webnovel

Ang Katapusan (32)

編集者: LiberReverieGroup

Ngayon naintindihan na ni Chen Yang…Ibinaba niya ang singsing at tumayo

para punasan ang luha ni Qiao Anxia, "Xia Xia….Hindi ko gusto yung sinasabi

mong deserve ko, ikaw ang gusto ko."

Dahil sa mga salitang ito, lalo pang bumuhos ang luha ni Qiao Anxia, at kahit

anong punas ni Chen Yang ay ayaw talagng tumigil ng mga ito sa pagbuhos.

Bandang huli, maingat niyang hinawakan ang mukha nito at tinitigan ng

diretso sa mga mata. "Kung hindi ka pa handang magpakasal ngayon, okay

lang. Pwede namang girlfriend- boyfriend muna tayo, diba? Kung ayaw mo

talagang magpakasal kasi natatakot ka na baka maging sakit ng ulo mo lang

ako, edi habang buhay mo nalang akong boyfriend, at habang buhay nalang

din kitang girlfriend. Kasi kung ayaw mong magpakasal, ayoko na rin…"

"Wahhhh!" Parang isang bata, hindi na napigilan ni Qiao Anxia na humagulgol

at yumakap kay Chen Yang.

Kaya hinimas ni Chen Yang ang kanyang likod at malambing na sinabi, "Taha

na, wag ka ng umiyak…."

Pero hindi talaga tumigil si Qiao Anxia sa kakaiyak.

Habang ang mga alitaptap ay walang pagod na lumilipad sa paligid nila.

-

Mabilis na lumipas ang mga araw, at hindi nila namalayan, tag'init nanaman,

tapos, tag'lagas, at… tag'lamig. Isang gabi bago ang due date ni Qiao Anhao,

sa kasagsagan ng malakas na snow, biglang sumakit ang tyan niya, kaya dali-

dali nitong kinalabit si Lu Jinnian.

Agad din naman siyang nagising, at nagaalalang nagtanong, "Anong

nangyari?"

Pero pagkadilat na pagkadilat niya, biglang nanlaki ang kanyang mga mata,

dahil tumambad sakanya si Qiao Anhao, na sumisigaw sa sobrang sakit. Dali-

dali niyang binuksan ang ilaw para silipin kung anong nangyari at laking gulat

niya dahil namumutla na ito at basang basa na kumot na nakabalot dito.

'Nako, sumabog na ang panubigan!'

Dahil wala siyang kaalam alam tungkol sa pagpapaanak, maraming klase

siyang inatenan para kay Little Rice Cake, pero siyempre, kahit gaano pa siya

kagaling ngayon, pinangunahan na siya ng kaba, kaya literal na napatalon

siya sa sobrang pagkaaligaga.

Pagkabangon na pagkabangon niya, tinawagan niya kaagad ang doktor para

abisuhan na papunta na sila, at kahit nakapantulog pa sila pareho, dali-dali

niyang binuhat si Qiao Anhao pababa ng hagdanan.

Sobrang sakit ng tyan ni Qiao Anhao kaya nakabaluktot lang siya. At dahil

dito, lalong kinabahan si Lu Jinnian, kaya dalawang beses itong namatayan ng

makina.

Sa sobrang lakas ng snow, wala ng ibang makita sa kalsada kundi ang

makapal na yelo na nakabalot dito, pero sa kabila nito, hinarurot pa rin ni Lu

Jinnian ang sasakyan, at sa tuwing lumiliko ito, rinig na rinig ni Qiao Anhao

ang pagkiskis ng gulong, kaya para kumalma asawa, pinilit niyang magsalita,

"Lu Jinnian, wag ka ng magalala…"

Wag magalala? Paano naman siya hindi magaalala?

Sobrang ni Lu Jinnian sa pagbubuntis ni Qiao Anhao. Magkakaroon na sila ng

anak, at sa wakas… mabubuo na ang pamilya, na matagal niya ng

pinapangarap.

Pero ngayong nakikita niyang nahihirapan ito, ang naguumapaw na saya na

nararamdaman niya ay biglang napalitang takot.

Kaya pagkarating na pagkarating nila sa tapat ng ospital, nagmamadali siyang

bumaba ng sasakyan nang hindi pa napapatay ang makina, at walang

pagdadalawang isip na binuhat si Qiao Anhao papunta sa maternity ward.

-

Noong sandaling pumasok si Qiao Anhao sa delivery room, si Lu Jinnian

nalang ang naiwan sa mahabang corridor.

Maya't-maya, naririnig niya ang sigaw ni Qiao Anhao na nanggaling sa

delivery room. At habang patagal ng patagal, lalo siyang kinakabahan. Sa

totoo lang, siya yung tipo ng tao na handa sa lahat ng bagay, pero pag dating

kay Qiao Anhao, para siyang laging nawawala sa sarili niya, kaya noong hindi

niya na kinaya ang emosyon, tinawagan niya na sina Xu Jiamu, Chen Yang,

Qiao Anxia, ang kanyang assistant, at si Zhao Meng, para samahan siya.

Si Xu Jiamu ang unang dumating. Pagkalabas na pagkalabas niya ng elevator,

tumambad agad sakanya ang boses ni Lu Jinnian mula sa dulo ng corridor.