webnovel

Crush kita noon, Mahal na kita ngayon

作者: arrette
一般的
完結 · 539.7K ビュー
  • 52 章
    コンテンツ
  • 4.5
    26 レビュー結果
  • NO.200+
    応援
概要

Puppy love? Crush? First love? Unang tibok ng puso ng isang musmos na bata. Maari bang maging malalim na pagtingin ang isang mababaw na paghanga? Ito po ang pangalawang tagalog novel ng inyong abang lingkod. Masasabi ko pong ito ay partly, ang tagalog version ng first novel ko, My First Love, pero hindi po ang kabuuan. Maari pong may maiba sa takbo ng story. Sana po ay samahan ninyo muli ako sa novel kong ito. Maraming salamat po.

Chapter 1Chapter 1

Nakahanda na si Lexi del Rosario para sa pag-aaplay niya ng trabaho sa bagong tayong hospital sa San Jose, and Skylab Hospital. Si Lexi ay isang Medical Technologist. Newly graduate lang siya at matapos magpahinga ng sandali ay nagdesisyon ng pumasok at gamitin ang napag-aralan.

Ang isang medtech ay maituturing na scientist ng laboratory sa isang hospital. Sila ang nagsusuri ng lahat ng body fluids sa katawan ng tao. Dugo, dumi, ihi, dahak, sperm, at madami pang iba. Kung ang mga nurses ay assistant ng mga doctor, ang mga medtech naman ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng diagnosis ang mga doctor sa kanilang mga pasyente.

"Nay, alis na po ako." Sabi niya sa kanyang inang si Tessie. "Oh, sige anak, mag-iingat ka sa pagdadrive." Bilin ng kanyang ina. "Opo." Magalang na sabi ni Lexi, humalik sa pisngi ng ina bago lumabas at paandarin ang sasakyan.

Si Lexi ay iisang anak lamang. Ang kanyang ama na si Ronnie at ang kanyang ina ay may tig-isang tindahan ng bigas. Ang kanyang ama ay nagtitinda sa palengke ng San Isidro na kasunod na baranggay ng San Jose samantalang ang ina naman niya ay sa bahay naman nagtitinda. Masasabing ang pamumuhay nila ay maalwan. Ang bahay nila ay hindi kalakihan. May terrace, sala, kusina, at dalawang kwarto na nakatayo sa malawak na lupain.

Sabi ng iba ay maswerte siya dahil siya ang nag-iisang tagapagmana pero para kay Lexi, mas gusto niya na kumita ng sariling pera at hindi maging dependent sa kanyang mga magulang.

Pagkatapos ng 15 minutes ay narating na niya ang Skylab Hospital. Malapit lamang ang ospital sa kanilang bahay. Kapag may sasakyan ay 15 minutes lamang pero kapag namasahe sakay ng jeep o tricycle at aabutin din ng 30 minutes.

"Ha'ay, ang dami na agad tao. Kahit bago pa lang ay kilala na agad." Bulong niya sa sarili. Dahil bago pa lang ay hindi kabisado ni Lexi ang ospital kaya ng may makita siya security guard ay nilapitan niya ito.

"Good morning, bossing, saan po ba ang HR dito? Ipapasa ko lang po sana itong resume ko." Tanong niya na nakangiti. Akala mo naman namatanda ang security guard ng makita siya. "Bossing!" Tawag niya sa guard. "Ay! Pasensya na po. Sobrang ganda ninyo po kasi. Nastarstruck po ako." Kakamot kamot sa ulo na sabi ng guard. "Si bossing, ang aga-aga nambobola na agad." Sabi ni Lexi at natawa naman ang guard.

"Saan nga ang punta mo?" Tanong ng guard. "Sa HR bossing." Sagot naman niya. "Ah, nakikita mo yang corridor na iyan?" Tanong ng guard at tumango si Lexi. "Deretsuhin mo lang iyan tapos sa dulo, makikita mo na agad yung HR department." Sabi ng guard. "Salamat bossing." Sabi ni Lexi at naglakad na papuntang HR.

Pagdating niya sa pinto ay nakita niya na may mga nakapila na. Binilang niya ang mga ito at siya ang pang-anim. "Ang dami na din nag-aaplay. Bago kasi kaya tiyak bago din mga facilities pati sweldo tiyak na maganda din." Sabi niya sa sarili.

Isa-isa ng tinawag ang mga nauna sa kanya. Hindi naman siya nainip at pagkatapos lang ng ilang minuto ay tinawag na siya.

"Good morning po. Ipapasa ko lang po itong resume ko." Sabi ni Lexi sa babaeng kaharap niya. "On going ang exam and interview, pwede ka na magtake kung gusto mo." Sabi ng babae. "Ah, ok po, sige po." Excited na sagot ni Lexi.

"Ma'am Rhian, another applicant po." Sabi ng babaeng kausap ni Lexi. Siya si Betty, isa sa staff ng HR department. "Ok." Sagot naman ng Rhian na tinawag ni Betty. "Rhian?" Kunot na tanong sa sarili ni Lexi. At ng humarap ito para bigyan siya ng test paper ay nagkagulatan silang pareho.

"Ate Lexi!?" Sigaw ni Rhian na halos kinatingin ng lahat ng tao sa loob ng HR. Pagkatapos sumigaw ay niyakap ng mahigpit ni Rhian si Lexi at ganoon din ang ginawa ng huli.

"Ate! Kamusta ka na?" Masayang tanong ni Rhian at tiningnang mabuti ang kaharap. "Lalo kang gumanda ate saka ang sexy mo na ha?" Sabi ni Rhian. "Kaw din naman, ang ganda mo pa din." Sabi ni Rhian. "Teka ate, nag-aaplay ka? Anong position?" Tanong ni Rhian. "Ah, oo, graduate ako ng Medical Technology." Sagot ni Lexi. "Wow naman, medtech na ate ko." Sabi ni Rhian. "Sige ate, tanggap ka na!" Sabi ni Rhian na ikinagulat ni Lexi.

"Sandali, hindi pa ako nag-eexam saka di ba may interview pa?" Gulat na sabi ni Lexi. "Don't worry ate, tiyak naman pasado ka na sa OIC ng hospital." Sabi ni Rhian sabay kindat. Kumunot naman ang noo ni Lexi.

"Tara ate, dahil may trabaho ka na, treat mo ko." Nakangiting sabi ni Rhian. "Ikaw talaga, wala ka pa din pinagbago. Si libre girl ka pa din." Sabi ni Lexi na ikinatawa ni Rhian.

Schoolmate sila Lexi at Rhian sa St. Leonard School. Ahead ng 1 year si Lexi kay Rhian. Naging close sila ng magkasama sa isang club sa school. Dahil iisang anak nga lang si Lexi ay itinuring na niyang bunsong kapatid si Rhian.

"Saan mo ba gusto?" Tanong ni Lexi. "Pwede na sa akin ang 3-in-1 at pandesal sa canteen. Sa unang sweldo mo na lang ako ilibre sa mamahalin." Sabi ni Rhian sabay hila kay Lexi. "Betty, tanggap na siya ha? Sa canteen lang ako paghinanap ako ni kuya." Sabi ni Rhian bago lumabas ng pinto.

Nang madinig naman ni Lexi ang sinabi ni Rhian ay agad siyang namula at nakita iyon ni Rhian. Natawa ito. "Uy, first love never dies." Tukso ni Rhian. "Gusto mo ba ng libre o hindi?" Seryosong tanong ni Lexi. "Siyempre! Yung libre." Sagot ni Rhian at tumawa silang dalawa.

Habang naglalakad ang dalawang dalaga papunta sa canteen ay napadaan sila sa kwarto ng OIC ng hospital. Dahil salamin ang pinto ng mga opisina ay kita sa loob ang lahat ng madadaan sa harap ng pinto. Akala ng OIC ay namalikmata lang siya kay tumayo siya at binuksan ang pintuan para siliping muli ang nakita. Sumunod naman sa kanya ang kanyang kaibigan at tiningnan din ang nasa labas.

"Lexi!?" Sabi ni Jake. "Sino? Yung kasama ni Rhian?" Tanong ni Anthony. Tumango naman si Jake. "Sino naman yun?" Takang tanong ni Anthony. "Some old fling." Sabi ni Jake na nakatingin pa din sa pinanggalingan ng dalawang babae kahit wala na ang mga ito. "Pwede ba pare, magconcentrate ka dyan sa speech mo. Maya-maya lang ay general meeting na." Sabi ni Anthony. "Ah, oo nga pala." Sabi ni Jake na nagising sa pag daydream.

あなたも好きかも

THE RUN AWAY WIFE

Hindi madaling mabuhay kung ang pakiramdam mo ay nag-iisa ka na lang... Dahil nawala na ang lahat sa'yo at walang naiwan. Kun'di mga sugat sa iyong puso... Ngunit ito rin ang naging dahilan para maging matatag ka at matapang. Upang hindi ka na nila muli pang masaktan. =GIVENEA ALCANTARA= ______ Bakit kahit may kasama ka ang pakiramdam mo nag-iisa ka pa rin? At kahit anong gawin mo hindi ka niya magawang pansinin. Pakiramdam mo palagi ka na lang namamalimos ng kanyang pagmamahal. Dalawang bagay lang naman ang gusto mo ang makasama siya at mahalin niya. Dahil doon ka lang magiging masaya. =DANIEL KEIFFER SOLMERAZ= Si Givenea Alcantara isang simpleng babae na sa kabila ng lahat. Naging matatag at matapang.. Handang gawin ang lahat para sa iisang hangarin. Si Daniel Keiffer Solmeraz: Gwapo, matalino, mayaman at tagapagmana. Handang gawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Pero paano kaya sila pagtatagpuin ng tadhana? Kung magkaiba ang kanilang ginagalawan at lagi nang may hadlang at dahilan... Ngunit paano ba nila hahamakin ang lahat para sa pag-ibig na sapat na walang pinipiling pagkakataon o maging ng panahon... * * * A/N: ANO MANG PARTE SA ISTORYANG ITO ANG MAY PAGKAKAWIG SA IBA GAYA NG PANGALAN, KARAKTER, LUGAR, SALITA, MAN O PANGYAYARI AY HINDI PO SADYA. ANG LAHAT NG NILALAMAN NG ISTORYANG ITO AY BUNGA LAMANG NG IMAGINASYON NG MAY AKDA. HINDI RIN PO ITO MAAARING KOPYAHIN O GAYAHIN NG SINO MAN... MARAMING SALAMAT PO!? BY: MG GEMINI 05-14-2020 @LadyGem25

LadyGem25 · 一般的
レビュー数が足りません
13 Chs

レビュー結果

  • 総合レビュー
  • テキストの品質
  • リリース頻度安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界観設定
レビュー
いいね
最新

応援