webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · 若者
レビュー数が足りません
303 Chs

Chapter 21: Late

Late na naman ako kinaumagahan. Akala ko nga di na ako makakatulog. Yun pala. Mas malala. Ang sarap ng tulog mo Jaden. So what now?. You are late again?. Pinagtawanan ako ng lahat ng pagalitan ng aming adviser. Mabuti nalang at pinatawag sya ng principal kaya medyo bumalik sa normal ang hininga ko.

"Aba late na naman tayo ha?. Anong meron? Chinat mo noh?.." tukso sakin ni Dave. Abala ang lahat sa handwritten na iniwan.

"Napasarap lang sa tulog.."

"Weh?.. parang hinde e.." nguso nito sakin. Tumaas ng kaunti ang sulok ng kanyang labi saka ako tinapik at binulungan ng "Mukha kang inlove boy.. hahaha.."

Hinawi ko lang ang mukha nya sa tainga ko. Nang-iinis e. So what kung inlove ako?. Bawal ba?. Tsaka matagal naman na akong may tama, sa iisang tao nga lang.

Ang crush parang ligaw na bala yan. Sa iba nakalaan pero ikaw ang tinamaan. Ang tindi hindi ba?.

Parang ako lang. Sa iba sya nakalaan pero sakin tinamaan. Damn. So assuming Jaden. Mamaya masaktan ka na naman dahil dyan sa iniisip mo.

"Boy, bat ka nalate?." tanong rin sakin ni Billy.

"Nasobrahan lang sa tulog.." paliwanag ko habang nagsusulat.

Mangungulit pa sana sila pero salamat nalang at dumating na si Ma'am. Nagpatuloy kami sa school works hanggang sa dumating ang oras ng pagkakakulong sa tanong nila.

"Boy late ka na naman. Napapadalas yata.." akbay ako ni Kian. Parehong nasa dulo ng pila. Mabuti pa sya hindi ako tinutukso. Yung iba sa kanila. Ubod ng kabaliwan. Mga sira ang ulo.

"Nasobrahan nga lang sa tulog. Di kasi ako ginising ni Niko.."

"Hindi ginising o sadyang ayaw mong gumising?."

"Tsk.. Isa ka rin eh.."

"Hahaha.. Alam mo kasi pre. Masyado kang halata kapag nagsisinungaling. Tuloy, nahuhulaan ka nila.."

"Pshh..." siring ko dito.

"Si Bamby yan no?. Kachat mo sya kagabi?.." bulong nya nalang yun dahil maingay ang buong canteen. Di ko alam kung bakit. Wala din naman akong pakialam.

Nagkibit balikat ako.

"Nay!. Gago to!. Kaya pala..." tinulak ako bigla dahilan para humingi ako ng paumanhin sa taong naatrasan sa likod Bwiset!.

"Wag ka ngang maingay.." suway ko.

"Di nga?. Totoong chinat mo sya?. " hindi ko sya sinagot. Napakadaldal naman ng taong to. Mamaya malaman ng buong school. Mas lokohin ako ng mga ugok.

"Alam mo bang kachat ko rin sya kagabi?.." duon ako natigilan. Ano?.. Literal na lumaki ang mata ko at ang butas ng ilong ko. Umusok ata. Pati ang tainga ko, Nagbaga ng abo. Mukha akong pumutok na bulkan sa sinabi nya. Bat kachat nya sila, ako hinde?. Bamby naman. Akala ko ba gusto mo ako?.

"Hahaha.. Ang oa neto. Nagkamustahan lang naman kami. Chill bro..haha.." tinawanan ang pagkabalisa ko. Naghalo ang takot at inis sa akin. Ayoko man aminin. Pero, naku naman. Sino naman ako para pagbawalan syang ichat ang mga kaibigan ko?. Hindi naman kami.

"Paano mo sya--?.."

Di ko natapos ang gustong sabihin ng unahan ako. "May facebook na sya. Public bro. Kagabi ko lang sya inaad. Inaccept nya agad. Hahaha.. Hindi mo ba alam?.."

Nagtataka akong umiling. "Iadd mo na. Tinanong ka sakin kagabi eh.. Tsk. tsk. Iba ka rin.. Gwapo.." iniwan ako sa linya nang umorder na sya ng pagkain nya. Pagkatapos umorder pumunta na sa dating inuupuan namin.

Tubig at sandwich lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Wala akong maisip na kainin. Kahit nagrarambol ang mga alaga ko sa loob, di pa makapag-isip ng tama ang utak ko. Lutang. Nakalutang sa ere dahil sa huling sinabi ni Kian.

Totoo ba? Hinanap ako. Iadd ko nga mamaya. Bahala na kung iaaccept nya o hinde.

"Boy Jaden. May facebook na si Bamby. Friend mo na ba sya?." ngumunguya pa si Bryan ng itanong nya ito. Kadarating ko lang sa mesa. Paupo palang.

Binuksan ko ang bottled water saka uminom. Namalat ako bigla eh.

"Hinde pa.." mabilis kong sagot matapos ilapag ang bote sa mesa.

"Bakit?. Kaming lahat na dito, nasa friends list na nya. Tapos ikaw na --.. Naykupo!.. Jaden Bautista, lalaki ka ba?.. hahaha.." asar sakin ni Billy.

Sinamaan ko lamang sya ng tingin.

Binatukan naman ito ni Ryan at Dave.

"Hayaan nyo na. Kung di sya ang gagawa. Tayo nalang ang gagawa ng paraan.. hahaha.." akala ko kakampi sakin ang mga mokong. Mas malala pa pala sila.

"Anong paraan naman?.." tanong ni Kian.

"Basta.. Haha.." tawa ni Ryan kay Kian.

Nagkikipagbiruan ako pero yung utak ko nasa kabilang mundo. Abala sa iisang tao. Hinahabol bawat lakad nito. Mapunta lang sa puso ko.

"Huy!.." panggugulat nila sakin. Nagtawanan na naman sila.

Natulala ako. Walang hiya!..

"Nagtext si Lance. Party daw ulit sa bahay nila sa sabado..." anunsyo ni Aron.

"Bakit daw pre?." si Dave.

"Pauwi na sila Bamby at tito.." Anya na nakatingin sakin.

"Ehem. Mukhang mas lulutang pa ang utak ng isang to. hahaha.." turo nila sakin.

"Pauwi na kasi puso nya eh.. Ano pa nga ba?. Ahahahaha.." dumagdag naman si Kian sa kanya.

Tuloy sa buong araw, ako ang tampulan ng bibig nila. Bawat kibot at salitang lumalabas sa bibig ko. May meaning sa kanla. Mga abnormal. Hindi ko rin mapigilan ang ngiti dahil sa nalalapit na pagkikita muli naming dalawa.