The continuation....
ANG NAKARAAN :
Nalaman na ni Alpia na ang kababata nina Theo at Tyler ay ang nawawalang Prinsesa nang Aydendril. Habang sina, Mia, Theo, Ian, Charlie, Jake, Jenna, Katalina At Raven. Pagkatapos masawi ni Margarita ay nagtungo na sila sa Palasyo ni Sitan Upang isara ang Lagusang nakabukas.
ANG KARUGTUNG :
" Di na ako sasama sainyo, mga kaibigan.. Kelangan kung sirain ang harang dito sa lugar ni sitan upang makapasok ang iba pang diwata. upang masaklolohan kayo.. " Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Maraming salamat sainyong Tulong mahal na diwata.." Sabi ni Theo.
" walang anuman yun, naway gabayan kayo ni Bathala.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at kasabay nang kanyang yuko agad syang naglaho.
" Akala ko ba, spoiled brat tung si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan?" sabi ni Jenna.
" Hindi naman sguro.. Mabuti pa mag tungo na tayo sa palasyo ni sitan may isasara pa tayong lagusan." Sabi ni Theo.
Ilang sandali pang pagpaglalakad, ay narating nila ang Bulwagan ng palasyo ni sitan.
"Nakakamangha... sobrang daming itim na kristalya.." Sabi ni Mia.
" Mag iingat kayo dahil, baka nandito lang sa paligid si sitan.." Sabi ni Katalina.at ginaya nya ang anyo ni Margarita.
" Sumunod kayo saakin.." Sabi ni Katalina. Habang papasok sila ay nakasalubong nila ang iilang itim na kawal sa loob nang palasyo.
" Saan kayo pupunta?" Tanong ng isang kawal.
" Mga bihag ko sila.. wag kang mangingialam!" Sigaw ni Jenna na nasa anyo ni Margarita.
"Imposible yang sinasabi mo.. Patay na si Diwatang Margarita isa kang impostor..!" Sigaw nang isang kawal. At sa isang pasilyo Lumabas si sitan.
" Akala nyo di ko nakita ang lahat ng mga nangyari?" sabi ni Sitan. At mabilisan nyang kinuha si Tyler. Sabay balik sa kanyang kinatatayuan kanina.
"Tyler... Bitiwan mo sya!" Sabi ni Jake sabay lapit kay Sitan.
" Sige lumapit ka. at Pupugutan ko nang leeg ang mahal mo.." Sabi ni Sitan at biglang humaba ang kanyang mga kuko. Sabay tapat sa leeg ni Tyler.
" Patayin nyo na sya mga kasama.. wag nyo akong iisipin.." Sabi ni Tyler.
" Tumahimik ka! Ewan ko ba kung anong meron kayong mga Adonis. bat ang tatapang nyo kahit matatalo na kayo." Sabi ni Sitan. Habang si Raven naman ay dahan dahang lumapit kay sitan.
" Pakawalan mo na sya ako nalang kunin mong hostage.." Sabi ni Raven.
" hmmmnn.. pag iisipan ko muna." Sabi ni sitan sabay tawa.
" nababaliw kana ba pare..?" Sabi ni Jake.
" Rave.. stay here.." Sabi ni Mia at inilabas nya ang malakas na boltahe sakanyang kamay.
" Kukuryentehen kita pag---" Di pa naman natapos ang sasabihin ni Mia. Agad sinakal ni Sitan si Raven.
" Halika dito dalaket.. Gusto mong magpakabayani." Sabi ni Sitan at ibinigay nya ito sakanyang mga kawal.
" Talian sya..." Sabi ni Sitan. Nang tinalian na si raven sa kamay agad syang nag palit anyo. Biglang may malaki at maitim na pakpak ang tumubo sa kanyang likud at inihagis nya ang mga itim na kawal gamit ang kanyang pakpak.Kasabay ding tumalapon si Sitan.
" Ate kat ngayon na..." Sabi ni Raven. At dali dali namang kinuha ni Katalina Si Tyler.
" Halika nga dito bata ka..." Sabi ni Katalina.
" Theo ang harang..." Sabi ni Jenna.
" Opo.." sagot ni theo at may Dambuhalang halimaw na gawa sa tubig ang umatake sa mga kawal ni sitan.
"Papano mo na kontrol ang berberoka? Tanong ni Sitan.
" Secret..ngayon berberoka Tapusin sya.." Sabi ni theo habang sina Charlie at Ian naman ay ginawang yelo ang berberokang alagad ni Theo upang mas may lakas itong sumira nang mga bagay.
" Salamat sainyong dalawa.." Pasasalamat ni Jenna kina Ian at Charlie.
" Nagyon ako naman dito na magtatapos ang kabaliwan mo sitan.." Sabi ni Jenna. At kinuha nyang muli ang kanyang libro.
" libro nang liwanag dinggin ang aking panawagan.. Ibigay sa akin ang mga sinaunang sandata.." Sabi ni Jenna, ngunit di man lang tumugon o nag liwanag ang kanyang libro.
" anong nangyayari ate jen?" tanong ni Raven.
" hindi ko alam.. " sabi ni Jenna. takang taka sya dahil sa unang pagkakataon hindi sumunod sakanya ang kanyang libro.
" Anong nangyayari?" Sabi ni Katalina.
" Hindi sya totoo.. parang Ilusyon lang ang sitan na kinalaban natin. tingnan mo kahit anong suntok nang berberoka. tumatagos lang sya.." Sabi ni Ian.
" Oo nga.. Kaya pala di sumusunod saakin ang libro. dahil Hindi nya nararamdaman ang Presensya ng Kalaban." Sabi ni Jenna. habang palapit kay Sitan.
" Papano mo nahawakan si tyler? at papano ka tumilapon nung ipinagaspas ni Raven ang kanyang mga Pakpak. " Tanong ni Jenna.
" Dahil sa mahika Duhrling.. Magic!" Sabi ni Sitan.
" Hindi nyo nako makikita dahil wala naman talaga ako dito sa Palasyo.." Sabi ni Sitan.
" talaga? eh sino yung nagsasalita sa kwartong yun?" Sabi ni Katalina sabay turo sa isang kwarto na may babaeng nakatayo at gumagamit nang mahiwagang salamin.
" Baka tatakas palang sya..." Sabi ni Theo.
" Bwahaha ilusyon din yan. "Sabi ni Sitan agad syang naglaho. kasabay nang kanyang paglaho, agad nagsara ang pintuan kung saan nakatayo si Sitan.
"Wag nyo syang hayaang makatakas.." Sabi ni Jake.
" Berberoka tapos ang mga kawal.."Utos ni Theo sa kanyang alagad na berberoka. Sinunandan nila si Sitan sa Isang silid. ngunit nang pagpasok nila. Nakita nila ang kanilang mga sariling Repleksyon.
" Kamusta? " Sabi ng Kamukha ni Jenna.
" Hindi maari. papano nakabalik ang mahiwagang silid na ito. sa pagkakaalam ko na sira na ito ni Reyna Alpia." Sabi ni Mia. At isa-isang nagsilabasan ang mga kamukha nila.
"Hi Tyler, balita ko mahal mo pa din si Raven. Its just pinipigilan mo lang dahil kay jake. " Sabi nang kamukha ni tyler.
" Wag kang maniwala Pare, nililinlang lang tayo nang mga yan. " Sabi ni raven.
" Oh, bakit hindi ba totoo.. Alam mo sa sarili mo, na may gusto ka padin sa lalaking yan. Ako at ikaw ay iisa. kaya alam ko ang nararamdaman mo. " Sabi nang kamukha ni Raven.
" Magnatali kayong kalmado, dahil kapag nakakuha sila nang negatibong enerhiya saatin. tayo ang mawawala sa silid at sila ang lalabas. " babala ni Mia.
"Tama si Mia kaya wag kayong magpapadala sainyung emosyon.." Sabi ni Raven.
" Magtiwala kayo sakanila dahil. sila ang may alam sa silid na ito. " Sabi ni Jenna.
" Nagkita tayong muli Jenna.. May sasabihin akong malaking sekreto. Tungkol sa kanyang first Love. Alam nyo bang, nagkagusto din sya dati sayo Theo.. At yun lang naunahan sya nang pinsan nya." Sabi ng kamukha ni Jenna.
' Inaamin ko, Noon pero ngayon. hindi na. dahil mas nangibabaw ang pagiging Ate ko sa kanila. " Sabi ni Jenna at unti-unting nalusaw ang kanyang kamukha.
" hindi maari. Hinddddiiiiiii!!!!" Sabi ng kamukha ni Jenna.
" Ang tanging susi nang kwarto na ito ay ang katotohanan. ito pala yung sabi sa Lumang libro nang mga dalaket. Kapag nasabi ka nang katotohanan..." Di pa natapos ang sasabihin ni Mia ay sumingit na si Katalina.
" Katotohanan ang magpapalaya sa bayaaannn!!!" Sigaw ni Katalina.
" Ate kat, diba tagline yan nang Gma news ? " Sabi ni Tyler.
" Oo nga no.. sorry!" Sabi ni Katalina.
"Ikaw naman Katalina. Nung nakilala nyo si Raven nagkaroon ka din ng something sa kanya..." Sabi nang kamukha nya.
" Anong something ka dyan. may anak na kami ni theo. Di ko aaminin yan. dahil hindi totoo." Sabi ni Katalina at ang kamukha nya ay bigla nalang naglaho.
" Bakit di sila gumagamit nang kapangyarihan ngayon?" Tanong ni Jenna.
" Dahil hindi tayo gumagamit nang anumang salamangka" Sabi ni Mia.
" Wag nyo nang pansinin.. mawawala din sila." Dagdag na sabi ni Raven.
Ilang sandali pa ay, nagbukas ang isang pintuan. Nang makalabas sila. Nakita nilang hawak ni Sitan si Alpia.
" Sige lumapit kayo at tutuluyan ko ang reyna nang Dalaket. " Sabi ni Sitan.
"Wag nyo akong aalahanin.. isara nyo na ang lagusan. " Sabi ni Alpia.
Ilang sandali pa ay biglang nakaramdam nang pagkahilo At naitulak nya si Alpia.
" Anong ginagawa nyo..." Sigaw ni Sitan habang umiikot ang kanyang paningin. Hanggang sa mawalan sya nang malay.
Nang magising na si Sitan.
" Mabuti at nandito na kayo.. " Sabi ni Alice.
" Ha.. nandito nga kami." Sabi ni Jenna.
" Ako si Alice, ito na ang hinihintay kung oras. Sabi ni Faith kapag nakita ko kayo. kelangan kung humingi nang tulong sa inyo. " Sabi ni Alice.
" Kung ganun, may chansa pang mabawi ang katawan mo. katulad nang unang sinaniban ni Sitan. " Sabi ni Katalina.
" Kung ganun.. tutulungan ka namin.." Sabi ni Theo.
" Oo nga asahan mo ang tulong namin alice. "Dagdag na sabi ni Tyler.
" Sandali kelangan nyo akong talian dahil. nararamdaman ko syang gagamitin nya ulit ang katawan ko." Sabi Alice at ilang sandali pa ay nahimatay si alice. Habang si Mia naman ay tinalian na nya si Alice gamit ang Kidlat na tali.
" Bilis dito na kayo.. Nararamdaman kung si sitan na yan.." Sabi ni Jenna.
Ilang sandali pa ay nagising na si Sitan.
" Bakit ba ako nahihilo.. buntis ba ang babaeng to?" Sabi ni Sitan. At gulat nalang sya dahil nakagapos na sya.
" Nagpapatawa ba kayo.? Ito din ang ginamit nyong pantali kay Margarita kanina.. so makakatakas pa din ako." Sabi ni Sitan.
" Subukan mo lang!" Sabi ni Mia at mas hinigpita pa nya ang pagtali kahit di nya hawak ang kidlat na tali nararamdaman ni sitan na biglang mas humigpit pa ang pagkakatali sakanya.
"Ngayon na.. tanggalin na sya sa katawang yan." Sabi ni Jenna.
" Ano to ? mag eexorcist ba tayo?" Tanong ni Raven.
" Papano mo alam yan?" Tanong ni tyler.
" Dahil nga nakatira na sila dito sa ating mundo marami na silang alam sa ganyan. " Paliwanag naman ni Jenna.
At sinimulan na nilang paalisin sa katawan ni alice si Sitan. Mas hinigpitan pa ni Mia ang pagkakatali sa mga kamay at paa ni Alice upang di makawala si Alice/Sitan kung sakaling magwala ito.
Ngunit sa unang tangka palang nila ay nahirapan na sila.
" Hindi nyo ako mapapaalis sa katawang ito.. mga baliw hahahha!" sabi ni sitan.
" Alice, kung naririnig mo kami.. Labanan mo si sitan. ikaw ang nagmamay-ari nang katawan mo. hindi si sitan." Sabi ni Jenna.
Habang si Mia naman ay nahihirapan na sa pagpigil kay Sitan.Hanggang sa makita sya ni sitan. At sumigaw nang napakalakas si Sitan. Isang napakalakas na Pwersa ang lumabas sa katawan ni Alice at lahat sila tumilapon sa ibat ibang bahagi nang palasyo. Sa pagkakataong yun ay nawala na ang mahiwagang Kidlat na tali na nakagapos kay Sitan.
" Inuutusan ko ang itim na hangin sa aking palasyo, Kunin ang kanilang hininga..At ang sumpa nang Anim na demonyo sa impyerno dinggin ang aking kahilingan... " Sabi ni Sitan kasabay nyan ay Naging itim ang mga mata ni Alice.
Habang sina Jenna, Katalina, Jake, tyler, Ian at Charlie nakaramdam sila nang kakaiba.
" Bakit di ako makahinga.." Sabi ni Jenna.
" Ako rin.Pa-parang naninikip ang dibdib ko..! " Sabi ni Katalina. habang sina Theo at Tyler naman ay nawalan na nang malay.
Samantala sina Alpia, Raven, At Mia naman ay naging isang maitim na Ibon.
" Tingnan natin kung makakalaban pa kayo Bwahahaa. Ang mga tagalipong polpol ay nawalan na nang mga malay. at ang mga dalaket na sabit lamang ay naging mga uwak na. Ngayon tingnan natin kung makakalaban pa kayo. Minaliit nyo ang Dyosa nang Kadiliman. " Sabi ni Sitan.
Kitang kita naman iyon ni Jessel di kalayuan sa pinagtataguan nya.
" Naloko na mukhang matatalo pa kami.." Sabi ni jessel.
" Tama nga ang hinala ni Reyna alpia, kung sumama pa ako sakanila Malamang di ako nawalan nang malay. baka naging Ipis ako. Kadiri!" Sabi ni Jessel.
" Ngunit bago paman nahuli ni Sitan si Reyna alpia nakakabit na ang mahiwagang Sinulid sa paligid nang palasyo kelangan ko muna silang tulungan.. " Sabi ni Jessel.
Abangan ang Karugtung mga mahal, sorry kung minsan lang ako mag update. Kapit lang mga mahal.