I felt my body get numb and my lips were dry. I tried to open my eyes to the light coming from above but my eyelashes became heavy. I felt the veins in my hands grew bigger because of the force I'm applying. My heart suddenly beats so fast like I'm gone running for so long.
Sa masukal na kagubatan, natagpuan ko na lamang ang sarili na nakahandusay sa ilalim ng kabilugan ng buwan. Ang malalamig na butil ng pawis sa aking noo ay mas dumami pa. Ang laylayan ng aking puting bestida ay napunit dahilan para maramdaman ko ang pagtangay ng hangin sa aking balahibo at ang paglagaslas ng dahon ng mga puno.
Ramdam na ramdam ko ang tuyot ng aking lalamunan na umuukit na parang asido papunta sa aking dibdib. Gamit ang matatamlay kong mga kamay ay maingat kong ginapang ang sarili at sinuportahan ang aking likod upang makaupo. I'm clueless of what happened to me and the situation that I'm facing right now.
Bakit wala ako sa kaharian? Nasaan ako? Bakit wala akong matandaan?
Sa gitna ng katanungan, may narinig akong paparating. Isang bagay na naiisip ko ay pamilyar na ingay. Palapit ng palapit at halos maputol ang aking hininga sa muli kong pagtakbo upang makaalis lamang sa pinanggalingan.
Mga yapak ng kabayo! Sigaw ko sa aking isipan. Mabilis at malapit na niya akong maabutan!
Gamit ang malamig kong daliri ay pinahid ko ang mga butil ng pawis sa aking noo. I will never let anyone to catch me! I am the princess and no one is allowed to make a mistake under my throne. Pero isa akong prinsesa na may mabuting puso na kahit ang batas ng panunungkulan ko ay kaya kong suwayin kapalit ng kaginhawaan at pagkakaisa.
It was my fate to get punished by goddess of moon. I gasped in savage pain I've felt in my feet. The roots of the trees had slice my skin. I noticed the bloodstains in the fallen leaves illuminated by the moonlight. The blood was like crimson red and it all scattered like a pathway to someone approaching.
Mas binilisan ko ang pagtakbo kahit na sumasakit ang paa ko dahil alam kong maghihilom din ito. Mas dumami ang pagpatak ng mga dugo na siya ring sunod-sunod na tagaktak ng aking pawis. Natatandaan ko ang pangyayari at hinding-hindi ako magdadalawang isip na pagbayarin ang taong nagpahirap sa akin.
Ang humahabol sa akin na sakay ng kabayo ay isang bampira!
Alam na alam ko ang kilos at amoy ng mga bampira ngunit masasabi kong mas nangingibabaw sa kapangyarihan at galit ang isang ito. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinahabol at hindi ko rin kilala kung sino ang bampirang ito. Ang alam ko ay mayroon ngang mga bampira ngunit imposibleng may makakapasok sa kahiraan ng mga lobo dahil walang sinuman ang pwedeng makakapasok dahil sa mahikang taglay nito.
Napasigaw ng malakas ang kabayo na para bang hudyat na ng aking katapusan. Lakad takbo ang ginawa ko kahit na maraming tinik akong natatapakan at mas napupunit ang ilalalim ng puting bestida dahilan upang magmukha itong maiksi.
Sumigaw ulit ang kabayo at sa pagkakataong ito ay napatigil ako dahil sa pagkalat ng mga dahon sa paligid. Mabilis ang tibok ng puso ko at mas lalong tumibok pa sandaling paglingon ko sa nakatagilid na kabayo sakay ang taong may magandang tindig at mistulang naging malabo ang pigura nito ng magsaboy ang lupa at dahon ng mga puno.
Siya ang humahabol sa akin kanina at isa siyang bampira!
I'm starting to faint when my knees trembled but I won't let this fate to favor the wicked mission of this vampire. Halos mapugto rin aking hininga ng palapit na palapit ang pagdausdos ng paa ng kabayo at ang pag-ihip ng malakas na hangin na siyang dahilan rin upang magtagpo ang mga mata namin.
Kulay dugo ang kaniyang mga mata ngunit ito lang ang nakikita ko sapagkat balot ng maitim na tela ang kaniyang mukha. Nakasuot ng pang maharlikang sombrerong itim maging ang tuxedo nito ay kasuotang ng mararangyang angkan din. Hindi ko lang lubos maisip na may isang bampira ang susugod sa akin na ganito ang kasuotan samantalang ako ay parang nasawi sa digmaan.
Ang katotohanan ay isa nga itong digmaan. Digmaan sa pagitan ng lobo at bampira.
I gasped in shock when I saw him pulling a dagger out of his chest. It was a golden dagger like it was owned by someone who has power to deceive someone eyes. Hindi ganito ang iniisip ko at gustong masaksihan. Hindi ba't kailangan niya lang akong dakpin sa kaniyang bilis at sipsipin ang lahat ng dugong mayroon ako? Nasisiguro ko ring hindi lang siya isang ordinaryong bampira dahil sa lakas ng presensya at makapangyarihang isinisigaw ng kaniyang pangangatawan.
I tried to run but failed to do it when he suddenly jumped off the horse and appeared in front of me like a towering powerful king.
Napasinghap ako ng malumanay na napakurap ng biglaan niyang hatakin ang aking baywang sa sandaling muntikan na akong mabagsak sa lupa. Iniisip ko kung gagamitin niya ba ang punyal para gilitan ako sa leeg.
I could not fathom what's hidden behind his powerful aura. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit hindi ko magawang iwasan ang kaniyang mga mata. Kung bakit tila mas hinahatak ako nito palapit ng palapit at mas hinihigop ang aking kaluluwa na sabihing ang ganda nito sa paningin.
Ngunit isa pa lang pagkakamali ang tingnan ang kaniyang mga mata!
Sa liwanag na nanggagaling sa buwan, biglaang tinangay ng hangin ang kaniyang itim na sombrero maging ang takip sa kaniyang labi. Naiwan paring isang katanungan kung bakit hindi ko parin magawang masilayan ang kabuuan ng kaniyang mga mata.
It is difficult to someone like me who has a young heart to fall easily in his trap. Not in his presence but the poison of his crimson red eyes. He's like a God of war and his body was like a pure barricade protecting a greatest wall. The wind was wild and supremely splendid as its blew off the shoulder length of the the vampire's hair. I never notice his hair before but it looks like he intently hide it. It is just the wind that is more territorial than him.
Tatanungin ko sana siya kung ano ang kaniyang pakay dahilan para ako ay habulin niya ngunit bigla na lang akong nabigla at nanlambot ng itutuok niya ang dulo ng punyal sa aking leeg. Wala akong mababakas na emosyon na nanggagaling sa kaniyang mukha dahil ang mapupulang labi at mata niya niya lamang ang aking nakikita.
"Accept your fate my dear princess" He huskily whispered in my ear.
Napasinghap ako ng gumapang ang mainit niyang hininga sa aking leeg dahilan para mas maramdaman ko ang lamig ng dulo ng punyal. Ang kaniyang boses ay malalim pa sa kailalaliman ng bawat daluyan ng tubig. Baritono at namamaos. Mariin akong napatitig sa kaniyang mga mata na puno ng katanungan.
"B-Bakit ako?" Mahinang usal ko dahilan para mas higpitan niya ang pagkakahawak sa baywang ko.
"Kinakailangan ko ang iyong ulo mahal na prinsesa" Walang emosyong sagot niya.
Isa akong prinsesa pero naglalaho na ang aking pinaglalaban. Walang nakakakita at walang nakakaalam. Namamanhid at napapadaing sa katahimikan. Pinigilan ko ang aking paghinga ng muli niyang itaas ang punyal para pugutan ako ng ulo.
"Aahhhh!" Malakas na sigaw ko habang hinihingal.
Bigla kong naramdamn na napapalibutan ako ng mga kababaihan. Isa na sa lubos na nag-aalala ay si Lucea. Napasinghap ako at napabuga ng hangin dahil sa isa na namang panaginip. Maraming beses na akong nanaginip tungkol sa pangyayaring iyon at hindi ko alam kung bakit paulit-ulit lamang iyon.
May katotohanan ba iyon? At sino naman ang mapangahas na pupugutan ako ng ulo? Marahil ay parusa ko ito sa pagiging pasaway nitong mga nakaraang araw.
Napatingin ako sa kabuuan ng aking silid. Napakura-kurap ako sa mga katulong at sa humihikbing si Lucea. Gusto ko sanang tumawa ng malakas kaya lang baka karmahin na naman ako mamayang gabi.
"Mahal na prinsesa! Kamusta ang iyong pakiramdam? Nag-aalala po ang mahal na hari at reyna." Ngumisi ako sa naiiyak na si Lucea.
Sumenyas naman ako sa ibang katulong na umalis na dahil wala naman akong problema.
"Lucea hindi pa ako patay" Natatawa kong sabi ng makaalis na ang ibang katuong.
"Huwag po kayo magbiro ng ganiyan" Naiiyak parin na wika ni Lucea.
Bumangon ako at nag-unat-unat ng katawan. Ramdam ko ang paglapit ni Lucea sa aking likod at sinimulang ayusin ang nagulo kong mahabang buhok.
"It is just a dream Lucea. I mean it is the same dream." I said calmly while looking at the window.
"Ibig niyo bang sabihin ay nanaginip ulit kayo tungkol sa makisig na lalaking humahabol sa inyo?" Tanong ni Lucea na diretsong nakatingin sa aking mga mata.
Nanliit ang aking mga mata sa tanong ni Lucea. Sino ba nagsabing makisig na lalake iyon?
"Tama ka nga Lucea ngunit nasabi ko ba sa iyo kung anong klaseng tao siya?" Tanong habang nakatingin parin sa labas ng bintana.
"Hindi pa po mahal na prinsesa pero nasisiguro ko na kung may maghahabol man ulit sa inyo sa kagubatan ay isang makisig na binata ito na patay na patay sa inyong kagandahan." Saad ni Lucea ng may matamis na ngiti sa labi.
Nababaliw na ba itong si Lucea at kung anu-ano ang sinasabi? Maybe Lucea is a hopeless romantic.
"Patay na patay ba ang tawag sa isang bampira na nagnanais na pugutin ang aking ulo? Nahihibang ka na ba Lucea?" Tanong ko habang nanliliit ang mga mata.
"Ano, mahal na prinsesa?!" Hindi makapaniwalang tanong niya at tinakpan pa ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang mga kamay.
Walang emosyon akong tumango na tila ba wala akong pakealam sa panaginip dahil wala naman talaga.
"Walang karapatan ang lalake na iyon para pugutan ng ulo ang nag-iisang prinsesa ng mga lobo ngunit isa siyang bampira. Hindi ba't wala naman pong makakapasok sa kaharian kahit pa ang magigiting at makapangyarihang bampira sa mundo? Ano po ang inyong ginawa sa panaginip? Sinagip niyo po ba ang inyong sarili mahal na prinsesa? Puno ng pagkamangha ang itsura ni Lucea habang hinihintay ang aking sagot.
"Lucea isa lamang iyong panaginip wala iyong kabuluhan at napakamalas ko lang dahil masyadong mahina ako sa panaginip. Mabuti na rin at nakapagpasyal ako sa kagubatan ngunit hindi parin ako nasisiyahan sa presensya ng lalaking bampirang iyon. Kung makakabalik lang ako sa panaginip gagamitan ko siya ng mahika at ihuhulog sa bangin sa paghawak-hawak niya sa aking baywang!" Reklamo ko kay Lucea na hindi ko namalayang napasigaw na pala ako sa inis. Pinagkrus ko ang aking braso.
Naiinis ako sa panaginip ko! Parati na lang akong talo sa lalaking bampira na iyon at anong naisip niya para kunin ang ulo ko? Kung totoo man iyon hindi siya magtatagumpay. Sisiguraduhin ko ring magdadala ng kabayo. Sinusubok talaga ako ng bampirang iyon!
Nagsimula ng maglabas ng kulay asul na magarbong bestida si Lucea pamalit sa aking pantulog. Sinuklay niya muna ang aking buhok at inayos ang aking higaan na animo'y natatakot na baka tulugan ko ulit siya. Napatingin ako sa aking bilugan salamin na nakasentro sa tapat ng aking higaan. Napairap ako ng maalala ko ulit ang panaginip.
"Mahal na prinsesa mukhang nalilibang kana kakaisip sa iyong panaginip." Matamis na ngiti ang ipinakita ni Lucea.
Bumuntong huminga ako at napatitig ulit sa salamin. Kailan ba ako makakapasyal sa kagubatan? Tanong ko sa aking isipan. Kahit ang mga pinsan ko ay masusungit pagdating sa aking kaligtasan hindi naman nila ako sinasanay.
"Lucea!" Magiliw na tawag ko.
"Bakit po mahal na prinsesa?"
"Mamaya mo na lang ihanda ang aking pampaligo. Nais kong mamasyal muna sa kagubatan ngayong araw."
"Paumanhin mahal na prinsesa ngunit mahigpit na bilin ng reyna na bantayan kayo ng maiigi dahil baka tatakas na naman kayo sa inyong ina. Bukod po doon, gusto ko lang po ipaalala sa inyo na bukas na ang ikalabing-walong kaarawan niyo na siyang pinaghahandaan at hinihintay ng kaharian at buong angkan lobo." Seryosong paalala ni Lucea ng biglang nagpakabog ng aking puso.
Bukas na pala ang aking kaarawan!
Bukas kung saan nakatakda sa propesiya na matatanggap ang kauna-unahang pabuya na siyang susunod na kokoronahan bilang bagong reyna at ako iyon. Magkakaroon ng hindi pang-karaniwang kakayahan ang isang tulad ko na siyang pinaniniwalaan ng aking mga ninuno simula ng ako'y isilang. Ngunit hindi mapapasa sa akin ang trono kapag hindi pa ako naikakasal.
Hindi ito maaari! I have this feeling that tomorrow will be a disaster. No! I'm not yet ready to take this big responsibility. Hindi ko naman ginustong maging isang reyna at isa pa ayoko pang maikasal.