webnovel

Dare to Love (Filipino, Tagalog) - An Arranged Marriage Story

“I will never marry a coldhearted bastard like you! Wala kang alam sa pagmamahal. Walang mahalaga sa iyo kundi ang sarili mo!” Those were Atasha’s exact words when Kurt asked to marry her. Hindi naman siya nito mahal. He was after her family’s political record. But nothing could stop him from being a part of her family. Pinsan na niya ang nauto nitong magpakasal dito. Her cousin who was in love with her long lost boyfriend whom they thought died. She needed to save her cousin from a heartless marriage. At hahadlangan niya si Kurt sa pagsira sa buhay ng pinsan niya. Kahit na ano ang maging kapalit. An arranged marriage story of a cold aspiring politician and the rebel daughter who replaces her runaway bride cousin.

Sofia_PHR · 一般的
レビュー数が足りません
24 Chs

Chapter 15

ATASHA was nearly blinded by the camera flashes and lights. She really hated being hovered by the press while Kurt looked like he really loved it. He put a protective arm around her while the press pinned them. Iyon lang kasi ang pagkakataon na pinagbigyan nito ang press na ma-interview sila sa isang suite sa hotel. Like a mini press conference. Pero babalik rin sila ulit sa party pagkatapos.

"Why the sudden change of fiancée? It was written all over the papers that you are engaged to Kimberly Gatchitorena, Miss Atasha's cousin," tanong ng isang reporter na idinuldol ang microphone kay Kurt.

"It was actually a change of heart. Can't help it, can we? Atasha and I are in love," he said coolly. Lalo siyang ngumiti para pigilin ang pagtirik ng mata. Sa halik nito kanina, kahit sino ay pwede nga nitong kumbinsihin na in love sila sa isa't isa.

"What happened to Miss Kimberly?"

"Siya mismo ang nakatuklas na in love kami ni Atasha. "Kanina bago magsimula ang party, sinabi niya na hindi siya tutuloy. Mas makakabuti kung piliin ko ang babaeng makakapagpasaya sa akin," sabi ni Kurt at nakangiti siyang niyuko. Napaka-cute ngumiti ng kumag. Parang totoo.

She also smiled for the press and held Kurt's hand tightly. "My cousin accepted that we are in love. She even wished us luck."

"Nasaan siya ngayon?"

"Back to her first love. Medicine," she said with a wide grin. Hindi lang kasi ito babalik kay Rohann. Maipagpapatuloy din nitong tulungan ang mga nangangailangan bilang isang doctor.

"How about your uncle?"

"He is the hospital right now," malungkot niyang sagot. "He didn't take the news lightly. Nagulat siya dahil umalis si Ate Kim at nalaman niya nagmamahalan kami ni Kurt. It was pretty complicated."

Ginagap ni Kurt ang kamay niya. "But he would understand. Alam ko naman na gusto rin niyang sumaya kami ni Atasha."

Noon siya naniniwala na magaling ngang umarte si Kurt. Parang hindi ito ang masungit at seryosong Kurt na madalas niyang makasama. Even his smile seemed so real. Gusto niya itong palakpakan sa pagiging magaling na aktor. Even their answers complimented each other. Parang may sinusundan silang script.

"What made you fall in love with Kurt?" tanong ng isang reporter. "Most people know that you don't really like him."

"The more you hate, the more you love. But love is stronger this time," she answered. If they only knew, she still hated him. She hated him for being so gorgeous while telling the people the he loved her. Maraming babae ang tiyak na kaiinggitan siya.

"Why do you love Atasha more than Kimberly?" tanong ng isa pa kay Kurt.

"Both of them are lovely. Pero isa lang naman ang puso ko. Hindi ko rin alam kung ano ang nagustuhan ko kay Atasha. I asked that myself. We don't agree most of the time but she was all I ever wanted."

Yeah, right! A perfect bride for your political life.

"He couldn't ignore the fact that I am gorgeous," pabiro niyang sagot na sinang-ayunan naman ng lahat ng press na nandoon.

"How about the wedding?" tanong ng reporter at itinutok ang microphone sa kanya. She went still. Hindi niya alam ang isasagot dito.

"I don't know," mahina niyang usal.

Natawa si Kurt. "We'll tell you the details soon," salo nito sa kanya.

"What is your ideal wedding?" tanong muli ng reporter.

"I want a simple wedding with everybody invited. Gusto ko lang namang makasama ang mga malalapit sa akin at ang lahat ng Davaoeño na nagmamahal sa amin ni Kurt. That is enough for me."

But it was not her real ideal wedding. Dahil ang gusto lang naman niya ay makasama ang lalaking mamahalin niya habambuhay. Pero sa halip, habambuhay siyang matatali sa isang kasunduan sa lalaking kinaiinisan niya.

Napatingala siya kay Kurt na abalang-abala sa pakikipag-usap sa mga press. He was in all smiles. Tuwang-tuwa marahil ito dahil sa wakas ay matutupad na ang pangarap nito na makapasok sa mundo ng pulitika. Kaya ba niyang mahalin ang isang ambisyosong lalaki katulad nito? It was definitely a big no.

But it was not the thing that scared her more. His kisses were lethal. It made her want to run away and hide. Dahil parang lalo siya nitong hinihila sa isang malalim na bangin dahil sa halik na iyon. She was in grave danger indeed.

"SINASABI KO na nga ba! Sa simula pa lang, alam ko na in love kayo sa isa't isa. Bagay na bagay kayong dalawa," sabi ni Governor Davide, ang ninong ni Atasha. Kanina pa sila nito tinutukso ni Kurt.

"Paano iyan, Gov? Malapit nang maging ninong ang tawag ko sa inyo. Dahil kukunin namin kayong ninong sa kasal namin," sabi ni Kurt. Mukhang satisfied ito sa resulta ng party at sa interview nila sa press. Another good publicity for him lalo na't kakaiba ang anggulo ng love story nila.

"Kahit ngayon pa lang pwede mo na akong tawaging ninong," sabi ni Governor Davide at tinapik si Kurt sa balikat. "Saan ba ang honeymoon?"

Namula siya sa sinabi nito. "Wala pa po sa isip namin iyon, Ninong."

"May resthouse ang pamilya ng Ninang Letty mo sa Bahamas. Bakit hindi na lang kayo doon magbakasyon?"

"Saka na po namin iyon iisipin," sagot ni Kurt.

"Paghahandaan namin ang dadating na eleksiyon. Saka ngayon pa lang, may plano nang mga civic projects si Kurt. I want to assist him," dagdag naman niya. Pakitang-tao lang naman ang honeymoon.

Natawa si Governor Davide. "Biglang bumalik ang hilig mo sa pulitika, Atasha. Kung buhay lang sana ang Papa mo, matutuwa siya na isang katulad ni Kurt ang napangasawa mo. Maipagpapatuloy ang paglilingkod niya sa bayan. Nakikita ko naman na maasahan si Kurt."

Sana lang ay iyon nga ang mangyari. Dahil marami siyang bagay na naisakripisyo para lang sa political will nito. Tiyakin lang nito na hindi nito dudungisan ang karangalan ng pamilya nila dahil malilintikan ito sa kanya.

"Excuse me, Sir," anang personal assistant ni Kurt na si Gardo at may ibinulong dito.

Tumango lang si Kurt. "Excuse us, Gov," anito at inalalayan siya palayo.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Gusto daw tayong makausap ni Mama."

Sumasal sa kaba ang dibdib niya. Ano ang kailangan sa kanila ng mama nito at kailangan pa silang ipatawag sa gitna ng party? Parang isang mabangis na tigre na nag-aanyong magandang hayop kasi ang tingin niya dito. Nakakatakot.

Pagpasok sa suite ay nasagap agad niya ang usok mula sa mamahaling sigarilyo. Nakahalukipkip si Carolina at parang dragong humihitit ng mamahaling Buxton Heiress women's cigar. Wala itong pakialam kung air conditioned ang lugar at mamamatay sila sa suffocation dahil sa usok na ibinubuga nito.

"Ano pong kailangan ninyo, Mama?" magalang na tanong ni Kurt.

Muntik na siyang mapatili nang biglang sampalin nito si Kurt. "How could you go through this engagement without even consulting me? Ako ang Mama mo! Dapat lahat ng galaw mo ay ipinapaalam mo sa akin."

"We had to make a decision right away," anang si Kurt sa kalmadong boses. Parang wala itong pakialam sa sampal ng ina.

"Ma'am, inaamin ko pong kasalanan ko," panimula niya nang biglang itaas ni Kurt ang kamay bilang pagpigil sa pagsasalita niya.

"Mas gusto ba ninyong humarap ako sa mga tao nang walang pakakasalan, Ma? Mas lalong nakakahiya iyon, hindi ba?" tanong ni Kurt.

Nasapo nito ang noo at gigil na isinaksak sa ash tray ang upos ng sigarilyo. "Hindi ka talaga nag-iisip! First, you wanted to marry her cousin. Pagkatapos haharap ka sa mga tao nang iba ang pakakasalan. Ano ang iisipin nila?"

Ginagap ni Kurt ang kamay niya. "You heard us a while ago, Ma. We are in love. Hindi na sila kailangan pang magtaka."

"That's bull! Magpinsan nga sila ni Kimberly. But they are worlds apart. Kimberly is malleable. Hindi tayo mahihirapang pasunurin siya." She looked at her from head to foot filled with aversion. "While your fiancée is hard headed and stubborn. Paano kung siya pa ang maging dahilan ng pagbagsak ng career mo? Sayang lang ang pinaghirapan mo kung siya ang pakakasalan mo. Marami namang ibang babae na handang magpakasal sa iyo. Iyong di matigas ang ulo."

"Sorry, Ma'am. But we are already engaged," she said with a smile. Saka niya itinaas ang kamay na may singsing. "Mukhang wala na kayong magagawa."

"And she's the perfect wife for me," dagdag ni Kurt. "Mas kilala siya ng mga taga-Davao kaysa kay Kimberly. And Atasha also has good points. May background siya pagdating sa pulitika dahil isang pulitiko rin ang ama niya."

Itinuro siya ng Mama ni Kurt. "Then you have to follow my orders. Gusto kong tiyakin na matutulungan mo ang anak ko na manalo sa eleksiyon. Napag-usapan na namin ito ni Kim at pumayag siya."

"Unfortunately, I am not my cousin. I don't easily follow orders."

"Aba't!" nanlalaki ang matang sabi nito. "Nakita mo ba ang inasal ng babaeng ito? I can't stand her! Masyado siyang matigas. Cut her off from your life now, Kurt! Sisirain ka lang niya."

"I won't do that, Ma," matigas na tutol ni Kurt.

"Kung ganoon, turuan mo siyang respetuhin ako at sumunod sa lahat ng utos natin. I won't let a little rebel chit hook us around her finger. Makakasagabal lang siya sa mga plano natin kung hindi mo siya mapapasunod!"

"On the contrary, I am the one with political background here," depensa agad niya sa sarili. "And you don't have any. Kayo po siguro ang ina ng lalaking pakakasalan ko pero ako ang mapapangasawa niya. Kung gusto niyang manalo, ako ang susundin niya."

"How dare you!" angil ni Carolina.

She smiled sarcastically. "And I won't be anybody's puppet!"

Pinisil ni Kurt ang balikat niya. "She'll be my wife, Ma. Kung anuman ang alam niyang makakabuti sa career ko, iyon ang susundin ko. I believe in her, Ma. At sana ganoon din kayo."

"Binabalewala mo ako dahil sa babaeng iyan!" bulyaw nito.

"Kayo ang may gustong tumakbo ako sa eleksiyon. You want me to marry someone from the family of politicians. I have Atasha now. Gusto ninyo akong manalo, di ba?" tanong ni Kurt at hinalikan ang ina sa pisngi. "Babalik na kami sa party, Ma. Huwag kayong masyadong iinom. Hahanapin kayo ng mga bisita."

Nagsalin si Carolina ng cognac sa kopita at tuloy-tuloy na tinungga iyon. "Go ahead! Hindi ka na nakikinig sa akin," masama ang loob nitong wika.

"You know that is not true, Ma," tanggi nito pero wala man lang halong paglalambing. Parang wala itong pakialam kung naghihinanakit man ang mama nito.

Matalim siyang tiningnan nito. "Get her out of my sight!"