webnovel

Albularyo: The Filipino Shamans

作者: KingNato
ファンタジー
連載中 · 86K ビュー
  • 16 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

タグ
1 タグ
Chapter 1Chapter 1: The War of Albularyo and Aswang

ilang dekada na ang nakalilipas nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Aswang at albularyo. Maraming namatay sa magkabilang panig. Samantala hindi alam ng mga ordinaryong tao ang tungkol sa digmaang ito. Tagong nangyayari ang labanan na ito at ang tanging mga nakakaalam lamang nito ay ang mga aswang at albularyo.

Pinamumunuan ang mga aswang ng Masamang Tiktik na si Iskwag. Samantalang ang namumuno naman sa mga albularyo ay si Mang Jose. Namatay ang asawa ni Mang Jose nang sinalakay ng mga aswang ang baryo nila at ang tanging nakaligtas lamang sa kanyang pamilya ay ang kanyang anak na si Dipolo kaya naman nagkaroon s'ya ng matinding galit sa mga aswang. Ipinangako n'ya sa puntod ng kanyang asawa ng lilipunin n'ya ang lahat ng mga aswang upang hindi na muling mangyari ang nangyari sa baryo nila.

Tumagal ng ilang taon ang digmaan sa pagitan ng mga albularyo at aswang hanggang sa nakatuklas si Mang Jose ng paraan upang makulong ang mga aswang sa kawalan.

Mang Jose: Iskwag!! Ito na ang katapusan n'yo ng mga kampon mo!!

Iskwag: Hangal ka talaga Mang Jose! Ako ang pinaka makapangyarihang aswang sa buong Pilipinas kaya naman pano mo ko tatapusin?

Mang Jose: Pwes tingnan natin.

kumuha si Mang Jose ng punyal at isang maliit na libro at may binigkas s'yang mga orasyon at habang binibigkas n'ya ang mga orasyon hiniwa n'ya ang kanyang braso at pinatakan n'ya ng kan'yang dugo ang librong hawak n'ya. Pagkatapos ng orasyon nabalot si Iskwag ng berdeng liwanag pati na rin ang kan'yang mga kampon at kumulog at kumidlat ng malakas, lumakas din ang hangin at nagdilim ang kalangitan. Lumabas ang isang portal na humigop sa lahat ng kampon ni Iskwag pati na rin sa kan'ya.

makalipas ang ilang dekada nagkaroon ng katahimikan at ang mga aswang ay hindi na nagpakita. Samantala tumanda na si Mang Jose at tumira s'ya sa liblib na lugar sa bundok ng Makiling sa Pilipinas. Nag-asawa naman ang kan'yang anak at nagkaroon ito ng anak ngunit naulila agad ang bata matapos mamatay sa isang car accident si Dipolo at ang asawa n'ya. Si Mang Jose na ang nag-alaga sa bata na nagngangalang Victor Manlaban.

Bata palang si Victor tinuruan na s'ya ni Mang Jose ng kaunting mga bagay sa pagiging albularyo. Ginawa ito ni Mang Jose dahil nadiskubre n'ya na may malakas pala na kapangyarihan si Victor na magagamit n'ya kung sakaling muling magbalik ang mga aswang sa mundo. Ngunit walang interes dito si Victor dahil hindi naman s'ya naniniwala sa kwento ng kanyang lolo. Bagkus mas tutok si Victor sa pagaaral ng sensya at pagaaral ng mabuti sa paaralan ngunit magbabago ito dahil sa isang pangyayari.

あなたも好きかも

レビュー結果

  • 総合レビュー
  • テキストの品質
  • リリース頻度安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界観設定
レビュー
ワウ!今レビューすると、最初のレビュアーになれる!

応援