webnovel

Chapter 63

Naging mahaba ang gabing iyon para sa kanila. Pagsapit ng bukang-liwayway ay pansamantalang umuwi muna si Mang Isko sa bahay niya upang tingnan naman ang kalagayan roon. Nagpaiwan naman sina Milo upang tumulong kay Klarita at sa asawa nito.

Tanghali na nang bumalik naman sina Maya at Liway sa bahay ni Mang Isko upang makapagpahinga na rin ang mga ito.

"Ate Maya, sabi ni Tatay Isko may pupuntahan muna siya sa kabilang baryo at babalik na lang mamayang hapon," bungad ni Klarissa pagdating nila sa bahay.

"Gano'n ba Klarissa, sige, magpapahinga lanag muna kami." wika ni Maya at tuloy-tuloy na silang pumasok sa kanilang silid.

Sumapit na ang hapon at hindi pa rin nakakabalik si Mang Isko. Nagtataka naman si Maya dahil nagbilin ito na hapon ito babalik, ngunit magdidilim na ay wala pa rin ito. Nagsimula nang mangamba si Maya kaya naman sinabihan niya si Liway na mauna na sa bahay ni Klarita at sabihan si Milo at Simon sa kasalukuyan sitwasyon.

Sumang-ayon naman si Liway at dali-dali nang tinahak ang landas patungo sa bahay ni Klarita. Nang makaalis na si Liway ay naglakad naman si Maya palabas ng bayan, sinusundan niya ang mga bakas na naiwan doon ni Mang Isko gamit ang kaniyang matalas na pang-amoy. Dahil pagabi na nga ay mas naging matalas pa ang pang-amoy niya kaya naman hindi siya nahirapan tuntunin kung nasaan na si Mang Isko.

Sa maliit na baryo niya natagpuan si Mang Isko, sa isang maliit na kubo kung saan abala ito habang ginagamot ang sang lalaki na punong-puno ng sugat sa katawan.

Gulat na gulat pa ang matanda nang makita si Maya na nakatayo sa labas ng kubo. Dali-dali itong tumayo at tinawag ang dalaga.

"Maya, bakit ka nandito?" Tanong ni Mang Isko sa dalaga.

Lumapit naman is Maya at tuluyan nang pumasok sa loob ng kubo at magalang na bumati sa mga taong naroroon.

"Nag-aalala po ako dahil hindi pa kayo nakakabalik. Ang sabi niyo sa mga bata ay babalik kayo ng hapon ngunit wala pa rin kayo kaya nagdesisyon na akong sundan kayo." tugon ni Maya at matamang tinitigan ang lalaki.

"Aswang din ang may gawa nito at mukhang may lason ang mga kuko ng aswang kumalmot sa kaniya." Wika pa niya at napatango si Mang Isko.

"Oo tama ka, kababata ko ang tatay ni Kardo, kaya nang mabalitaan ko ang sitwasyon iya ay dali-dali akong pumunta rito. Una, akala ko ay mga simpleng kalmot lamang ito, ngunit nang matingnan ko na siya ay nagulat ako dahil nangingitim na ang mga sugat niya. Doon ko napagtantong may lason ang kalmot ng aswang na iyon." Wika naman ni Mang Isko habang napapailing.

"Nilapatan ko na siya ng paunang lunas at para mapabaga rin ang epekto ng lason sa kaniyang katawan. Ngunit wala akong sapat na gamit at halamang gamot na maaaring gamitin para tuluyan nang mapgaling si Kardo."

"Huwag ho kayong mag-alala, dadalhin ko rito si Milo. Bihasa siya sa mga ganitong sitwasyon," suhestiyon ni Maya at nangislap naman ang mata ng matanda.

"Ay mabuti pa nga Maya, tama, bakit ko ba nakalimutan si Milo. Sige, dalhin mo siya rito." tuwang-tuwa na wika ni Mang Isko at nagmamadali nang umalis si Maya.

Dahil gabiay mabilis na nakabalik si Maya sa Bayan ng Talusan at mabilis niya ring naisama si Milo pabalik sa maliit na baryong kinaroroonan ngayon ni Mang Isko. Nang makita ni Milo ang kalagayan ng pasyente ni Mang Isko ay hindi na siya nagsayang pa ng oras at agadnang sinuri ang lalaki. Matapos masuri ang mga sugat nito ay nagmamadali siyang lumabas upan maghanap ng lupa.

"Kaibigan, maari ko bang makuha ang lunas sa lasong ito?" Tanong niya sa hangin habang inilalahad ang dugong kinuha niya sa sugat ng pasyente niya. Ipinatak niya ito sa lupa at agad na nag-usal.

Ilang sandali pa ay muli niyang inilahad sa hangin ang kaniyang kamay bago ito ipinatong sa ibabaw ng lupa habang nakapikit ang mga mata. Isang liwanag ang nagpamulat sa mga mata ni Milo. Nanggagaling iyon sa lupa kung saan nakapatong ang kaniyang palad, dahan-dahan niya itong iniangat at napangiti. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa tuwing tinatawag niya ang mga elemento ng kalikasan. Hindi na yata siya masasanay sa ganoon, dahil habang tumatagal ay lalo siyang namamangha sa kapagyarihang ipinagkaloob sa kaniya ng Panginoon.

Nang makuha na niya ang kaniyang kailangang halaman ay nagmamadali na siyang bumalik sa loob ng bahay ng kaibigan ni Mang Isko. Kumuha siya ng isang batya at humingi siya sa maybahay ng kaniyang pasyente ng maligamgam na tubig. Mabilis na kinuha niya ang kaniyang mg kagamitan at dinikdik na ang mga dahon doon. Piniga niya ang katas nito at nilagay sa baso at nilagyan iyon ng kaunting langis at malinis na tubig. Sa batya naman na may maligamgam na tubig ay hinalo niya ang mga dinikdik na dahon.

Pinabangon na nila ang lalaki at marahan ipinainom dito ang kalahating baso ng lunas, matapos iyon ay ipinunas naman ni Milo ang maligamgam na tubig na hinaluan ng halamang gamot. Halos isang oras din ang ginugol ni Milo at kalahating oras pa silang naghintay bago nila nakita ang bisa ng inilapat nilang lunas.

"Basi sa mga kalmot na tinamo niya, posibleng isang aswang ang may kagagawan nito, subalit hindi lamang ito isang ordinaryong aswang kundi may dugo rin ito ng isang manlalason. Ang lahing ito ay parehong mapanganib sa tao at sa mga aswang. Walang makakaligtas sa lason ng nilalang na ito." wika pa ni Milo matapos niyang gamutin ang lalaki.

"ibig sabihin hindi na makakaligtas ang asawa ko?" naiiyak nang taning ng maybahay nito.

"Ligtas na ang asawa niyo ate, ang mismong lunas sa lason ang ating ibinigay sa kaniya. Kung normal na albularyo lang ang lalapitan niyo ay hindi niya ito magagawang gamutin dahil hindi tumutubo sa ating mundo ang halamang siyang lunas para sa lason ng pinaghalong aswang at manlalason." Tugon ni Milo.

Napatango naman si Mang Isko bilang pagsang-ayon sa sinabi ng binata.

"Tama ang sinabi ni Milo, Solidad. Kahit ako ay aminadong hindi ko magagawang gamutin ang asawa mo. Pasalamat na lamang tayo at nandito pa sila Milo nang mangyari ito sa asawa mo." Dagdag pa ni Mang Isko at tuluyan na ngang napaiyak ang ginang. Walang tigil ito sa pagpapasalamat sa kanila at napangiti lamang si Milo.

Malalim na ang gabi nang lisanin nila ang baryong iyon. Hindi na sila nagtagal pa roon dahil hindi pa tapos ang banta ng mga balbal sa kanilang naiwang bayan. Pagdating nila sa lamay ay naabutan pa nila si Simon na nagbabantay sa bukana ng tolda habang si Liway naman ay nasa loob na siyang nakatingin sa kabaong ng dalawang namat*y.

"May mga namataan na akong mga balbal na umaaligid-aligid sa labas. Hindi naman sila nakakalapit dahil sa mga nagbabantay at sa mga sulong nakapalibot sa paligid natin." Saad ni Simon at napangiti naman si Mang Isko.

"Hayaan mo lang sila, hangga't hindi sila nakakalapit sa atin ay hindi rin tayo gagalaw. Hangga't hindi nila pinagtatangkaan kunin ang ating binabantayan ay hindi din natin sila gagalawin." Wika ni Mang Isko. Likas na sa mga balbal ang magmanman, kapag nakakita sila ng pagkakataon ay paniguradong wala ka nang magagawa lalo kung hindi ka handa.

Lumipas ang halos isang linggo at tuluyan na ngang inilibing ang mga namayapang kaanak ni Klarita. Hanggang sa sementeryo ay nararamdaman nila ang mga presensya ng balbal na nagmamasid sa kanila.

"Mukhang hindi pa rin sila tumitigil a', nangangati tuloy ang mga kamay kung pumaslang ng mga balbal.". Gigil na wika ni Maya.

"Darating tayo sa oras na yan. Bago tayo umalis linisin muna natin ang kabundukang malapit dito. Medyo naalibadbaran na rin ako sa mga 'yan." Sang-ayon naman ni Simon.

"Ganyan ba talaga ang dalawang 'yan?" Natatawang tanong ni Liway kay Milo. Maging si Milo ay napahagikgik na rin. Sa katunayan, kanina pa ay nakakaramdam na rin siya ng pananabik na makasagupa ang mga nilalang na iyon.

Bilang proteksyon sa mga balbal, ay naglapat ng dasal si Mang Isko sa lupang pinaglibingan nila. Pinalibutan na rin nila ito ng asin at mga pangontra kontra sa mga nilalang na nagtatangkang nakawin ang katawan ng kanilang namayapang kapamilya.

Matapos maisagawa ang ritwal ng paglilibing ay nagsiuwian na rin ang mga nakiramay. Naiwan sa puntod ang grupo nila Milo para magbantay hanggang sa pagsapit ng dilim. Nang mapagtanto nilang wala na ang mga balbal sa paligid ay nilisan na rin nila ang lugar. Hiniling naman ni Milo sa gabay niyang tikbalang na bantayan ang lugar na iyon at abisuhan sila kapag may balbal na lumapit sa puntod.

次の章へ