webnovel

CHAPTER 64

 TRAHEDYA SA KANLAON PART1

PREVIOUSLY.....

Itinakas ni Jenna si Mang Gaspar upang maging Ligtas ito sa piling ng mga diwata habang sina Katalina, at Susmihta naman ay, Pilit nilang ginigising sina Theo at Tyler. Sa tulong naman ni Mia ay nagtagumpayan nyang magising ang magkapatid at mailayo ang dalawa sa kapahamakan. Ngunit nagtampo ito ng ilang malalalim na sugat sa Katawan. At isang salita ang bumabagabang kay Mia nang magising ito. Ang sinabi ng batibat sakanya, Tungkol sa kanyang muling pagkabuhay.

" Hindi moko mapapatay... " Sabi ni Mia. habang nakatutok sakanya ang punyal.

" HAHAHAHHA! pinapatawa moko dating engkanto..." sabi ng batibat.

" anong ibig mong sabihin?" Gulat na sabi ni Tyler.

" Ang mga Engkanto na nabuhay muli gamit ang bulaklak ng mga diwata ay magiging,...." Salaysay ng batibat sakanya.

" Ay magiging ano? pano mo nalaman na muli akong nabuhay...?" Sabi ni Mia.

At dahil sa tulong ni Alpia, nagising muli si Mia... napagdesisyunan ng grupo na magtungo sa bahay ng mga adonis.

" Doon muna tayo sa bahay namin.. may engkantasyon akong iniwan doon.. " Sabi ni Theo.

RIGHT NOW.....

Muli ay namasdan nanaman ni Jenna ang kagandahan ng Bundok Yayaisa. Punong-Puno ito ng makukulay na bulaklak at malalagong halaman sa paligid.

" Nandito na tayo Mang Gaspar.." Sabi ni Jenna. sa Unang pagkakataon nasaksihan ng mag ama ang kagandahan ng paligid.

" Ama kay ganda ng tanawin dito.. mga bulaklak ang gaganda nila.!" Sabi ni helena.

" Oo nga tila isang paraiso.. Sya nga pala Jenna.. ito na ba ang Kanlaon na sinasabi mo?" Tanong ni Mang Gaspar habang manghang-mangha sa kanyang nakikitang ganda sa paligid.

" Hindi pa po.. dahil ang Kanlaon ay nasa ibang mundo ito. At doon tayo mag tutungo upang makapasok ng kanlaon. " Salaysay ni Jenna habang nakaturo sa isang maliit na kubo katabi ng Ilog.

" Ngunit bakit wala ang Sarangay at Agitay na nagbabantay sa Lagusan..?" Pagtatakang sabi ni Jenna at inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid. Ngunit wala syang anumang nakita.

" Agitay at Sarangay? sila ba ang bantay dito?" Tanong ni Mang Gaspar.

"Oo mang gaspar ngunit bakit wala sila.. di ko rin sila maramdaman ang kanilang mga Espiritu!" Sabi ni Jenna. Inilibot muli ni Jenna ang kanyang mga mata sa paligid. Ngunit bigo syang mahanap ang mga nagbabantay sa LAGUSAN patungong Kanlaon. Ilang Sandali pa ay, Sumigaw si helena.

" Maaaayyy HHHHHAAAAALLLLIIIIMMMMMAAAAAWWWWWW!!!!!! " Sigaw ng bata sabay turo sa isang nakahood ng maitim at walang mukha.

" Kilala ko ang nilalang nayan..!" sabi ni Jenna.

" Isa rin ba sya sa mga nagbabantay?" tanong ni Mang Gaspar.

" hindi! sila ang mga kawal ng kadiliman... " Sagot ni Jenna. Agad nyang hinarap ang nakaitim na nilalang.

" Nasaan Ang mga taga bantay?" Galit na sabi ni Jenna habang ang itim na nilalang ay patungo sa kanilang kinatatayuan. Agad naman nyang kinuha ang Libro nya.

" Libro ng Liwanag...

Pahina moi ilahad...

ibigay saakin ang Espada ng Liwanag " Sambit ni Jenna, kasabay nyan ay nag bukas ang mga pahina ng mahiwagang libro. napakaliwanag ng bawat pahina kung makikita mo ito.

" Ama.. kamangha-mangha ang libro.. " Sabi ni helena habang isa isang nagsisilabasan ang mga pahina nito at unti-unting naging isang napakatulis na punyal.

" Yan ang kapangyarihan ng Libro ng liwanag anak.. lahat nang nanaisin mo ay maibibigay ng libro." Dagdag na sabi ni Mang gaspar habang tinatakpan nya ang kanyang mukha sa sobrang liwanag. Nang mahawakan na ito ni Jenna ang Espada ng Liwanag. Itinutuk nya ito sa itim na nilalang.

" Nasaan ang mga taga bantay.." Sabi ni Jenna.

" Ama nag bago din ang kasoutan ni Ate Jenna. " Sabi ulit ni helena.

"Oo, halika dito tayo sa puno at baka madamay tayo." Sabi ni Mang Gaspar at nagtungo sila sa isang puno upang mag tago. Samantala nag simula ang labanan nila Jenna at nang itim na nilalang.

" Wala na ang mga taga bantay bwahahahhahah!!! " Sagot ng itim na nilalang na nakakapangilabot ang tawa nito.

" Lapastangan! " Sigaw ni Jenna at sinusubukan nyang patamaan ang maitim na nilalang gamit ang kanyang Espada. ngunit magaling itong Umilag sa kanyang mga atake.

"Kung ganun... anong ginagawa mo dito? " Tanong Ulit ni Jenna. at Umatake nanaman sya sa itim na nilalang. ngunit sandyang magaling talaga umilag ang maitim na nilalang.

" Talo na kayo mga hunghang! " sabi ng isang malaking boses na nang-gagaling sa loob nang Kubo. At napatigilan sila sakanilang paglalaban nang makita ni Jenna na Hawak ng isa pang maitim na nilalang ang dalawang taga bantay ng Lagusan.

" Sara? ( ngalan ng Anggitay na nag babantay sa lagusan. ) " Gulat na sabi ni Jenna.

Ang Anggitay, ay isang nilalang na may pang-itaas na katawan ng isang babaeng tao at ng isang kabayo mula sa balakang paibaba. Sila ang katambal sa Pilipinas ng Kentaurides, ang babaeng sentauro. Pinaniniwalaan din sila bilang babaeng katapat ng Tikbalang. Pinaniniwalaang pangkaraniwang lumilitaw ang Anggitay kapag umuulan bagaman ang kalangitan ay maaliwalas.

" Jenna... Umalis na kayo dito! di na Ligtas dito...!!" Sigaw ng Anggitay.

" Wla kayong Awa! Pakawalan nyo si Sara!" Sigaw ni Jenna. Ngunit di naman ito pinansin ng isa pang nakaitim na nilalang ay bagkus. mas ibinaon pa nya lalo ang nakatutok na punyal sa leeg ng kawawang Anggitay.

Bumubulwak ang masaganang katas na kulay pula galing sa leeg ng Anggitay. At tumatawa naman ang dalawang maitim na nilalang.

" Mga Lapastangan!!! Hindi kayo nilalang ng Liwanag bakit kayo pumatay at nandito sa sagradong lugar nato!" Sigaw ni Jenna. At biglang Lumakas ang Ihip ng Hangin sa Paligid. at pagdumampi ito sa dalawang itim na nilalang.

"bakit kakaiba ang hangin na ito ama?" Sabi ni helena.

" Ito ang kakayahan nang pinunong Babaylan.. at Isang karanggalan ng katulad nating mga

Albularyo na makita ang mga kaganapang ito.." Natutuwang sabi ni Mang Gaspar.

" Libro ng Liwanag...

Pahina moy Ibunyag.. " Bigkas ulit ni Jenna nang biglang may dalawang espada ang tumagos sa katawan ng dalawang itim na nilalang. At agad itong naging abo.

"Huminahon ka Jenna..." Sabi ng isang Boses na pamliyar sakanya.

" Sara? " Gulat na sabi ni Jenna nang makita nyang wala na ang anggitay na kanina ay nanghihina dahil sa sugat. Ang nakita nya ay isang napakagandang Babae. Kasama naman nya ang isang lalaki.

" Ako nga.. " Sagot ni Anggitay.

" Papano nangyari yun?" tanong ni Jenna.

" Isa sa aming katangian yun... na mag palit nang anyo pagnasa panganib. At ito pala si Andy. ang sarangay na kasama ko. naalala mo?" Sabi ng anggitay. at tiningnan naman ni Jenna ang kaliwang tenga ng lalaki na may isang kulay pulang hikaw.

Sarangay, is a creature resembling a bull with a huge muscular body and a jewel attached to its ears.

"Oo nga... Kayo nga iyan.! " Sabi ni Jenna sabay yakap sa Dalawa.

"Teka Jenna ano ang ginagawa nyo dito. Delikado na ang Bundok Yayaisa..." Sabi ni Andy.

"May mga kasama ako... " Sabi ni Jenna at ipinakilala nya ang mag ama.

"Ito sina Mang Gaspar at ang anak nyang si Helena. " pakilala ni Jenna sa dalawa.

" Jenna hindi na ligtas dito sa ating bundok. nasakop ito ni Sitan, kasama nya ang dating gabay diwata. " Sabi ni Sara.

" Ha? papanong nangyari yun?" Gulat na Gulat si jenna sakanyang narinig na balita.

" hindi tayu pwdeng mag usap dito. at baka makita tayo.. " Sabi ni Andy. ( Sarangay )

"Halikayo sumama kayo saakin.." Sabi ni Sara. Habang nasa daan sila. Ikinuwento ni Sara ang paglusob ng mga kampon ni Sitan.

" Dumating isang araw ang Apat na gabay diwata sa bundok yayaisa. Inakala naming kakampi pa sila ng mga diwata pero nagulat nalamang kami nang biglang sumulpot si Sitan kasama nila. " Sabi ni Sara. 

TO BE CONTINUE...

次の章へ