webnovel

CHAPTER 4 | Syven's Warning Visit

 

"Syven, sigurado ka bang ayaw mong lumipat sa amin? Matutuwa ang Kuya Tyro mo at si Zion kung sa amin ka tutuloy." Payo ng Uncle Loius niya ng malaman ng mag-asawa na pinayagan siya ng Dad niyang lumipat ay agad na lumapit ang mga ito sa kanya.

 

"I've decided to move out and live on my own."

 

"I understand what you're going through, and I want you to know that you don't have to face this alone. Maaga mang nawala si Sylvia pero nandito kami ng Uncle Loius mo para sayo." Ang Auntie Vivian niya.

 

Ang pag-aalala at pagmamalasakit na pinapakita ng mga ito sa kanya ay tulad ng mga nakita niya sa kapatid niyang si Sylas. Aalagaan at proprotektahan ka niya ngunit siya din ang lalason sayo.

 

Is he just being paranoid? It's like whenever someone expresses love for him, he interprets it as a threat on his life.

 

"You don't have to worry about me. Kaya ko na ang sarili ko."

 

"Paanong hindi kami mag-aalala pagkatapos ng mga nangyayari sayo? Masyadong ka pang bata para maranasan mo ang mga ganoong bagay. Hindi dapat ganyan ang nararamdaman mo."

 

Lumamig ang pakiramdam ni Syven sa narinig. "Kung ganon sabihin mo sa akin Uncle, ano bang dapat kong maramdaman?"

 

Walang nagawa ang mag-asawa ng hindi siya pumayag sa kagustuhan ng mga ito. Pag-alis niya ng hospital ay hindi dumiretso si Syven sa bagong private estate na lilipatan niya kundi tumuloy sa ibang direksyon ang kanyang sasakyan.

 

Hindi na mabilang ni Syven kung ilang beses niyang binisita ang kulungan sa nakaraang buhay niya. Sa mga sandaling ito wala pa itong atraso sa kanya dahil buhay pa ang kaibigan niya, bagkus ay siya ang tunay na may atraso sa taong nakakulong sa loob ng selda dahil naframe-up ito sa drug incident na kinasangkutan niya. Kailangang may sumalo upang mahugasan ang kamay niya sa nangyari at ito ang hindi maswerteng nilalang na napili ng kanyang Ama.

 

Tinuro siya ng Prison Guard sa hinatid nitong bilanggo. Bakas ang kuryusidad sa mukha nito ng makita siya. Hindi siya nito kilala, hindi nito alam ang mukha ng dapat na sana'y binaril nito. Nakulong ito muli pagkatapos nitong mapatay ang kaibigan niya. Hindi makakalimutan ni Syven ang ekspresiyon ng anyo nito ng unang beses niya itong dalawin. Humalakhak siya ng malakas sa mukha nito ng sabihin niya na nagkamali ito ng taong binaril. Mas maraming beses pa siyang bumisita dito kaysa sa sarili nitong pamilya. Pinapamukha niya na buhay na buhay siya at sumisipa.

 

Hindi nito matanggap na nagunaw ang lahat ng pangarap nito, at ng mabigyan ito ng pagkakataong makapaghiganti ay umuwi parin itong talunan. Pagpapakamatay ang tanging naging solusyun nito upang matapos na ang paghihirap na sumasakal dito sa bawat araw na nasa loob ito ng kulungan.

 

"Bagay sayo ang damit mo, mas maganda kung habang buhay mo 'yang isusuot. " kumento ni Syven pagkaupo nito sa harapan niya.

 

"Sinusumpa mo ba ako? At sino ka bang bata ka?" hindi pa man umiinit ang upuan nito ay nauna ng uminit ang ulo nito ng makita siya.

 

Nawala ang ngiti sa labi ni Syven. Nasa harapan niya ang taong kikitil sa buhay niya sa hinaharap. "Syven Claw. Huwag na huwag mong kakalimutan ang mukhang ito."

 

Matagal itong natigilin bago unti-unting lumalabas ang mga ugat nito sa noo. Makikita ang lubos na pagtitimpi nitong hablutin ang leeg niya. Kung gusto talaga siya nitong patayin ay maluwag niyang ilalahad ang leeg niya dito upang hindi na niya hintayin ang araw na makalaya ito at balikan siya. Hindi sigurado si Syven kung sa ginawa niyang ito ay magbabago ang sitwasyon. Mapipigilan niya ba na hindi na maulit ang nangyari? Hangga't hindi siya nakakasigurado ay hindi parin siya maaaring magpakampante.

 

Sumagi din sa isipan niyang ipadukot ito at gawing baldado upang hindi na nito maisipang maghiganti. Tumayo si Syven at muling tinignan ang lalaki. "Ngayong nakita mo na ang mukha ko, hihintayin ko na hanapin mo ako." iniwan niyang nanginginig ito sa galit habang pinagmamasdan ang likod niya.

 

Hindi nangangamba si Syven sa kaligtasan niya. Bumalik man siya sa nakaraan ay hindi ibig sabihin nito ay magbabago na ang lahat. Walang may gustong mabuhay siya. Mismong ang sarili niyang Ama ay sinusuka siya. Ngunit sinira ng taong iyon ang lahat ng pinaniniwalaan niya ng pinili nitong mamatay sa lugar niya.

 

Madalas niyang tinanong ang sarili niya kung ano ba ang dapat niyang maramdaman gayong kahit na sino ay maaaring pumatay sa kanya ngunit wala siyang karapatang kitilin ang sarili niyang buhay. Paano niya iyon gagawin kung ninakaw niya ang buhay na ito sa iba? Ang pagkakataong ito ay gagamitin niya lamang upang ibalik ang buhay na ninakaw niya. Ito lang ang tanging paraan upang makatakas siya mula sa pagkakasalang nararamdaman niya sa pagkawala nito.

 

"Sir Syven?" Ang Driver ng hindi pa bumababa ang Amo niya ng maihatid niya ito sa bagong lugar na tutuluyan nito.

 

Binaba ni Syven ang windshield ng sasakyan, natanaw niya ang harapan ng villa at ang lawak nito ay hindi maabot ng tingin niya. Mag-isa lang siyang titira sa lugar na ito? "Ilang oras mula dito hanggang sa school na pinapasukan ko?"

 

"Mahigit dalawang oras Sir."

 

"Go back." wala siyang planong magbiyahe ng ganon katagal. Nagpahanap siya ng pinakamalapit na hotel sa tabi ng school. Inokupa niya ang buong 11th Floor ng Hotel hanggang sa makagraduate siya ng Senior High. Hindi lubos maisip ni Syven na babalik siya sa pagiging High School Student.

 

Mula sa glass wall ng Hotel ay tanaw ni Syven ang mababang building na buhay na buhay ang ilaw ng mga sandaling ito. Tatlong araw na ang lumipas simula ng bumalik siya. Mag-isa siyang umalis at mag-isa din siyang dumating. Nagawa niyang makawala sa mga taong gusto siyang diktahan. Nakuha niya ang gusto niyang mangyari hanggang sa wala na siyang makapa sa dibdib niya. Ito ang pakiramdam na pamilyar sa kanya dahil ito lamang ang bagay na nanatili sa tabi niya. Uminom si Syven sa hawak na glass wine ng magsimula nanamang sumalakay ang uhaw na bumabalot sa kanya.

 

Tinignan ni Syven ang mga gamit na pinadala mula sa Main Mansion. Nang buksan niya ang kanyang phone, lumabas sa screen ang listahan ng miss calls na natanggap niya. Galing ang tawag mula sa mga malapit na kaibigan at classmate niya. Ngunit ang pinaka maraming tawag ay galing kay Ellis. Sinagot ni Syven ang tawag ng biglang tumunog ang phone niya.

 

"For goodness' sake, what happened to you? Halos tatlong araw kang hindi matawagan. Bakit bigla kang nawala? Iniiwasan mo ba ako? Pagkatapos ng ginawa mo sakin? How dare-"

 

"Ellis."

 

"What?"

 

"I'll be there to pick you up tomorrow."

 

"Okay... Wait, what? I-I mean, okay..."

 

Napapangiting pinutol ni Syven ang tawag.

 

Nilagyan ng drugs ni Ellis at ng mga kaibigan nito ang inumin niya. Masasabing siya ang pinagsamantalahan ngunit palalabasin nito sa school na siya ang nagsamantala kung hindi siya papayag na makipagrelasyon dito. 

 

Tunay na matinik at nakakalason ang mga babae kapag hindi mo sila inalagaan at diniligan. Wala siyang problemang patulan ito kung ang itsura lang nito ang pagbabasehan, subalit pinsan ito ng taong iniiwasan niya. Hindi niya gustong magkaroon ng anumang ugnayan dito kaya kahit anong gawin ni Ellis noon ay hindi niya ito pinag-interesan. Subalit nagbago na ang sitwasyon. Kailangan niya si Ellis upang mapalapit sa taong iyon.