webnovel

PROLOGUE

"Let!" tawag sa akin ni lola.

Ikot muna sa higaan.

Talukbong.

"Scarlet! Kakain na!" tawag ulit sa akin ni lola at kumatok na ito sa pinto.

Binuksan ang pinto, "Hindi ka ba kakain? Nandito na sa hapag kainan ang mga kapatid mo. Ikaw na lang hinihintay?" sabi sa akin ni lola at hinubad ko ang kumot ko na nakapalupot sa aking katawan.

"Kakain na, 'la. Susunod na ako," Tumayo na ako at umalis na si lola sa kwarto.

Monday na naman. Araw ng katamaran ko pumasok sa trabaho. Nakatira nga pala ako sa lola ko habang nasa hospital ang aking ina. Nasa coma ang aking ina mga tatlong taon na. Paano kami nakakabayad? Ako lang naman inaasahang kumita ng pera dahil mga kapatid ko pinapaaral ko rin. Napupunta lang ang pera sa billing ni ina sa hospital. Kailangan kong bayaran baka wala ipambayad sa oxygen ni ina. Oxygen na lang bumubuhay sa kanya.. Ang tatay ko naman, nilayasan kami dahil nabaon sa utang na ako mismo nagbabayad ng utang niya dati. Nagsusugal kasi tatay ko. Napupunta na lang sa alak at sugal kaysa pampagamot ni Ina sa hospital. Nagsimula magkagano'n ang tatay no'ng nasagasaan si Ina. Kasama ako sa nasagasaan pero hindi malala sitwasyon ko dahil nasa driver seat ako at ang Ina ay driver.

Kaya kinupkop kami ng mga kapatid ko kina Lola Everlyn.

Pumunta na ako sa hapag-kainan at umupo katabi si Irene.

"Si Ate ang tagal!" reklamo ni Kevin na bunsong kapatid ko. Grade 3 pa lang siya ngayong pasukan nila.

"Sorry ang tagal ni ate. Alam mo naman Monday. Kapag gutom ka na 'wag mo na akong hintayin." Sabi ko sa kanya at kumuha ako ng itlog at hotdog na niluto ni Lola.

"Sinabi ko na rin sa kanila kaso hinihintay ka talaga nila." Sabi ng lola ko.

"Gusto namin kumpleto tayo kahit wala si Inay." Sabi ni Irene at nakita kong tumango si Kevin.

"Grabe naman pagmamahal niyo sa akin. Napakasweet niyo. Ginanahan tuloy ako." Ngumiti ako sa kanila.

"Oo nga pala, dumating dito si Francis kanina." Sabi ng lola habang kumakain ng gulay.

"Naniningil na naman po ba?" sabi ni Tim na kapatid ko rin. Highschool na siya kapareho ni Irene.

"Oo, apo. Kailangan na bayaran ng kalahati ang utang dahil may panggagamitan siya."

"Ako na po bahala kay Francis, 'la." Sabi ko. Pwede naman mapakiusapan si Francis kaso depende sa mood nila ng mga kasama niya. Kapag kinakailangan, kailangan ko talaga ibigay ang pera sa kanila. Pero wala pa akong pera ipapambayad. Ginastos ko sa mga gamit sa school ng mga kapatid ko at sa tuition na rin.

"Sigurado ka apo? Mukhang kailangan niya talaga. Pwede naman ako umuta-" hindi ko pinatapos si lola na ayoko rin may nagsasabi na uutang sa mga kakilala niya. Masisira lang negosyo namin.

"Lola, walang uutang, okay?" sabi ko at nakitang bumuntong-hininga si lola.

"Ikaw bahala, Let. Basta kaya ko naman tumulong sa problema niyo." sabi ni lola.

" 'La, ayoko naman masira negosyo natin dahil lang sa uutang ka sa mga kaibigan mo. Kapag hindi mabayaran, saan tayo kukuha ng pera. O diba? Mapapaaway tayo nyan. Kaya maraming nasisiraan ng pagkakaibigan ang utang," pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Pwede naman muna tumigil sila sa pag-aaral," sabi ni lola. Nakita ko reaksyon ng mga kapatid ko na parang nagulat sila sa sinabi ni lola.

Hinawakan ko ang kamay ni Irene at Tim, "Balak ko sila ipatigil kung hindi ko na talaga kaya magpaaral pero hangga't may solusyon pa ko sa problema sa utang kay Francis, hindi ko muna sila ititigil sa pag-aaral," sabi ko habang nagpapaliwanag.

Tapos na ko kumain, "Mauna na ako. Mag-aayos pa ako," tumayo na ako, "Irene, ikaw na bahala sa mga kapatid mo pagpasok sa school," utos ko sa kanya at nag-okay siya.

Nag-ayos na ako ng sarili ko. Naligo at nagmake-up. Kailangan ko na rin makahanap nf trabaho ngayon araw. Umalis na ako. Sumakay ng jeep at pagkababa ko sa jeep nakita ko si Francis sa may kanto kasama ng mga tropa niya.

Sana hindi ako makita. Please!!

Dali-dali ako naglakad at kumuha ako ng pamaypay at tinago ko ang aking mukha.

"Scarlet!" tawag sa akin ni Francis. Alam ko ang boses niya kaya napatakbo ako.

Oo, tumakbo ako dahil solusyon ko sa problema ngayon magtago sa kanya. Wala pa talaga ako ipapambayad sa kanya kaya ito ang solusyon ko. Bahala na kapag nahuli ako pero hindi ako magpapahuli. Ako pa.

Dumeretso ako sa isang bus papuntang Pampanga.

Tama kayo. Hindi talaga ako pupunta sa Pampanga pero dito ako sasakay para hindi nila ako mahanap.

Dali-dali akong sumakay at tumabi ako sa babaeng naka-cap at earphones.

"Nasan na pre?" narinig kong sumakay ang tropa sa bus.

Kinalabit ko ang babae, "I need your help." sabi ko at nakita niya ang sitwasyon ko, "Hinahabol ako. Please help me." nagmamakaawa ko sa kanya.

"Ayun ata pre! Deretso ka pa." nakita na ata ako nila. 

Patay.

Hinawakan niya ang pisngi ko at nilapit. Hinalikan niya ako at nilipat niya ang cap niya sa akin.

"May naghahalikan don pre."

"Oo nga pre. Anuba! Hindi yan ang pinunta natin. Hindi naman pupunta ng pampanga yun e." Rinig kong sabi ni Francis.

Tuluyang umalis silang lahat na magtrotropa sa bus na sinasakyan ko.

Kumalas sa paghahalik sa akin ng babae at parang na-estatwa ako sa pwesto ko.

Hinalikan niya ako!!!!!

• • •

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the product of the author's imagination are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, and events is entirely coincidental.

ALL RIGHT RESERVED © 2024 by leavamarie

Like it? Add to Library!

Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @leavamarie

> twitter: @leavamarie

This story is also available on Wattpad!

leavamariecreators' thoughts
次の章へ