PATRICIA CASTILLO POV
"Mommy, wake up!"
Nagising ako dahil sa isang maliit na boses na bumulong sa aking tainga. Hindi ko ito pinansin at itinuloy ko ang aking pagtulog.
"Mommy!" Hiyaw ng maraming boses.
Nagsimula na rin ako alugin ng mga ito upang pabangunin ako. Marahan ko silang hinawi at umupo mula sa aking pagkakahiga.
Pagdilat ng aking mga mata, iba't-ibang makukulay na lobo ang aking nakita. Hindi pa man ako nagigising ng tuluyan ay nagsimula naman magkantahan ang mga ito.
"Happy Birthday, Mommy! Happy Birthday, Mommy! Happy Birthday, Happy Birthday! Happy Birthday to you."
"Anak, blow the candle." Ngiting sabi ng aking ina.
Binigyan ko ng magandang ngiti ang mga ito.
"Mommy, make a wish." sabi ng isang bata.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpasalamat sa isang dagdag na taon sa aking buhay. Pagdilat ko ay isa-isa kong hinagkan ang mga taong laging nasa tabi ko at walang sawang nagmamahal sa akin.
Si Mama Nelda ang aking nanay. Ang nagpapasaya at nagbibigay ng kulay sa aming buhay, ang aking dalawang anak.
"Mommy, what is your wish?" tanong ni Zoe.
Si Zoe ang aking panganay na anak. She's beautiful, smart and lovable pero may pagka-masungit lalo na sa mga taong ayaw o hindi niya kasundo. Kabaligtaran naman kapag gwapo ang nakikilala niya dahil lumalabas ang pagka-charming nito at pagka-usisera. Sa edad na anim na taon, napaka responsable at understanding nitong bata. Napaka-mature mag-isip kung minsan.
"Zoe, it's a secret!" Pairap na sagot ni Zanjoe.
Si Zanjoe naman ay halos kasing edad lang ni Zoe. He's handsome, naughty but sweet, and caring. Protective din ito dahil puro babae kaming mga nakakasama niya. Siya nga ang tagapagtanggol ni Zoe sa school. Ayaw niya sa mga lalaking umaaligid sa akin, kaya hanggang ngayon single mother pa rin ako and no lovelife since their father fast away after I gave birth to Zanjoe.
Almost 9 months lang ang pagitan ni Zoe and Zanjoe. I gave birth to Zoe in January 2015, while Zanjoe is in November 2015.
"Happy Birthday, anak. Blow your candle." Masayang bati sa akin ni Mama.
After I blow the candle, nagpalakpakan ang dalawang bata. Si Mama naman ay ibinaba ang cake upang yakapin at halikan ako.
"Thank you, Mama. Thank you, kiddos." Hinagkan ko ang mga ito. "Wala na akong mahihiling pa dahil nandito na kayo. Masaya na ako dahil masaya kayo at wala kayong sakit. At importante, buo tayong pamilya at masaya."
"Mommy." Tawag muli sa akin ni Zanjoe. "I promise, hindi ko na po aawayin ang mga suitors mo. Gusto na rin po namin maging masaya kayo like lola said. At magiging masaya lang tayo kapag buo na ang pamilya natin. Kapag nagka-daddy na po kami. Right, lola?"
Napatingin ako kay Mama na ngumingisi ngayon.
"Mama, ano bang sinasabi niyo sa mga bata?" sabi ko. Alam ni Mama na naiinis ako.
"Anak, 30 ka na. Bigyan mo naman ng kaligayahan ang sarili mo. Believe me anak. Mas magiging masaya ka at kami ng mga bata kapag nagka-boyfriend ka na."
"Mommy, gusto ko tall, handsome and macho. Like yung mga oppa na napapanood ko sa Korean channel." Sabat ni Zoe. Mahilig siya sa KPop kaya andaming alam.
Mahigpit kong niyakap ang aking mga anak. Sila lang, sapat na. Kung may darating man na lalaki na nagpatibok muli ng aking puso, why not!
"Maligo na kayo at magbihis. Aalis tayo!" Sabi ko.
"Where are we going, Mommy?" sabay na tanong ng dalawa.
"Sa mall. Kakain tayo sa favorite nating restaurant. Maglalaro tayo sa kidzoona. At kahit ano pang gusto nyo, gagawin natin." Masaya kong tugon sa mga ito.
"Yehey!" Hiyawan ng mga ito.
"Mommy, pupunta po ba tayo sa mall kung saan ka nag-wowork?" tanong ni Zoe.
"Yes, anak! Kaya bilisan niyo na." Bumaling ako kay Mama at nginitian ito.
"Let's go mga apo! Excited na si lola gumala."
Habang palabas ang mga ito sa aking kwarto ay hindi mapag-aakila na masaya at excited nga ang mga ito.
I worked in Sy Tower Mall as General Manager. Kaka-promote ko lang as GM. When my husband Ziggy passed away, kinailangan kong magtrabaho para sa amin ng mga bata. Nagsimula ako bilang admin staff hanggang sa na-promote dahil na rin sa sipag at tiyaga. I worked hard na dumating sa oras na nawalan na rin ako ng time sa mga bata.
Sa umpisa, nahihirapan talaga ako pagsabayin ang pagiging ina at padre de pamilia. Mabuti nalang at kasama ko si Mama na nandyan upang mag cheer-up sa akin kapag down na down ako. Ang mga anak ko ang nagbigay ng inspirasyon na mag-succeed sa kung ano man ang meron kami ngayon.
Mabuti nalang at may kaya sa buhay ang pamilya ni Ziggy kaya naman pagdating sa financial needs namin, mayroon allowance ang mga bata. Ayoko naman i-asa ang buhay namin mag-iina sa pamilya ng dati kong asawa dahil wala na ito.
"Riding in Mommy's car is lots of fun." Kanta ng dalawang bulinggit.
Once a week lumalabas kami ng mga bata para makapag-bonding. Nakikikanta na lang kami ni Mama sa dalawa.
"Where almost there." Hiyaw ng mga ito.
"Kiddos, pagdating sa mall don't forget my…"
Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ay sumagot na ito.
"Mommy, alam na po namin ang sasabihin niyo. Susundin po namin ang bilin nyo. Hahawak lang po kami sa kamay ninyo ni lola at hindi lalayo."
"Very good!" Sagot ko na lang.
Sa third floor ng mall, dinala ko ang mga bata sa kidzoona upang makapaglaro. Excited ang mga ito at pagpasok sa playroom, hala naghahabulan na ang mga ito.
"Mama, kayo na muna ang bahala sandali sa mga bata. Pupunta lang ako sa admin office."
"Sige, anak."
Bago umakyat sa 5th floor kung nasaan ang admin office, bumili muna ako ng bilaong palabok sa ground floor. This is my simple treat para sa mga co-workers ko at ibang staff.
I thought sila ang masu-surprise ko. Unfortunately, ako ang na-surprise nila.
"Happy Birthday, Ma'am Pat!" Bati ng mga katrabaho ko.
"Thank you. Akala ko pa naman kayo ang masu-surprise ko sa dala kong palabok."
"Kanina ka pa namin, hinihintay." Sabi ni Chloe. Siya ang supervisor dito sa mall. "Ayun ang mga regalo ng mga staff natin dito. Nakakainggit! Sa tuwing birthday mo, naaalala ka talaga nila. Ano bang gayuma ang ginawa mo sa kanila." Pairap na sabi nito.
Tinawanan ko lang ito. Ibinigay ko sa kanya ang bilao at kinuha ang bulaklak na ibinigay sa akin nito.
"Gaga! Kumain na kayo. Nasa kidzoona ang mga bata at kailangan ko na balikan. 'Yang mga regalo, pakilagay mo na lang sa office ko, kukunin ko na lang mamaya pag-uwi."
"O sige! Huwag mo kalimutan idaan ang kambal dito. Alam mo naman tuwang-tuwa kami sa mga katalinuhan ng mga anak mo."
"Fine! See you later."
"By the way, huwag mo kalimutan yung night out natin mamaya." Paalala nito.
"Opo!"
Bago ako umalis ay pinasalamatan ko ang mga tao na sa opisina bago umalis.
Sobrang nag-enjoy ang mga bata sa paglalaro. After namin kumain, nagyaya ang mga ito na mag-stroll. Kahit pagod na pagod basta para sa kanila, go! Bago kami umalis, dinala ko nga ang mga ito sa admin office.
"Zoe! Zanjoe!' OA na tawag ni Chloe sa mga anak ko.
Hinagkan naman ng dalawa ang kanilang Tita Chloe.
"Tita Chloe, I missed you. You know what po, everytime I see you, mas gumaganda po kayo." Pambobola ni Zoe.
"Kaya love na love ka ni Tita Chloe, dahil alam mo kung paano mo ako papasayahin. Your sweet words melt my heart."
"You look younger and sexy, Tita Chloe. Pero syempre mas maganda pa rin po si Mommy." Banat na salita ni Zanjoe.
"Kahit mas maganda sa mata mo ang Mommy mo, love ka din ni Tita Chloe."
Hinalikan ni Chloe ang mga bata. Ang ibang staff naman ay nag Hi at Hello sa dalawang bulinggit. Tuwang-tuwa ang mga ito ng ibigay ni Chloe ang mga regalo na para sa akin. Sa tuwing birthday ko, ang mga regalo na ibinibigay nila ay para sa dalawa kong anak. Alam ng mga ito kung gaano ako kasaya kapag napapasaya nila ang aking mga anak.
"Let's go home, kiddos. What will you say to your Tita and Tito?"
"Thank you po!" Pasasalamat ng dalawa. They waved goodbye to my co-workers.
Bago talikuran si Chloe ay hinatak ako nitong muli.
"Mamaya, ah! Sa bar na lang tayo magkita."
"Ang kulit mo rin, no? Ilang beses ka bang iniri? Pupunta nga ako, okay!"
"I just want to make sure. Minsan lang naman tayo mag bonding no." Ngising sagot sa akin.
Nakatulog ang mga bata pag-uwi sa bahay. Alam ni Mama na may lakad kami ni Chloe at iba namin katrabaho, kaya naman pinag-gayak na ako nito kaagad. Panatag ang loob ko na kay Mama naiiwan ang mga bata. Kung paano niya ako inalagaan at minahal bilang anak niya, ganun din siya sa kanyang mga apo.
In front of the mirror, pinakatitigan ko ang aking sarili. Sino ba ang makakapagsabi na 30 na ako at may dalawang anak? Nagmana ako sa kagandahan at kagwapuhan ng tatay ko. Babyface, slim at tama lang height.
Light makeup lang ang nilalagay ko sa aking mukha. I wear high waisted jeans, a crop top and a leather jacket. Pinarisan ko iyon ng white sneaker shoe. Nakalugay ang aking buhok na pantay balikat lang.
"Enjoy, anak!"
"Thanks, Ma! Uuwi rin po ako ng maaga." Ngiting paalam ko.
Disco light, loud music at mausok na lugar. Ganyan ko ilalarawan kung nasaan ako ngayon. Nakipag-siksikan sa karamihan upang makapunta kung saan nakaupo ang mga kasamahan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid nang mapatingin ako sa gawing kanan ko ng may tumawag sa akin.
"Pat!" Sigaw ng pamilyar na boses.
Agad naman ako nito niyakap na parang ilan taon kaming hindi nagkita, samantalang kausap ko pa siya kanina.
"Ang ingay talaga ng bibig mo!" Pairap kong sabi kay Chloe na iginagaya ako kung nasaan ang iba namin kasamahan.
Pagdating ko sa harapan nila, nagsimula nang mag-ingay ang mga ito. Kahit maingay ang music, nangingibabaw pa rin ang boses ng mga ito sa aking tainga.
"Woahhhh! Nandito na pala ang birthday celebrant." Hiyawan ng mga ito.
Naroon sina Kelvin, Brant, Laila, at marami pang iba.
Halos tatlong table ang na-occupy namin dahil sa dami namin. The more, the merrier, wika nga!
"Shot! Shot! Shot!" Hiyaw ng mga ito at nakataas pa ang kamay.
Para tumigil na ang mga ito ay tinungga ko na ang ibinigay na baso ni Laila. For sure walwalan to the max na naman ito. Nag palakpakan na naman ang mga ito ng itaas ko ang baso. Naupo ako sa tabi ni Chloe. Nagsimula na kami mag party-party.