webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · ファンタジー
レビュー数が足りません
125 Chs

Chapter 122: Build my own Sect. (The DarkSky Sect)

Chapter 122: Build my own Sect.

(The DarkSky Sect)

.

.

Nagising si Chris at naisip ang mga huling kaganapan sa Tournament.

'mukhang naging focus na ako ng ilang clans at Sect sa Shangri-la ----tiyak din na nasa Target list ako ng ilang mga ayaw saken'.

.

Napangiti sya ng makita nyang mahimbing na nakatulog si Vera at nakayakap parin sa kanyang katawan.

'hindi ko inakalang ganito ang ipinagbago nya bilang isang Awakened Royal Valphemis. -----masasabi rin na nararapat sya sa Divine Realm'.

.

Sinuklay gamit ng kanyang mga daliri ang Greyish/Silver long hair ni Vera. At ang kutis nito na kasing puti ng snow at smooth na tulad sa baby skin.

.

(expresssion lang, pero ganun ka tender ito base sa feel----pero tiyak kahit suntukin ito ng isang Epic stage, walang galos ang maiiwan sa kutis nito)

.

Kumirot saglit ang mga pilik mata ni Vera na nakapikit----at unti unting namulat, at si Chris agad ang kanyang nakita sa umagang iyon.

.

Masyadong dikit ang yakap at kapit ng nga hita ni Vera sa katawan ni Chris.

(awkward position para sa kanilang dalawa)

.

Agad namang umagwat si Vera at hindi maitatago ang pinkish blush nito at umiwas ng tingin kay Chris.

.

Nag bihis naman si Chris sa bago nitong Extreme Outfit, at ganun ding bagong pants at Battle boots.

.

Si Vera naman ay tumayo at nakatalikod kay Chris. Sinuklay nito ang kahabaan ng buhok na abot sa Pwetan nya ang haba. At ayos lang sa kanya makita syang naka underwear lang. (parang bikini lang naman kasi----)

.

"ahm, heto----tiyak magkakasya sayo ito base sa size ng body mo"

Sabi naman ni Chris, at may lumitaw na set ng Outfit sa ibabaw ng kama mula sa turo ni Chris, at galing ito lahat sa StorageRing nya.

.

Nagsuot naman na si Vera ng kanyang Black Martial Fairy outfit, black high stockings, Black battle boots, Black battle sleeved Gloves, at itinali nya sa pony tail ang kanyang buhok sa likod ng Black band artifact na tila may effect. Lahat ng ito ay galing kay Chris.

.

"bago ko alamin ang lahat-----kain muna tayo sa labas".

Sabi naman ni Chris na lumingon saglit sa harapan ng salamin at inayos ang buhok nito at itinali din sa ponytail sa likod.

.

Sumang-ayon si Vera at sabay silang lumabas ng Hotel room na iyon.

.

Pagkalabas nila ay sunod naman sa likod ni Chris si Vera. Agaw pansin ang kagandahan nya----kagandahan na hindi pang-tao, kumbaga inihambing sa Isang Ice Goddess.

.

Madaming mga mata naman ang tila nakatingin kina Chris at Vera, at ilan ay mga hooded cultivators.

.

'target spotted -----maghintay sa tamang sandali'.

Telepathy nito sa mga kasamang apat. At ang ilan ay nasa ilang shops or Stands sa daan.

.

Tahimik at madali silang makihalo sa dami ng tao. Always lively ang trades ng goods at mga bibili sa syudad na iyon.

.

Ganun namang mga contracted beasts ay kasama ng mga cultivators sa bawat lugar maging sa himpapawid at mga metallic aircrafts.

.

'i sense, killing intents'.

Telepathy naman ni Vera kay Chris. Pero hindi nagpahalata sa expression nito sa mukha.

.

'yah i know, lima sila----at mga nasa Ancestor Level 3 stages'.

Sabi naman ni Chris at may pulang mga mata na tila hindi parin naaalis ang galit nito simula kahapon. Pero nanatiling postive ang anyo nya sa mukha.

.

(mahirap labanan ang Galit at emotions, pero kakaiba talaga ang mga may malalakas na puso. na kayang mag pigil, lalo na kahit sa harapan ng kanilang mga minamahal sa buhay)

.

Pumasok sina Chris at Vera sa isang Restaurant. Madaming Noble Cultivators sa loob ng Restaurant na ito----at napaka tahimik at tila kontrolado ang ingay na parang ayaw nilang makasagabal sa isat isa.

.

Lumapit ang isang Mala butler na Waiter sa kanilang dalawa.

"GoodMorning sir, ma'am".

Yumuko ito at ngumiti sa kanilang dalawa.

.

"VIP table please".

Sabi naman ni Chris agad sa Waiter na ito.

.

"Right here Sir, Ma'am, -----".

Nauna sa paglakad ang Waiter na ito at sumunod naman sina Chris at Vera.

.

Natigil sa labas ng Restaurant ang limang mga hooded followers.

'mukhang maghihintay tayo dito sa labas-----'.

.

Nag hiwalay sa magkakaibang angle ang limang ito at inabangan ang paglabas nina Chris at Vera.

.

Nasa isang VIP class table na dina Chris at Vera, sa isang room na sila lang dalawa. (controlled dimensional space, or katulad sa mga pocket dimensional rooms sa hotels)

.

*na explain na ito sa early chapters he he he he. Hope you still remember this, guys*.

.

"ok, heto orders namin, same kami ng gusto".

Turo ni Chris ang ilang mga putahe sa menu at ganun din sa Drinks.

.

Agad namang kinuha ng Waiter ang Menu screen at yumuko muna sa dalawa bago walk-out.

.

Ng makaalis na ang Waiter ay nag-umpisa ng ikwento ni Vera ang mga nangyari at kung papaano nawasak ang Kambala sa kamay ng mga DarkLordes Minions at forces.

.

Sumunod ay dumating ang Waiter, at dala nito ang mga order nina Chris at Vera.

.

"Enjoy your food, call me if you need something. Sir, Ma'am----".

Yumuko ulit itong waiter na ito saglit, at nag-walk-out din agad matapos iyon.

.

Ipinag patuloy ni Vera ang pag kwento nito, tungkol sa bayan ng Solaris, na may lawak na gaya ng PurpleMoon continent. At may mga ilang bayan pa na nabanggit ni Vera na tila kaugnay o may koneksyon sa Bayang Solaris.

.

'mukhang, madami pa talagang lugar na kailangan puntahan para mas mapabilis ang paghahanap ko sa MistyHandsClan'.

Napa isip si Chris pero natulala sya sa mga sumunod na nai-kwento ni Vera.

.

Tungkol na sa kanyang pagsali at pagkakilala kay Vina. At mga ilang adventures nilang dalawa bilang partners sa Hunters Guild.

.

Sumunod ay ang biglang ikina init ng ulo ni Chris, ang paghuli ni Dugas kay Vera sa konting pagkakamali lang, at ang mga nangyaring pag-uwi nila kay Vera sa Mansion ni Dugas.

.

Nakapag pigil si Chris at, lumingon sa malungkot na mukha ni Vera.

.

Lumapit si Chris paharap at napahawak sa kanang pisngi ni Vera na napayuko saglit sa lungkot nito.

"gagawan ko ng paraan para sa mga nakakulong na babae sa lugar na iyon----nagkataong nasa kamay ko ang MagicMap, at nagkataon rin na may portals sa Shangri-la na maaari natin gamitin ano mang oras".

Sabi naman ni Chris kay Vera.

.

"p-pero, wala tayong laban sa Dugas na iyon, lalo pa't nasa Saint stage sya----at may malakas syang background kapit sya sa Royal Knights ng Imperial family".

Sabi naman ni Vera kay Chris.

.

Ngumiti si Chris.

"ok lang, bubuo ako ng Sect at papalaguhin ko ito sa loob ng isang taon, bigyan mo ako ng isang taon----pangako ko, walang sino man ang mamaliit sa kakayahan natin".

Sincere at may confidence si Chris na matutupad ito sa loob ng isang taon.

.

Ganun namang nakaramdam ng kasiguraduhan si Vera.

.

Kumain sila na may mga ngiti sa kanilang mukha, ganun namang nag kwento si Chris sa plano nyang bumuo ng Sect na ang layunin ay Samahan ng mga AlchemistPhysical cultivators.

.

-----

.

Lumipas ang isang araw, natakasan nananaman ni Chris ang mga matang naka focus sa kanya, dahil sa kanyang Assassin skills, escaping methods at mga Changing appearance skills nya.

.

Hindi na bago ito kay Vera at nakakasabay sya sa bawat plano o ginagawa ni Chris sa pag takas sa mga humahabol or mga Stalkers nila.

.

(ha ha ha. Famous na sila sa ilang lugar sa Shangri-la, pero wala pa sila sa Core regions at Districts----tiyak nasa 0.5% lang ang kasikatan nila sa buong Shangri-la -----sa lawak ba naman nito na talo pa ang buong HumanAlliance lands.)

.

*ha ha ha. At hindi pa natutuklasan ang hangganan ng Shangri-la realm na iyon.*

.

-----

.

Si Marie ay may dalawang bantay sa tabi nito na tila susundan sya sa kahit saan sya magpunta.

.

'bat ba kasi, hindi na ako nakakakuha ng Slave connection mula kay Chris?!, may something ba na tila ginawan nya ng unlocking inscription ang Slave-contract namin'.

Naging malungkot si Marie sa iniisip nyang iyon.

.

Nasa loob na sya ng kanyang kwarto at nakapang bahay na suot. At nakatingin sa kanyang Tablet, tila nakatingin sa stolen shot mula sa likod ni Chris bago ang isang laban sa duel platform.

'i miss him-----that bad'.

.

-----

.

Si Chris ay nasa loob ng isang Saradong AlchemistShop, at nasa sofa sila ni Vera, at nasa kanilang harapan sina Kim at Young.

.

"what?!, is this for real!!, ito ang recipe ng isa sa mga 19th ranked pill sa mundong ito!!, pero kahat ng ingredients ay napaka normal at hindi masasabing rare!!"

Hawak ni Kim ang isang Listahan ng ingredients sa paggawa ng DragonForcePill.

.

Ngumiti lang at kalmado si Chris.

"yah, may 1,000 Pill recipe pa ako dito, pero gaya ng sinabi ko, kailangan ko ang tulong ninyong dalawa."

Sabi ni Chris at mukhang nag-uumpisa na syang gumalaw sa dilim.

(nag uumpisang isakatuparan ang plano sa Sect nito)

.

"ahem, buweno, malaki tiwala namin sayo, sabihin mo lang kung ano kailangan mo at gagawin namin".

Sabi ni Kim kay Chris.

.

Umakbay si Chris kay Vera.

"kailangan ninyong maghanap ng mga Tapat na Weak Alchemist at Weak Physical Cultivators. Ang edad ay nasa range na 15-30 yrs old ang pagmumukha."

Sabi naman ni Chris sa dalawa.

.

"he he he. Kung puso at mentality reading abilities, game ako".

Sabi naman ni Young na tila excited. Pero nanibago sya kung bakit dapat mahihina ang kanilang i-re-recruit.

.

"ahm. Ilang bilang ba kailangan mo?".

Tanong naman ni Kim kay Chris. At curious na curious sya sa balak ni Chris.

.

"kahit 500-1000 lang naman, sa loob ng isang linggo. Dalhin nyu sila sa sinabi kong lugar".

Sabi naman ni Chris at naglagay na sya ng Medicine paste sa kanyang mukha at ganun din kay Vera.

.

Tumayo na sila at nagpaalam kina Kim at Young sa sandaling iyon.

.

Nagbagong anyo na ang mukha nina Chris at Vera. At ganun din ang kulay ng kanilang kasuotan.

.

"Ms. Kim, i think may malaking pagbabago ang magaganap sa bayang ito sa hinaharap-----".

Excited si Young, at tila may feeling sya na maganda sa mangyayari.

.

"yah----ang hindi ko lubos maisip kung gaano kalawak ang kanyang kaalaman pagdating sa Alchemy, kahit sabihin pang Saint stage ako, at isang GrandAlchemist, kumpara sa kaalaman nya malayong malayo ako sa kanyang likod".

Tila tanggap naman nyang mas magaling si Chris kesa sa kanya.

.

(Saint stage pala si Kim!!, pero focused lang sya sa Alchemy)

.

-----

.

Si Chris ay nagtungo sa mga Armory Shops para bumili ng ores at ibat ibang Crafting materials.

.

"bale 5,000 Divine stones lahat sir"

Nanginginig sa excitement naman ang Lalakeng bantay ng Armory shop na iyon.

.

Si Vera muna ang nagbayad sa lahat ng gastusin pagdating sa Divine stones, hindi sya naging matipid pagdating kay Chris, ibubuhos nya kahit kahuli-huliang yaman nya.

.

(may ganyan pa bang babae sa ngayon?)

.

*meron bro, sina Vera lang-----ayyy, kwento pala ito*.

.

-----

.

Sampung Ore shops at Armory Shops ang pinuntahan nina Chris at gumasta sila ng 60,000 divine stones, at ibinenta narin ni Chris ang isa nyang treasure weapon.

.

(to be exact madaming treasure si Chris sa loob ng kanyang StorageRing----galing ito sa Heroes Chamber)

.

*they still remember that bro----*.

.

-----

.

Lumabas sina Chris ng Eastern Majestic Wall ng Shangri-la na walang bumubuntot sa kanila dahil narin sa galing ni Chris pagdating sa escape routes at Evading presences.

.

"pupunta tayo sa isang Magical Land-----600km ang layo nito mula dito".

Sabi naman ni Chris at naaalala nya ang mystical place na iyon, kung saan naglutangan ang mga bundok at mga malalaking bitak ng lupa sa kalangitan.

.

Umangat na sina Chris sa himpapawid at parang streak of Waves na nag iwan ng aftershock sa hangin sa bilis ng kanilamg flight speed.

.

(120km/hr)

.

Lumipas ang ilang oras ay dumating na sina Chris sa lugar na binanggit nya kay Vera.

.

Parang brilliant sparkling gems naman ang mga mata ni Vera sa magical place na iyon, kung saan mga malalaking bundok ang nakalutang sa matataas na lugar sa himpapawid. (3,000- 60,000ft base/levitation height)

.

"plano ko umpisahan ang aking sariling Sect sa lugar na ito-----tara pasukin pa natin ng mas malalim ang lupaing ito, kailangan ko makahanap ng mataas na lupain at may lawak na 3km radius range na base ng levitating ground".

Sabi naman ni Chris kay Vera.

.

"so ano naman ipapangalan mo sa Sect na ito? ----".

Beautiful eyes naman at lihim na nakatingin si Vera, kay Chris na naka focus sa kanilang harapan.

.

"DarkSky Sect, lugar kung saan magiging malakas ang mga mahihina, lupain ng kaalaman at edukasyon para sa mga walang kayang pag-aral, lupain kung saan ang hardworking ay nagiging Genius Cultivator".

Sabi ni Chris na may big smile.

.

Bagay na nagbigay ng kakaibang feeling sa puso ni Vera para kay Chris.