webnovel

SI REYNA MALA AT ANG LIMANG ALAGAD.

Chapter 11

Mala POV  (ANG PINAKAMAGANDA, MAPUTI, CUTE NA REYNA SA KABALIKTRAN)

Nandirito ako ngayon sa aking palasyo na ako mismo ang gumawa gamit ang aking itim na kapangyarihan.

(PARANG SI ELSA NG FROZEN HINDI ELSA DROGA)

Kasama ko dito ang aking limang alagad, mga normal na tao sila noon na binigyan ko ng isang major major transformation para bumagay sa aking kagandahan binigyan ko din sila ng kani kanilang kapangyarihan na tatalo sa mga mandirigma ng liwanag.

Ang aking limang alagad ay binibuo ng ZOMBIE, TAONG BATO, MERMAN, FIRE MANIPULATOR AT WEAPON SUMMONER.

Matapos ko wakasan ang buhay nung lima kong kaklase nakamit ko ang aking ooowww sooooo super duper lakas na power na bigay ni mama.

At doon nagsimula na ako maghasik ng kabobohan este katangahan este kadiliman habang gumagawa ako ng porn video este kaguluhan biglang pumasok sa ooowww soooo talino kong brainsssss na need ko ng mga ooowww sooooo yummy at hotness na alagad para tulungan akong gumanda este gumawa ng kaguluhan ditey sa earthsung.

Kaya naman inumpisahan ko na magsayaw ng twerk it miley  este maghanap ng aasawahin  este ng alagad.

Una kong nakita ay si Jobeth siya yung janitor dun sa huling eskwelahang pinasukan ko, isa siya sa mga biktina dun  sa ginawa kong malakas na lindol nabagsakan ang halos kalahati ng kanyang katawan kaya naman hindi na ako nagpatumpik tumpik pa ng yayain ko siyang magmotel este maging isa sa mga alagad ko, nang pumayag siya dali dali ko siyang sinayawan ng isang makabagbag damdaming pagtatanghal (in the tune of pound the alarm) ginamitan ko siyang ng itim na salamangka para baguhin ang kanyang anyo at dun siya naging isang zombie.

Sumunod kong nakita ay si Reggie isa siyang construction worker na mayabang at siga dahil sa kanyang ugali ay hindi siya nagtatagal sa kanyang pinapasukang trabaho hanggang isang araw nakita ko si Reggie na binibugbog ng mga taong bayan (nakita ko siya thru crystal ball with wifi connection na hinack sa kapitbahay) siguro may ginawa na naman itong kalokohan at nahuli siya nang matapos siyang bugbugin ng mga tao ay siya namang paglabas ko sa aking ooowww sssoooo gandang palasyo para tulungan siya at bigyan ng kapangyarihan.

Nang makita ko ang kalunos lunos na kalagayan ni Reggie na may mga saksak sa katawan ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at muli sinayawan ko na naman siya ng isang makabagbag damdaming sayaw (in the tune of super bass) gamit ang aking itim na salamangka dahan dahan siyang lumutang  sa ere pinagsama ko ang mga bato at naghihingalong katawan ni Reggie ng matapos ko ng sayawib ang orasyon lumabas na ang ikalawa kong alagad na si Reggie ang taong bato.

Ang pangatlo kong naging alagad ay si Ramil isa naman siyang mangingisda isang bumabagyong umaga nakita ko siya sa aking bolang krystal na may wifi connection na hinack sa kapitbahay na pumalaot siya mag-isa.

Sinusuong niya ng bonggang bongga ang malalakas na alon na gawa ng isang dyosa na nagtsutsunami walk makapangisda lamang siya subalit sa di inaasahang pangyayari bigla na lang pinataob ng isang napakalaking alon ang sinasakyan niyang bangka at ilang beses din siyang natabunan ng malalaking alon na kung saan ay tila ba nilulunod siya nito.

Matapos siyang lunurin ng malalaking alon nakita ko na lang ang walang buhay na katawan ni Ramil na nagpalutang lutang sa tubig.

Lumabas ako ng aking palasyo at dali daling pumunta sa kinaroroonan ni Ramil na wala ng buhay.

Hindi na ako nagaksaya pa ng oras muli sumayaw na naman ako ng isang makabagbag damdaming sayaw (in the tune of anaconda) sabay gamit sa aking itim na salamangka para muling bigyan ng bagong buhay at gawing alagad ko ang walang buhay na si Ramil.

Matapos kong sumayaw at bigkasin ang kamangga manghang salamangka na hindi ko na sasabihin pa at baka gayahin ninyo pa hahahaha (tawa ng isang eskandalosang nagmamagandang reyna ng kadiliman).

Bigla na lang lumutang ang katawan ni Ramil at kasabay nun ang pag-ikot sa kanya ng tubig pati isda ay napasama na din sa pag-ikot hanggang sa malukob ang buong katawan nito.

Ilang minuto ang aking hinintay hanggang matapos ang pagbaagong anyo ni Ramil.

Lumabas si Ramil na buhay na buhay at bago na ang kanyang anyo.

Ang kanyang buhok ay napapalibutan ng mga seaweeds na tila ba isang korona, nagkaroon din siya ng hiwa sa bandang leeg na tila ba hasang ng isda ang kanyang mga braso ay mayroong palikpik ng isda at ang buong katawan niya ay napapaligiran ng silver at blue na kaliskis na siyang kumukumpleto sa kanyang itsura bilang isang merman.

Ang pang apat kong naging alagad ay si Dennis ang fire manipulator isa siyang bumbero noong nasa matino pa siyang pag-iisip wala namang nangyaring aksidente sa kanya sadyang binura ko lang ang lahat ng kanyang alaala gamit ang halik ng kadiliman saka ko siya binigyan ng kapangyarihan wala naman nabago sa kanyang itsura ang tanging nagbago sa kanya ay ang naglalagablab niyang buhok, umaapoy din ang kanyang dalawang kamay kung saan lumalabas ang kanyang kapangyarihan kaya rin niyang lumipad gamit ang pakpak na apoy na nakatago sa kanyang likod at higit sa lahat napapalibutan siya ng pulang aura na nagbibigay takot sa lahat ng makakakita sa kanya.

At ang pinakahuli kong alagad ay si John Clark o JC at isa siyang weapon summoner gamit ang aking super duper awesome black magic.

(A.N. WOW ENGLISH YAN AH ILANG TAON MO PINAGARALAN YAN HA?)

Wala kang pakielam author pov ko to kaya wag na wag mo akong kakalabanin baka samain ka sa akin.

(A.N. WOW TAKOT AKO HAHAHA KUNG IKAW KAYA ANG BURAHIN KO SA KWENTONG ITO PARA WALA NG KALABAN ANG MGA MANDIRIGMA NG LIWANAG AY WAG NA PALA MAGANDA YUNG PAHIRAPAN KA NG BONGGANG BONGGA NG MGA BIDA BAGO KA MAMATAY AT ISA PA WAG KA NG UMEPAL PA ULIT AT ITULOY MO NA YANG WALANG KWENTA MONG POV.)

BACK TO THE REGULAR PROGRAM.

Yun na nga gamit ang aking itim na kapangyarihan muli kong binuhay si JC ay binigyan siya ng kakayahang nagsummon ng kahit anong sandata na may talim.

(A.N. HINDI KO NA ILALAHAD KUNG PAANO NAMATAY SI JC DAHIL SA IBANG ESKWELAHAN SIYA NAG-AARAL NOON BAGO PA LUMIPAT SI MALA SA SERDIN ROYALE UNIVERSITY.)

*************************

MIDNIGHT0019 NOTES

AT DIYAN NAGTATAPOS ANG KALANDIAN ESTE POV NI REYNA MALA PARA SA KANYANG LIMANG ALAGAD.

UP NEXT

CHAPTER 12

SIMULA NG PAGHAHANAP SA IKATLONG TEMPLO.