webnovel

7 Deadly Sin, Done ✔

Haven De Vera is just a normal nursing student and an orphan. While doing her part time job, a man approach her and offer a job with a good salary. Your task is to turn seven bad guys into good one. Kaya ba? Pitong lalaki at nag iisa ka lang. Uurong ka ba? Hindi na pwede. Nandyan ka na. Bawal ang sablay dahil buhay mo ay dito nakasalalay.

EmionEtyel · 都市
レビュー数が足りません
40 Chs

Veinticuatro

Haven's POV

Tahimik akong nag babasa sa attic ng mga libro para mag review ng may marinig akong kalabog sa baba, doon sa pasilyo ng kwarto ng pito.

"I will report this to Chairman!" Rinig kong sigaw ni Kanoepy

Hapon na hapon nag iiskandalo. Napakaingay!

"Stop whining like a kid! I told you that I'm busy! It is just going to that damn airport, Kanoepy! Why can't you do that alone?!" Galit na sigaw ni Uno

Kaagad akong napahinto sa pagbabasa dahil doon. Bigla ay kinabahan ako dahil baka nalaman ni Kanoepy ang nangyari sa control room kahapon. Hindi pwedeng maparusahan si Uno dahil doon.

"We came here together, Uno. We supposed to go back together. Now what? You're busy?" Tumawa ito ng saglit bago ulit mag salita, "Fine. I will go back alone. I will fix my documents and after that, we will be having our engagement party. Be prepared."

Naging matunog ang takong nito senyales na umalis na ito. Ang mga sinabi niya ang mas gumising sa isip kong nag iimagine na magiging mag kasama kami ni Uno. Dahil sa nakalalasing na halik na iyon ay nalimutan kong hindi iyon mangyayari.

Nangatngat ko ang kuko ko sa kaba. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil tuwang tuwa pa ako hanggang kagabi. Iniisip kong mas lamang ako sa kaniya dahil arranged marriage lang ang mayroon sila ni Uno.

Ngayon ay napapaisip na ako. Iuurong ko ba ito o ipagpapatuloy? Ngayon ko lang naisip na marami palang masamang mangyayari kay Uno sa oras na pinilit ko ang gusto ko. Selfish talaga ako.

Mabuti at umpisa pa lang ito. Maari ko pa namang iwasan.

Nang wala nang marinig na ingay sa baba ay bumaba ako ng attic para kumuha ng mga extra pang libro sa library. Nagulat ako ng may biglang humila sa akin at dahil doon ay nakapasok ako sa kwarto nito.

"Hi." Nakangiting sabi ni Uno

Halos mag wala kaagad ang puso ko sa isang salita palang na iyon. Paano ko kaya ito iiwasan?!

"Hello. Busy ako." Saad ko at akma sanang aalis ngunit hinila ako nito ulit

Nakakunot ang noo nito habang iginagala ang mata sa mukha ko. Inaalam niya kung anong emosyon ko kaya naman nanatili akong walang emosyon.

"Can you stay for a while?" Tanong ni Uno

Iniiwas ko ang tingin ko dito at tinanggal ang kamay niya sa pulsuhan ko.

"Busy nga ako. Mamaya ay uutusan na ako ni Butler Zed. Kailangan kong mag basa ng kahit isang libro bago iyon." Sagot ko

Napabuntong hininga ito bago nag salita, "Fine. Can you sleep here later?" Tanong ni Uno

Hindi ko pinahalata ang gulat ko pero nagulat talaga ako sa sinabi nito. Inaya niya akong matulog dito samantalang sa guestroom niya pinatulog si Kanoepy. Gusto ko mang ngumiti ay hindi pwede.

"Hindi pwede." Sagot ko nalang

Bago pa ito mag salita ulit ay umalis na ako sa kwarto ni Uno. Sakto namang lumabas ng kwarto si Cuatro kaya ngumiti ito. Ako naman ay nanlalaki ang mata ngunit awkward rin na ngumiti. Halos pag pawisan ako dahil sa kaba lalo na ng tignan niya ang pinto na pinanggalingan ko.

"You're sweating, Haven. Masyado bang maraming ligpitin sa kwarto ni Uno?" Pagtatanong ni Cuatro

Napalunok naman ako bago mag salita, "O-oo, Cuatro."

Tumango tango ito bilang tugon. Nag kasabay pa kaming nag tungo papunta sa baba at mabuti nalang dahil hindi na ito nag tanong pa.

"Saan ka pala pupunta?" Tanong ko kay Cuatro

Napansin ko kasing nakabihis ito. Hindi naman ito mag tatrabaho dahil bukas pa ang pagpapatuloy nila sa trabaho nila ayon sa Chairman.

"Ihahatid ko lang sa airport si Kanoepy. Saglit lang daw siya dito sabi ng magulang niya dahil nga may gampanin rin siya sa organisasyon nila." Sabi ni Cuatro

Ibig sabihin ay maiiwan kami ni Uno dito sa Castillo?!

"Sama mo ako, Cuatro. Kahit taga-buhat lang ng maleta niya." Pag mamakaawa ko

"Naku, 'wag na. Dito ka nalang kasi nag aaral ka para sa board exam 'di ba? Since hapon na, baka mga hating gabi na ako makauwi. Sayang ang oras mo." Sagot ni Cuatro

Nang kunin nito ang susi ng kotse ay doon na tuluyang gumuho ang mundo ko. Lumbay na lumbay akong nag tungo sa library dahil tama si Cuatro, masasayang talaga ang oras ko. Ang kaso ay paniguradong kukulitin ako ni Uno.

Ito na iyong ipinangako niya na kapag bumalik siya ay mag babago na ang lahat. Hindi ko inakalang ganito iyon. Maganda siya pakinggan pero alam kong hindi maganda ang resulta. Ikamamatay ko at ikababagsak naman ni Uno. Mas pipiliin ko pa talaga ang maging maayos siya kaysa ipilit itong namamagitan sa amin.

Napakasama ko na sigurong tao dahil sa puntong ito ay iniisip kong panakip butas si Jino. Alam kong mali pero kailangan ko siyang gamitin para kay Uno. Kung pwede lang akong mag makaawa sa sarili ko na mahalin si Jino katulad ng nararamdaman ko kay Uno ay ginawa ko na. Sana ganoon nalang kadali ang lahat.

Sa kahit anong banda naman ay masasaktan kami. Ang kailangan ko lang siguraduhin ay masasaktan kami pero maganda ang kalalabasan sa dulo.

Kukunin ko palang ang isang libro sa med section ngunit biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makitang si Jino iyon ay ini-loud speaker ko ito at inilapag sa nakahilerang libro.

"Hi!" Masayang bati ni Jino

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil kinumpara ko agad sila pag dating sa pag bati nila sa akin. Iyong kay Uno ay halos hindi ako makahinga, ang kay Jino naman ay parang pormal lang sa akin.

"Hello, Jino. Kamusta?" Pinilit ko ring maging masigla ang boses ko

Inabot ko ang isang libro at kinuha iyon. Inilapag ko iyon sa gilid at muling nag hanap.

"Medyo nakakapagod dahil maraming patient. Pero alam mo namang ikaw ang pahinga ko." Saad ni Jino

Hindi ako nakapagreact doon sa sinabi niya dahil nakita ko si Uno na nasa dulo ng shelf. Napakasama na naman ng tingin nito sa akin. Marahil dahil narinig niya si Jino.

"Nandyan ka pa ba?"

"A-ah, oo. Break time mo ba? K-kumain ka na ba? Siguro dapat kumain ka na muna kasi diretso ka pa hanggang 10 pm." Nag mamadaling sabi ko

Kulang nalang ng beat ay para na akong nag ra-rap. Palapit kasi ng palapit si Uno at hindi ko nagugustuhan ang kilos nito.

"Wait, why are you so tense? But by the way, I'm eating while talking to you. I mean, pag tapos kong ngumuya ay kinakausap kita." Saad ni Jino at bahagyang tumawa

Peke akong tumawa dahil ilang hakbang nalang rin ang layo ni Uno.

"M-may gagawin pa kasi ako, Jino. Mamaya nalang." Utal utal na saad ko

Nang tumapat sa akin si Uno ay kitang kita ang apoy sa mga mata nito. Bigla ay gusto kong manginig sa takot.

"Sure. I'll call you later. I hope you're doing fine. Bibisita ako sa day off ko." Masigla paring sabi ni Jino

"You don't need to call her later, Sancrostobal. She's doing fine with me. Don't you dare come here at my castle. Ulo mo nalang ang ititira ko at ibibigay ko sa magulang mo." Galit na sabi ni Uno

Ganito siya mag selos?!

Natakot ako dahil doon. Tinawag niya sa apelyido si Jino dahil alam nitong doon siya nag tatrabaho sa hospital niya.

"Oh! The first born of Syn! How was your trip from hell?" Nang aasar na sabi ni Jino

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Wala akong pinagsabihan na umalis si Uno bukod kay Mona. Mukhang ikinuwento na naman ni Mona!

"It's good! I saved my brother and now I kissed the girl you're courting. Amazing right?" Nakangising sabi ni Uno

Napalunok dahil sa sinabi nito. Walang katakot takot niya iyong sinabi kay Jino.

"Is that true, Haven?" Tanong ni Jino

Kabado akong napatingin sa cellphone ko na para bang nandoon ang mukha ni Jino. Napalunok pa ako bago mag salita.

"T-totoo." Pag amin ko, huminga ako ng malalim bago sabihin ang naisip kong palusot, "Pero ginawa ko lang iyon para matutunan ko na kapag ginamit ko sa'yo."

Narinig ko agad ang tawa ni Jino sa kabilang linya. Iba ang tawa na iyon dahil hagalpak iyon. Hindi ko pa ito naririnig na humagalpak ng tawa simula ng makilala ko siya.

"Talaga?! Don't worry, I'm not mad. I'll hang up for now. There's an emergency. I'll call you later." Saad ni Jino at ibinaba ang linya

Hindi ko magawang lingunin si Uno. Alam kong mauubusan lang ako ng lakas. Muli nalang ulit akong nag hanap ng libro para mabasa.

"Pinag praktisan mo lang ako? I don't believe you. Kung ano man 'yang iniisip mo ay 'wag mo nang ituloy. Kaya ko ang sarili ko sa Chairman namin." Saad ni Uno, halatang nag titimpi ito

Hindi ko ito nilingon dahil naawa na agad ako dito. Baka mamaya ay akapin ko lang ito.

"Hindi iyon ang punto. Ang punto dito ay hindi kita gusto. Siya nga pala, salamat sa pag tuturo kung paanong humalik." Saad ko

Ang sumunod na pangyayari ay naging mabilis. Isinandal ako ni Uno sa shelf dahilan para mapatitig ako sa mata niya. Kitang kita doon ang galit ngunit pinipigilan niya lang.

"You don't love me?" Tanong ni Uno

Kumabog agad ang puso ko dahil sa tanong na iyon. Mabilis na nag init ang ilim ng mata ko ngunit umiwas nalang ako ng tingin.

"Hindi kita mahal. Nandito ako para mag trabaho at mag bayad ng utang." Saad ko

Tumawa ito ng sarkastiko at iniharap ang mukha ko sa kaniya. Ngumisi ito at pinakatitigan ako sa mata. Halos matunaw ako at hindi alam ang gagawin. Paniguradong inaalam niya ang emosyon ng mata ko.

"I don't believe you. You're not a good liar, Haven. You can lie but your eyes can't. Now if you want to play before telling me that you love me, I'll give you a time. Pero 'wag kang iiyak sa araw ng kasal ko. Sisuguraduhin kong wala ka sa listahan ng imbitado." Madiing sabi ni Uno

Matapos sabihin iyon ay umalis siya sa library. Wala akong nagawa kung hindi kuhanin ang mga libro na napili ko. Muli akong nag tungo sa attic at nag aral. Ngunit ang kinalabasan lang noon ay paulit ulit kong binabasa ang isang pahina pero hindi ko naman naiintindihan.

Ganito ang epekto mo, Uno. Paano kitang iiwasan kung bawat segundo ay ikaw lang naiisip ko?

Inis kong isinalansan ang libro at sinamaan ng tingin ang mga iyon. Nagulo na ang utak ko at hindi na ako makakapag review. Bigla ay naalala ko ang diary ni Haven kaya mabilis akong tumayo at kinuha iyon sa box na nasa ilalim ng kama ko.

Dumapa ako sa kama at binuksan iyon.

June 15, 2019

Dear diary,

Muli ko na namang narinig na nag uusap si Uno at Tres sa meeting room. May malaking pera na nawawala sa organisasyon at inaalam nila kung sino ang kumuha noon. Ang nakakapagtaka lang dito ay napakahigpit ng siguridad sa organisasyon. Sa tingin ko ay nasa loob lang rin ng organisasyon ang may gawa noon. Gusto ko mang mangialam ngunit sinabihan na ako ni Butler Zed. Inampon lang ako ng mga Syn kaya naman hindi ako maaring makialam.

June 20, 2019

Dear diary,

Narinig kong nag uusap si Chairman at Butler Zed. Mayroon raw banta na paparating sa Castillo de la familia Syn. Hindi ko maisip kung ano iyon. Tao ba sila o pag sira sa organisasyon? Nag uumpisa na akong natakot para sa kapakanan ng pito. Baka mamaya ay sila na ang mag patayan sa dulo.

Napalunok ako sa huling linya na nabasa ko. Bakit sila mag papatayan kung ganitong close silang pito sa isa't isa? Anong rason?

June 25, 2019

Dear diary,

Nag bigti si Maricel matapos nitong sabihin na may nalaman siya patungkol kay Butler Zed. Hindi ako naniniwalang nag pakamatay ito dahil sabi sa autopsy niya ay mayroon itong kaunting bugbog. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang totoong nangyari sa likod ng pagkamatay ni Maricel. Hindi ako papayag na hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.

Tumayo ang mga balahibo ko dahil doon. Saktong may kumatok kaya naman nag mamadali kong isinara ang journal na iyon at inilagay ulit sa ilalim ng kama ko.

"Haven, nandyan ka ba?" Tanong ni Butler Zed

Kaagad akong pinagpawisan sa kaba. Dahan dahan akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Nakita ko si Butler Zed na nakatayo doon, ganoon parin ang ekspresyon ng mukha niya, normal lang.

"Mainit ba sa kwarto mo? Mayroon namang aircon pero bakit ka pinagpapawisan?" Sunod sunod na tanong ni Butler Zed

Kaagad akong ngumiti ng peke upang hindi nito mapansin na nag tataka ako sa katauhan niya.

"Nag exercise po ako kaya po ako pinag pawisan. Tumataba na po kasi ako." Saad ko

Tumango tango si Butler Zed. Mabuti at mabilis ko siyang nakumbinsi dahil hindi ko na alam ang isasagot ko.

Sabay kaming bumaba sa attic at saktong lumabas naman si Uno sa kwarto niya. Hindi ako nito tinapunan ng tingin bagkus ay nauna itong bumama sa amin.

"Nag luluto na si Mandy kaya naman gusto ko sanang ikaw ang mag handa ng mesa. Siya nga pala, mawawala ako ng ilang araw. Sana maging ayos ang kalagayan ng pito." Saad ni Butler Zed

Kaagad kong nalingon ito dahil doon.

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ko

Matagal na katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ngunit sumagot rin naman ito.

"Hindi na importante iyon. Ang kailangan mo lang gawin ay panatilihing ayos ang pito. Kaya mo naman sigurong gawin iyon?" Saad ni Butler Zed

Napatango ako bilang tugon. Ayaw ko namang makahalata ito na may masamang hinala ako sa kaniya.

"Ang garden, katulad ng dati ay wala kang papapasukin. Hindi ka rin maaring pumasok doon." Bilin ni Butler Zed

Umalis ito matapos niyang sabihin iyon. Habang nag sasalansan ako ng table ay biglang sumagi sa akin ang sinabi niya noong bago palang ako dito. Sinabi niya noon na, ang unang pumasok doon ay nag bigti.

Naging mabilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang isinulat ni Heaven. Hindi kaya ang babaeng nag bigti ay si--

"You've been holding that plate for five minutes."

"Maricel!" Naisigaw ko sa gulat ang nasa isip ko nang mag salita si Uno sa likod ko

Napaharap ako dito at halos mabitawan ko ang pinggan sa takot. Kinuha iyon ni Uno at kunot noo akong tinignan.

"How did you know that name?" Seryosong tanong ni Uno

Kaagad akong napalunok at nag iwas ng tingin sa kaniya. Pinaghawak ko ang mga nanginginig kong kamay at bahagyang umatras sa kaniya.

"Wala." Sagot ko

Iniharap ako ni Uno sa kaniya at dahil doon ay nag tagpo ang tingin namin.

"You're hiding many things, Haven. As the time goes by, you're being an expert nosy. Sino ang nag kwento sa'yo ng pangalan na 'yun? Bakit mo alam ang pangalan na 'yun?" Saad ni Uno

Wala nang pag lagyan ang takot ko. Alam kong magagalit ito sa akin kapag nalaman niyang binabasa ko ang diary ng tinuturing niyang nakababatang kapatid.

"This is my last warning, Haven. Stop being nosy. I don't want you to be like her." Saad ni Uno

Kaagad na pinukaw noon ang atensyon ko. Parang bigla ay nag karoon ako ng dila.

"Ni Heaven? Bakit? May hinala ka ba sa pagkamatay niya?" Sunod sunod na tanong ko

Bahagya itong nagulat marahil dahil sa itinanong ko. Saglit itong napahinto bago ulit mag salita.

"Stay away from that topic. Yes, you and Tres are okay now. But he can be a monster again once you mentioned her death." Saad ni Uno

Narinig ko na ang yabag ng mag kakapatid na galing sa kanikaniyang gawain. Nag tungo na si Uno sa pwesto nito at ganoon na rin ang ginawa ko. Matapos mailagay sa mesa ang mga pagkain ay nag umpisa nang kumain ang mag kakapatid. Samantalang ako ay tulala parin.

"Ate you don't like the food ba? Sabagay pangit naman talaga mag luto si Mandy." Saad ni Siete

Kaagad akong napalingon dito at umiling iling. Ngumiwi rin ako dahil sa sinabi nito.

"Ikaw talaga. Nakalahati mo na nga agad 'yung pagkain mo tapos sasabihin mong hindi masarap mag luto si Mandy?" Pabiro kong sabi

Matapos ang hapunan ay tinulungan kong mag hugas si Mandy. Tahimik lang ako dahil hindi rin naman siya nag sasalita. Parang may malalim pa itong iniisip na mas malalim pa sa iniisip ko.

"Magiging ligtas parin kaya tayo kahit may mga nag gagala na mga tauhan?" Bilang tanong ni Mandy

Napahinto ako sa pagsasalansan ng mga pinggan dahil doon. Nilingon ko ito ngumit patuloy lang ito sa pag huhugas ng pinggan.

"Bakit mo naman naisip 'yan, Mandy?" Tanong ko

"Ms. Haven naranasan niyo na bang matulog na parang may nakatingin sa inyo? Kasi ako oo. Hindi na po ako makatulog ng nakasara ang mga ilaw, nanatili na iyong bukas. Pakiramdam ko ay may simula ng dumating ang dalawa galing sa Spain ay may kasunod rin iyong malas." Saad ni Mandy

Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot dahil sa sinabi ni Mandy. Hindi ko rin alam kung bakit siya kasali sa nakakaramdam ng takot na iyon samantalang hindi ito malapit sa mag kakapatid.

"Pakiramdam ko, nandito lang sa bahay ang malas. Ang gulo. Hindi niyo po ba napapansin ang pagiging weirdo ng kastilo na ito? Unang pasok ko palang ay parang may mali na. Pakiramdam ko ay palaging may mata na nakatingin sa atin pero ang totoo ay wala namang camera sa pwesto natin." Muling saad ni Mandy

Tinapos namin ang trabaho sa kusina at nag tungo sa living room. Walang tao doon kaya naman doon namin napag desisyunang mag pahinga.

"Simula noong muntikan nang mabigti si Siete ay natakot na ako. Naintindihan kong wala pang mga tauhan para mag bantay kaya nangyari iyon. Pero kung mangyayari mang may makakapasok ngayon habang puno ng bantay ang Castillo, mag dududa na ako. Siguro ay iisipin ko na nga rin na nandito ang malas." Saad ko

"Sa tingin ko ay ikaw ang kailangang mas mag ingat, Ms. Haven. Kabisado mo ang lahat ng impormasyon sa pito. Sigurado akong ikaw ang magiging target ng mga kaaway nila." Saad ni Mandy

Dala dala ko ang mga sinabi ni Mandy habang nag aaral sa attic. Kasama ng malamig na hangin na nanggagaling sa bintana ay tumaas rin ang balahibo ko.

Ako na nga ba ang sunod? Kailangan ko na ba talagang tigilan ang pag alam sa mga bagay bagay? Paano ako titigil ngayong may isang pangalan na akong nakita na kasama sa buhay ni Heaven?

Isinara ko ang inaaral kong libro at pinatay ang lampshade. Naging madilim ang paligid dahil lampshade lang ang liwanag sa kwarto ko. Nag tungo ako sa kama ko at humiga.

Napatayo ako agad ng may maramdaman ako sa ilalim ng kumot ko. Nabuksan ko tuloy ang ilaw at tinignan iyon. Isang envelope na kulay itim. Sa likod ng sobre ay nakalagay na galing sa Organización de Serpientes iyon. Nanindig ang balahibo ko dahil hindi ko alam kung paanong nailagay iyon sa kwarto ko.

Nakasaad doon ang…

Haven De Vera, you are being watched. Be careful. Stay away from the danger.

Naihagis ko iyon dahil sa takot. Naalala ko bigla ang sinabi ni Mandy na parang may nakatingin dito habang natutulog.

Ako na ba ang sunod?

Muli kong dinampot ang sobre ng may napansin akong kakaiba. Ang unang nakuhang sobre nila noong may nangyaring masama kay Siete ay itim ngunit hindi kasing itim ng hawak ko ngayon. Ang likod ng hawak ko ngayon ay may pulang ahas samantalang ang dalawang nauna ay walang ahas.

Ibig sabihin ay isa sa kanila ang nag papanggap na Organización de Serpientes?