webnovel

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)

It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter episode of his life. After befriending warm and kind-hearted Kristoff and eccentric yet insightful Timothy, he managed to cross paths and gain the wrath of one of the school's most eligible bachelor and popular figure, Sloane. Little did he know, that fateful day will not only change his life forever, but will also lead him to the answers of the question he left hanging on the past...

PhyllonHeart92 · ファンタジー
レビュー数が足りません
12 Chs

CHAPTER TEN

HYACINTH'S POV

​"Naayos mo na ba ang mga kakantahin natin para sa Buwan ng Wika, Thara?" tanong ko sa kaibigan habang naglalakad kaming tatlo nina Oliver papunta sa canteen.

​"Yup. I was thinking if we can have 'Dakilang Lahi' for our patriotic song. Ipapa-arrange ko na lang kay Prof. Melodia para maging acoustic version," sagot ng kaibigan.

​"Oliver, na-ready mo na ba 'yung lineup para sa Intramurals?" baling ko naman sa lalaki.

​Oliver raised an eyebrow. "Light or Dark?"

​I slapped his sturdy left arm. "Pilosopo. 'Yung dito sa school."

​He smiled back and nodded. "All set. All we need to do is practice the piece plus minor fixes."

​Napangiti ako. "Good! Handa na pala lahat. Let's have our practice na lang on Friday."

​Isang metro na lang mahigit ang pagitan namin at ng pinto ng school canteen nang biglang sumulpot si Jacob.

"Hi, guys! Long time no see, especially to the most beautiful girl that my eyes had the honor to see," pa-cute nitong intro as he flirtatiously winked at Kithara.

At itong si Thara naman, automatic ang pamumula ng pisngi sa kilig. "Uhm... h-hi, Jacob..."

"Good afternoon, Jacob!" sabay-sabay na bati ng mga babaeng nasa loob ng canteen.

Napailing na lang ako. Jacob Raphael Delgado can really make a crowd go crazy just by being himself.

"Wala akong kasabay na kumain ngayon, e. May lakad kasi ngayon si Charlie, so I'll have to eat alone," pa-cute na pagsusumbong ni Jacob, na alam ko (at ni Oliver) na para lang kay Thara.

"Talaga?!?" OA na react ni Thara. "I mean... Talaga? Naku guys, kawawa naman si Jacob. He's alone right now. Kaya kung okay lang sana, sasamahan ko muna siya sa table niya."

Napatingin ako kay Oliver. I got a smirk. "Sure, total nandito naman si Oliver."

"Baka naman nakakahiya sa inyo," pakunwaring pag-aalala ni Jacob.

"It's okay, pare. Actually, medyo nakakasawa na ring kasama 'yang si Thara," salo naman ni Oliver.

"Sige guys, order muna kami. See you later!" pagpapaalam ng lukaret naming kabanda at kaibigan sa amin. Siya talaga ang living proof ng 'lovelife over friendship' goals.

I sighed. Wala namang problema sa 'kin kung magkagusto man si Thara kay Jacob. Fine, my apprehension is only on the guy himself. Jacob is a dangerously charming man with a dangerously subtle power. In a flash, he can use his Magic on Thara or on any other girl or boy, without anyone noticing it.

Isa pa, it's common knowledge na palikero ang binata. Flirty na, paasa pa. The last thing I'd like to happen to Thara ay ang masaktan ito. God knows how I will make Jacob Delgado suffer...

"Naging seryoso ka 'ata bigla. Pinapatay mo na ba si Jacob sa utak mo?" pukaw ni Oliver sa diwa ko.

Napangiti ako. "Silly. Pinagbabantaan pa lang naman. Ikaw talaga, Oliver. If I know, ikaw 'tung mas overprotective sa'ting dalawa. Kung makapagbigay ka ng advice sa love life, wagas, e wala ka pa namang experience."

"Kung makapagsalita ka, 'kala mo may experience ka rin," balik-sumbat ng kaibigan.

Napangiti na lang ako sa sinabi nito, then turned back to serious tone. "Seryoso na tayo, Oliver. Wala ka pa 'atang naikukwento sa akin tungkol sa mga naging girlfriend/grilfriends mo."

Biglang nag-iwas ng tingin ang lalaki, as usual. "It's irrelevant. Walang kwentang pag-usapan."

"E ba't  parang nalulukot na 'yang mukha mo?" pang-iinis ko pa lalo sa kaibigan.

"I told you already that there's nothing to talk about it!" tila sumabog na bulkan na sigaw ni Oliver.

Everyone inside the canteen were all eyes sa aming dalawa. Nang mahimasmasan ang kaibigan ay nagyuko ito ng ulo at mabilis na tumalilis palayo sa kinauupuan namin kanina.

"Oliver..." mahina kong tawag sa binata.

I felt bad for him. Alam kong may mabigat na dahilan kung bakit ayaw magbahagi ng kaibigan ng past love life nito, yet I chose to push him to the edge.

"Wow. I've always known Oliver as someone who always keeps his cool. Never knew he can roar as loud as that," natatawang wika ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Dahan-dahan akong lumingon as I try my best to form a smile. "Ikaw pala, Charlie."

The guy smiled back. I can clearly see how happy this man is right now. Parang kailan lang when I shattered his heart to pieces when I refused to be his girlfriend. Now that time has turned the tables for us and we had an exchange of hearts, it's my turn to cry.

"I was actually on my way to buy this book. Wonder if you can accompany me?" imbita nito.

"Ba't 'di na lang si Leslie ang isama mo?" mataray kong tanong.

Charlemagne scratched his head. "May practice kasi sila ng ballet squad."

"So substitute na pala ang peg ko ngayon..." inis kong bulong sa sarili.

"You're saying something, Hyacinth?" usisa ni Charlie.

Umiling ako. "Bilisan na nga natin at may practice pa kami mamaya."

Nauna na akong lumakad palabas ng canteen but Charlie suddenly pulled me by the hand, and held my left wrist. Hindi ito bumibitaw kahit na naglalakad na kami sa plaza ng school, kung saan maraming tao ang nakatingin sa'min. Pagkarating namin sa parking lot, pinagbuksan muna ako nito ng pinto before he let go of my hand.

As he was driving, wala kaming imikan. Nakatutok lamang sa daan ang mga mata ng binata, giving me the chance to look more closely on his physical features.

Charlemagne is a full-bloodied Pinoy. Light tan ang kulay ng balat ng lalaki. Sa mukha, halos wala akong maipintas. His lips and nose are just so perfectly made. However, his best asset for me is his eyes. Those eyes seem to pierce my very soul...

"Can you please stop being so beautiful, Hyacinth?"

Automatic akong naglihis ng tingin. "W-What are you talking about?"

Ngumiti ang lalaki. "Ang sabi ko, pwede bang paminsan-minsan, itigil mo ang pagiging maganda."

Lihim akong napangiti pero agad rin akong sumeryoso. "Baliw."

After close to 45 minutes of travel ay nakarating na kami. Nung nasa loob na kami ng mall ay muli na naman akong hinawakan ni Charlie sa pulso. Para hindi ako magmukhang kinakaladkad ng binata ay napilitan akong makipagsabayan ng lakad dito. Habang nage-HHWW kami, pansin kong marami-rami nang tao, mapa-babae man o lalaki, ang napapalingon sa amin. Geez, may chemistry pala kami ng mokong.

Sa wakas, narating din naman ang National Bookstore.

"Charlie, may titingnan lang akong libro sa Foreign Language section," paalam ko sa binata. Ang totoo, gusto ko munang idistansya ang sarili ko sa lalaki.

"Okay, basta magkita tayo ulit dito sa may labasan," nakangiting sang-ayon nito.

Tumango lang ako at agad nang nagtungo sa Foreign Language section ng bookstore. Napasandal ako sa isang bookshelf, bago ako huminga nang mabilis.

Grabe, ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Napansin ko na lang na nakahawak na ang kanan kong kamay sa pulso kong tangan nito kanina.

Medyo konti lang ang tao sa loob ng bookstore, siguro dahil weekday. Kahit wala naman talaga akong balak na bilhin ay naisipian kong tignan na rin ang isang Japanese-English guide book. Noon ko pa kasi gustong magpunta ng Japan at matuto ng Nihongo.

Akma ko nang pupulutin ang libro nang may isang kamay na sumabay sa akin sa pagpulot. I was able to touch the book, while the other hand touched mine.

Napalingon ako sa may-ari ng kamay na kasabay ko sa pagkuha ng libro. Oh my gosh, bakit ang guwapo-guwapo niya?!? He looked European, British I guess. Matangkad ang lalaki, halatang maayos ang built, at... mabango. He's sporting a semi-fit collared shirt paired with casual jeans. My score? Super papable!

"Sorry," magkasabay naming wika. Pati sa pagbawi ng kamay ay magkasabay pa kami.

"I'm really sorry. I didn't mean to hold your hand," tila hiyang-hiya nitong paghingi ng paumanhin. He even scratched his head, like a boy caught stealing a cookie from the jar. So cute!

I smiled. "It's nothing. Nagkataon lang that we like the same book at the same time."

Then suddenly, he offered his hand. "By the way, I'm Lance, Lancelot Wales II."

I raised an eyebrow. "Nakikipagkilala ka ba?" 'Kaagad?', gusto kong idagdag.

Napangiti ito nang hilaw. "Oops, two strikes. Guess I have a lot of kneeling to do today."

"Silly!" natatawa kong turan sa banat nito.

"Okay. I'm Hyacinth Williams, but you can call me Hyacinth," ganting-pagpapakilala ko rin sa binata as I accepted the right hand he had offered.

"Hyacinth, libro ka ba?" bigla nitong tinanong.

Napakunot-noo ako. "Ha? Bakit naman ako magiging isang libro."

"Because I can read the story of my life in you," sagot nito, sabay kindat at ngiti.

I rolled my eyes. "Ang corny mo, ha! Sige na nga, bilang respeto. Ha! Ha! Ha!"

He suddenly bursted into uncontrollable laughter, and to my surprise, pati ako ay nahawa sa tawa nito. Ewan ko ba. It's just a few seconds since I've known Lance, pero magaan na ang loob ko sa binata.

"Let go of her hand, jerk!" matigas na utos ng isang boses mula sa likuran ko. Oo nga pala, hindi pa binibitawan ni Lance ang kamay ko (and vice versa?). Bago ko pa makilala ang may-ari ng boses ay isang malakas na kamay na ang humatak ng pulso ko. Agad kong binalingan ng tingin ang may-ari ng kamay, at sa gulat ko, it was a fuming mad Charlemagne!

"Charlie..." tangi kong nasambit. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. I knew I sounded confused, even guilty, and I hate it.

Nagmumukha akong nahuli ng boyfriend ko na may ka-flirt na ibang lalaki.

"Whoa... Is he your boyfriend?" naguguluhang tanong ni Lance, sabay turo kay Charlie.

"OMG, no!" maagap kong tanggi.

"Yes, so stay away from her," sagot naman ni Charlie na may halong pagbabanta.

Napailing si Lance, looking more confused than ever. "Ah, okay..."

"Let's go now, Hyacinth. Male-late na tayo sa reservation natin," nakangiting anyaya ni Charlie sabay hawak sa kanan kong braso. "Nice meeting you, bro. Next time, don't touch someone who already belong to someone else." Iyon lang at inakay na ako ng binata palabas ng bookstore.

Bago pa kami makalabas ng bookstore ay narinig ko pa ang bulungan ng mga saleslady.

"Ang swerte naman nung girl, 'no? Halatang attracted sa kanya 'yung poging guy na kausap niya kanina, tapos biglang dumating 'yung seloso niyang boyfriend na super guwapo!"

"Oo nga! Kung ako ba naman ang maging kasingganda niya, e..."

"Pero mas type ko 'yung guy na kausap niya kanina. Tisoy na tisoy, e!"

"'Di kaya. Mas masarap 'yung morenong boyfriend ni ate girl. Ang hot ng braso!"

I rolled my eyes. Yes, both guys are handsome, but one is a total stranger and the other is not my boyfriend!

When we reached his car, he promptly opened the door for me. Pasalampak akong umupo sa passenger's seat at ibinalibag pasara ang pinto. I heard him sigh, before he quietly got in the car and started the engine.

The ride was smooth and peaceful, peaceful kasi walang nagsasalita. I saw his facial expression softened, tanda na nawala na ang inis na nararamdaman nito kanina. Lalo kong nilakihan ang simangot at irap ko sa binata. I want him to know how angry I am with what he did.

"Hyacinth..." Charlie tried to open up with a careful tone.

Hindi ako umimik. I set my eyes on the road to try keeping myself busy.

"Okay... I'm sorry," Charlie gave in with a sigh.

"It was my fault. Nag-aalala lang naman ako. Siyempre, kakakilala mo pa lang sa lalaking 'yun. Malay ba na natin kung anong balak—"

"Lance is a good guy. Saka nag-uusap lang naman kami," pagtatanggol ko sa lalaki.

"So, may gusto ka pala sa hilaw na espasol na 'yun?" biglang usisa ni Charlie.

I raised an eyebrow. "What is it to you kung may gusto ako kay Lance? Ano ba kita?"

Charlie didn't answer, and I regretted that last sentence that I released. Pakiramdam ko, biglang bumigat ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Charlemagne. Wala nang umimik sa aming dalawa hanggang sa makabalik na kami ng school.

As we reached the parking lot and he stopped the car, biglang nagsalita si Charlie.

"Tama ka, Hyacinth. Ano nga ba ako sa'yo? Wala, 'di ba? Hindi ba ilang beses mo akong ni-reject, binasted, ipinagtabuyan... ba't ba hindi pa rin ako natututo? Bakit pilit ko pa ring isinisiksik ang sarili ko sa taong ayaw naman sa'kin, 'di ba? It's simply crazy."

Hindi ako sumagot. Hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos ni Charlemagne. Why is he acting this way? Bakit tila pinapaasa pa niya ang puso ko na baka kahit sila na ni Leslie ay ako pa rin ang mahal niya? O baka naman nag-aasume lang ako?

"Salamat sa pagsama sa'kin today, Hyacinth. Sige na, may pasok ka pa."

I took it as his farewell. "I'll go ahead then. Goodbye, Charlie."

Sa paglabas ko mula sa kotse ng binata, baon ko ang maraming bagay. Pagkalito, panghihinayang, at ang kaalamang sa kabila ng lahat, mahal na mahal ko pa rin si Charlemagne.

XAVIER'S POV

"Xavier, ang report mo bukas don't forget. I expect you to be excellent."

"Don't worry, Prof. Jimeno. I won't let you down," I assured the mid-age professor.

Nagpaalam na ako sa professor ko for my last subject sa araw na 'to. Dapat ay uuwi na ako sa condo kung saan ako kasalukuyang tumutuloy (walking distance from the school), but I decided to chill sa isang bench malapit sa mini-forest ng school. It was 6:30 p.m. already, but the place was well-lit by garden lamps so I have nothing to worry about.

Napaupo ako sa bench, medyo nanghihina. Nakakapagod ang araw. Three out of my four scheduled subjects had an exam, at ang natirang isa ay nagpa-group activity naman. Isama pa ang once-every-two-days na pagte-train namin para sa Dark Intramurals, my daily life is really, really tedious.

Pero 'di ko pa rin nakakalimutan ang favorite past time ko: stalking my crush. Well, busy rin siya, lalo't tulad ko ay athlete din siya at nag-eensayo araw-araw. Strangely, he still manages to unwind. He went to Batanes last weekend, and guess what? Sinundan ko siya roon.

Yup, it's a 'he'. Ewan ko ba. Maybe I'm gay. Pero siya pa lang naman ang lalaking nagugustuhan ko. Nagka-crush na rin ako sa mga babaeng classmates at kakilala ko noon, and some were lucky enough (stating this matter-of-factly) to be my girl. But this time, isang lalaki ang napupusuan ko. And there goes the big problem. How can I possibly tell him how I feel, e pareho kaming lalaki???

Kaya heto, kung hindi ako palihim na pasulyap-sulyap sa kanya dito sa campus ay panay ang view ko sa wall niya sa Facebook, Twitter, at lalo na sa Instagram. Hanggang doon na lang...

I grabbed my phone and logged into my FB account. Automatic kong sinearch ang profile niya. His current profile pic was taken during the first phase of the Celesticville Dark Intramurals Qualifiers. Ang guwapo niya talaga, especially while donning the red sleeveless Chinese combat gear.

"Huli ka! Ano tatanggi ka pa? Buking na kita, Xavier!"

Sa sobrang gulat ko sa taong biglang sumigaw sa aking likuran ay naihagis ko sa ere ang phone ko. Good thing, I managed to catch it with my lap. Agad kong hinarap ang hinayupak na nanggulat sa'kin, and to add to my rage (and worry), it was Kristoff smiling teasingly from ear to ear.

"Sh*t, you skunk! Mapapatay na kita ngayon!" galit kong banta sa Koreano.

Kristoff feigned a scared expression. "Oh my, natatakot ako. Baka patayin ako ni Xavier dahil na-confirm ko na ang ultimate crush niya ay walang iba kundi si Sl—"

"Say that aloud at tototohanin ko ang sinabi ko kanina," I threatened the guy, habang nakalabas na sa kaliwa kong palad ang isang water energy ball dahil sa matinding galit.

Kalmadong umupo si Kristoff sa bench katabi ko. This damn, freaking half-Korean of a stress bag is ruining what little joy I have for the day. Well, he had been doing that since our high school and senior high days, back when we were the brightest stars of our respective Alma Maters.

"Paano nga ba, well, na-develop ang crush mo kay Sloane?" tila curious nitong tanong.

I raised an eyebrow. "Mind your own business. At pwede ba? Stop mentioning his name in public!"

He flashed another one of those knowing smiles, making me cringe some more.

"Kung gusto mo talaga siya, ba't 'di mo siya ligawan?" muli nitong tanong.

"Baliw ka ba?!? He will toast me alive!" pagalit ko rito. "At pareho kaming lalaki, kaya bawal."

"Pero ang sabi mo, mahal mo siya 'di ba? Ayaw mo bang ipaglaban ang pagmamahal mo?"

Natahimik ako sa tanong ni Kristoff. As much as I'd like to smash his ugly face to pieces for being too nosy for comfort, naisip kong may point rin ang mokong. Nagseselos ako tuwing may kasama siyang mga babae, naiinis akong isipin na ni hindi ko masabi sa kanya how I feel... but is this as far as it can be? Habang buhay ko na lang bang itatago itong nararamdaman ko?

"Think about it, Xavier. I'm not saying this because I think na may chance na magkakatotoo ang gusto mong mangyari, but at least you can set yourself free by being true," sinsero nitong payo.

I nodded, and smiled. "Hindi pa ako nagpapakamatay, Kristoff."

Napatango rin ang lalaki. "Well, si Sloane nga pala ang pinag-uusapan natin. It'll, indeed, be suicide."

"E, paano naman 'yang special mong nararamdaman for Cilan?" pag-iiba ko sa usapan.

"Anong sinasabi mo 'diyan?" tila gulat na gulat na tugon ng binata. "Wala akong nararamdamang kakaiba para kay Cilan. Friends lang kami, okay? 'Wag mo nga akong gagawan ng issue gaya mo!"

"Talagang hindi tayo magkatulad Kristoff, kasi ako, aminado ako sa nararamdaman ko. E ikaw Philip Kristoffer Soo? Ni hindi mo maamin sa sarili mo ang feelings mo!" alaska ko pa rito.

Biglang umasim ang mukha ni Kristoff. Napatayo na rin ang lalaki. "Wala nga sabi akong feelings para kay Cilan! Kung ayaw mong maniwala, bahala ka na sa buhay mo!"

At tuluyan nang nag-walk out ang Thunder Prince. Napangiting-tagumpay ako. On my record, this is the first time na si Kristoff ang natalo sa asaran naming dalawa.

Hehehe, lagot kang bata ka, dahil alam ko na ang weakness mo. Tingin ko, mas magiging malapit na ako kay Cilan mula ngayon.

CILAN'S POV

One week na lang at magsisimula na ang Intramurals. Excited na ang lahat ng estudyante ng Celesticville. Kanya-kanyang sign-up na sa mga sports and activities ang lahat.

"Oy, Timmy. May sasalihan ka ba sa Intramurals?" usisa ni Monique habang naglalakad-lakad kami sa open ground ng school going to our next subject.

Tumango si Timothy. "Yup. Sa singles badminton at volleyball."

"Sporty ka pala, Tim. Kaya ka lalong pumopogi sa paningin ko, e," malanding banat ni BFF.

Palihim kong siniko sa tagiliran si Monique kaya napaaray ito. Kung makahirit talaga.

"Aray!" reklamo ng dalaga, sabay titig nang matalim sa'kin.

"Okay ka lang ba, BFF? Inaatake ka na naman ba ng dizzy spells mo?" pakunwari na pangungumusta kong tanong sa kaibigan. I can give actors a run for their money with my portrayal.

Napaismid at nginitian ako nang peke ni Monique. "No, okay lang ako BESTFRIEND. Natisod lang ako ng bato sa may tagiliran, este sa paa kaya napa-'aray' ako."

"Ikaw, Cilan? Anong sasalihan mo?" usisa naman ni Timothy.

I shrugged my shoulders. "The safest sport in the world—chess."

"Sport ba 'yang chess? E nakaupo ka lang naman habang naglalaro," reklamo ni Monique.

"E bakit? Sport din ba 'yang cheerleading? May world rankings ba 'yan?" banat ko naman.

Nag-make face ang dalaga. "At least, gumagalaw at pinagpapawisan kami."

"Guys, saglit tayo sa Pyxis room," putol ni Timothy sa asaran namin while his eyes are glued on his phone. "Magsisimula na ang practice nina Kristoff for Mr. and Ms. Celesticville 201x."

"Talaga? Sige, gorah na tayo at tiyak na maraming mga guwapong hombre roon!"

Napailing na lang ako. Looks like kulang ang sapak at batok para sa kagagahan ni Monique.

TBC