya. We had a past but hindi kami nagtagal. Masyado itong childish at selosa para sa akin. Sa umpisa nahirapan pa siyang tanggapin na maging magkaibigan nalang kami ulit, but in the end pumayag na ito. Maybe she has no choice dahil lalayo ako sa kanya kung 'di niya matatanggap kung ano lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Bro! Long time no see." Salubong ni Hans sa akin. Nakipag bunong braso ito sa akin bago ako yayain umupo sa kanyang tabi.

Hans Colvera is one of my best friends. Strikto ang tatay nito. Halos i-pressure na siya sa trabaho dahil siya ang papalit sa kanyang ama. His family business, Colvera Corporation is one of the leading plastic suppliers in the Philippines. Isa din siya sa stockholder sa aming kompanya.

"Bro, it's nice to see you back? Kamusta ang New York?" tugon ko.

"As usual." Buntong hininga nito. "Bantay sarado ako doon. Kundi trabaho, bahay lang. Minsan lang ang konting chill sa buhay." Ngising dugtong nito.

"Alam mo naman si Tito pagdating sa pag-train ng tauhan niya, strikto ito at wala ka ng magagawa."

"You're right. Kaya nga nakahinga na ako ng maluwag ng payagan niya ako umuwi dito."

Kinuha ko ang alak na inabot sa akin ni Gabby.

"Hey, Gab! Hindi mo ata kasama ang Flavor of the Month mo!" Pang-aasar ko.

"Ligwak na, Pat! Gusto ko itali! Pwede ba naman 'yun!" Patawa nitong sabi. Nagkatawanan na lang kaming magbabarkada.

Si Gabby naman ay nakilala namin noon College. Ito ang pinaka playboy sa amin magbabarkada. From Management, nag shift ito ng course na Culinary. He owns a five star restaurant in Metro.

"Balita ko, simula bukas ikaw na raw nagha-handle ng SY Tower Mall." Kaswal na sabi ni Geo. Iniinom nito ang alak sa kanyang baso. Karaniwan na seryoso ito sa buhay at napaka hard working. Isa siya sa mga director ng aming kompanya.

Katulad ni Mia, Geo Flores is also my childhood friend. Inaanak ito ni Daddy. The Flores Family is like a second family to us. Matalik kasing magkaibigan ang aming mga magulang.

Bago ako sumagot sa sinabi ni Geo, nilagok ko ang natitirang alak sa aking baso.

"Kinausap ako ni dad tungkol dyan. He wants to train me. Mag focus na lang raw ako sa business namin kasya sa ibang bagay."

"Paano yung business mong boutique?" tanong muli nito.

"I can handle that!" Sabat ni Mia. "'Yun nga lang nakakalungkot na hindi na kami madalas magkakasama ni Pat."

Mia is a clothes designer. Upang suportahan ang pangarap nito ay nakipag sosyo ako sa kanya. Isa pa sa mga hindi ko nagustuhan kay Mia ay ang pagiging unprofessional sa trabaho. Hindi niya kayang paghiwalayin ang personal emotion pagdating sa trabaho.

"Of course, Mia is there. Alam ko naman na hindi niya ipapalugi ang kumpanya namin." Ngising tugon ko. "Anyway, let's not talk about business. We're here for relaxation and enjoyment. Kaya cheers!"

Habang nilalagok ang baso ng alak, napatingin ako sa katabing table namin. Nagkakasihan ang mga ito. Naningkit ang mata ko sa babaeng nakita ko kanina. Ang babaeng ka palayaw ko. Halos maubos nito ang isang malaking baso ng beer na iniinom niya. Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng katulad niya na walang pakialam kung uminom. Unlike other girl na pa-posh at painosente pa kung uminom.

Isa-isang nag-sitayuan ang mga ito at nagpunta sa dance floor. Napangisi ako habang tinititigan itong sumasayak. Napakalambot ng katawan. Kahit pa nakasuot ito ng jacket, kita ang makinig nitong tiyan kapag itinataas ang kanyang kamay sa ere.

"Pat! Let's dance. Ikaw na ang nagsabi na kaya tayo nandito para mag-enjoy. Nandun na sila Hans, Geo at Gabby."

Nagpatianod na lang ako sa pagkakahawak ni Mia sa akin kamay papunta sa dance floor.

Halos nagkakadikitan na ang mga sumasayaw dahil sa crowded na dance floor. Natanawan ko si Hans, Geo at Gabby na may binabakuran ng mga babae. Mga flirt talaga. Natawa ako. Si Mia naman ay on the moves sa pagsayaw. Nawala ako sa tabi nito ng magsidagsaan ang mga nagsasayaw.

Amoy na amoy ko ang napakabango at sweet na pabango. Nanggagaling ito sa likuran ko. Nang mapalingon ako ay nakita ko ang babaeng kanina ay tanaw-tanaw ko lang sa kabilang table. Sobrang nag eenjoy ito sa pagsasayaw. Ang magandang ngiti nito ay nakaka adik tignan. Nakakahawa!

I tried to approach her kaya lang hindi ata ako nito naririnig. I stopped myself dahil ayoko naman mapahiya. Later on, after ng mga ilang kanta pa ay tumigil na ito sa sa pagsasayaw at natanawan kong akbay siya ng isang lalaki patungo sa kanilang table.

Nakakainit ng dugo! "Should I do that para ako yung pansinin niya?" tanong ko sa aking isip. Inayos ko ang aking damit at di kalaunan sinundan ko ang mga ito. Bumalik na rin ako sa table. Sinusulyapan ko lang ito. When she smiles, it's like I'm in heaven.

Ilang minuto pa ang nakalipas at umiinom lang ito at kinakausap ang mga kasama sa table. Tinuloy ko lang ang pag-inom habang tinitignan ito. Naaliw ako sa mga barkada ko na tinitignan kong sumayaw sa dance floor.

Huminto ang aking tingin sa babaeng naglalakad palabas ng bar. Sandali kong tiningnan ang kabilang table at wala na ito. Napatingin ako sa oras, it's 9:30 pm. Maaga pa para umuwi. Tatayo na sana ako upang sundan ito, kaya lang dumating si Mia.

"Bakit bigla kang nawala kanina?" tanong nito. Medyo tipsy na ito.

Hindi ko na ito pinansin at muli akong tumayo.

"Where are you going?" tanong muli nito.

"Sa C.R." Sabi ko.

Nagmamadali akong naglakad palabas ng bar, expecting na maabutan ko ito. Paglabas ko ng bar, nakita ko na lang ang isang babae na naka motor papaalis.

"Cool!" Bulong ko. Wala pa akong nakilalang babae na mahilig sa mga motor. Mas prepared kasi ng mga ito na kotse ang i-drive. Sobrang nakaka-attract talaga ang Pat na iyon. Napangisi ako. Nanghihinayang ako na hindi ko man lamang ito nakilala.

Bumalik ako sa loob ng bar at binalikan sila Mia. Pagdating ko doon ay may kanya-kanya ng kaakbayan sila Hans, Gabby at Geo. Tinawanan ko lang ang mga ito dahil mga nangingintab na naman ang mga mata nila. Sabi nga nila, "kapag may alak, may balak."

Inubos ko ang huling bote na natira sa lamesa bago umuwi. It's almost 2am in the morning. Isa-isa ng nag-sitayuan ang mga ito kaakbay ang mga babaeng nakilala nila.

Bago magpaalam ay nagpaalam na ito isa-isa. They can handle their own matters.

"Ihahatid na kita. You can't drive." Sabi ko kay Mia.

Iginaya ko ito sa loob ng aking kotse. Lasing na ito at ito ang part na pinaka ayaw ko.

"Pat! Why can we still be together? Nagbago na ako. I'm mature enough to handle a relationship." Pasinghap-singhap na tugon sa akin ni Mia.

Ito na ang pag dra-drama ni Mia.

"You're like a sister to me. I can go back to our past. Mas importante ang pagiging magkaibigan natin kaysa maging in a relationship at maghiwalay dahil sa kanya-kanya natin attitude."

"Let's try! Just give me a chance, Patrick. Hindi ka pa rin nawawala sa puso ko."

"You should learn to move on, Mia. You and I are not suitable."

Umiiyak ito ngunit hindi ko na pinapansin. Nasanay na ako.

Bumaba ako sa kotse at pinagbuksan ng pintuan si Mia. Inalalayan ko ito palabas ng kotse.

"Carefull! Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo."

Nag doorbell ako at pinag buksan ako ng kasambahay nila Mia. Pinapasok na ako nito. Hinatid ko si Mia hanggang sa sala ng kanilang bahay. Ilang minuto pa at bumaba ang magulang nito. Si Tita Luisa at Tito Rene.

Sinalubong ko si Tita ng halik, samantalang si Tito naman ay tinapik ang aking balikat.

"Thank you, hijo. Napaka responsable mo talaga pagdating sa anak ko." Sabi ni Tito Rene.

"Wala po iyon, Tito. Mia is like a sibling to me. At isa pa po, masesermunan ako nila Mommy and Daddy kapag nalaman nila hindi ko hinatid si Mia."

"Salamat, hijo. Ikamusta mo na lang ako kay kumare. Ingat sa pag dri-drive." Nakangiting tugon sa akin ni Tita Luisa.

"Sige po. Aalis na po ako." Paalam ko sa dalawa.

Driving home, hindi mawala sa isip ko ang babaeng iyon. I don't understand kung bakit sobra akong na a-attract. Napapikit pa ako ng alalahanin ko ang amoy nito. Hindi mawala ang ngiti ng mga labi nito sa aking isipan.

Hanggang sa pagtulog, I'm always thinking of her. I lose a chance to meet a woman that I like.

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. Pinipilit ko pang kontrolin ang temper ko.

"What!" Painis kong tanong sa taong kumakatok sa aking pintuan.

"Sir, pinapagising na ho kayo ng Daddy niyo. Maya-maya po ay aalis na kayo."

"Susunod na ako!" Malamig kong sagot.

Pabalagbag akong bumangon sa kama at dumiretso ng banyo. Mabilis akong nag-asikaso dahil ayaw ni Daddy na naghihintay. Pagbaba sa sala ay tinawag ako ni Daddy upang mag breakfast. Naroon na sila Mommy at ang dalawa kong kapatid na si Hail and Keri.

Hinalikan ko isa-isa ang mga ito bago umupo sa aking upuan.

"Good morning, kuya Pat." Bati ni Hail. "Tumawag pala si Ate Mia, thank you raw sa paghatid sa kanya."

Hale is the second Sibling at ang bunso si Keri. Isang taon lang ang agwat ko kay Hale, samantalang kay Keri ay tatlong taon.

"Kuya, sabi mo friends na lang kayo ni Ate Mia." Sabi ni Keri.

"Yes, we're friends. At alisin mo sa isip mo ang iba mong iniisip."

"Si Kuya, masyadong defensive. Wala naman akong ibang iniisip, eh." Tugon ni Keri.

"Tama na 'yan. Kumain na kayo at kailangan niyo pa pumasok sa opisina." Sabi ni Mommy.

"Sabay tayong papasok sa Main Branch." Sabi sa akin ni Daddy. "I will introduce you to our staff."

Nag-aral kaming tatlo ng Management dahil gusto ni Daddy na kami ang mag handle sa sarili namin company. Hail is handling the West Metro Branch, while Keri is in the South Metro Branch. Galing na ako sa dalawang branch na iyan, after na ma i-turn-over sa aking mga kapatid. Nag focus ako sa business namin ni Mia.

"You have enough experience to handle our Main Branch. Soon kailangan ko ng buksan ang East Metro Branch. I will be the one who handle it."

Nasa kotse kami ni Daddy papunta sa SY Tower Mall.

Hinayaan kami ni Daddy na i-enjoy ang aming buhay. Lahat ng sarap ay naranasan namin.

"You know my reason, right?" tanong ni Daddy sa akin.

"Yes, Daddy." Sagot ko.

Trenta anyos na ako at kailangan ko ng magkaroon ng disposisyon sa buhay. Ilang beses na itong sinabi sa akin na magpursige ako upang kapag ako na ang magkapamilya, maibigay ko rin ang gusto at pangangailangan ng sarili kong pamilya.

"Me and your mom are getting older. Kailangan ko naman bigyan ng panahon ang mommy niyo."

"I know, dad. You don't have to worry. Ako na po ang bahala and I will not disappoint you."

"Good."

Ito ang gusto ko sa ugali ni Daddy. Pagdating kasi kay Mommy, sweet ito. Mapagmahal na asawa at wala ka talagang masasabi sa kanilang pagsasama.

Napabuntong hininga ako papasok na kami sa SY Tower Mall. Bukod sa pagiging kilalang mall, ang katabing building nito ay for accommodations ( hotel) and multi-purpose hall para sa mga events.

Sinalubong kami ng mga staff sa baba. Sinabi ng secretary ni Daddy na kumpleto na ang mga empleyado sa multi-purpose hall.