Kabanata 7
Over
"Find a way to buy it." Walang pag aalinlangan na sinabi ni Colleen sa akin.
She raised an eyebrow and slightly tilted her head to the left side to make a point. Natawa ako dahil nagmukha siyang maldita na handang manakit noong gawin iyon.
We're talking about the cargo pants I saw while we were strolling earlier. Pinipilit niya akong bilhin iyon noong sabihing sa tingin ko ay babagay iyon kay Nate. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa lumakad ulit kami para maghanap ng makakainan.
"Bakit? Ang sabi mo bagay sa kanya, then do something to get it. Kung wala kang pera ngayon, pag-ipunan mo muna!"
"I know, but I'm not, like, planning to buy it for him. Hindi ko nga alam kung kaya ko bang ibigay iyon sa kanya kung sakali."
"Ang arte mo. Ibibigay lang hindi mo pa magagawa?"
"You just don't get it."
"Hindi talaga, ang OA mo masyado!"
"Hindi kasi makapal ang mukha ko katulad mo."
Tinulak niya ako kaya bahagyang nakalas ang nakapulupot niyang braso sa akin. Natawa lalo ako roon. Sa huli ay binalik niya muli ang kaliwang braso sa akin.
School days are almost over. It's crazy how time is moving so fast but, at the same time, incredibly slowly. Sometimes I feel like it's unbalanced, like a person's feelings and emotions. Because when I feel happy, it runs so fast, but when I'm almost longing, it won't fly… at all.
Wala masyadong nagbago sa loob ng lagpas siyam na buwan. Nate and I talked more often through call but rarely texted. Mas naging abala kasi kami pareho, lalo siya, noong mga sumunod na months, at talagang isinisingit na lang ang pagtawag. Ganoon din ako kaya kahit nalungkot noong una ay naintindihan ko.
Colleen and Enric have splitted though. Halos limang buwan na mula ngayon. Pakiramdam ko naka move on naman siya dahil masaya at mukhang handa pang makakilala ng bago ngayon.
Going out after our classes have become a regular routine for us ever since we decided to skip lunch break and just eat when classes were over. Mas nae-enjoy kasi naming kumain kapag naiisip na wala ng sunod na klase o gagawin. Lalo siya dahil kapag natapos kumain ay inaantok at gusto ng umuwi.
"Are you sure you have no pictures of him? Baka hindi naman talaga totoo iyang si Nate?"
"I don't have any, Colleen. At ilang beses ko bang sasabihin na wala nga siyang uploads o posts dahil hindi masyadong madalas sa social media?"
"I know. You've told me about that, like, a couple of times. But I wanna see his face! Gusto kong makita kung pogi!"
Hinablot ko sa kanya ang phone noong kunin niya ito habang nakapatong sa mesa namin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya hindi na nagtangkang agawin ulit. She just continued eating her chicken fillet, carelessly dropping the topic when she probably realized that she wouldn't get more information from me.
"Ang chismosa mo." Bulong ko.
"Ikaw kaya ang unang nagkuwento."
"Kasi napilitan ako!"
"Maski na. Alam mo, ang damot mo sa details, samantalang ako halos ibigay na sa 'yo lahat, kahit hindi mo pa ma absorb. Tapos ikaw…"
"Dahil wala naman akong maishi-share bukod sa isa siya sa mga kaibigan ni Kuya Alaric."
"Ah basta, kulang kulang ka magkuwento."
I frowned at her. Tinuloy ko na lang kumain kaysa makipagtalo sa kanya. Colleen received a message from someone so she also got busy for a while. Noong matapos sa pagkain, hinintay ko muna siyang matapos din bago kami tumulak pauwi.
Next week ay magpapractice na kami para sa graduation next month, halos three na lang mula ngayon. Gusto kong mag-absent bukas dahil paniguradong wala naman ng gagawin at pumasok kapag practice na, kaso mas maiinip lang din ako sa bahay.
At least sa school, kahit boring at walang gagawin, ay pwede kong pagtiisan si Colleen at ang mga chismis niya. Isa pa, interesado naman din ako minsan doon. It's just getting too much sometimes that I can't keep up. Idagdag pa na kakaunti lang ang kilala ko sa mga kinukwento niya. Pero mas okay na iyon.
Nakaidlip ako pagkauwi sa bahay. When I woke up from a snooze, I immediately checked my phone and saw a few notifications from Nate, Colleen, and Pete. Inaantok at medyo kinukusot pa ang mga mata ko noong buksan ang kay Nate.
Nate Guallar:
Just got home.
Kanina pa iyon naisend, mga isa o dalawang oras na ang nakakalipas, kaya nasisiguro kong either nagpapahinga na siya o may ginagawa. Nag type pa rin ako ng message para maging updated din siya sa akin.
Andre Herran:
Kakagising ko lang. How's your class?
Noong mapindot ang send button ay iyong kay Pete at Colleen naman ang binasa ko.
Pete Noriega:
When will you send the recording or even just the lyrics of it?
Peter Noriega:
Hindi mo pa ba tapos?
Nalito ako noong una pero natanto rin agad ang tinutukoy niya. Sinend ko sa kanya ang voice recording ng melody upang mapag-aralan niya iyon kalakip noong initial lyrics na naisulat ko.
Colleen Malquesto:
Sis, Dylan has spilled the tea!!!
Mayroon pa siyang message na hindi ko na binasa dahil nahirapan akong alalahanin kung sino si Dylan at kailan namin iyon napag-usapan. Bumangon ako para kumain kahit medyo walang gana. Habang nasa mesa ay nag reply si Nate.
Nate Guallar:
I didn't have classes. I was with my groupmates earlier, like what I told you yesterday.
My lips parted a bit.
Huli ko na narealize na wala nga pala siyang pasok!
Ang unang gusto kong gawin matapos matanto iyon ay mag sorry, lalo hindi na maka keep up sa nangyayari sa buhay niya. Kaso puro na lang ako ganoon the past few weeks at kahit ako ay nauumay na rin kaka-sorry.
I'm well aware that the longer I think of something to respond to him, the higher the chance he will notice that I'm really struggling for words to say, but I don't care anymore.
Paulit ulit kong sinulat ang message, tinitingnan kung ayos ba ang pagkakasulat noon, bago iyon isend sa kanya.
Andre Herran:
It slipped my mind. I thought you have classes today, pasensiya na, medyo busy lang din kasi sa hinahabol na school works.
That was a lie, though.
Noong last week pa ako nakumpleto sa mga school works. Kaya nga gusto ko sanang umabsent na lang muna dahil tinatamad na pumasok. Pero ganoon pa rin ang sinabi ko. Wala na rin kasi akong maisip na i-dahilan na medyo valid.
I let out a low groan when I immediately felt guilty.
Nate Guallar:
It's all right, Andre. You sleep well?
Mas lalo yata akong inusig ng konsensiya. For sure walang kaso iyon sa kanya dahil normal lang naman sigurong makalimot ang isang tao. Ngunit sa akin… knowing that it was a lie…
Kung paanong nagawa kong magsinungaling kahit hindi ko naman iyon intensyon ay bumabagabag sa akin hanggang sa kinabukasan. At kahit pa sa mga sumunod na araw hanggang matapos ang linggo.
Naging madalang muli ang pag-uusap namin dahil naabala ako sa practice. Isang linggo lang kasi ang inilaan para roon at sa dami ng dapat kabisaduhin, sanayin, at pagsabayin ay masasabi kong hectic masyado iyon. At hindi kakasiya bilang preparation para sa gruadation next month.
Mabuti focused ako kahit papaano. Sa kabila rin ng katotohanang kasama si Colleen, na paminsan minsan ay dinidistract ako sa chismis niya.
Hindi ko alam kung bakit stressed out pa siya sa mga nangyayari sa buhay ng mga sikat na students sa campus kaysa sa dumaraming gawain sa practice. Maybe it's a lot of tea and she just can't refuse, especially when it's hot.
"What do you think?" Tanong ko.
Sinulyapan ni Colleen iyon sabay umiling. "It's not giving! Mamili ka pa ng iba. O kaya iyong nauna mong ipakita sa akin kanina."
Bumuntong hininga ako.
Ang dami niyang inayawan pero hindi naman masabi kung ano talaga exactly ang gusto.
Sa huli ay iyong nauna na lang ang pinili kong graduation picture namin, dahil iyon lang din naman ang nagustuhan niya at marahil naaalala. Nilagyan ko ng caption ang picture na "it looks like we made it" bago ipost sa Instagram.
"Okay na. I tagged you."
"Yeah, I got notified."
Tumikhim ako.
Nag scroll ako ng kaunti habang hinihintay ang unang like roon pagkatapos ni Colleen. I was hoping that Nate would like it right away, but I'm pretty sure he wouldn't. Nasa klase iyon sa mga oras na ito. At hindi rin masyadong babad sa social media.
Hinintay ko na lang matapos si Colleen habang inaabala ang sarili sa phone.
"So paano iyon, hindi ka na dadalo sa graduation party?" She asked after sipping on her jasmine green milk tea. Katatapos lang niyang kumain.
I shrugged. "Siguro. For sure kasi busy na sina Mama at Tito Lucio sa The Alcove pagkatapos ng graduation party kaya baka mahuli naman ako sa pagbalik sa El Rabal. I'd rather miss the party than come home late."
"Gusto mo lang lumandi agad e."
"Ano ngayon?"
She smiled before she answered.
"What if sumama ako sa 'yo? Like magbakasyon din doon, hindi ba? Baka may makilala rin ako roon."
Natawa ako sa naisip niya. Medyo lumakas iyon na kailangan ko pang mag iwas ng tingin upang hindi madagdagan habang nakikita ang itsura niya.
"Ang sabi mo maraming kaibigan ang Kuya mo. So malaki rin ang chance na may makilala ako roon, right?"
"Oo, pero baka lahat iyon may mga girlfriend na. Noong bago nga ako umuwi, halos isa na lang ang single sa kanila, maliban syempre sa amin ni Kuya at Nate, at ngayon, for sure maraming nagbago sa mga iyon."
"Exactly! So pwedeng iyong may mga girlfriend last summer ay single na ngayon!"
I shook my head in disbelief. Minsan hindi ko makuha kung paano niya naiisip ang mga ganitong bagay. Siguro dahil iyon lang ang iniisip niya at wala ng iba.
"Totoo ba talaga na gwapo at malalakas ang dating ng mga probinsyano? Parang hindi ko kasi kayang isiping ganoon nga."
Kumunot ang noo ko bago natawa ulit.
"You're going crazy."
"Akala ko maiintindihan mo dahil kay Nate, pero baka nga hindi totoo dahil hindi ka nag agree…"
"Hindi rin ako nag disagree. Tsaka tigilan mo nga iyang mga naiisip mo, tita Claudette won't allow you to go with me anyway. At kung sakaling pumayag man, hindi rin kita isasama."
Colleen frowned and then just looked down to her phone. Ngumiti ako habang ibinabalik na rin ang paningin sa phone screen. Umuwi rin kami pagkatapos makapagpahinga ng kaunti.
Naunang umuwi sina Mama at Tito Lucio after ng graduation kanina dahil marami pang aasikasuhin, at ako, dahil ayaw pang bumalik sa bahay kanina kasama sila, ay sumama kay Colleen. Ngayong nakauwi na, nakaramdam ulit ako ng inip.
Hindi ko tuloy sigurado kung dapat bang matuwa na wala ng school works o malungkot dahil walang pagkakaabalahan.
Sa huli ay naidlip na lang ako. Nate called that evening and we just talked about our day and how it went. I was pretty sure it was short, though – the video call, because the next thing I knew, I was changing my clothes and suddenly deciding to go out.
I texted Colleen while on the taxi. Mabilis ang sagot niya at parang tutok sa phone noong mga oras na iyon kaya nakahinga ako ng maluwag.
Hindi ko alam kung paano gagala na walang kasama. Baka hindi na nga ako tumuloy kung sakali.
"So are we, like, gonna get real drunk tonight?" Nakangiting tanong ni Colleen noong makababa ako ng taxi.
Sinipat niya ang suot kong classic light blue denim jeans at white t-shirt pati gray baseball cap na parang nanghuhusga at may nais pang sabihin. Nag-taas ako ng isang kilay noong magtama ang paningin namin sa mabilis niyang pagsuyod sa porma ko.
Mabuti hindi siya nagsalita tungkol doon at mas nanaig pa rin ang katanungan. At siguro takot na baka sumama ang mood ko.
"Depends. Pero kung sakali, hindi ako ang magbubuhat o aalalay sa 'yo. Kaya ayusin mo ang sarili mo mamaya."
"Oo naman, I'm a real tough kid. Now, let's go. I know a good place to start with." She giggled before dragging me elsewhere.
Marami siyang kuwento, na hindi ko napakinggan nang maayos dahil sa ingay ng paligid, mula noong mabilis kaming lumakad papunta sa kung saan. Ang iba ay nahagip ng tainga ko ngunit hindi rin naintindihan. Mabuti huminto kami kalaunan.
Tumawa siya noong makapasok kami sa isang hindi kilalang night club.
"We should get a drink!"
Nilamon ang boses niya ng hiyawan bago pa kami magkaintindihan. Napalunok ako noong makita ang kabuuan ng establisyemento. Marami sa mga naroon ang halatadong nakainom na.
Hindi ito ang gusto ko pero baka makatulong upang ma distract ako ng kaunti. Lalo sa susunod na linggo ay uuwi na uli ako ng El Rabal.
"Aron's here! Naroon sila mga five tables mula rito. We should go and say hello!" Colleen shouted as she hand me an orange vodka.
Tinanggap ko iyon.
Natawa ako sa itsura niya habang pinagsasabay ang indak at pagsasalita nang pasigaw. Hindi pa naman nag uumpisa ay mukha na siyang lasing. O baka pumuslit na ito ng inom habang nasa counter kanina?
"Aron who?"
"Esther's ex-boyfriend! Siya 'yong madalas kong ikuwento sa 'yo!"
"What about her?!" Sigaw ko rin dahil hindi na kami magkarinigan.
"Weren't you listening to me the whole time that we're practicing for graduation?! Sinabi ko iyon sa 'yo! That Esther was rumored to be breaking up with him because he's closeted!"
Nalaglag ang panga ko dahil medyo naalala nga iyon. Natawa ako pagkatapos saglit na makabawi.
Ganito palagi kapag may chismis siya at hindi ko masyadong maalala. Ikukuwento niya ulit ang balita kahit kumain iyon ng oras para lang maintindihan o maalala ko. Kahit iritado ay sinasabi pa rin niya para maka relate ako at sabay naming pagtawanan.
"I don't like him!"
"Ano ngayon? Makikipag friends lang naman tayo! Baka matulungan mo pa siya sa pinagdadaanan for being closeted."
"Why would I do that? He doesn't need help, you bitch!"
"Oh kahit anong reason basta makausal natin sila!"
My eyes narrowed.
Naghintay ako ng ilang segundo bago humalukipkip at sinundan ang gawi na itinuro niya kanina. Bumaling muli ako noong hindi mamukhaan ang tinutukoy niya.
"May gusto ka sa isa sa mga barkada noon, 'no?" I speculated. Mukhang naiisip niya na'ng ganoon ang iniisp ko kaya ngumisi siya.
"Damon looks hot, I can't help it!"
Natawa kami pareho. Sa huli ay pumayag ako pero hindi ginawa ang gusto niyang mangyari. Abala rin si Aron sa ilang kaibigan na kausap kaya walang pag-asa na matanong ko siya kung sakali. Not that I would ask him anything anyway.
Colleen, on the other hand, looked foolish while grinning at Damon's jokes. Nasisiguro kong nakikipagpalitan din siya ng mga biro, at for sure marurumi ang mga iyon. Nanahimik na lang ako sa isang tabi.
Naghiyawan ang ilang mga lalaki sa gilid kaya napatingin ako roon. Walang gwapo pero naisip kong titigan isa isa dahil mukhang pamilyar ang ilan sa kanila.
"I heard Andre that you're just about to leave, right bro?" Si Aron yata iyon o baka ang katabi niya.
Tumingin ako sa kanila.
Colleen looked shocked. Natigil din ang biruan nila ni Damon dahil sa biglaang singit ng malakas na boses ni Aron.
"I said that?" Lito kong tanong kahit obvious naman na pinapaalis kami nito.
He nodded.
"Right, we're leaving. Good thing I already slid into his DM. Let's go, Andre!" Colleen laughed.
Nag walk out siya kaya agad kong sinundan. Hinahabol ko pa siya upang marinig ang susunod na sasabihin noong bigla siyang huminto, nakangiti, at mukhang may naisip.
"May alam pa akong magandang puntahan!"
My lips parted. Gusto kong sabihin na pwede naman kaming bumalik pa sa loob kaso hindi ko tinuloy. Baka ayaw lang din talaga niya roon, lalo sa halatang disgusto ni Aron sa amin. Baka rin nainip lang talaga siya nang ganoon kabilis sa mga tao.
"Let's go, then."
Hinatak niya ulit ako papalayo.
We never tried club hopping before, but it's more fun than just staying in one. Noon ay medyo duda ako roon dahil bukod sa nakakapagod, parang mahirap din iyong gawin, pero ngayon, kumbinsido na akong magandang solution iyon para sa mga tulad naming nabobored agad. O kaya para sa akin na hindi agad nakakakuha ng kausap o kaibigan 'di katulad ni Colleen.
I remembered Nate all of a sudden. Nilagok ko ang alak kasabay ng pagtulak ng bagay na iyon palabas sa isipan.
Noong una ay hindi ko rin siya naging close masyado. Kinainisan ko pa nga dahil sa pagiging distant at medyo forbidding appearance.
Paano nga ulit kami naging close?
Mula lang noong nag kiss at… Pero noong hindi pa, bihira naman kaming mag usap. Naisip ko, kailangan kayang mauwi sa ganoon, o kahit malapit doon, para may maging close man lang ako?
Hindi naman siguro dahil naging malapit naman kami ni Eloise at Colleen kahit walang ganoon. Ngunit unexpected naman kasi ang friendship na iyon. Paano kung mismong ako ang gustong makipagkaibigan?
"Good God, Andre?!" Si Pete na biglang sumulpot sa gilid ko.
Medyo nagulat ako roon.
"We're you following us?!"
Sadly, I'm not… I whispered. Tumawa kami pareho.
"Let me get you another glass, then."
"Sure."
Hinanap ko si Colleen at nakita kalaunan na nakatingin sa amin. She smirked when I saw her staring. Mukhang mang-iissue na naman mamaya ito.
"So should I brace myself for a change of mind next Friday?" Pete asked.
I smiled and then shook my head. Bumagsak ang mga balikat niya dramatically na ikinahalakhak ko.
"Just because I decided to go out doesn't mean I'm looking forward to experiencing more of this!"
"I know, but I still hoped!"
"I'm sorry!"
He laughed. Kumuha rin siya ng maiinom saka umupo sa katabing high stool chair bago tumingin sa akin. Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin.
"I'm starting to think that you're avoiding me!"
Kumunot ang noo ko.
Uminom ako habang sinisikap intindihin ang sinabi niya. Hindi totoo iyon pero halata namang nagbibiro siya. Pero baka idinadaan niya lang din sa biro kaya gusto kong linawin.
"You don't have to," dagdag niya.
Tumikhim ako. "I'm not avoiding you, Pete!"
"Oh, really?"
Tumango ako dahil iyon ang totoo. Gusto ko lang talagang makauwi ng Castillejos bago pa matapos ang Abril. At siguro matakasan ang maingay na siyudad ng Maynila.
Humalakhak siya at umakbay sa akin.
"Then why?"
Sinulyapan ko ang kaliwang kamay niya na nagtagal sa balikat ko. Mukhang hindi niya pansin na nahahalata ko iyon kaya hindi pa inaalis. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka ganito nga ang iniisip niya.
"Vacation, I guess?" I divulged.
Bago ko pa maibaba ang kamay niya ay tumaas na iyon at nahawakan ang leeg ko. Pwersahan niya akong inilapit sa kanya para mahalikan. Good thing I've been reading into his actions long before this happened so I anticipated the whole thing.
Mabilis kong naitulak ang balikat niya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya napalayo pa lalo. Umawang ang mga labi niya.
"I… I'm sorry, I thought-"
"It's alright. I think I'll just go home."
"N-No! Wait, I… I could go with you or at least help you get a taxi."
"It's okay, Pete. I can do it, enjoy yourself."
"Andre…"
"Magpapaalam lang ako kay Colleen." Sabi ko habang tumatayo. Nilibot ko ang paningin pero hindi nakita ang kaibigan. "… You know what, I'll probably just text her."
Naglakad ako palayo kahit narinig ko pang tinawag ako ni Pete. I knew he would do something like that!
Sumakay agad ako sa humintong taxi sa tapat ng establisyemento at sinabi ang paroroonan. Kinuha ko ang phone ko para sana mag chat kay Colleen na uuwi na ako ngunit nakita kong may ilang notifications mula sa account ni Nate ang pumasok sa akin.
It was not his post, but one of his classmates's. He was tagged. Iyon pa lang ang unang post ang mayroon sa profile niya. Isa isa kong ni-swipe ang nasa seven pictures at pinagmasdan ang mga kasama niya.
I think it's a groupwork but it looked like they've done nothing that much. Mukhang kaunti lang ang mga natapos nila base sa background. O baka sinadya nilang huwag masyadong ipakita ang ginagawa.
I saw Emily, Yohan, and Niki on the pictures. They've aged a bit. Sila lang ang familiar sa akin at ang iba ay hindi ko pa kailanman nakita kaya hindi ko masabi kung may pagbabago rin sa itsura nila.
Pagod akong humiga sa kama noong makauwi. Ngayon pa lang umeepekto ang hilo at alon sa paningin ko kaya ipinikit ko na lang ang mga mata. Kinabukasan ay masakit ang ulo ko. Bumangon agad ako at lumakad kahit mas dumoble pa ang sakit sa sentido noong ginawa ko iyon.
Nag toothbrush muna ako saka nagbuhos bago lumabas. Maaga yatang nakaalis sina Mama dahil wala na akong naabutan sa sala kundi pagkain para sa agahan. Noong mahagip ng mga mata ko ang wall clock ay nanlaki ang mga iyon.
Tanghali na pala?!
Nagmamadali akong pumasok ulit sa kwarto upang kuhanin ang phone. Nakapako ang pahingin ko roon noong muling lumabas ng silid.
Marami ulit notifications pero dumiretso pa rin ako sa account ni Nate. I was hoping that he would delete the post, but he didn't. Naroon pa rin iyon at humakot pa ng maraming reactions at iilang comment.
Nagsandok ako ng fried rice at chicken nuggets pati sunny side-up egg na niluto mula sa bacon fat. Habang kumakain ay binabasa ko rin ang comments na naroon.
Wala specifically ang directed kay Nate o kahit na sino pero mayroong nasusulat sa pabirong paraan. Siguro isa sa mga gumawa noon ay nasa mismong picture din. Hindi ko na inabala ang sariling isa isahin ang mga nag comment kundk dumiretso na lang sa direct message ni Colleen.
It's a link from Nate's tagged post. Dahil umaga, marami siyang chismis na naisend sa akin. Isa ang kay Nate.
Colleen Malquesto:
Bitch, are you kidding me?! He's like a tortured Greek god who got exiled for being hot and sturdy! Look at those biceps and forearms!
Napailing ako roon. May image pa siyang ibinahagi na naka zoom sa shorts ni Nate at kita ang bulge sa gitna noon.
Colleen Malquesto:
No wonder you're such a loyal little bitch.
Colleen Malquesto:
He's giving a BDE
Hindi ko pa tapos isa isahin ang unread messages niya ay lumitaw na agad ang notification sa video call niya. Nakasimangot ko iyong sinagot.
"Are you literally eating a breakfast?"
Tumango ako. "And you're disturbing me."
"Girl, I'm panicking, but at the same insecure. How'd you get a man as fine as that?!"
"Ang OA mo masyado!"
"You know what, I'm half-convinced that men who have no social media, but was forced to have one, but also occasionally posts, but also follows nothing but their lovers, are the most beautiful creature among men. Don't even start asking why!" She said, almost yapping.
"Are you sure you're sober now?"
Huminto siya at napakurap kurap. Umawang ang labi niya at mukhang may gusto pang idagdag kung hindi lang ako nagsalita.
"Pete tried to kiss me last night…"
"So can you confirm or deny my assumption of him having a big di- What?? He what?!"
Itutuloy pa sana niya ang mga natitirang salita sa nais sabihin ngunit nabitin noong ma proseso siguro ang sinabi ko. Her jaw dropped. Matagal bago siya nakabawi.
"What the actual fuck did he do?!"
"I know this sounds crazy, but I probably flirted back accidentally the past months that we're hanging out. Pero hindi dahil gusto kong lumandi, hindi ko lang talaga naisip na ganoon ang iisipin niya at mauuwi pa sa ganito-"
"You should've kissed him, then!"
My left eyebrow furrowed.
"Alam mo, pinagsisisihan kong sinabi ko pa sa 'yo ito."
"I mean, it's your chance!"
"Na ano?"
"You know what, I don't get it, Andre! It's Pete! And it's prolly true that he's also gay when he tried to kiss you! So if you still don't get it right, you dumbass little bitch, let me spell it out for you!"
Huminga muna siya sa bilis at lakas ng pagsasalita.
"It's an opportunity to make out with one of the hottest guy in the campus and also to prove that he, just like most of the gorgeous ones in the city, is also a homo, and that there's nothing wrong with that!"
"You're crazy…"
"Ang hina mo naman!"
"The thing here is, I might've gave mixed signals to him. Kaya nag assume siya na ayos lang at gusto ko ring mahalikan. What if he's closeted? And now, natatakot siya kasi ng dahil sa ginawa, maaaring ma out siya nang wala sa tamang oras?" I told her.
Mukhang hindi niya naisip iyon kaya medyo lumamlam ang itsura.
"You're right."
"So please, don't out him or even that guy Aron. I know we shouldn't think of this, like, as a big deal, and I honestly don't give a shit about one's sexuality, but since they probably do, as much as the people around them, I guess let's just respect it."
"Yeah, I know… I just feel bad. Hindi ko gagawin iyon. Anyways, so I saw Nate's face, and he's gorgeous as hell, and now Pete tried to kiss you last night because you think you gave him some insane mixed signals. So much has happened without me knowing a single detail about it, huh, you sneaky little bitch?"
"I was about to tell you, kaso hindi kita mahanap. Saan ka ba noong mga time na iyon?" Nanunuya kong tanong.
She smiled sheepishly.
"Oh, I also probably made out with someone last night, and I… I didn't know his name."
My lips parted. She what?!
"Are you kidding me?"
"Mabilis kasi ang pangayayari! Pupunta lang dapat ako ng restroom tapos nagkasalubong kami. He's drunk a bit, and I'm drunk a little too much, and the next thing I knew happened was I'm grabbing his-"
"Oh fuck, please spare me the details before I picture it in my head. Masakit na nga ang ulo ko, pasasakitin mo pa sa detalyado mong kuwento!"
Natawa siya pero itinuloy pa rin ang pagbunyag sa kababalaghang ginawa kagabi. Nagpatuloy ako sa kinakain kahit ganoon ang mga lumabas sa bibig niya. Siguro dahil sanay na kaya natagalan ko hanggang sa natapos siya.
"But did Pete DM'ed you or perhaps call you?"
"Hindi pa, at sa totoo lang, mas okay na iyon sa mga oras na ito. Hindi ko rin kasi alam pa kung ano ang sasabihin sa kanya kung sakali."
"Just say you're sorry for giving him mixed signals. And say you don't mean to?"
I nodded. Iyon nga ang gagawin ko pero hindi iyon ganoon kadali. Lalo kapag nakita ko ang mukha niya. Ngunit at least kahit paano ay may idea na sa sasabihin. Medyo hirap kasi akong umisip kung paano iyon sisimulan o tapusin.
Naka receive nga ako ng direct message kay Pete siguro mga dalawang araw matapos ang usapan namin ni Colleen.
Pete Noriega:
I'm so sorry about what I did, Andre. I hope you can still forgive me for being that aggressive before you go on vacation.
Gusto kong mag reply at sabihing walang kaso iyon subalit napigilan ng pakiramdam na sa aming dalawa, ako ang dapat humingi ng tawad dahil baka umasa siya na mayroong kahantungan ang medyo madalas naming gala noon.
Andre Herran:
It's nothing, Pete, really. And I'm sorry for giving you mixed signals. I know I did. Kaya sorry talaga.
Nagpatuloy ang mga araw na nasa bedroom lang ako. Kung hindi kausap si Colleen ay inaabala ko na lang ang sarili ko sa dating mga gawi: songwriting, melodies, and poems. Kapag naiinip gawin iyon ay binabasa ko na lang ang mga libro na naroon.
I took a long and deep sigh when I noticed that it's starting to rain gently and almost steadily in fine drops outside. Mukhang mas matatagalan pa tuloy lalo bago kami makatulak nito.
Sinulyapan ko ang counter ng The Alcove at hindi nakita roon si Tito Lucio. Baka abala pa ang isang iyon sa kung anong niluluto sa kusina. Pakiramdam ko tuloy ako ang nakakaabala rito.
Kanina nakatanggap ako ng text message kay Mama na si tito na lang ang maghahatid sa akin sa Castillejos. Busy raw siya sa trabaho at hindi kayang gumawa ng time para maihatid ako.
I found it weird, though.
Tingin ko may iba pang dahilan. Baka nag away sila?
Kasi noong mga nagdaang summer, walang palya na siya ang naghahatid sa akin. Minsan nga ay isinasama niya pa si Tito Lucio sa biyahe dahil siguro ayaw mahiwalay rito ng mahigit anim na oras. Tsaka alam kong gusto niyang bumalik sa kinalakihang lugar, kahit wala namang nagbabago roon.
Hindi rin naman ito ang unang away nila for sure. Wala lang akong natatandaan na sobrang lala na away na umabot sa hindi pansinan ng ganoon katagal.
They love each other. Kaya nga nagsama pa rin sila kahit nangako si Mama na hindi na iibig pa ulit noong nawala si Papa. A lot of people could not yet let it slide, like Kuya Alaric, but I know they'll going to make it some time. Oras lang ang maaaring makagawa noon, lalo kung sapat at tama ang nakalipas.
"It looks like we're gonna get delayed for a couple of hours." Si Tito Lucio.
Hinatak niya ang katapat na silya at tumitig sa labas. Ngumiti ako at tumango kahit alam na maaaring hindi niya makikita iyon.
"Ayos lang, hindi naman po ako masyadong nagmamadali."
"I know you are, Andre. Palagi kang excited kapag bakasyon!" Natatawang sabi niya na ikinatawa ko rin ngunit saglit lang.
Kumalma rin siya agad kaya muli kaming natahimik.
Aminado akong hanggang ngayon, kahit tanggap ang relationship nila ni Mama, ay hindi pa rin ganoon ka-comfortable sa kanya. Syempre halos ilang taon pa lang simula noong dumating siya sa buhay namin. Ni hindi ko muna siya nakilala ng lubusan bago maging nobyo ni Mama at pakasalan.
Pero I feel safe, no matter what. Alam ko ring ganoon ang nararamdaman ni Mama. At sa totoo lang, hindi mahirap makita ang mga bagay na nagustuhan niya kay Tito.
He's caring, sweet, funny, and literally a cook. Matangkad din at mestizo at gwapo.
Kita ko ang mga katangiang iyon simula noong piliing tumira sa puder nila kahit may option na sa Castillejos na lang din maiwan, katulad ni Kuya.
"You two have a fight?" Tanong ko noong nasa pick up niya na kami at matulin iyong umaandar sa basang kalsada ng Makati.
Naramdaman kong tumingin siya sa akin sa gitna ng pagmamaneho. Nag focus lang ako sa tanawin sa labas, kahit hindi medyo matanaw iyon dahil sa hamog at lakas na rin ng ulan at ihip ng hangin.
Hinipo ko sa salaming bintana ang dew na mabilis na pinalis ng patak ng ulan mula sa itaas.
"We had a small fight about something last night, but it's nothing. Maaayos namin iyon kapag hinayaan niya akong makausap ulit siya mamayang gabi kapag nakauwi. But she's still busy so…"
Tumango ako.
"She's not upset with you, though. Baka isipin mo na galit siya. Ganito lang talaga iyon kapag nagagalit sa akin, sa akin din mismo ipapagawa ang ilang trabaho sa bahay."
"I know…"
Alam ko dahil kilala ko ang magulang. I even think I inherited that kind of trait somehow. O baka nga hindi lang iyon kundi marami pa.
Hindi na kami nag usal pagkatapos noon. Mabuti umuulan at kahit papaano ay naririnig iyon, kung hindi, baka ikamatay ko ang katahimikan. Ramdam ko rin naman kasing naninimbang muna si tito Lucio, lalo ito ang pinakamahabang oras na kami lang ang magkasama.
Na miss ko tuloy ang spotify playlist ni Mama. Kung accessible ko iyon ay baka ako na mismo ang nagpatugtog sa sasakyan.
"She loves you."
Napatingin ulit si tito noong magsalita ako makaraan ang ilang oras o minuto.
"Alam ko," Nakangiting sabi niya bago nagbalik ng paningin sa daan. "She loves to hate me, but she hates to hate me too."
"Mabuti po, baka isipin ninyong dahil upset o galit, hindi kayo mahal."
Nagtawanan kami noong subukan kong ibalik ang sinabi niya sa akin kanina dahil siguro hindi iyon nag work out. I just was not thinking at all.
Nakaidlip ako habang nasa biyahe at nagising na lang noong malapit na kami. Kinusot ko ang mga mata noong mapansing medyo lumabo iyon. Sinubukan kong tanawin kung saan na kami at medyo nagulat pa noong ma realize kung gaano kalapit na sa Castillejos.
Ang malalaking puno ng acacia, ang maayos na kalsada subalit medyo makipot kumpara sa siyudad, at ang kulay berdeng paligid mula sa dahon at maliliit na damo sa lupa. Iyon ang ilan sa mga napansin ko at nagsasabing malayo na kami.
Kinuha ko ang backpack sa backseat at ipinatong iyon sa lap ko. Sumulyap ako kay Tito Lucio at ngumiti noong tumingin din siya saglit.
"I'm sure they missed you there."
"They do…" I whispered.
I ran my fingers through my hair as I saw the familiar Italian-style house of Lolo Leopold from afar. Unti-unting lumalapit iyon hanggang sa huminto ang pick up sa tapat.
Naglahad si Tito Lucio sa akin ng itim na payong. "Good bye, Andre, you deserve this summer vacation."
"Bye, tito."
Bumaba ako ng sasakyan saka muling sinara ang pinto noon sabay bukas ng payong bago sumungaw sa bintana.
"Talk with Mama. Fix this, before the night falls." Nakangiti kong bilin. He nodded.
"Are you sure you don't wanna go inside? Para sana makainom ka man lang ng fruit juice o malamig na tubig…" I asked him. Umiling siya kaya tumango ako, mukhang nagmamadali ring makabalik ng Maynila. "You guys talk. Fix this, after the night falls. Huwag na paabutin ng bukas, alright?"
Marahan ulit siyang tumango.
Umatras ako para makabuwelta siya nang maayos at makagalaw pabalik sa daan na tinahak namin kanina. Kumaway ako noong medyo lumalayo na ang pick up. Huminto ako noong maglaho na ito sa gitna ng malabong kalsada at hindi ko na matanaw pa.
Pumihit ako sa front yard ng bahay at huminga ng malalim saka nagpatuloy papasok. Habang lumalakad, isa lang ang nasa isip ko.
Patuloy siyang tumatakbo roon na hindi ko namalayang nasa tanggapan na ako ng bahay, medyo basa mula sa umaangging patak ng ulan sa dulo ng payong at medyo nilalamig. Mukha namang may tao sa loob dahil mayroong naka park na sasakyan, ang isa nga ay iyong pick up truck pa ni Kuya Craig.
I heard something, though, so I decided to follow where it came from, instead of proceeding to the foyer. It sounded like a stifled moan, and got cut off before even making a loud whining sound in the middle of the pouring rain.
Naisip ko na baka may tao roon kaya nagdalawang isip akong tumuloy noong una. Pero habang lumalapit at medyo naririnig ang impit na ungol, mas lalong lumalakas ang kagustuhan kong sundan ang pinanggagalingan noon.
Lalo noong matanto ko kung kaninong boses iyon.
"Remi?" Gulat halos ang tinig ko nang maibulong ang pangalan niya, hindi tuluyang makabawi dahil noong maglipat ako ng paningin sa kahalikan niya sa tagong parte paliko sa patio ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Wala akong nasabi kundi…
"N-Nate…"
Huminto sila at tumingin sa gawi ko. Mabilis na naitulak ni Remi ang dibdib ni Nate palayo sa kanya. Napalunok ako.
I'm sure as fuck that they're kissing… with tongues! Hindi rin nila maitatanggi iyon dahil halata masyado sa gusot at medyo nahuhubad na damit ni Remi.
Siguro dahil gulat, hindi rin sila kaagad nakapagsalita. Lalo si Nate na nanatiling simangot ang mukha at medyo nakaawang ang mamasa masang labi. Nagtagal ang paningin ko roon at medyo…
"Andre, i-ikaw pala!" Naiilang na natawa si Remi habang inaayos ang bumababang suot niya na white spaghetti strap.
Tumango ako, hindi alam kung paano ko nakakayang tagalan ang ganitong sitwasyon sa kabila ng nakita. Alam kong masakit iyon pero mas nababahala ako dahil hindi iyon makikita sa itsura ko. I was literally dying inside.
"Welcome back!" Pilit ang tono niyang sabi saka marahang lumapit sa akin.
Umatras ako.
"Listen, Andre… I know this sounds ridiculous, but please… don't tell it to Kuya Erwan, what you saw, or to Alaric, or… to anyone else!"
Saka lang bumigat ang paghinga ko noong sabihin niya iyon na parang nakikiusap sa akin. Na parang sinasabing balewalain ko ang nakita. I can't do it.
"Please…"
Umiling ako dahil iyon naman talaga ang gusto ko. Hindi ko magagawang itago iyon.
"Andre?" Boses ni Kuya Alaric.
Narinig ko ang footsteps niya at ng ilan pa na tumigil sa likod ko. Hindi ako lumingon. Ramdam ko ang tension sa pagitan namin ni Remi habang nakatitig ako kay Nate, medyo nanginginig ang mga sariling labi, siguro mula sa ulan… o baka sa galit.
"What are you guys doing here?" Si Ares iyon.
"Bakit hindi ka pumasok muna sa loob, Andre? Malakas ang ulan at nababasa ka!"
Ni hindi ko na napansin iyon. Masyado akong nagulat at nawala sa mismong sarili noong makita si Nate… pero hindi dahil sa na imagine kong dahilan noong paluwas pa lang ako rito… kundi sa dahilang ni minsan, hindi sumagi sa isip ko.
Sa mga oras na nakabalik kami sa bahay at alukin ako ni Kuya na kumain o kaya magpahinga pagkatapos kong balutin ang sarili ng towel, isa lang ang bagay na nagpaulit ulit sa isip ko.
Why would he do this?