webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

MariaMaharlika · ファンタジー
レビュー数が足りません
46 Chs

Ang Ensayo

Pagkagising ko sa umaga ay may nakita akong kahon. May sulat na nakapatong nito.

______________________________________

Heleana Sanchez,

Ngayon ang unang pagensayo sa laro. Ito ang damit na iyong susuotin habang nageensayo.

Taimtim na pagbati,

Miranda Dampios

______________________________________

Ngayon nga pala magsisimula ang laro. Ako'y naligo na at inayos ang aking sarili. Sinuot ko na ang damit.

Nang tinignan ko ang sarili ko sa salamin ay gusto ko itong basagin. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon sa susunod. Magiging matatag ako, dapat mabuhay ako muli.

Ako'y lumabas sa aking kwarto at nagtungo sa labas. Alas otso na ng umaga, matirik ang araw. Nagsimula kaming magensayo.

May nakita kaming mga lalake, nakita ko na naman ang lalaking nagdala sa akin dito sa Impyerno. Ako'y nainis ng magtama ang aming mga mata. Kitang-kita sa kanyang mga mata na tumatawa siya kahit nakatakip ang kanyang mukha.

"Heleana, focus!"Naramdaman kong hinawakan ni Yurika ang balikat ko.

"Patawad." Sabi ko at kami ay nagensayo muli.

Nakita ko si Madam Miranda sa itaas ng balkonahe. May dala siyang mikropono.

"Magandang umaga sa inyong mga kababaihan...at mga kalalakihan."Sabi niya at umiba ang ekspresyon ng makita niya ang mga guwardiya na mga lalake.

"Mamayang alas sais ng gabi, magsisimula ang unang laro." Saad ni Madam Miranda. "Singkwenta ang mga kandidato rito pero treinta lamang ang papasa sa larong ito." Bakas sa mga mukha ng kandidto ang kaba at takot. Wala kaming magagawa, kung hindi kami magiging matapang ay hindi na kami bibigyan ng pag-asang mabuhay muli.

"Simulan niyo na ulit ang paeensayo."Sabi niya at umupo sa balkonahe.

Naglaban kami gamit ang tabak. Pinahati kami ng groupo ng mga kababaihan. Ang mananalo ay hindi saklaw sa unang laro. Sampung kandidato lang ang hindi makakasali sa laro kaya may kwarenta pang naiiwan.

Nasali kami ni Yurika sa sampung kandidato pero kailangan pa rin naming labanan ang isa't-isa. Sumuko agad si Yurika sa pakikipaglaban sa akin, dahil mabilis akong umiilag sa kanyang mga tabak.

Isang babae nalang ang aking kakalabanin.

"Hi! Ako nga pala si Janine, sana'y matalo ka sa ating pakikipaglaban."Saad niya at nakangiti.

"Heleana, goodluck."Saad ko, iyon lang ang sinabi ko sa kaniya.

Kami ay nagsimula ng lumaban sa isa't-isa, malakas ang puwersa niya habang tinatabak ako sa aking balikat. Hindi ako nakailag sa kanyang tabak ngunit sinipa ko siya dahilan ng matumba siya at inilagay ko ang tabak sa kanyang leeg. Tutuluyan ko na sana siyang patayin ngunit may humadlang sa akin.Natauhan ako bigla ng sumagot ang aking kalaban.

"Ang galing mo! Sana maging matalik tayo na kaibigan." Sabi ni Janine habang inilahad ang kanyang kamay."Aking aasahan ang susunod na ensayo kasama ka."

Nakipagkamayan ako sa kanya. "Mas magaling ka, patawad dahil muntikan na kitang patayin."Saad ko sa kanya.

"Naiintindihan ko naman, lahat tayo ay gustong mabuhay muli."Sabi niya at nakangiti.

Noon, gusto ko talagang mamatay pero ngayon nagbago na ang aking isipan. Gusto kong bigyan ako ulit ng isang pagkakataon ng Panginoon mabuhay pa o kahit si Hudas pa ang magbigay sa aking kahilingan.

Kami lang sampu ang kumakain sa hapagkainan. Tahimik lang kami, wala si Madam Miranda. Naguusap-usap ang mga kababaihan, ako naman ay nakatikom lang ang bibig.

"Sa totoo lang hindi na talaga tayo limampu."Sabi ng babae dahilan na napatingin kami sa kanya. "Apa't naput anim na tayo ngayon."

"Paanong-"Hindi natapos ni Janine ang tanong niya.

"Lumabas ang aking apat na kilala kagabi, sumama ako sa kanila pero may narinig kaming malakas na yapak sa kabilang silid. Ang totoo niyan ay tatakas sana kami sa lugar na ito ngunit hindi ko tinuloy, bumalik ako kasama si Kiana." Tumingin siya sa babae, kung hindi ako nagkakamali ang kanyang kwarto ay ang numerong labing apat.

"Hindi kami nakatulog buong gabi dahil sa konsensya, dahil iniwan namin ang aming mga kasama." Saad niya at nagsimulang lumuha sa kanyang kwento. "May nakita kaming dugo sa pasilyo habang nililinisan ng mga kasambahay ang paligid. Puno iyon ng dugo, hindi ako nagkakamali na sila iyon ni Jennie at mga kasama niya."Sabi niya dahilan na matakot kami.

"Natatakot na ako."Sabi niya.

Biglang nawala ang mga ilaw dahilan ng pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa kaba. Bumalik agad ang ilaw pero nag-iba ang kulay nito, naging pula imbis na puti.

"Anong oras na?"Tanong ko.

"Alas sais treinta."Sagot ni Yurika.

"I-lock niyo ang mga pinto at mga bintana sa silid na ito. Makalalabas lang tayo sa oras ng alas siete."Saad ko sa kanila, ginawa nila agad ang aking utos. Mabuti na dala-dala ko parin ang aking tabak galing sa laban kanina.

Bumalik sila kaagad sa hapagkainan, may dala silang mga kandila,langis at asin.

"Ba't mayroon silang langis at asin?Diba masusunog sila niyan?"Tanong ng isang babae.

"Nasa impyerno na tayo ghurl, sa tingin mo masusunog pa sila?" Pagtataray na sabi ni Janine.

"Paanong may asin at langis dito?"Tanong ni Yurika.

"May mga alipin na galing sa itaas ang nagsisilbihan sa palasyo na ito."Sabing babaeng nagkuwento kanina."Pero di ko na alam kung nasaan siya. Baka pinatay na rin siya."

"So you mean may angel in disguise dito? To save us?" Tanong ng isang babae.

"Oo."Sagot babaeng nagkuwento.

"May sinabi rin siyang tungkol sa bri-"Di na siya nakapagsalita dahil agad na sumabog ang buong katawanan niya na nagdulot ng pagkalat ng dugo at lamang loob sa paligid.

Umiyak ang iba,ang iba naman ay kabado, ang iba naman ay natatakot at ako naman dito ay nakahandusay at nakatunganga.

"Taena!"Sigaw ni Janine.

"Ano na ang gagawin natin?"Tanong ng isang babae.

Tumingin si Yurika sa akin. Ang mata namin ay puno ng takot at kaba.

Tumayo ang babaeng nag ngangalang Kiana. Natumba muli siya ngunit bigla siyang tumawa. Nagisa kami ng sulok ng mga kababaihan, si Kiana lang ang naiiba.

"Omnes Ave satanas." Sabi niya at sinabi ng ilang beses.

"Tama na!"Sigaw ng babae at tumungo papunta sa kanya."Tama na sabi e!" Sabi ng babae at hinampas ang plato sa mukha niya.

Tumahimik na ang lahat, bumalik ang babae pero huli na ng bumagsak ang orasan sa ulo niya.

Tumayo ulit si Kiana pero iba na ang kanyang mukha, tila bang may pumasok na espirito sa katawan niya.

Omnes Ave satanas!

Sinabi niya ulit iyon pero ika-anim na beses at tumingin sa akin. Lumakad siya patungo sa amin pero di ko namalayan na ako lang pala ang hindi gumagalaw sa aming lugar.

"Ang ganda mo Heleana."Sabi niya at may dalang kutsilyo. "Paano kaya kung dudumihan ko maliit ang mukha mo?" Nakangiti na siya at inilapit ang kutsilyo sa aking mukha.

"Ayaw ko kasing makakita ng mukha na sing ganda mo."Saad niya ng nakangiti at tumawa.

Nararamdaman ko na ang kutsilyo palapit sa aking mukha, ako'y nakapikit lamang. Nakaramdam ako na may sumabog sa harapan ko. Aking binuklat ang aking mga mata at nakita kong punong-puno na ako ng dugo, dugo ni Kiana. Naging puti na ang kulay ng mga ilaw.

Ako'y nahilo dahilan na bumagsak ang buong katawan ko sa sahig, ang huling nakita ko ay pumunta si Yurika patungo sa akin.