webnovel

chapter 19

dahil nga sa pangyauaring iyon ay dinakip at nakulong si alberto de guzman o si berto sa salang panggagahasa kay esma at tanggang pag patay arman. laking pasasalamat din ni esma kay arman dahil iniligtas nya nito.

sa simbahan ng quiapo at muling nagdasal si esma pinili nyang dumaab muna sa simbahan bago umuwe sa batangas.

" ama..una sa lahat ay nais kong magpasalamat sa iyong..

dahil hindi nyo ako pinabayaan.. gayon din si arman..ama.. nawa'y iligtas nyo ang aking ama at kapatid upang makita ko pa po sila sa aking pag uwe . ama.. patawarin mo ako sa mga maling desisyon ko sa aking buhay.. bigyan mo pa po ako ng lakas ng loob para kayanin ang lahat ng ito.. gayon din po si mama..patatagin nyo pa po ang kanyang loob.. naway ingatan nyo rin po kami ni arman sa aming pag uwe sa batangas.. ama.. sanay mapatawad nyo ako sa malaking pagkakamali na nagawa ko.. pero ama ginawa ko iyon dahil kailangan ko po ng malaking pera . kaya hindi ko na po sinabi sa mga pulis at kay arman.. na kinuha ko ng palihim ang pera ni berto.. kapalit ng gusto nya.. malaking halaga po iyon.. at alam ko na makakatulong iyon sa akin. patawarin nyo po ako ama.." dasal ni esma. mula sa simbahan at tumungo na nga sila sa terminal ng bus pabyaheng batangas. " sigurado ka ba na sasama ka saakin.. hindi ko kase alam.. kung ano ang magiging reaksyon nila mama kapag nakita ka nila.. alam kong hindi pa sila handa sa mga gantong sitwasyon lalo na ngayon na may problema pa kaming pinagdadaanan" wika ni esma. " esma.. mahal kita.. at handa ko iyon patunayan sa iyo ng paulit ulit.. ayokong mapahamak ka uli.. ayoko nang mawala ka na saakin.. tatanggapin ko ang lahat nag maririnig galing sa mga magulang mo..at papatunayan ko sa kanila kung gaano kita kamahal" wika ni arman. " maraming salamat sayo arman" wika ni esma. mula nga doon ay kaagad nga silang lumuwas sa batangas.( habang sila ay nasa bus) "nga pala arman papaano mong nalaman na roroon ako sa bahay ni berto"wika ni esma. " naalala mo nung humingi ka ng tulong saakin.. nakakahiya man pero wala ako na iabot sayo.. alam kong malungkot ka ng mga panahong iyon.. kaya naghanap ako ng paraan para magkapera para may maitulong sayo.. at nung nakahap ng ako ng pera agad akong bumalik sayo . pero nung pangbalik ko nakita ko na kausap mo na si berto. kaya agad akong nagtago.. narinig at nakita ko ang lahat ng pinagusapan nyo.. kaya agad akong nagduda.. sa pinaplano ni berto at di nga ko nagkamali.. kaya nung gabing iyon sinundan ko kayo.. mabuti na nga lang at pinagbuksan ako ng gate ng binata doon.. kilala ka nga nya eh at halatang nagaalala sya saiyo..ang akala ko nga ay kakilala mo..sya pa nga ang tumulong at nagturo sa akin kung asan ka at sya pa nga ang inutusan ko na tumawag ng pulis" wika ni arman. " walang ibang tao doon sa loob bahay ni berto sya lamang.. ( nagtaka) pero kung sino man sya.. hulog sya nang langit sa akin.. kung di rin dahil sa kanya baka kung napaano na ano" wika ni esma bago sila tuluyang bumyahe pa batangas.